CHAPTER FORTY-SIX
Gustong-gustong magtanong ni Amber sa doctor na kasama kung tatalagang tama ba ang file ng pasyente na dala nila. Hindi siya mapakali na Taylor Swift ang pangalan ng patient tapos ang edad naman nito ay doble ng edad ng sikat na international singer. Pasulyap-sulyap siya kay Dr. Marzan at seryoso lang itong nagmamaneho. Mukhang suplado talaga. Nakakatakot pero kaysa naman magkamali siya, magtatanong pa rin siya.
"D-doc, puwedeng magtanong?" Kahit kinakabahan ay tanong niya.
Sumulyap lang ito sa kanya at muling itinutok ang tingin sa kalsada. "What?"
Napangiwi siya dito at bahagyang umirap. Ang suplado talaga. Baka kapag ganito ng ganito ang doctor na ito, hindi siya magtatagal na magtrabaho dito.
"Itatanong ko lang kung tama ba talaga ang patient's chart na dala ko? Baka kasi doon 'nyo ako pagalitan dahil mali ang nabitbit ko. Talagang Taylor Swift ang pangalan ng patient?"
May bahagyang ngiti ang sumilay sa labi nito. Cute naman palang ngumiti ang doctor at puwede naman palang ngumiti pero bakit ito laging nakasimangot?
"Yeah. Weird ba?" Napahinga ito ng malalim. "You know rich patients. They have weird requests. "Last time nga, Jennifer Lopez pa ang ginamit niyan. But I know the patient personally kaya walang problema diyan."
Napatango-tango lang siya at ngumiti ng pilit tapos ay inabala kunwari ang pagtingin sa hawak na file.
"How's your stay in the Philippines so far?"
Nagtatakang tumingin siya sa doctor. Siya ba ang kinakausap nito? Nakita niyang tumingin na ito sa kanya at ang masungit na mukha kanina ay naging malambot na. Hinihintay ang sagot niya.
"A-ako ba?"
Tuluyan na itong natawa. "Dalawa lang naman tayo dito sa kotse so, siguro ikaw nga ang tinatanong ko. Well, your dad keeps on talking about you kapag nagkakasama kami and basically, I know about you already."
Ngumiti siya ng mapakla.
"Nai-chismis na pala ako ni daddy." Parang nahiya siya bigla. Naisip kung ano kaya ang mga pinagsasabi ng daddy niya tungkol sa kanya.
"Your dad was always proud of you. He keeps on telling me how you're strong, opinionated, tough. And you always do whatever you want. I like that."
"Daddy ko ba talaga ang nakausap mo na sinasabi ang mga 'yan?" Hindi siya maniwala na sasabihin iyon ng daddy niya. Alam niyang mula umpisa failure na siya sa daddy niya.
"Yeah. He also told me that you were once a model for artists. Painters. That's cool. I love paintings. I love art."
"Ah." Nahihiyang napatawa siya. "Oo. Nagmo-model ako sa friend ko na artist. But that was before. Ngayong may anak na ako, hindi na. Hindi na puwede."
"Bakit naman hindi? I think you are a perfect model. Are you dating someone?"
Napatitig siya sa lalaki. Hindi ito nakatingin sa kanya pero halatang naghihintay ito ng sagot niya.
Nagpapa-cute ba si Doctor Marzan sa kanya? Wala pa silang kalahating araw na magkasama pero ito na ang tinatanong sa kanya. Hindi kaya babaero ang doctor na ito at lahat ng mga nagiging nurse ay ginagawang babae? O dahil sa may anak na siya kaya iniisip nitong madali siyang makuha? Tumigas ang leeg ni Amber at bahagyang umusog palayo sa kasama.
"Matagal na kitang kilala, Amber. I saw your picture once when your dad was showing pictures of his grandson to us. What's the name of your kid? Arrow. Nice name. I saw you and you got me that instant." Tumingin na sa kanya ang doctor. "Kaya ng sabihin ng daddy mo na nandito ka na and you are looking for a job, sinabi kong puwede ka sa aking magtrabaho."
"H-hindi ba parang ang pangit nito, doc? Trabaho lang tayo," sagot niya dito.
"Single ka naman 'di ba? Single din ako. You're not dating anyone right now according to your dad so, tingin ko walang magiging problema." Ngumiti pa ang doctor sa kanya at lumabas ang pantay-pantay nitong ngipin.
"Wow. Para kang bullet train, ah. Ang bilis." Napakamot siya ng ulo.
"Bakit ko pa pagtatagalin? Matagal na kitang hinihintay. Nahihiya lang akong magsabi sa daddy mo."
"Dating is not in my mind right now. Ang importante lang sa akin ay ang anak ko and kung paano ko siya mapapalaki ng maayos."
Napatango-tango ang doctor.
"Sinabi nga ng daddy mo. But I am persistent. You cannot say no to me easily." Lalo pa nitong ginandahan ang ngiti sa kanya.
"Sorry, doc. Sa ngayon, trabaho lang ang hanap ko at hindi ang magiging dyowa." Nginitian niya ito ng mapakla.
Wala na talaga sa isip niya ang mga lalaki. Kahit ilang guwapo pa ang iparada sa harap niya, wala na talaga siyang kilig na nararamdaman. Sa Amerika nga, blue eyes pa ang mga nanliligaw sa kanya pero wala siyang pinansin kahit isa sa mga iyon. Ang focus niya ngayon ay sa anak lang niya.
"It's fine. Then, we work together. Malay mo, doon tayo mag-work out."
Pinigil niya ang mangiti dito. Matindi din ang doctor na ito. Sungit-sungit ang effect pero mabilis ang mga moves. Pero hindi na siya magpapadala. Nadala na siya dahil sa heartache na naranasan niya.
Huminto sila isa isang Asian inspired house sa loob ng isang sikat na subdivision sa Makati. Mukhang bigatin nga talaga ang patient na ito ni Doctor Marzan.
"Patient called me because of chest pains and difficulty of breathing. Medyo matigas ang ulo ng patient ko na ito." Naiiling pa ang doctor habang pababa ng kotse. Sumunod naman siya dito at pinagbuksan sila ng isang may-edad na babae.
"Doc, nasa taas si Manang." Tumingin ang babae sa kanya at nginitian niya ito.
Inilinga niya ang paningin sa buong bahay. Maganda. Malinis. Walang masyadong mga gamit pero sosyal na sosyal ang itsura. Maraming mga naka-frame na mga litrato na kuha sa iba't-ibang lugar.
Diretso silang umakyat sa kuwarto at kumatok si Doctor Marzan sa isang silid at tuloy-tuloy na pumasok. Nakita niya ang isang may-edad na babaeng nakahiga sa kama. Naunang lumapit dito ang doctor at siya naman ay nakayuko habang inaayos ang mga files at mga gamit na maaaring kailanganin ng doctor.
"Madam, mukhang may ginawa ka na namang bawal." Naupo si Doctor Marzan sa gilid ng kama.
"Drew, konting pagod lang naman ito. Natuwa lang ako sa Shake it off ni Taylor Swift kaya ginaya ko."
Napaangat ng ulo si Amber at nanlaki ang mata nang mabosesan ang matanda. Pamilyar ang boses na iyon kaya mabilis siyang lumapit sa kama. Gusto yata niyang kumaripas ng takbo nang makilala ito.
"M-Mrs. Acosta?" Parang siya lang ang nakarinig ng sinabi niyang iyon.
Tumingin sa kanya ang matanda at nanlaki din ang mata nito nang makita siya. Agad na napabangon at itsurang hindi na iniinda ang nararamdamang chest pains.
"Ambrosia?" Napangiti ito at kita niya ang pagningning ng mata. "Ambrosia, iha?! Oh my god. How are you?" Mabilis itong umalis sa kama at yumakap ng mahigpit sa kanya.
Hindi siya makagalaw at kinakabog lang ang dibdib niya dahil sa matinding kaba. Tumingin siya kay Doctor Marzan at nagtataka lang itong nakatingin sa kanya.
"What happened to you? Iha, you look different." Nakahawak ito sa mukha niya habang nakatitig din doon.
Napalunok siya at walang masabi. Gusto na talaga niyang umalis. Kinakabahan talaga siya.
"K-kayo ho si Taylor Swift?" Paniniguro niya.
"Yes. Well, last week I was Jennifer Lopez." Natatawang sabi nito. Hindi pa rin nawawala ang humor.
"Do you know each other?" Sabat ni Doctor Marzan.
Tumingin dito ang matanda. "Of course. She used to be my private nurse. Two years ago, her team had a medical mission in our town in Quezon and she used to date-" napatigil ito sa sinasabi at napatingin sa kanya. "She is a good nurse, doc. You are lucky to have her." Kita niya ang paglatay ng lungkot sa mukha nito at muling bumalik sa kama.
"I know, madam. That's why I got her." Tumingin pa sa kanya ang doctor tapos ay inalalayan nitong makaupo si Mrs. Acosta. Kinuha nito ang stethoscope at sinimulang i-check up ang pasyente. Hindi naman siya tumitinag kung saan siya nakatayo. Nanatiling nakatingin lang sa kanya ang matanda na parang kinakabisado ang itsura niya.
"How are you, iha? I mean, after you left-" ngumiti ito ng mapakla sa kanya. "What did you do?"
"N-nag-abroad po ako."
"Abroad. That's nice. At least new environment. You're with Bowie?"
Tumingin sa kanya si Doctor Marzan at halatang hinihintay din ang sagot niya.
"Sabay lang po kaming bumiyahe ni Bowie."
Relief ba ang nakita niya sa mukha ng doctor? Tumayo ito at sinenyasan siyang i-bp ang matanda.
"Oh." Napatango-tango ito. "So, you ended up together?"
Sunod-sunod ang iling niya habang inilalagay ang pressure cuff sa braso ng matanda.
"Mrs. Acosta, magkaibigan lang ho kami ng pamangkin 'nyo. He is still in San Francisco taking care of his kids."
"Bowie got married? Wow. How about you? Are married already?"
Umiling siya. "Hindi po." Pinindot-pindot niya ang bulb na hawak.
"'Ma! 'Ma!"
Pare-pareho silang napatingin sa bumukas na pinto at doon na talagang gustong magtatakbo ni Amber.
Ang taong ipinangako niya sa sarili na iiwasan na niya ay nandito sa harapan niya at kunot na kunot ang noong nakatingin sa kanya.
Si Horacio Acosta ang nakatayo sa pinto at seryosong nakatingin sa kanya.
---------------------
Is this real?
Ayaw maniwala ni Hunter na nasa harap niya ngayon si Amber.
She hasn't changed a bit. Well, she changed a little, but she still got the same effect on him whenever he looks in her eyes.
All the emptiness that he felt the past years, became filled with something. He felt it again.
Home.
Agad na nagbawi ng tingin sa kanya si Amber at inabala lang nito ang ginagawang pagkuha ng blood pressure ng ina niya. Bumaling ang tingin niya sa lalaking naroon na nakatingin din sa kanya.
That's it? Hindi siya pinansin? Hindi man lang siya nginitian? Parang hindi sila magkakilala?
"O, Hunter. Why are you here, iho? Sana hindi ka na umalis sa trabaho mo. Sigurado akong nagsumbong na naman si Rosie sa iyo." Tonong nainis ang mama niya.
Lumapit siya sa ina at agad na lumayo si Amber at tumabi sa kasama nitong doctor. Humalik siya sa pisngi ng nanay at muli ay tumingin sa gawi ni Amber. Seryoso lang ang mukha nito at hindi man lang siya tinatapunan ng tingin.
"Doc, this is my eldest son Hunter Acosta." Pakilala ng nanay niya sa lalaking naroon.
"Nice meeting you, Mr. Acosta." Ngumiti ang doctor sa kanya at inilahad ang kamay. Kahit napipilitan ay kinuha niya iyon at nakipagkamay. Nanatiling nakabaling sa iba ang tingin ni Amber.
"Si Amber 'di ba kilala mo na?" Sabi pa ng nanay niya.
Doon napilitang tumingin sa kanya ang babae. Nakatingin lang ito sa mukha niya. Walang reaksyon pero halata ang bigat sa mga titig. Tipong napakalaki ng ginawa niyang kasalanan.
Naalala niya ng huli niya itong makita. Magkasama ito at si Bowie. Parehong umalis para magpunta sa ibang bansa. Pinili nito si Bowie.
"Nice meeting you, Mr. Acosta." Seryosong sabi nito.
Inilahad niya ang kamay pero tiningnan lang iyon ni Amber. Hindi kinuha bagkus ay lumapit ito sa nanay niya at tinanggal ang bp cuff na nasa braso nito. "I'll get your pulse rate, Mrs. Acosta?" Ngumiti pa ito sa matanda.
"Sure, iha."
Napapahiyang binawi niya ang kanyang kamay at pumuwesto sa isang gilid at nakatingin lang sa ginagawa ng doctor at ni Amber. Pakiramdam nga niya wala siyang silbi doon dahil nagtatawanan pa ang mga ito. Ang ganda-ganda ng ngiti ni Amber habang kinakausap ito ng doctor.
"You know Amber, Doctor Marzan here is the best cardiologist that I know. Sikat 'yan sa mga patients niya dahil bukod sa mapag-alaga, guwapo pa."
Tumawa ang doctor sa narinig na sinabi ng matanda. Sumama ang tingin niya sa doctor at sinipat ito. Guwapo? Saang banda ang guwapong sinasabi ng nanay niya? Kung hindi lang doctor ito, wala naman itong dating.
"Single ka, doc 'di ba?" Tanong pa ng nanay niya. Humalukipkip siya at nakalukot ang mukha na nakatingin pa rin sa mga ito.
Tumango at ngumiti ang doctor. "Annuled and single for two years already." Halatang ipinaparinig ng lalaki iyon kay Amber.
"But there is still a chance na magkabalikan kayo ng ex-wife mo." Sabat niya.
Pare-parehong napatingin sa kanya ang tatlo.
Mahina siyang napamura. Ano ba ang nasabi niya?
"Hunter." Pinalakihan siya ng mata ng ina. Itsurang sinasaway siya.
Ngumiti ang doctor. "Wala na. My ex-wife is married already."
"So, you are single. How about you, Amber? Are you still single?" Sabi pa ng matanda.
Tumango lang si Amber at nanatiling chini-check ang nanay niya. Gusto niyang itama ang sinasabi nito. Hindi single si Amber. Si Bowie ang ka-relasyon nito.
"Wow. I think you're a match. A doctor and a nurse. How do you find Amber?" Parang si kupido ang itsura ng nanay niya na bumaling sa doctor. Nakita na niya ito noon. Noong mga panahon na pilit nitong pinaglalapit si Bowie at si Amber.
"She's pretty and extra ordinary. And madam, you don't need to play cupid between us. I asked her out already." Tumingin pa ang doctor kay Amber na lalong ipinagkukot ng kalooban niya.
"And what did she say?" Gusto ng lapitan ni Hunter ang nanay niya para sawayin. Halatang kinikilig ito.
"Ano daw ang sagot mo, Amber?" Nangingiti pa ang doctor na tumingin sa babae.
Halatang natataranta si Amber pero nakangiti ito. "S-sure?"
Napapalakpak pa ang nanay niya. "Oh my god! This is so nice. Ngayon pa lang, ship ko na kayong dalawa."
"Could you please tell me what is wrong with my mother? Parang hindi na tungkol sa kalagayan niya ang pinag-uusapan 'nyo. If you want to cuddle, do it outside." Inis na sabat niya sa mga ito.
Tumaas ang kilay sa kanya ni Amber tapos ay inirapan siya. Iniligpit nito ang mga gamit at walang paalam na lumabas ng silid. Nawala naman ang ngiti sa mukha ng doctor tapos ay seryosong chineck-up ulit ang nanay niya.
"Pahinga lang ang kailangan. Napagod lang dahil sa Shake it off." Seryosong sagot nito sa kanya tapos ay bumaling kay Mrs. Acosta at ngumiti. "Take your medicines on time, madam. I'll check on you again after a week."
"Sure, doc. I'll see you again." Bumaling ang nanay niya sa kanya. "Hunter, pakihatid si Doctor Marzan sa labas."
Kumumpas sa hangin ang doctor. "No need. I know my way out." Tiningnan lang siya ng doctor at dire-diretso na itong lumabas.
"What was that, 'ma?" Napipikon yata siya. Nawala na ang pag-aalalang nararamdaman niya para sa kalagayan ng nanay niya dahil nakita niyang maayos naman ang kalagayan nito. Mas naiinis siya sa nakita niyang nandito si Amber tapos ay may kasama.
"What was what?" Umayos ito ng upo at dinampot ang cellphone at nagbrowse doon.
"Why is Amber here?"
"I don't know. Siya ang assistant ni Doctor Marzan. She looks good now. Mukhang napabuti ang pagpunta sa ibang bansa. Oh, Bowie is in San Francisco pala."
"I don't care kahit nasa Sahara desert pa ang lalaking iyon. Boyfriend niya si Bowie then she is flirting with that doctor?" Napamura pa siya at napailing. Sumilip siya sa bintana at lalo lang nadagdagan ang inis niya nang makita inalalayan pa ng doctor si Amber makasakay ng sasakyan.
"Flirting? I don't think she is flirting, Horacio. I think Drew likes her and wala namang problema doon. They are both single. They deserve each other."
Napakuyom ang kamay niya at gusto niyang isuntok sa pader na naroon. Two years siyang naghihintay para lang sa ganito?
"You're jealous." Nakangiti ng nakakainis sa kanya ang nanay niya.
"I am not jealous, 'ma." He said that in between his teeth.
"You're not? It's written all over your face. You better be, Horacio. Because I think, Amber is different now. You cannot have her just by smiling at her. She is not under your spell anymore." Ngayon ay seryoso na ang mukha ng nanay niya.
"I-I don't care about her." Napalunok ako at ibinaling sa iba ang tingin ko.
"Are you sure? You are burning with jealousy, iho. Kulang na lang bugbugin mo si Dr. Marzan kanina. And you should feel that way. You deserve that."
Sinamaan niya ang tingin ang ina. Kung magsalita ang nanay niya ay parang hindi siya anak.
"Parang hindi kita nanay 'ma." Nagtatampong sabi niya dito.
"Bakit? Nasasaktan ka? Dapat lang iyan dahil sa ginawa mo. Sinaktan mo 'yung tao. Pinaramdam mong walang kuwenta so dapat maramdaman mo rin iyon para alam mo kung paano ang masaktan." Tumawa ito ng nakakaloko. "You had your chance to be with her pero itinapon mo lahat iyon."
Hindi siya nakasagot.
"And you're going to be their cupid again? Just like what you did between her and Bowie?" Napalunok siya ng sabihin iyon.
"Oh, With Bowie and Amber that time, I was doing it for you. I was helping you to realize how much you love her. And you did but still, you broke her heart. But this time, I am doing it for her. Para magkaroon siya ng second chance na sumaya sa taong karapat-dapat sa kanya. And you know that it's not you. Kahit anak kita, hindi ko papayagan na saktan mo uli si Amber." Mahabang litanya ng nanay niya. "She doesn't deserve you this time."
Inis siyang napabuga ng hangin at muling sumilip sa bintana. Wala na doon ang kotseng sinasakyan ni Amber. Nakaalis na.
"Mukhang mabilis pa naman sa babae si Doctor Marzan. Hay, sana nga matuloy ang date ni Drew at ni Amber." Ngumiti pa ang nanay niya na parang wala siya doon.
Tiningnan niya ito ng masama at inis na lumabas.
Hindi siya papayag na matuloy ang date na iyon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top