CHAPTER FOUR
Nakakalat sa kama ni Amber ang mga camping gears na gagamitin niya sa pag-akyat ng bundok. Kahit ayaw ni Jet na payagan siya, wala din itong nagawa at napilitan din na ipakilala siya sa mga kakilala nitong mountaineers. Hindi kasi niya ito tinigilan ng kakokonsensiya sa lahat ng mga naitulong at pabor na ginawa niya dito.
Kumpleto ang mga gamit niya. Mula sa mountaineering boots, tent, ropes at iba pang mountaineering essentials. First time niya itong sasama na umakyat talaga ng bundok. Dati kasi, panay plano lang siya pero hindi naman natutuloy. Ayaw naman kasi talaga niya sa bundok. Mas gusto pa niyang maghanap na lang ng mga kakaibang nilalang sa siyudad kaysa makisalamuha sa mga ligaw na damo sa ituktok ng bundok.
"You are crazy."
Hindi niya pinansin si Xavi na pumasok sa kuwarto niya. Ipinagpatuloy lang niya ang pagsaksak ng mga gamit sa dadalhin niyang bag.
"And pinayagan ka ni Tito Uly?" Halata sa boses ni Xavi na hindi makapaniwala na ginawa iyon ng daddy niya.
"This is my last gig. He made me promise that when I come back, I'll work in the hospital as a nurse," pinanlakihan pa niya ng mata si Xavi.
"And pumayag ka? You hate hospitals." Tonong paalala nito.
"But this is my chance to see him. Hindi ko na papalampasin ang pagkakataong ito." Isinara niya ang zipper ng malaking bag at sinubukang buhatin kung kakayanin na niya. Mabigat pero makakaya naman.
"Amber, do you think you're doing a logical thing? You don't even know that, that guy really exist. Puwedeng huwag ka na lang tumuloy?"
Huminto siya at humarap kay Xavi tapos ay humalik sa pisngi ng kaibigan.
"Magiging okay lang ako. New adventure 'to. Hindi ka na ba nasanay sa akin? Ilang beses na ba akong nang-hunting ng engkanto? Kapag mga kakaibang entity ang hinahanp ko sasabihin nababaliw ako. Tapos ngayong totoong tao ang hahanapin ko, nababaliw pa rin ako. Saan na ba ako lulugar?" Natatawang sagot niya at ipinagpatuloy ang pag-aayos ng mga gamit.
Napabuga ng hangin si Xavi at pabagsak na naupo sa kama niya.
"Hindi ka nga sigurado kung totoo ang sinasabi ng baliw na Venci na iyon. Paano kung gawa-gawa niya lang 'yan? Isa pa, hindi mo kilala ang mga kasama mo."
"Relax. Ano ka ba? Kasama ko si Jet. Hindi naman ako matitiis noon. Three days lang kami. Hindi naman kataasan ang bundok so makakauwi din ako agad." Napatingin siya sa bintana ng may marinig na bumusina. Excited niyang binitbit ang mga gamit at nagmamadaling lumabas ng bahay. Naroon ang van na sasakyan nila sa biyahe.
"Are you sure you're really doing this?" Seryoso pa rin si Jet. "Last chance to back out."
Umiling siya at binuksan ang pinto sa likod ng van at inilagay ang malaki niyang bag tapos ay isinara ang pinto.
Napailing si Jet at napabuga ng hangin tapos ay sumakay na sa van.
"Be safe, okay?" Paalala ni Xavi sa kanya.
Tumango siya at muling humalik sa pisngi nito. "I will see you after three days." Kumaway siya uli sa kaibigan bago tuluyang sumakay sa van sa umalis iyon.
Hindi niya maipaliwanag ang kabog ng dibdib niya dahil sa excitement. Sa harap nakaupo si Jet katabi ang driver. Sa likod ay katabi niya ang dalawang lalaki at isang babae. Ipinakilala ito sa kanya ni Jet na si Bowie at ang magkasintahang si Ava at Evan.
"First time to hike?" Nakilala niyang si Bowie ang nakipag-usap sa kanya. Busy kasi sa paglalandian ang couple na kasama nila.
Tumango siya at tumingin sa labas ng bintana. Kagabi ay hindi na talaga siya nakatulog sa sobrang excitement. Paulit-ulit niyang binabasa ang chapter tungkol kay Bathalang Dimakulu ang tungkol sa Tribu Dasan. Sa isinulat ni Venci, aggressive ang miyembro ng tribo. Ayaw nilang may makakapasok na ibang tao sa tribo nila. Bawat magtangka, kamatayan agad ang nakukuha. Si Venci na ang pinakamasuwerte dahil nakapasok siya, narananasan niyang tumira at nakausap pa niya si Bathala.
Napabuga siya ng hangin. Parang ngayon niya gusto magsisi dito sa naisip niyang gawin. Parang naririnig na niya ang boses ni Xavi na kinakantiyawan siya dahil sablay ang plano niya. Paano nga kung hindi naman pala totoong nag-i-exist ang lugar na iyon? Paano nga kung nasa ulo lang iyon lahat ni Venci at kathang-isip lang talaga? Si Bathalang Dimakulu ay nasa isip lang ng isang taong masyadong malikot ang imahinasyon.
Pero nakita niya kay Venci na nagsasabi ito ng totoo. Naramdaman niyang sigurado ito sa mga isinulat kaya iyon ang panghahawakan niya. Makikilala niya si Bathala.
Napapiksi siya ng maramdamang bumagsak sa hita niya ang kamay ni Bowie. Gulat siyang napatingin dito at nakita niyang nakangisi ito sa kanya. Mabilis siyang umurong palayo dito at sinamaan ito ng tingin.
"Sorry. Nagkamali lang ng bagsak ang kamay ko." Hindi maalis ang ngisi sa mukha nito
Inirapan lang niya ito at talagang lumayo. Bakit ba ang prone niya sa kasamang manyakis? Sa bawat escapade na kasama niya si Jet, hindi puwedeng wala silang kasama na mamanyak sa kanya. Kailangan niyang umiwas sa Bowie na ito dahil sigurado siyang hindi doon matatapos ang pantatsansing nito.
Mahigit tatlong oras na nagbiyahe ang grupo ni Amber bago narating ang Sitio Dampay. Doon ay sinalubong na sila ng guide na si Berting. Pinapunta muna sila sa Barangay para makapag-log, magbayad ng mga fees na dapat bayaran, i-ready ang mga gamit para sa dayhike.
Nag-umpisa na silang maglakad paakyat ng bundok. Nauuna sa paglalakad si Jet kasama si Berting, sa likod ay ang magkasintahan na sina Ava at Evan, tapos si Bowie at siya. Ayaw talaga niyang sumabay. Tinitingnan niya ang paligid kung naroon ang mga bagay na sinasabi ni Venci.
Nabasa niya na paakyat sa bundok ng Tapulao ay talagang mahirap. Puro batuhan ang dinadaanan nila. Kokonti ang mga puno at mga halaman. Mabuti na nga lang at paputok pa lang ang bukang-liwayway kaya sabi ni Berting, kung abutin man sila ng tanghali ay naroon na sila sa magubat na parte ng bundok at hindi na mainit.
Naipagpasalamat naman niya na hindi naman siya inistorbo ni Bowie. Abala lang din ito sa pagkuha ng mga litrato sa paligid. Nakakapagod pala ang ganito pero sa tuwing maiisip niya si Bathala, nawawala ang pagod niya.
"Tribo. May mga tribo pa ba na nandito sa gubat? Dito sa bundok?"
Si Jet ang narinig niyang nagtatanong kay Berting habang papunta sila sa campsite. Bunkhouse daw ang tawag. Iyon ang narinig niya kay Berting.
Mabilis siyang humabol sa paglalakad ni Jet at pumuwesto sa likuran nito. Dumating na sila sa bunkhouse at sabi ni Berting puwede silang mag-camp dito at mananghalian muna. Pagkakain ay nagtambay-tambay muna sila doon. Mamaya na daw uli mag-trek papunta mismo sa summit.
"'Yung tungkol sa mga tribo, may mga naririnig akong kuwento tungkol sa mga uncontacted people pero hindi ako naniniwala. Kasi tumanda na ako ng ganito wala naman akong nakita na mga ganoong tao. Tingin ko, kuwentong barbero lang iyon." Isinalansan ni Berting ang mga dalang gamit sa harap namin.
Tumingin ng makahulugan sa kany si Jet na parang sinasabing makinig siya sa sinasabi ni Berting.
"'Yung bundok Tibuklu. Saan iyon?" Sabat ni Amber.
"Tibuklu? Naririnig ko na 'yan pero hindi naming napupuntahan. Twenty years na akong pabalik-balik sa bundok na ito pero hindi ko pa nakita ang bundok na sinasabi mo. Tingin ko kuwento lang ng mga sabog na mountaineers 'yun. Alam mo na. Kapag nasa summit na, wala ng humpay sa pagma-marijuana." Natawa pa si Berting ng sabihin iyon.
"Kung ano-ano nang nakikita kapag mga sabog na. May babaeng nakaputi, may kapre, may tikbalang. Mga ulol. Hindi nila alam mga utak lang nila ang naglalaro sa kanila noon." Dugtong pa ng tour guide.
Hindi tumawa si Jet. Alam niyang hindi kumporme si Jet sa sinabi ni Berting. Kung may tao siyang kilala na naniniwala sa supernatural, si Jet iyon.
"Totoo ang mga white lady. Totoo ang mga manananggal. Totoo ang mga tikbalang," seryosong sabi ni Jet. Sigurado siyang mag-uumpisa na itong makipagtalo kung iyon ang pag-uusapan.
"Okay. Tara. Kain tayo." Si Amber na ang pumutol sa nagbabadyang pagtatalo.
Pasado alas kuwatro na nang mag-umpisa uli silang mag-hike. Sige sila lakad pa. Pumapasok na sila sa forest area ng bundok. Hindi maiwasan ni Amber na mapanganga sa virgin forest na nakikita niya. Magaganda ang mga wild plants and flowers sa paligid. Ang mga bundok ay halatang daang taon na ang tanda. Matatayog. Mainit ang pinanggalingan nila pero sa lugar na ito, napaka-presko ng pakiramdam. Nakaka-enganyo pagmasdan ang kapaligiran.
"Ang ganda 'no?"
Nagulat si Amber sa biglang nagsalita sa likuran ng tenga niya kaya mabilis siyang lumayo sa gumawa noon. Si Bowie ang nakita niyang nakangisi na naman sa kanya.
"Puwede ba layuan mo ako." Inis na sabi niya sa lalaki at naglakad siya palayo dito. Tumingin siya sa paligid at nakita niyang dalawa lang sila ni Bowie sa lugar na iyon. Napapaligiran sila ng mga puno at mga ligaw na halaman.
"Ayaw mo ba? Dalawa lang tayo dito. Nakaka-enganyo ang mga huni ng ibon. Romantic ang kapaligiran." Sabi pa ni Bowie at nagtangkang lumapit sa kanya.
Mahinang napamura si Amber. Nasaan na ba si Jet? Bakit bigla na lang siyang nawala sa sa grupo at napasama sa lalaking ito?
"Please, Bowie. Bumalik na tayo sa grupo," sabi niya at nagsimulang maglakad palayo sa lalaki. Pero hindi niya alam kung saan pupunta. Bawat tingnan niya ay iisa ang kanyang nakikita. Berdeng kapaligiran at makulay na mga bulaklak at halaman.
"Halika na. Huwag ka ng pakipot." Mabilis na lumapit sa kanya si Bowie at sapilitan siyang hinahalikan. Malakas niyang itinulak ang lalaki at nagtatakbo palayo dito. Hanggang sa hindi niya namalayan na sa harapan niya ay isang malalim na bangin at tuloy-tuloy siyang bumulusok pababa.
Ang lakas ng sigaw ni Amber. Ramdam niya ang matatalim na mga bato sa katawan niya. Pinipilit niyang makakapit sa mga ugat na nakausli na nakita niya. Hindi niya alam kung saan siya dadalhin pagbagsak niya sa baba.
Malamig na tubig ang binagsakan niya. Napasinghap siya nang makaahon at mabilis na tinungo ang pampang. Kahit mabigat ang camping bag na nasa likod niya ay pinilit niyang makapunta sa lupa. Hindi siya handang mamatay dito.
Humihingal, takot na takot at umiiyak na napaupo siya sa pampang ng ilog. Tumingin siya sa paligid at wala siyang makita kundi ang malawak na anyong tubig. Mga halaman at mga puno. Kung sa ibang pagkakataon ay mamahalin niya ang lugar na ito dahil para itong paraiso. Pero sa pagkakataong ito, tingin niya ay magiging libingan na niya ito dahil hindi niya alam kung paano makakaalis sa lugar na ito.
Sobrang lamig. Iyon ang kanyang nararamdaman. Nanginginig agad ang kanyang katawan. Malamig sa bundok at napakalamig din ng tubig na kanyang binagsakan. Nanginginig ang mga kamay na kinuha niya ang kanyang telepono sa bag. Sinubukan niyang buksan pero wala na. Ayaw ng mag-on. Lalong napaiyak si Amber. Muling siyang nagpalinga-linga dahil madilim na ang paligid.
Hindi siya natatakot makakita ng mga babaeng nakaputi, o tikbalang o kapre. Mas natatakot siya sa mababangis na mga hayop na maaaring nasa gubat. Mga makakamandag na ahas na maaaring manuklaw sa kanya. Ang malamig na gabi na maaring ikamatay niya.
Umiiyak na hinubad ni Amber ang suot na damit. Magpapalit na lang siya. Pero naalala niya, basa nga din pala ang mga damit niya sa camping bag niyang dala.
Sa isip niya ay sinisisi niya si Bowie. Dahil sa manyakis na iyon kaya siya nasa ganitong sitwasyon. Ang gusto lang naman niya ay makita si Bathala Dimakulu pero bakit ganito ang kamalasang nangyari sa kanya?
Inis niyang isinuot uli ang kanyang t-shirt. Isusuot na lang niya ang kanyang shorts nang may maramdaman siyang parang tumutusok sa leeg niya. Inis niyang pinalis iyon dahil baka lamok lang. Kahit alam niyang hindi endemic ang malaria sa lugar na ito, mahirap pa rin ang magpakasiguro. Kinuha niya ang OFF lotion na nasa bag at nagsimulang ipahid sa katawan.
Muli niyang naramdaman ang matulis na bagay sa leeg niya at ganoon uli ang kanyang ginawa. Pero ngayon, ramdam na niyang marami na ang parang nakatusok sa likod niya kaya inis siyang lumingon.
Muntik na siyang himatayin sa tumambad sa kanya.
Apat na mga taong gubat at puno ng tattoos ang mga mukha at may mga hawak na sibat ang naroon at lahat ng tulis ng mga sibat ng mga ito ay nakatutok sa kanya.
Isang maling galaw niya, sigurado siyang magiging porkchop siya sa mga ito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top