CHAPTER FORTY-ONE

"It's not the pain. It's who it came from." - Drishti Bablani

——-
"What are your plans now?"

Nag-angat ng ulo si Amber at tumingin sa daddy niya. Kanina pa siya tamilmil lang na kumakain sa hapag kasabay ang mommy at daddy niya. Masasarap ang mga nakahain na mga pagkain pero wala siyang gana kainin ang kahit isa sa mga iyon. Tanging isang loaf bread lang ang nasa plato niya at hindi pa niya magawang kainin. Iba kasi ang hinahanap ng bibig niya na kainin. Gusto niya ng itlog na maalat at mani ngayong umaga pero sigurado siyang magtataka ang magulang niya kung papangas siya ng unusual na pagkain sa almusal.

"Plans for what, dad?" Pilit niyang pinasigla ang sarili at tumusok ng hotdog at inilagay sa plato niya.

"About you. About your life. I thought magiging maayos ka na dahil nagkaroon ka ng maayos na trabaho. That family that you worked for are good. Kilala ang mga Acosta at hindi basta-bastang pamilya. Why did you resign?" Seryosong tanong ng daddy niya.

Hindi siya kumibo at itinuon ang sarili sa pagkain.

"Pagbalik mo dito, ganyan ka na. Walang kibo. Hindi ka naglalabas sa kuwarto mo. Hindi mo nga hinaharap ang mga kaibigan mo. Kahit si Xavi. Nag-aalala na sa iyo 'yung tao."

"Pagod lang ako, dad." Sinubukan niyang isubo ang piraso ng tinapay pero parang masusuka na siya kaya binitiwan niya iyon.

"It's been what? Two weeks? What happened to you there?" Iba na ang tono ng daddy niya.

Binitiwan niya ang hawak na kutsara at tinidor.

"Nothing happened, dad. I said, I am just tired. Kailangan ba laging may dahilan kung bakit ako ganito? I don't know. I don't want to work there anymore. That's it." Matigas na sagot niya.

"So, ganyan ka na naman? Bum ka na naman? Wala ka na namang trabaho? Ano ba talaga ang ginagawa mo sa buhay mo, Ambrosia?" Nagtaas na ng boses ang daddy niya.

"Wala akong ginagawa sa buhay ko, dad. Kasalanan ko ba kung failure ako sa paningin mo? I am always the failure person. Sa lahat na lang, failed ako. Sa iyo, sa ibang tao. Ano ba ang dapat kong gawin para lang maging proud ka sa akin?" Tuluyan nang nahulog ang mga luha niya.

"I wanted to be perfect for you, dad. Sa inyo ni mommy. Pero kasalanan ko ba kung hindi ko talaga gusto ang kursong pinakuha ninyo sa akin? I tried my best to be good. I tried to follow whatever you wanted but look where it got me?"

Hindi sumagot ang daddy niya. Nakatingin lang ang mommy niya sa kanya.

"I am sorry if you see me as a failure. I am sorry kung hindi 'nyo ako maipagmalaki." Wala sa loob na hinawakan niya ang kanyang tiyan at lalo siyang napaiyak. Lalo na siguro siyang itatakwil ng mga magulang kapag nalaman pa ang kalagayan niya. Buntis siya pero hindi siya mapapanagutan ng ama ng anak niya.

"We just wanted to see you to be okay, iha." Sabi ng mommy niya. "Wala kaming hinangad na hindi maganda para sa iyo, sa inyo ng kuya mo. Gusto namin na kapag nawala kami you are both stable and you are doing good."

"I am trying, mom. Hindi lang siguro sa paraang gusto 'nyo." Napayuko siya. "I am really sorry if I didn't meet your expectations. I am sorry kung hindi ako katulad ni kuya." Napasubsob siya sa mga palad niya at doon humagulgol.

Sa totoo lang, hindi naman niya iniiyakan ito. Sanay na siya na ganoon ang tingin ng kanyang magulang sa kanya. Mas iniiyakan talaga niya na pagkatapos ng dalawang linggo, wala talagang Hunter na nagpakita sa kanya. Walang Hunter na nagparamdama sa kanya. Umasa siya na pagkatapos ng ilang araw, babalik si Hunter at hihingi ng sorry sa kanya. At siya na, na isang dakilang marupok ay handang patawarin ang lalaki.

Pero sabi nga, expectations lead to disappointments. Kaya siya nasasaktan ng ganito kasi nag-expect siya. Umasa siya na babalikan siya ni Hunter pero nabigo lang siya. Walang Hunter na babalik sa kanya.

Namili si Hunter at ang pinili nito ay hindi siya.

Naramdaman niyang may tumayo sa gilid niya at hinawakan ang ulo niya. Tiningnan niya kung sino iyon at iyon ang daddy niya. Walang galit sa mukha nito. Nakatingin lang sa mukha niya.

"I know something happened and it's not because of your work. I know how tough you are, Amber at hindi mo iiyakan ang mga panenermon ko sa iyo. Just tell me what it is, and we are here to listen." Malumanay na malumanay ang tono ng daddy niya.

Doon siya talagang bumigay. Yumakap siya sa bewang ng daddy niya at isinubsob sa tiyan ang mukha at doon umiyak ng umiyak. Gustong-gusto niyang isumbong si Hunter. Gustong-gusto niyang sabihin na sinaktan siya nito. Pinaasa. Pinaniwalang minamahal siya pero iniwan din siya.

Pero hindi niya ginawa. Hindi niya magawa. Iyak lang siya ng iyak.

"Just tell us when you're ready." Marahang hinahaplos-haplos ng daddy niya ang buhok niya.

"Soon, dad. Hindi ko pa po kaya," mahinang sagot niya at lalong humigpit lang ang pagkakayakap sa tatay niya.

Her dad made sure that she would go out of the house that day. Hindi siya nito pinabayaan na magmukmok sa kuwarto. She was depressed already. She was feeling low and different thoughts were coming inside her head. Ngayon niya na-realize na kahit gaano katibay ang isang tao, one point in their lifetime, makakaranas na masaktan ng sobra at talagang bibigay din.

Parang siya ngayon. Lugmok na lugmok na siya. Kumbaga sa basahan, paulit-ulit na ginamit at sa bandang huli, ng hindi na kailangan ay basta na lang itinapon. Ganoon ang pakiramdam niyang ginawa sa kanya ni Hunter. He made her fall for him, but he left. Pinili ang buuin ang isang tribo at siya, hinayaang wasak na nag-iisa.

Isinama siya ng daddy niya sa ospital at sinabi niyang mag-iikot-ikot muna siya doon. Alam niyang doon din ang opisina ni Bowie kaya naisipan niyang puntahan ito. Pagdating sa office nito ay nakita niyang may kausap itong isang patient. Napangiti siya. Naalala niya ang huling pag-uusap nilang dalawa. Si Bowie ang nagsabi na mahal siya ni Hunter pero bakit nandito siya ngayon at nag-iisa?

Nang matapos ang pakikipag-usap ni Bowie sa patient nito ay siya naman ang pinapasok ng sekretarya. Gulat na gulat ito na nakita siya. Agad na tumayo at sinalubong siya at humalik sa kanyang pisngi.

"What are you doing here?" Kitang-kita niya ang saya sa mukha nito nang makita siya.

"Isinama lang ako ni dad. Sinubukan ko lang kung nandito ka." Pilit na pilit ang ngiti niya dito.

"Your dad? Hindi mo kasama mo si Auntie Frances?"

Umiling siya. "Hindi na ako nagta-trabaho sa kanya."

Nawala ang ngiti sa labi ni Bowie. "What? Why?"

Nagkibit siya ng balikat. "It's better this way, Bowie." Ipinikit-pikit niya ang kanyang mata para mabasag ang luhang namuo doon tapos ay tumingin sa pinto na dinaanan ng pasyente ni Bowie. "Your patient. Anong problema niya?" Gusto niyang mawala sa kanya ang topic nilang dalawa.

Napahinga ng malalim si Bowie. "She's pregnant and she wanted to abort her baby. The guy left him."

Hindi siya nakasagot at napalunok siya.

"She was thinking that ano pa ang silbi ng anak nila kung wala naman siyang katuwang na magpapalaki doon. It was a fuck up story," napabuga ito ng hangin. "Would you believe that one doctor here is performing abortion? A nurse just informed me. That patient had second thoughts kaya namin nalaman." Mahinang napamura si Bowie. "We are conducting an investigation discreetly para hindi mabulabog."

"W-what are your thoughts about that? Abortion?" Hindi niya alam kung bakit niya naitanong iyon.

"Amber, we are medical professionals and we took an oath to save lives. So, it's a no for me."

"Paano kung- kung the baby will just make the person to feel pain? It will become a reminder of something painful."

Hindi sumagot si Bowie at tumingin lang sa kanya.

"Why are you asking?" Alam ni Amber na pino-probe na siya ni Bowie kaya pilit siyang tumawa.

"Nothing. Curious lang ako kasi bakit naiisip ng mga tao na gawin ang ganoon."

"Out of desperation. Depression. They wanted to blame someone, something else because of the pain that they are suffering. Hindi nila alam, may ibang masasaktan kapag ginawa nila iyon. That's life that they wanted to take away. Walang malay na buhay."

Tumango-tango lang siya.

"But it is still just blood. Wala pang buhay iyon." Wala sa sariling sabi niya.

Kumunot ang noo ni Bowie sa kanya. "Amber, you're a nurse. You know the stages of pregnancy. As early as six weeks may heartbeat na iyon. The moment it was conceived may buhay na. What's wrong with you? Why are you asking questions that you already know the answer?" Napahinga ng malalim si Bowie. "Did something happen between you and Hunter?"

Mabilis siyang umiling at pinilit na ngumiti.

"Who is the doctor that is under investigation? I won't tell anyone." Pinilit ni Amber na magmukha siyang jolly para tumigil nang magtanong si Bowie sa kanya.

"Doctor Lopez. Doctor Amanda Lopez. Her clinic is located at the 6th floor. Please don't tell it to anyone kasi baka maka-apekto sa investigation. I am just sharing this to you because you are a friend." Seryosong sabi ni Bowie sa kanya.

Pinisil niya ang mga labi niya at umiling. "The secret is safe with me." Luminga-linga siya sa paligid tapos ay ngumiti kay Bowie. "Puntahan ko na muna si daddy. I'll see you soon, okay? Kuwentuhan uli tayo."

Tumango lang sa kanya si Bowie at sinundan siya ng tingin hanggang sa makalabas siya.

Nagbuga siya ng hangin at tinungo ang elevator. Pagsakay ay pinindot ang 6th at pagdating sa floor na iyon ay hinanap niya ang clinic na sinasabi ni Bowie.

Sa bandang dulo iyon. Nabasa niya ang pangalan sa pinto. Nanatili siyang nakatayo sa harap ng pinto at napalunok. Tiningnan niya ang kamay niya at nakita niyang nanginginig iyon. Ano ba ang ginagawa niya dito?

Tuluyang tumulo ang mga luha niya at napaupo sa silyang naroon. Mabuti na nga lang at walang mga tao kaya malaya siyang nakakaiyak. Ang sakit-sakit ng dibdib niya. Gusto na lang niyang matapos ang lahat. Gusto niyang makalimutan ang lahat kaya kahit ang nasa tiyan niyang nag-uugnay sa kanila ni Hunter ay naiisip niyang mawala na lang.

She was helpless. She was in pain and she just wanted everything to go away.

Walang tigil ang hagulgol niya habang nakasubsob sa kanyang mga palad. Pero agad din siyang napahinto at napatingin sa taong naupo sa tabi niya. Lalo siyang napaiyak nang makita doon si Bowie.

"I know you'll be here." Napailing si Bowie at napahinga ng malalim. "You don't have to do this. Just tell me what it is," kita niyang malungkot din itong nakatingin sa kanya. Parang dama din nito ang paghihirap na nararamdaman niya.

"I just wanted the pain to go away."

"But not like this, Amber. Not like this. Do you think by taking away the life inside you, you will feel whole? Do you think you will feel happy?"

"Iniwan niya ako, Bowie. He made me believe that he would love me pero ako lang pala ang nagmamahal. Ang sakit," humahagulgol siya ng iyak. "Ang sakit na iparamdam niya sa akin na wala ako sa priority niya. Na may mga taong mas importante para sa kanya."

Napailing si Bowie at napahinga ng malalim.

"He loved the tribe and he chose to stay with them than stay with me. Ganoon ako kawalang kwenta sa kanya, Bowie. Grabe ang ginawa niya sa akin. Pagdating kay Hunter lahat kaya kong lunukin pero sa pagkakataong ito, talagang dinurog niya ako. He made me a mess like this. Ganoon ba iyon? Because he is a mess then he wanted me to be like him?"

"You're pregnant and you didn't tell him." Paniniguro nito.

Tumango siya.

Napahinga nang malalim si Bowie. "Alam ba ni Auntie Frances?"

Umiling siya. "And I don't intend her to know about this," at napahagulgol ng iyak.

"Siguro kasi alam ni Hunter na lagi lang akong nandiyan. Alam siguro niya na kahit anong gawin niyang pananakit sa akin, papatawarin ko siya."

"Then don't forgive him. If that's what make you feel better. Get mad. Be mad at him. It's okay. Later, the pain will go away." Kinuha ni Bowie ang kamay ko. "We are here. You have your family, you have your friends and we could help you to take away the pain. It's okay to cry. It's okay to feel worthless but after some time, you need to stand up. You need to be brave for yourself. No one can help you but yourself, Amber. It's your choice if you want to stay in pain forever or feel the pain but let it teach you how to move on."

Punong-puno ng luha ang mga mata niyang nakatingin kay Bowie at hinawakan ang kanyang tiyan tapos ay napaiyak.

"I'm sorry. I'm sorry, baby. I am not a bad mother. I won't hurt you. I won't harm you," grabe ang hagulgol niya habang marahang hinihimas ang tiyan niya.

"Be strong for your baby, Amber. That's what you can do right now. Make your baby the reason why you need to be strong."

Napayuko lang siya. Sa isip ay paulit-ulit na humihingi ng tawad sa naisip niyang gawin sa anak niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top