CHAPTER FORTY-FOUR

"What's coming is better than what's gone." - Unknown

            "At anong masamang hangin ang nagtaboy sa iyo dito, Horacio?"

            Napangiti si Hunter kahit hindi nililingon ang nagsalita. Maya-maya ay nakaramdam siya na may humalik sa pisngi niya at naupo ang mama niya sa kanyang harapan.

            "Para kang kabute na bigla na lang susulpot dito. Pareho kayo ni Bullet." Umirap pa ito sa kanya at nagsalin ng tsaa sa kaharap na puswelo.

            "I just missed you, 'ma." Ngumiti siya sa ina.

            Sinamangutan siya nito. "Sanay na akong mag-isa dito kaya okay lang kung hindi 'nyo ako pinupuntahan." Alam naman niyang nagtatampo ang kanyang mama dahil hindi sila madalas makapunta ni Bullet. Sobrang busy ni Bullet sa negosyo sa ACO Logistics at isa pa, buntis na naman kasi si Amy at naka-bedrest kaya hindi maibiyahe pauwi dito sa Quezon. Siya naman, madalas siyang naka-out of town and out of the country dahil sa mga photoshoots.

            "Pinagpapahinga lang ng doctor si Amy. If she is okay to travel, dadalhin naman agad iyon ni Bullet dito kasama si Aria."

            "Namimiss ko lang ang apo ko. Ikaw? Kumusta ka na? Nagkausap na kayo ni Jacob?"

            Napalunok siya at ngumiti ng mapakla tapos ay tumango.

            "Yeah. But I guess he is still pissed with me. Nag-uusap naman kami kung ibang topic. But kapag tungkol na kay-" hindi niya maituloy ang sasabihin tapos ay pilit na ngumiti. "Well, okay naman kami ni Jacob. We're good." Napabuga siya ng hangin at nagsalin din ng tsaa sa tasa at kahit mainit ay uminom doon.

            Napakibit-balikat ang kanyang mama.

            "Ganoon talaga. Well, I think it was better that way. Siguro talagang hindi kayo para ni Amber sa isa't-isa. She is destined to be with someone that who could take care of her. Bowie, perhaps? Kumusta na ba ang pamangkin ko na iyon?" Kinuha ng mama niya ang telepono at nagbrowse-browse doon. "He doesn't have an IG? Kahit FB wala? Corny naman ni Bonifacio. Paano ko siya mai-stalk?" Umingos pa si Mrs. Acosta kaya natawa siya sa reaksyon ng ina.

            "You know Bowie doesn't like soc med. Kahit ako, ayoko din. It's too toxic. Full of shits. I just don't have a choice because of my job."

            Ngumiti sa kanya si Mrs. Acosta at tinitigan ang kanyang mukha.

            "You look better, Horacio. You look good. Your new life suits you well. You look contented. Sabagay, hindi ka pa ba makukuntento? Naiayos mo ang tribo na mahal na mahal mo. Imagine, you gave up everything just for them. Pati nga kami kaya mong i-give up 'di ba?" Ngumiti ng nakakaloko sa kanya ang ina.

            Parang nahihiyang napakamot ng ulo si Hunter.

            "I'm sorry, 'ma. Lagi mo na lang ba ako kukunsensiyahin tuwing magkikita tayo?"

            "Nakukunsensiya ka ba? I am just telling the truth. Hunter, huwag kang makunsensiya. You chose to do that and look what happened them. You gave them a better place, a better life. You gave them the best future for the next generation of that tribe, and I am proud of you for that." Nakangiting sabi ni Mrs. Acosta. "Well, I am proud of you on that part. But sa ginawa mo kay Amber? You fucked up on that."

            "'Ma. Saan mo ba natutunan ang mga ganyang salita? Pang-millenial lang 'yan." Naiinis na siya sa ina. Alam naman niyang sinasadya nito ang sinasabi. Sa tuwing magkikita na lang sila, lagi na lang mauuwi sa ganito ang kanilang usapan. Sisisihin siya sa pag-alis at pagsama ni Amber kay Bowie.

            "What? What's wrong in saying you fucked up on that? It's a millennial thingy and wala naman sigurong pinipiling edad ang pagiging millennial? I am just old in terms of age but my heart, this will remain young." Ngumiti pa ng nakakaloko ang mommy niya.

            "'Yan ang nakukuha 'nyo sa pagbababad sa telepono 'nyo. You are beginning to take the toxic shits I am telling you about. My god, 'ma. Stop doing that. Geez." Kunwari ay kinilig pa sa pandidiri ang itsura ni Hunter.

            Sinamaan siya ng tingin ng ina at umayos ito ng puwesto.

            "You don't want me to be the millennial something that you can talk to? Okay. I'll be your mother right now, Horacio. And as your mother, I've been keeping this to myself for almost two years. I hate you. I am mad at you pero hindi kita matitiis. Anak pa rin kita kahit anong pinaggagawa mo sa buhay mo. Iintindihin ko pa rin kung bakit nagawa mo ang mga nagawa mo. I hate you for hurting her." Ang sama ng tingin ng nanay niya sa kanya.

            "How many times should I say sorry for that? I messed up. It's fine if you hate me. I deserve that," yumuko siya at huminga ng malalim.

            Saglit na napatahimik si Mrs. Acosta at napapikit-pikit.

            "It's been two years, but I just couldn't forget her face that morning when you left her. Kung may magagawa lang ako noon, ginawa ko na. I wonder how she is right now. I tried to talk to Jacob, and I asked him to find her but for the first time, Jacob couldn't find someone. Sino ba si Amber 'di ba? Napakadali niyang hanapin and yet, Jacob cannot find her."

            Hindi siya sumagot. Alam niya kung bakit hindi makita ni Jacob si Amber. Dahil ayaw hanapin ni Jacob si Amber. Kagagawan niya iyon. Hanggang ngayon nga, hindi talaga sila nag-uusap ni Jacob ng matino. Two years na iwas na iwas ito sa kanya. Tanging kay Bullet lang ito nakikipag-usap kung may mga pinapatrabaho ang pamilya nila.

            Kung hindi makalimutan ng mama niya ang itsura ni Amber noon, ang hindi niya makalimutan ay nang makita niya itong paalis kasama si Bowie sa airport. Puwedeng-puwede niya sanang habulin si Amber noon pero hindi niya nagawa. Naduwag siya. Nawalan siya ng lakas ng loob na marinig mismo kay Amber ang mga panunumbat.

            "I'm sorry, 'ma. That's all I can say. I tried to look for her but-" napailing na lang siya. "I tried to fix myself after that. And here I am."

            "Yeah. And I am proud of you. Ang galing-galing mo. But, what about those women that always at your side? Iba-ibang babae ang nakikita kong kasama mo sa mga picture." Muli nitong dinampot ang telepono. "Ito? Sino ito? Alam kong wala kang hilig sa babae, Hunter pero sino ang mga ito? Kung makakapit sa iyo parang mga sawa na."

            Tiningnan niya ang ipinapakita ng ina at natawa.

            "'Ma, those are models na kasali sa mga photoshoots ko. And wala naman ang mga iyan. Kailangan siyempre sila sa trabaho ko."

            "At kailangan na laging nakapulupot din sa iyo? Look. Lalo na ito. Sino ba ang babaeng ito?" Parang nandidiri pa ng idinuldol ng mama niya ang telepono sa mukha niya.

            "That is Camile. Babad ka sa soc med pero hindi mo siya kilala? Social influencer. She has one million followers in IG."

            Umirap ang mama niya. "Hindi ako nagpa-follow sa mga babaeng kulang na lang pati kaluluwa ay ibilad na sa madla. I don't like her. Pero sa tingin ko, mukhang may something sa inyo." Tumaas na ang kilay nito sa kanya.

            Napatawa si Hunter. Napakagaling talagang manghuli ng nanay niya. Camile has been his constant fucking buddy for months. Walang relasyon. Walang kahit na anong label. They just like to fuck, ganoon lang. Pagkatapos ng init ng katawan back to normal na naman. Alam naman niyang ginagamit lang din siya ng babae para magkaroon ng mas maraming exposure.

            "She is just a friend."

            "Friend or not, I still don't like her. Huwag mong madala-dala 'yan dito sa bahay ko."

            "Bakit naman ako magdadala ng babae sa bahay mo, 'ma? Wala akong babaeng dadalhin dito sa bahay mo kasi ikaw lang ang reyna dito." Tumayo siya at lumapit sa ina tapos ay yumakap dito. "Patawarin mo na ako. I am missing you terribly. Why don't you come with me to Manila para makita mo naman ang susunod kong exhibit. Hindi ka pa pumupunta sa kahit sa anong show ko." Niyakap pa niya ng mahigpit ang ina. "You should see my works, 'ma."

            Humilig ito sa dibdib niya.

            "I know how good you are, Hunter. Hindi mo na kailangang ipakita pa ang mga iyon sa akin. But, okay. I'll go to your next show."

            Lalo niyang niyakap ng mahigpit ang nanay niya.

            Nang gabi ding iyon ay bumiyahe siya pabalik ng Maynila. Gusto nga niyang kasama na niya pabalik ang nanay niya pero tumanggi ito. Saka na lang daw ito bibiyahe. Sa araw na daw ng show niya.

            Pagdating doon ay diretso siya sa Makati para i-meet si Xavi. Ginawa talaga niyang mapalapit kay Xavi dahil alam niyang kaibigan ito ni Amber. At least kahit paano, makakakuha siya ng mga information tungkol sa babae. Hindi naman siya nito kilala na nagkaroon sila ng kaugnayan ni Amber and for two years, hindi naman nagkukuwento ang lalaki tungkol sa kaibigan. Pero okay na rin ang ganito. Being close to someone that he knows na close din kay Amber, okay na rin sa kanya. And Xavi is a good person too.

            He needed to do everything by himself since wala siyang tulong na maaasahan kay Jacob. Kahit kay Bullet ay wala siyang maasahan. Kahit nga ng bumalik na siya, their relationship was not the same like before. Alam niyang galit pa rin ang kapatid niya sa ginawa niyang pag-alis. Aminado naman siyang kasalanan niya ang lahat kaya itinatama niya ang lahat ng nagawa niya ngayon.

            Agad na tumayo si Xavi nang makita siyang papasok sa coffee shop.         

            "Bro, what's up?" Bati niya dito.

            "Sorry I had to re-sched our meeting. My best friend came from the States. So? What about our collab?" Ang painting and photography exhibit ang tinutukoy nito.

            "It's a go. I am just waiting for the prints and mapa-frame ang mga iyon. How about your paintings? May model ka na?"

            Umiling si Xavi at napabuga ng hangin.

            "Nawawalan na ako ng pag-asa na makakita pa ako ng fit na model na gusto ko. I was asking my best friend nga kung puwede siya na lang kaso, ayaw na. May anak na daw siya and she cannot pose nude anymore." Naiiling na natatawa pa si Xavi.

            "A mother and a kid. I think that is a good idea." Napangiti siya dahil binigyan siya ng idea ni Xavi para sa susunod na photo exhibit niya.

            "Ayaw nga. Makikita daw kasi ang mga kamot niya at bilbil." Ang lakas ng tawa ni Xavi.

            "That's fine. That's the essence of being a woman. Dapat body positivity. Kaya nga tayo artist 'di ba? Walang pangit sa atin."

            Tumango-tango si Xavi. "May tama ka diyan."

            Pagkatapos ng meeting nila ni Xavi at dumiretso naman siya sa bahay niya. He's been living alone here. Ayaw niyang makitira kina Bullet dahil kahit ilang taon na ang lumipas, asiwa pa rin sa kanya si Amy saka nga, hindi sila magkasundong magkapatid ngayon. Sanay naman siyang mamuhay na mag-isa kaya okay lang sa kanya ang ganito.

            Pagkatapos ng nagawa niya pag-aayos ng tribo ng mga Dasana, kahit alam na niyang maayos na ang mga ito at kahit kailan ay hindi na mapeperwisyo pa ng mga tao, hindi niya maintindihan kung bakit parang hindi pa rin siya kumpleto. Naaalala niya na sabi ni Hunter sa kanya na siya lang ang makakatulong sa kanyang sarili na mabuo muli kaya iyon ang ginawa niya. Ginawa niyang mag-excel sa bagay na gusto niya bukod sa pagtulong sa tribo. He became a renowned photographer. Noon pa naman ay hilig na talaga niya ang ganito kaya hindi na siya nahirapan i-market ang sarili niya at mga gawa niya.

            Madalas lumalabas sa mga print ads at billboards ang mga gawa niya. Lagi siyang laman ng mga events, big time parties here and abroad. In two years, he made a name for himself.

            But not a day passes by na hindi niya naiisip ang gabing iyon na umalis siya at iwan si Amber. Ang daming what if's sa isip niya. What if hindi siya umalis? What if isinama na lang niya si Amber sa bundok? What if he just stayed and married her?

            Wala siguro ang lahat ng ito. Siguro, hindi siya magiging buo and kahit na maging sila noon ni Amber, maghihiwalay din siguro sila dahil nga wasak siya at hindi niya alam ang gagawin sa buhay niya noon.

            But now, he knows his purpose.

            He just wants to find her and say sorry for what he did so he will have his closure.

            Dahil alam naman niyang masaya na si Amber ngayon kung sino man ang nagmamahal dito ngayon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top