CHAPTER FORTY-THREE
"Pain makes you stronger, fear makes you braver, heartbreak makes you wiser." - Unknown
"So, you've decided to stay here? For good ka na dito? Hindi ka na babalik ng New York?"
Tumango siya kay Xavi. "Nag-usap na kami ni dad. Dito na kami ng anak ko. Mahirap din magtrabaho sa Amerika. Two years was exhausting living alone there. Saka mapapabayaan ko lang doon si Arrow. Hindi naman all the time nandoon si mommy."
Kinuha niya ang mga dala nitong paper bags at binuksan. Napa-wow siya dahil may bucket ng Jollibee fried chicken doon saka French fries.
"Oh my god, Xavi! Thank you! Na-miss ko 'to!" Yumakap pa siya sa kaibigan at naupo tapos ay dumukot ng isang hita ng manok sa bucket at pinangas. Napapapikit pa siya habang isinawsaw iyon sa gravy tapos ay talagang ninanamnam ang kinakain. "This taste like heaven."
"Parang walang Jollibee sa Amerika." Natatawa ang kaibigan sa kanya at napapailing.
"Iba ang lasa ng Jollibee doon kesa dito. Mas masarap 'yung dito. Feels like home." Muli siyang kumagat sa hawak na chicken tapos ay hinarap naman ang French fries na naroon. Nakita niyang dumukot ng kaha ng sigarilyo si Xavi sa bulsa.
"Tandaan mo, Xavi. Hindi ka puwedeng manigarilyo dito." Saway niya sa kaibigan tapos ay may inginuso sa isang gilid.
Pinanlalakihan pa niya ng mata ang kaibigan habang iniligpit ang kinainan niya. Mamaya na lang niya ulit itutuloy ang pagkain. At least, after two years natikman na niya uli ang legit na lasa ng Jollibee chicken joy.
"I told you I already quit." Ngumiwi si Xavi. "Well, technically I am starting to quit. Hindi ko pa rin maiwasan paminsan-minsan." Nag-peace sign pa sa kanya ang kaibigan at itinapon ang kaha ng sigarilyo sa basurahan tapos ay muling dumungaw sa crib na naroon malapit sa kama niya at nilaro-laro ang anak niya.
"Ang cute ni Arrow 'no?" Nagmi-make face pa si Xavi para matawa ang anak niyang nag-ga-gabay sa paligid ng crib tapos ay nakangiwing tumingin sa kanya. "Bakit Arrow? May fetish ka sa mga pana?"
"Wala siraulo." Natatawang sagot niya. Binato niya ng nahawakang bolster si Xavi. "I love watching the series. Crush ko si Stephen Amell. Hot. Sexy. Saka para magcompensate sa real name ni Arrow."
"Ano ba real name ni Arrow?" Tanong pa nito.
"Ambrocio Waldo. Cute 'di ba? Bagay na bagay sa kanya." Nginitian niya ang anak at tumawa-tawa ito.
Napangiwi si Xavi at muling tumingin sa bata. "Hindi mo man lang ginandahan ang pangalan. Isinunod mo pa sa pangalan mo. Buti na lang, cute 'tong anak mo."
"Siyempre, kamukha ko." Kumindat pa siya sa kaibigan tapos ay tumaas lang ang kilay nito sa kanya.
"So, you hooked up with Bowie in New York and ended pregnant with his child?" Paniniguro ni Xavi.
"Gago, hindi. Ano ka ba? Hindi si Bowie ang tatay niyan. Basta. Someone I hooked up years ago at hindi na importante." Inirapan niya ito at ipinagpatuloy ang paglilinis ng silid.
"And Tito Uly didn't ask who the father of Arrow is?" Parang hindi makapaniwala si Xavi. Kilala kasi nito na mahigpit ang tatay niya.
"No. Basta masaya kami na dumating si Arrow sa buhay namin that's it. He made our family whole again. Spoiled 'yan kay dad, kay mommy lalo na kay kuya." Tumirik pa ang mata niya nang makita ang mga nakalagay na gamit ng bata sa sulok ng silid na hindi pa niya nabubuksan. Mamahaling stroller, mga damit, mga baby essentials.
"Pero, foreigner ba ang tatay nito? Ang ganda ng mata. Dark green na nagba-brown. Mahusay kang pipili ng lalahi sa 'yo, ah. Puwedeng commercial model ang anak mo." Sinuntok pa siya ng mahina ni Xavi sa braso.
Natawa siya at napailing pero agad ding sumeryoso ang mukha nang mapatingin sa anak.
His face says it all. Mata pa lang nito, nangungusap na. Parang katulad ng mga mata ni Bullet at Hunter Acosta.
Napangiwi siya nang maalala ang lalaki at mabilis na inalis iyon sa isip. Ayaw na niyang maalala pa iyon. Ang mga nangyari sa kanilang dalawa ay isang bangungot na gusto niyang kalimutan.
"Hindi ka na babalik sa New York? Sure ka hindi kayo nag-hook up ni Bowie?"
"Sabay lang kaming pumunta ng New York ni Bowie. Sinamahan lang niya ako doon pero dumiretso siya ng San Francisco. Nandoon ang mga anak niya and doon ang trabaho niya."
Napatango-tango si Xavi at ngumiti sa kanya.
"You know, Ambs na-miss kita. Medyo boring ang buhay 'nung umalis ka. Wala kaming mapag-tripan ni Jet. Well, that asshole ayun. Namundok naman."
Natawa siya. "For real? Alam kong umaakyat ng bundok iyon pero he stayed there?" Parang hindi makapaniwala si Amber.
"Ewan ko doon. Ang tagal na kaya niya doon. Kasama niya si Venci. Silang dalawa doon. Almost one-year na silang volunteer. Naalala mo 'yung pinuntahan 'nyong bundok? Meron palang secret tribe doon. 'Yung sinulat ni Venci, totoo. Ang ganda na, sobra. Parang paradise. Ang galing ng pagkakagawa. Intact pa rin 'yung tribe pero ginawang medyo modern para hindi mahuli sa pagbabago ng sibilisasyon 'yung mga tribe men. Grabe ang preservation na ginawa doon saka talagang bantay-sarado ng local government. Walang puwedeng basta makapasok." Halata sa itsura ni Xavi na bilib na bilib ito tapos ay biglang nanlaki ang mata tapos ay tinapik siya sa balikat. "And guess what?"
Sinamaan niya ito ng tingin.
"Gago ka, Xavi masakit 'yun ah." Marahan niyang hinimas-himas ang balikat.
"'Yung bathala na nasa libro ni Venci. 'Yung nagpakagaga ka na umakyat ng bundok para hanapin 'yun? 'Tangina, totoo! Puta, kamukhang-kamukha talaga. Guwapo, 'tol. Kaya naman pala sa picture pa lang nalaglag na panty mo." Nag-make face pa sa kanya si Xavi na itsurang inaasar siya.
Napalunok siya at tumalikod sa kaibigan. "Gago. Katarantaduhan ko lang iyon noon. Ilusyon lang iyon ni Venci. Hindi iyon totoo."
Ilusyon lang naman talaga si Bathala. Nag-ilusyon lang siya na makakasama ito pero hindi rin nangyari.
"Maniwala ka. Well, he is not a bathala tulad ng isinulat ni Venci. Siguro nga medyo may sayad si Venci ng gawin niya ang librong iyon para maisip na bathala si Hunter Acosta. He is a well-known photographer. Ladies' man too. Daming babae palibhasa dinidikitan ng mga wannabe models para sumikat. Madalas ko siyang makasama sa mga shoots. Here, abroad. He is good I am telling you. Madalas manalo sa mga contest ang mga photos niya and ang lagi niyang subjects 'yung mga tribe men and nature. Madalas din siyang kunin sa mga photo shoots ng mga commercials. Hot shot photographer. Well paid too."
Tumaas ang kilay niya at humarap sa kaibigan. "He is a photographer?" Paanong magiging photographer ang lalaking iyon? Ang alam niya, sumama na iyong mamundok kasama ang mga Dasana.
"Bakit? Kilala mo?" Balik-tanong ng kaibigan.
Mabilis siyang umiling. "No. It's just that the name rings a bell." She cleared her throat and wala sa loob na nagtimpla siya ng gatas para sa anak kahit na nga may gatas pang naka-ready sa crib nito.
"Kilala naman kasi siya talaga. Siya ang number one na tumutulong sa tribe men, I think what's the name? What the fuck? What's the name of that tribe?" Napapabuga pa ng hangin si Xavi habang pilit na iniisip ang ang gustong sabihin.
"Dasan?" Medyo pumiyok pa siya ng sabihin iyon.
"Yes! That's it. Tribo Dasan. The people living there is called Dasana. Damn, Amber. Sobrang bilib ako. One time, I joined Hunter's group and we made a session. Painting and photography with a tribe woman. Galing." Hindi pa rin maalis ang sobrang paghanga kay Xavi.
Ngumiti siya ng mapakla at napahinga ng malalim. At least he got what he wanted. Iyon naman ang gusto talaga ni Hunter kaya dapat masaya na ang lalaking iyon.
"Galing-galing ka diyan. Anong oras na? At ang sagot ko nga pala sa request mo ay no. Hindi na ako maghuhubad para sa nude painting sessions mo. Ano 'yun? Ipaparada ko ang mga kamot ko saka mga bilbil sa inyo? Nek-nek 'nyo." Gusto na lang niyang mawala ang topic nila kay Hunter.
Ang lakas ng tawa ni Xavi.
"Hey. That is still an art. Thick, thin body you are just being a woman. Normal iyon. We love that kasi that means you gained those stripes by bringing a life in this world."
"Kahit anong gawin mong pang-uuto, hindi pa rin ako maghuhubad. Maghanap ka ng ibang model. I am done with that."
Bahagyang ngumiwi si Xavi. "Sayang. 'Yung totoo, nahihirapan talaga akong maghanap ng model ko sa susunod kong exhibit. Ang daming nag-a-apply, magaganda, sexy. But I am looking for something. Someone na alam mo iyon? I could feel something when I paint her. Magtitiyaga na nga lang sana ako sa iyo kaso ayaw mo naman."
"Anong feel something? Gusto mo lang makaramdam ng libog kapag pini-paint mo ang subject mo. Plastic ka. Parang 'di ko naman alam na bago mag-pose sa harap mo ang subject mo ikakama mo muna." Natatawang sabi niya.
"Hey, I didn't do that to you. Sobra 'to," kunwari ay nagtampo si Xavi.
"Eh, kasi nga alam mong hindi ka uubra." Natatawang sagot niya.
Lumapit sa kanya si Xavi at niyakap siya.
"I didn't do that to you because you are like a sister. And I love you." Humigpit ang yakap nito sa kanya tapos ay hinalikan siya sa noo. "I am glad that you're back." Hinaplos pa nito ang mukha niya.
Kunwari ay naiiyak siya tapos ay tumawa.
"Kahit wala akong dyowa buti na lang nandiyan ka 'no? At least may naririnig akong nagsasabi sa akin ng I love you."
"I love you, Ambs. O siya, sige." Napabuga ito ng hangin at napakamot ng ulo. "Wish me luck na may makita akong model na magpi-fit para sa next exhibit ko." Tinungo na nito ang pinto pero muli ding bumalik at tinungo ang basurahan. Kinuha ang kanina ay itinapon na kaha ng sigarilyo. "Sayang. Bukas na ako magku-quit." Bago pa siya makapagsalita ay tuloy-tuloy na itong lumabas.
Natawa pa si Amber habang nakatingin sa nakasarang pinto tapos ay tiningnan ang anak niya at kinuha sa crib tapos ay niyakap.
"So, you meet Uncle Xavi. He is nice and he brought us Jollibee." Binuksan niya ang gravy at pinatikim sa anak niya. Hinabol-habol ni Arrow ang daliri niya para isubo uli at matikman ang gravy. Tawa siya ng tawa na unti-unti ding nawawala habang nakatitig sa mukha ng bata.
Mula sa buhok, sa ilong, sa mata. Arrow really looks like Hunter at gustuhin man niyang magalit ay hindi niya magawa dahil araw-araw na ipinapaalala ng mukha ng anak niya ang mukha ng taong sobrang nanakit sa kanya. Pero sabi nga ni Bowie, she'd rather feel the pain but keep on moving. And that's what she did.
She was not healed completely but really, time and another place helped her to move on. Different people that she met every day, it just made her to be stronger, wiser. Nakakalimutan niya ang sakit na naramdaman niya. She was thankful that she has an understanding family and friends. Her parents didn't ask who the father of her child was. She just told them she's pregnant and that's it. Without questions, they accepted her and Arrow. They made her and her child feel the love that they need.
Kaya ngayon, hindi niya kailangan ng pagmamahal ng ibang tao. Kulang na lang noon magmakaawa siya. Ginawa niya ang lahat. Nagpakagaga siya but in the end iniwan pa rin siya. Kaya hindi na siya maghahanap noon. She would let the love find her kung darating pa. Pero sa ngayon, her heart is just beating only for her child. Siya lang at si Arrow ay sapat na para mabuhay sa mundong ito.
Hindi na niya kailangan ang kahit na sino.
Kahit pa ang tatay ng anak niya.
Napahinga siya ng malalim at hinalikan sa pisngi ang anak na may halong pangigigil tapos ay ibinalik din sa crib at dinampot ang tumutunog na telepono. Daddy niya ang tumatawag sa kanya.
"Dad," muli siyang dumampot ng chicken joy at kumagat doon.
"Amber, nakausap ko na si Dr. Matias. Do you want to accept the job?"
"Paano si Arrow, dad?"
"Nandiyan naman si Manang. And madalas namang nasa bahay ang mommy mo. Private nurse ka sa hospital ng mga big time patients so puwede kang mag-request ng oras na sa umaga ka lang. Magagawan iyon ng paraan."
"Hindi ba it's too soon na magtrabaho agad ako?" Parang nag-alala siya na maiiwan niya ang anak niya.
"Hey, sweetheart. Ikaw ang nagsabi sa akin na gusto mo na agad mag-trabaho that's why I used my connections. Ayaw mo pa ba?"
"No, dad. Thank you. Sige po. Makikipag-usap ako bukas. Can I bring Arrow?"
"Of course, iha. Iwan mo sa office ko. Kanina nga gusto kong isama para naman malibang ako dito. Nami-miss ko na agad 'yang apo ko."
Natawa siya. "Alright, dad. See you later."
"See you, iha."
Muli siyang tumingin kay Arrow na nakangiti sa kanya habang tumutulo ang laway.
"You are drooling, baby. Come on. Let's take a bath."
Binuhat niya ito at nagtungo sila sa banyo. She would be the loving mother that will take good care of her child.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top