CHAPTER FORTY-SEVEN
Tandaan: Ang nandito sa WP ay raw copy. Not yet edited. Please bear with me kung may mga kulang na words, misspelled words. Don't worry, i-edit pa naman 'yan."
-❤️ HM
—————————-
"What if seeing each other again change everything?" - Unknown
Kunot na kunot ang noo ni Hunter ng dumating sa kanyang studio. Nagtataka ang tingin ng mga staff niya sa kanya dahil first time ito na mainit ang ulo niyang pumasok. Madalas, kahit banas siya sa mga bagay-bagay, lagi lang siyang nakangiti at pilit na inuunawa ang mga pangyayari. Pero ngayon, talagang mainit ang ulo niya. Gusto niyang manakit ng doctor.
Malakas niyang ibinalibag ang pinto ng opisina niya at wala siyang pakielam kung mabulabog ang mga staff niya doon. Pabagsak na naupo sa kanyang swivel chair at pinaikot-ikot iyon habang nag-iisip.
Alam niya ang kasalanan niya. Sinaktan niya si Amber at nagsisisi siya doon. Naduwag siyang kausapin ito kaya hanggang ngayon wala pa rin ang closure na hinahanap niya.
Mahina siyang nagmura. Closure? Bakit ba closure ang naiisip niya samantalang wala pa nga silang naumpisahan ni Amber? Hindi niya binigyan ng label. Sabi nga ni Jacob, nilandi lang niya at pinaasa tapos ay iniwan. Ganoon ang ginawa niya sa babae.
I am a fucking asshole.
Aminado naman siya doon. Kaya siguro ganito siya na kahit inayos na niya ang buhay niy ay para pa ding may kulang. Kasi ngayong nakaharap niya si Amber uli, ngayon niya napatunayan na ito talaga ang pumupuno sa buhay niya.
Inis niyang isinabunot ang mga kamay sa buhok. Kinuha niya ang telepono at nag-dial.
Matagal bago may sumagot sa tawag niya. Sabagay, hindi na rin naman niya inaasahan na sasagutin pa ng taong ito ang tawag niya dahil sa nagawa niya pero susubukan niya.
Nakahinga yata siya ng maluwag nang may sumagot sa tawag niya. Hindi nagsalita pero alam niyang may nakikinig.
"Jake, I know I am an asshole, I know I did a mess back then and I deserve what is happening to me. I deserve that you and Bullet are mad at me, but please. Kausapin mo naman ako. I don't know what to do. I've tried everything to look for her the past two years and now that she's back, she's totally different. Mukhang wala na 'yung taong hinihintay kong bumalik."
Mahihinang paghinga lang ang naririnig niya.
"Jake, please. Kausapin mo naman ako. Wala na akong makausap na matino. Si mama, instead na tulungan ako lalo pang pinipush si Amber sa iba. Shit. I am a fucking fool to believe that she and Bowie were together. Wala kasi akong mahingan ng tulong para alamin ang tungkol sa kanya kasi ayaw mo naman akong kausapin."
He heard someone cleared a throat.
"Ah, hindi si Jake 'to. Asawa niya 'to. Naliligo kasi siya." Babae ang boses na narinig niya sa kabilang linya.
"What?" Napangiwi siya sa pagkapahiyang nararamdaman. Dakdak siya ng dakdak, hindi naman pala si Jacob ang nasa kabilang linya.
"Do you want to leave any message?" Sabi pa ng babae.
Napahinga siya ng malalim at lumaglag ang balikat. Alam niyang galit pa rin talaga ang kaibigan sa kanya. Hindi na siguro talaga sila magkakaayos ni Jacob.
"'Wag na lang. Salamat na lang. Please tell him Hunter said hi."
"Okay. Makakarating." Busy tone na ang narinig niya mula sa kabilang linya.
Napabuga siya ng hangin at naihilamos ang kamay sa mukha. He is on his own. Just like what he always wanted. Lumayo siya noon sa mga taong makakatulong sa kanya dahil akala niya hindi maiintindihan ng mga ito ang purpose niya ng bumalik siya sa tribo. Pero ngayon, damang-dama niya ang pag-iisa. Walang kakampi at ito ay dahil sa kagagawan niya.
Inis siyang tumingin sa pinto ng may kumatok doon. Bumukas iyon at sumungaw ang mukha ng intern nilang si Nins. Halatang nag-aalala pero naglakas loob pumasok.
"What do you need?" Iritableng tanong niya.
"S-sir," napakamot pa ito ng ulo. "'Yung p-photo shoot 'nyo for tomorrow, medyo may sabit, eh." Kinakabahang sabi nito.
Lalong nangunot ang noo niya. "Anong sabit? Okay na iyon 'di ba?"
Napalunok ito at bumuga ng hangin. "Sir, nagbackout kasi 'yung nanay 'nung model na baby. Kasi nasa ospital 'yung anak niya. Na-dengue."
"What the fu-" hindi niya naituloy ang sasabihin at napabuga ng hangin. Literal na sumasakit yata talaga ang batok niya dahil sa patong-patong na stress. "So, wala akong model?"
Nakangiwing umiiling ito.
"Then find one for me! Anong itinatanga 'nyo?! Huwag kayong hihinto na ngayong araw ay hindi 'nyo ako maihanap ng model para sa photo shoot ko bukas. Ayoko ng i-resched iyon." Pakiramdam ni Hunter ay sasabog na siya.
Nagmamadaling lumabas ng silid ang intern at inis niyang ibinato ang nadampot na ballpen.
Pinagsalikop ni Hunter ang mga kamay at ipinatong doon ang noo. Masama na talaga ang pakiramdam niya. Hindi na niya kayang magtrabaho ngayon.
Tumunog ang telepono niya at si Camile ang nakita niyang tumatawag. Ni-reject niya ang tawag nito at ini-off ang telepono. Wala siyang panahon na sumabay pa ito sa stress niya.
Binuksan niya ang kayang laptop at ni-research ang pangalang Andrew Marzan. Iyon ang naalala niyang pangalan ng doctor ng mama niya. Unlike kay Bowie na nahirapan siyang hanapin dahil talagang walang soc med life ang pinsan, open na open sa soc med ang buhay ni Doctor Andrew Marzan. Proud na proud sa mga achievements bilang doctor. Proud na ang mga pasyente ay mga kilala at mayayamang miyembro ng society. Facebook, IG, Twitter. Active na active. Napataas pa ang kilay niya nang makita na online fitness coach din pala ang doctor. Maraming follower sa IG at maraming post na nakahubad-baro at nasa gym. Ripped na ripped ang katawan at proud na ipakita sa lahat.
"Tangina. Nakahubad lang sikat na? Kaya ko ring gawin 'to. Kung alam ko lang na kapag naghubad sa soc med sisikat, ginawa ko na." Parang tanga siyang nagsasalita mag-isa habang nagba-browse sa IG ng doctor. Binitiwan niya ang cellphone at iniangat ang t-shirt at tiningnan ang tiyan niya. Pareho lang naman sila. Ripped din naman ang abs niya.
Lalo lang siyang nagngingitngit dahil mukhang mahihirapan siyang kalabanin ang isang ito. Active din ito sa mga social gatherings. Ang ibang mga kasama nito sa litrato ay mga kakilala din niya at nami-meet sa mga events na napupuntahan niya.
Maya-maya ay muling may kumakatok sa pinto ng opisina niya at alanganing pumasok si Nins.
"May nakita na kayo? Hindi kayo uuwi hangga't walang kapalit ang model ko."
"S-sir, may nakita kami pero hindi kami sure kung papayag ang parents kasi random lang namin itong nakita sa Facebook." Sabi nito.
"Where? Let me see the kid kung puwede," sabi niya at kinuha ang telepono na hawak ng intern.
Pakiramdam ni Hunter ay tumigil ang mundo niya ng makita ang bata sa picture na sinasabi ng kanyang intern. The green-brown eyes staring back at him was like taking him back somewhere. Somewhere where his life was complete. The kid's stare was like searching his soul. Wala sa loob na hinaplos niya ang litrato sa cellphone.
"Kung sa tingin 'nyo na okay ang batang iyan, susubukan naming kontakin ang parents at kung papayag sila na maging model ang anak nila." Sabi ng intern.
Nanatili siyang nakatingin sa picture ng bata. Kanino bang anak 'to? Tiningnan niya ang may-ari ng account pero malabong ang may-edad na babae na nasa picture naman ang nanay ng bata. Tingin niya ay yaya iyon.
"He is perfect. Find that kid. Tell the agency that I won't do the shoot kapag hindi ang batang iyan ang naging model ko." Matigas na sabi niya.
Nagmamadaling tumango ang intern at muling lumabas.
Napabuga siya ng hangin at napasandal sa kinauupuan. Aayusin na muna niya itong trabaho niya bago niya uli isipin kung ano ang gagawin kay Amber at sa Doctor Marzan na iyon.
-----------------------
Naipagpasalamat ni Amber na pagkatapos ng visit nila ng doctor kay Mrs. Acosta ay nagkaroon ito ng emergency at napilitang umalis. Sinabi na lang din nito sa kanya to take the rest of the day off at bukas na lang pumasok.
Tingin niya ay kailangan niya iyon pagkatapos ng nangyari.
Para siyang nanghihina na napaupo sa silyang nakita sa gilid ng ospital nang maalala ang pagkikita nila ni Hunter.
Hindi niya inaasahan na ganoon kabilis ang magiging pagtatagpo nila uli. Sigurado siyang magkikita sila pero huwag naman ganitong kabilis. Hindi pa siya handa. Tiningnan niya ang kanyang mga kamay at nanginginig ang mga iyon kaya mabilis niyang pinagsalikop at bumuga ng hangin. Ilang beses siyang bumuga ng hangin at napalunok habang naaalala ang paghaharap nila ni Hunter Acosta.
He didn't change a bit. Lalo pa ngang gumuwapo. Kasi maayos na itong manamit. Itsurang big time na kumpara sa nakabalot lang na dahon na nakita niya noon sa bundok. Napangiti siya ng mapakla nang maalala ang mga nangyari sa kanila doon pero mabilis din niyang inalis iyon sa isip. Nangako siya sa sarili na kakalimutan na ang lahat tungkol sa lalaki.
Kaya nga kahit paano, proud siya sa sarili niya kanina at kahit kinakabahan nagawa niyang humarap dito at hindi siya nagtatakbo. Ayaw niyang makita ng lalaking iyon apektado pa rin siya. Ayaw niyang isipin ng lalaking iyon na katulad pa rin siya ng dating Amber na konting mabulaklak na salita, konting haplos ay bibigay na. Konting titig, matataranta na siya. Hindi na siya iyon.
Si Hunter ay isang parte na lang ng kanyang malungkot na kahapon at ayaw na niyang balikan pa ang lungkot na iyon. Sabi nga ni Bowie, move forward and don't look back. At iyon ang kanyang ginagawa. Hindi na siya papayag na muling masaktan dahil lang sa pag-ibig.
Pag-uwi niya ay naabutan niyang magkakulumpon si Manang Josie at ang bagong yaya ni Arrow na si Perly sa kusina. May tinitingnan ang mga ito sa cellphone at nagbubulungan pa. Patay-malisya siyang lumapit sa ref pero nakatingin ang mata niya sa mga ito.
"Tingin mo papayag sila?" Si Perly ang narinig niyang nagtanong sa kaharap.
"Subukan mo. Ayan nga, o. Nag-message sa iyo. Mukhang interesado talaga silang kunin na model si Arrow. Napakaguwapo naman kasi ng batang iyon. Talagang pang-artistahin," sagot ni Manang Josie.
"Magtatanong si Mam Amber sa akin kung paano nakita si Arrow." Halata sa itsura ni Perly na kinakabahan ito.
"Siraulo ka kasi. Sinabi na kasi sa iyo, bawal picturan si Arrow. Pinost mo pa." Binatukan pa ni Manang Josie ang kausap. "Gaga ka rin."
"Natuwa lang naman kasi ako kasi nga ang guwapo ni Arrow." Katwiran nito.
"Anong usapan 'yan?" Sabat ni Amber.
Parehong natataranta ang dalawa na tumingin sa kanya at agad na itinago ni Perly ang hawak na cellphone sa likuran nito.
"W-wala naman po, Mam Amber. Mga ka-chat lang po." Putlang-putla ang mukha ng nakababatang yaya.
Tumaas ang kilay niya dito alam niyang nagsisinungaling si Perly.
"Patingin ng telepono mo."
Parang maiiyak na nagpapasaklolong tumingin ito kay Manang Josie.
"Amber, huwag mo ng pagalitan. Natuwa lang naman kay Arrow. Tatanggalin din naman ang post."
Nanlaki ang mata niya. "What? Pinost 'nyo ang picture ni Arrow sa Facebook? 'Di ba iyon ang bilin ko? Huwag na huwag 'nyong pipicturan ang anak ko." Nag-init yata ang ulo niya.
"Relax ka lang. Ikaw talagang bata ka. Tatanggalin na nga. Saka hindi mo ba alam na may gustong kumuhang maging model kay Arrow? Ganoon siya ka-cute. Dalawang oras lang daw, one hundred thousand na ang bayad." Sabi pa ni Manang Josie.
"Wala akong pakielam sa pera, Manang. Ang punto ko, bakit kailangan picturan ang anak ko at i-post ng walang pasabi sa akin?" Inis niyang hinarap si Perly na mabilis na nagtago sa likuran ng nakakatandang katulong. "Tanggalin mo ang post na iyan, ha? Malilintikan ka sa akin. Nasaan si Arrow?"
"Natutulog po sa kuwarto." Naiiyak na sagot nito.
Padabog niyang iniwan ang dalawa at tinungo ang silid ng anak.
Doon lang siya parang nakahinga ng maluwag nang makitang payapa na natutulog doon ang anak niya. Talagang kapag nakikita niya si Arrow, kumakalma talaga siya. Lumapit siya at naupo sa gilid ng kama at minasdan ang himbing na bata. Marahan niyang hinaplos-haplos ang kulot at makapal nitong buhok na katulad na katulad ng kay Hunter.
"Nakita ko ang tatay mo. Kumukhang-kamukha mo." Mahinang sambit niya at napabuga ng hangin. "I am sorry, anak. I can't let you see him. Tayo lang dalawa. Hindi natin siya kailangan. I'll give you all the love that you need." Mabilis niyang pinahid ang namuong luha sa mga mata niya.
"He didn't choose us kaya tayong dalawa lang. Hindi natin kailangan sumiksik sa buhay niya dahil hindi tayo kasama doon. It's just the two of us, Arrow and mommy won't leave you tulad ng pag-iwan sa atin ng tatay mo." Hinalikan niya sa ulo ang anak tapos ay tumabi doon.
-----
Kinabukasan ay tahimik na nakaharap sa hapag si Amber, ang daddy niya at ang mommy niya. Missing in action na naman ang kuya niya naka-destino naman sa Cagayan ngayon. Sanay na silang hindi ito naglalagi dito sa bahay. Masyadong tutok sa trabaho ang kapatid niya.
"I heard from Drew that you handle your first day well." Komento ng daddy niya.
"Maayos naman kasi siyang boss."
"Maayos na tao 'yang si Drew." Humigop ng kape ang daddy niya. "Nga pala, ipapasyal daw ng mommy mo si Arrow sa mall mamaya. Isasama niya si Josie at si Perly."
Tumango. "Sige. Pero mommy, pagbilinan mo 'yang si Perly huwag ng pipicturan si Arrow. Kahapon ipinost pa sa facebook. Ayokong pakalat-kalat ang litrato ng anak ko doon." Inis na sabi niya.
"Bakit? Ayaw mong makita ng tatay niya?" Nakataas ang kilay na sabi ng mommy niya.
Napa-rolyo ang mata niya at napakamot ng ulo. "Ayoko lang ho. Bata pa si Arrow para ma-exploit."
"Ang higpit mo namang nanay. Siya sige. Lumakad na kayo ng daddy mo. Ako na ang bahala sa apo ko," pagtataboy ng mommy niya sa kanila.
Inubos lang niya ang kaharap na kape tapos ay tumayo na at sabay na silang umalis ng daddy niya. Pagdating nila sa ospital ay diretso siya sa clinic ni Doctor Marzan. Naabutan niya itong may kausap sa telepono at kumaway lang sa kanya bago pumasok sa mini office nito. Naiwan siya doon na inayos ang mga schedule ng mga patients na pupuntahan nila ngayong araw.
"Amber, are you busy tonight?"
Tumingin siya kay Doctor Marzan at nakangiti itong nakatayo sa harap ng table niya.
"Wala naman kaming lakad na family. Why?"
"Well, a patient is inviting me for the opening of his restaurant in Makati. I was wondering if you are free then you could be my plus one."
Kumunot ang noo niya. "Date ba ito, doc? Sabi ko sa iyo trabaho ang ipinunta ko dito." Diretsong sabi niya.
Natawa si Doctor Marzan at napakamot ng ulo.
"Friendly date. Or we can go out as a colleague. Walang malisya. Sayang lang kasi, the event would be good kaya gusto ko espesyal ang kasama."
"Sige. Wala naman akong gagawin mamaya."
Lumapad ang ngiti ng doctor. "That's nice. I'll pick you up at eight?"
Tumango siya dito. Nagpaalam na ito sa kanya at muling tinungo ang sariling clinic.
Napabuga siya ng hangin at tiningnan ang kanyang cellphone. Ini-open niya ang facebook account ng yaya ni Arrow para makita kung talagang tinanggal na nito ang post ng picture ng anak niya. Pero umakyat yata lahat ang dugo sa ulo niya nang makita ang bagong post ng yaya.
Ang guwapo ng alaga ko. Model na.
Iyon ang nabasa niyang caption sa picture ni Arrow. Sa picture ay walang suot na damit ang anak niya kundi diaper lang tapos ay may ilang mga ilaw siyang nakita doon. Halatang nasa studio.
Napapikit siya at humihingal sa galit na idinayal ang number ng mommy niya.
"Iha. Nasa office ka na?"
"Mommy! Saan mo dinala ang anak ko?!" Naiiyak na tanong niya.
"Anong saan dinala? Nandito lang kami sa bahay."
"Huwag na kayong magsinungaling. Nakita ko ang picture ni Arrow sa facebook ni Perly. Nasa studio kayo. Bakit mo dinala si Arrow diyan?"
Hindi nakakibo ang mommy niya tapos ay narinig niyang mahina itong nagsalita at parang may pinapagalitan.
"Amber, gusto ko lang naman na maging model ang apo ko. Ang cute-cute kaya niya. Saka print ad lang naman ito. Sandali lang tapos uuwi na kami."
Sumakit yata ang ulo niya at napabuga ng hangin.
"Saan iyan? Pupunta ako." Hindi puwede itong ginagawa ng mommy niya. Siya ang nanay, siya ang masusunod sa dapat gawin sa anak niya.
"May trabaho ka 'di ba? Diyan ka na muna. Ako na ang bahala kay Arrow."
"Mommy! Saan 'yan?" Bahagya nang tumaas ang boses niya.
"Dito lang sa Dela Rosa. HNA Studio." Napipilitang sagot ng mommy niya.
Inis niyang pinatay ang telepono at tumayo tapos ay kumatok sa clinic ni Doctor Marzan bago binuksan iyon.
"May problema?" Tanong nito.
"I think I need to go somewhere. 'Yung anak ko kasi-"
Agad na napatayo si Dr. Marzan. "Why? Something happened with your kid?" Nag-aalalang tanong nito.
Umiling siya. "H-hindi naman. Kaya lang kasi ayoko lang 'yung ginawa ng mommy ko. I just need to check my kid."
"Okay. I'll go with you." Bago pa siya makasagot ay dinampot na ng doctor ang susi ng sasakyan nito at inalalayan siya palabas.
Hindi niya maintindihan kung bakit siya kinakabahan habang papunta sila sa studio na sinasabi ng mommy niya. Hindi naman sila nahirapang hanapin iyon dahil pagkalaki-laki ng signage ang nakabalandra sa labas. Pagka-park pa lang ng sasakyan ay agad na siyang bumaba. Iniwan na nga niya si Doctor Marzan at pumasok agad sa studio.
"Saan 'yung photo shoot? I need to see my kid?" Sabi niya sa reception.
"Sino po sila?"
"Ako ang mommy."
"Mam, on going na po 'yung photo shoot. Hindi na po sila puwedeng istorbohin doon." Tingin niya ay ayaw lang siyang papasukin ng receptionist.
Nakakita siya ng isang pinto na nakalagay ay authorized person keep out. Sigurado siyang doon ginagawa ang photo shoot kaya mabilis siyang pumasok doon.
At daig pa niya ang nakakita ng multo ng makita ang photographer na nagco-conduct ng photo shoot sa anak niya.
Walang iba kundi si Hunter Acosta.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top