CHAPTER FORTY-FIVE
"Perhaps somewhere, some day, at a less miserable time we may see each other again." - Unknown
"Dad, are you sure Arrow will be okay kung si Manang lang ang kasama niya sa bahay?"
Tumingin ang daddy niya sa kanya at napangiti.
"Of course. Wala ka pang tiwala kay Manang? Siya na nga ang halos nagpalaki sa iyo. Bakit? Natatakot kang lumaki si Arrow na katulad mo?" Natatawang tumingin na sa kalsada ang daddy niya.
"Hala. Bakit ako? Bakit katulad ko? Mabait ako, ah." Pinipigil niya ang mapatawa.
"Natatakot kang lumaki na kasing tigas mo ang ulo ang anak mo."
Tuluyan na siyang napatawa.
"Arrow will grow up a fine young man kasi sa iyo siya magmamana. Sa inyo ni kuya." Kumindat siya sa ama.
Ngumiti lang ang daddy niya at nagpatuloy sa pagmamaneho. Kinuha niya ang telepono sa bulsa at chineck ang mga messages niya at emails. Napangiti siya dahil may email sa kanya si Bowie. Nakita niyang picture iyon ng lalaki kasama ang dalawang anak. Well, she is happy that finally medyo nakakasundo na ni Bowie ang mga anak niya.
"When are you going to tell us about Arrow's father?"
Kumunot ang noo niya at tumingin sa ama. Bakit naman biglang-bigla na naisipan na itanong iyo ng daddy niya?
"Dad, we talked about it. Can we just focus on taking care of Arrow?" Nawalan na yata siya ng gana na mag-browse sa telepono niya kaya isinaksak niya iyon sa bag.
"Lumalaki ang anak mo, Amber. Magkakaisip 'yan. Magtatanong. Anong sasabihin mo?"
Napakamot siya ng ulo at yamot na tumingin sa labas ng sasakyan.
"Ikaw ang daddy niya. Kayo ni kuya. Nandiyan pa si Xavi. See? Ang dami 'nyo. Hindi na magtatanong si Arrow. Sisiguraduhin ko iyon."
"May nakita kasi ako sa magazine." Huminto sila sa intersection dahil naka-red ang ilaw ng stop light. May dinukwang na magazine ang daddy niya at binuklat iyon tapos ay inabot sa kanya.
"I can still remember this man. Siya ang naghahatid sa iyo noon 'di ba? 'Yung anak ng pinagtrabahuhan mo sa Quezon?"
Napalunok si Amber at parang nanginginig yata ang kamay niya nang abutin ang magazine na ibinigay ng ama. Nakabukas iyon sa isang article tungkol sa isang Photography Exhibit na ginanap sa SMX. Sa isang page ay naroon ang isang picture ng mga sikat na photographers. Sa kabilang page ay ang solong picture ni Hunter Acosta.
Nakangiti si Hunter sa picture. Parang nakangiti sa kanya. Labas ang pantay-pantay na mga ngipin. Buhay na buhay ang nagbeberde na brown na mga mata. Nanghahalina ang mga tingin. Ngiti pa lang nakakatunaw na kaya mabilis niyang isinara ang magazine at ibinalik iyon sa backseat.
"He is a photographer?" Tanong ng daddy niya. Umandar na sila dahil nag-green na ang traffic light.
"I don't know. Siguro. Dad, matagal na akong umalis sa pamilyang iyon kaya hindi ko na alam kung anong nangyayari sa kanila." Inabala niya ang sarili sa pagtingin sa labas ng kotse dahil para siyang hindi makahinga.
Calm down, Amber. You can do this. Nagpractice ka 'di ba? Sabi mo, matatag ka na kapag nagkaharap kayo ni Hunter Acosta. Kaya mo 'yan. Hindi ka na magiging marupok pagdating sa kanya.
"Nakita ko lang naman at namukhaan ko kaya naitanong ko sa iyo. Ilang beses ka rin kasing hinatid at sinundo ng lalaking iyon sa bahay so I assumed you are close together." Sabi pa ng daddy niya.
"Utos lang iyon ng mommy niya. Hindi kami close."
Napatango-tango ang daddy niya.
"I wonder how many people like them has the same eye color. Arrow's eye color is so unique. Hindi ba foreigner ang tatay ng apo ko?"
"Jesus Christ, daddy. Can we stop talking about Arrow's father? Maging masaya na lang tayo na nasa atin siya." Naiinis na napapailing siya.
"Why are you so grumpy? Nagtatanong lang ko, Amber. And I think as your father, I deserve an explanation and I need to know who the father of my grandchild is." Seryosong saad ng daddy niya.
Napahinga siya ng malalim at mahinang napamura. Tumingin siya sa labas. Malayo pa ba ang hospital? Gusto na niyang tumalon sa sinasakyan niya para matigil na ang pagtatanong ng tatay niya. Of all the days, ngayon pa talaga nagtanong ang daddy niya?
"Dad, I asked for your forgiveness and you forgave me. Nagkamali ako at nagmahal ako ng maling tao kaya nabuo si Arrow. Let's just give my son a peaceful life with us. Hindi na niya kailangan ang tatay niya. We will be okay without him kaya please, can we just drop this conversation and pretend that this never happened? Please?" Nangingilid na ang luha niya ng sabihin iyon.
Huminga ng malalim ang daddy niya at ngumiti sa kanya.
"As you wish, iha. Well, today you are going to report to Dr. Andrew Marzan. She needs a private nurse for his patients. I am telling you that he is one tough doctor. He needs to be thorough in everything dahil mga high end ang clients niya. There is no room for mistake."
"Bakit doon mo ako pina-assign, dad? Baka kainin ako ng buhay 'non." Ngayon pa lang yata ay kinakabahan na siya.
Natawa ang daddy niya. "Basta. You'll be in good hands with Dr. Marzan. Madalas kayong magkasama outside the hospital kasi madalas, siya na mismo ang nagbi-visit sa mga patients niya. Madali naman ang trabaho. The usual. Getting the vital signs, monitoring the meds. Taking notes. Kayang-kaya mo iyon. Bilib ako sa iyo."
Kahit paano ay nawala ang kabang nararamdaman niya. Pumarada sila sa parking lot at inihatid siya ng daddy niya sa clinic ni Dr. Andrew Marzan.
Kumatok ang daddy niya at panay ang buga niya ng hangin. Bumukas iyon at pinapasok siya ng sektretarya at pinadiretso sa opisina ng doctor.
Nakatingin lang siya ng tumayo ang doctor at lumapit sa daddy niya tapos ay nakipagkamay. Maitsura din naman si Dr. Marzan. Tingin niya nasa mid-30's lang ito. Bagay na bagay ang white coat na nakapatong sa itim na slacks at blue polo na suot. Napakalinis ng itsura.
"Drew, thank you for this. Thank you for taking my daughter in." Nakangiting sabi ng daddy niya.
Sinulyapan siya ng doctor tapos ay humarap sa daddy niya. Kumunot ang noo ni Amber. Mukhang masungit nga. Hindi man lang siya nginitian.
"Basta ikaw Doctor Teodoro. Is she ready to start today? We need to visit a client who is having trouble breathing." Bumaling ito sa kanya. "Are you ready for today?"
Nagtatanong ang tingin sa akin ni daddy kaya sunod-sunod akong napatango.
"Then, we can start. Don't worry, doc. Akong bahala sa kanya." Sabi pa ni Dr. Marzan sa daddy niya.
"Thanks again, Drew. Ingat kayo sa biyahe." Lumapit sa kanya ang daddy niya at hinalikan siya sa pisngi. "Goodluck on your first day."
Tumango lang siya sa daddy niya at sinundan ito ng tingin palabas.
"So, are you ready?" Seryoso na ang mukha nitong nakatingin sa kanya.
"Y-yes, doc."
"Good. Take the bp app, those folders on top my table, look for the file of Taylor Swift and follow me." Hinubad nito ang suot na white coat at ipinatong sa sofa na naroon.
Kumunot ang noo ni Amber at hinanap ang folder na sinasabi ng doctor. May nakita nga siyang nakasulat doon na Taylor Swift. Iyon ang pangalan ng pasyente.
"Taylor Swift, doc? Ito talaga ang pangalan ng pasyente?" Tiningnan niya uli ang file at tama nga ang nakikita niya. Taylor Swift nga pero ang nakikita niyang ang edad ng pasyente na naroon ay fifty-six na.
"Yeah. Taylor Swift. Let's go."
Sumunod na lang siya dito bitbit ang mga pinapadala ng doctor.
----------------------
"Hunt, are you going to stay here? I mean, this party is boring. Sino ba naman ang napa-party ng ganitong kaaga? My god. Nine am?"
Tiningnan lang niya si Camile sa tabi niya na may hawak na cocktail drink at bored na bored ang itsurang tumitingin sa paligid.
"Then be bored. I can't just leave this party. I need to finish this. I need to take shots of the models pa," sagot niya dito at isi-net ang camera at pinagkukuhanan ang mga models na umiikot sa bagong bukas na high end bar na ito sa BGC. Umaga ang event dahil bagong concept ito ng may-ari. Kahit umaga ay puwedeng gumimik at ang target market ay mga nagko-call center.
Umirap si Camile.
"And those models are so cheap. Akala ko ba high end bar ito? Bakit parang nadampot na lang sa kung saan ang mga models na iyan. Look at their clothes. Ang pangit. It's not even coordinated. My gosh," napapatirik pa ang mata ni Camile at inubos ang hawak na cocktail drink at muling umorder sa dumaang waiter.
"You're bored but you're enjoying their drinks. Then drink so you're not going to get bored." Iniwan na niya ang babae at nagsimula na siyang umikot-ikot. Sigurado naman siyang siyang maya-maya lang ay may makikilala na itong si Camile. Alam naman niyang kaya ito sumama sa kanya ngayon ay para makahalubilo sa mga who's who sa event na ito. Ayaw na nga sana niyang isama pero makulit at ayaw humiwalay sa kanya. Natawa siya ng maalala ang sinabi ng mama niyana parang mga sawa ang models na kasama niya. Lagi kasing nakapulupot si Camile sa kanya.
Patuloy siya sa pagkuha ng mga importanteng nangyayari sa loob ng bar. Mga importanteng tao na umattend. Ang mga may-ari. Ang mga sosyal na pagkain. Free flowing expensive drinks and liquors. Lahat ng mga ito ay ipi-feature sa isang magazine at mga broadsheets. Hindi na nga dapat siya tatanggap ng ganitong gig pero mapilit ang may-ari nito. He was willing to pay him any amount para lang siya ang mag-shoot ng opening. Gusto kasi nitong lahat ng suppliers sa gagalaw sa opening ng bar nito ay mga kilala at world class.
He was checking his shots nang tumunog ang telepono niya. Nakita niyang si Manang Rosie ang tumatawag sa kanya. Iyon ang kanyang helper na pinagbilinan niya ng kanyang mama. Lumakad siya palabas ng bar para marinig ang boses nito.
"Manang. Kumusta si Mama?" Inipit niya balikat at leeg ang telepono para may mahawakan niyang maige ang camera niya.
Kahapon pa lumuwas ang mama niya mula Quezon at ipinilit talaga niyang doon ito tumuloy sa bahay niya. May helper naman siya doon na puwedeng magbantay sa mama niya.
"H-Hunter, nahihirapang huminga ang mama mo. Ayaw lang niyang ipasabi sa iyo pero siyempre hindi ko naman matitiis na hindi ipaalam sa iyo. Pero huwag ka ng mag-alala. Padating na ang doctor na tinawagan niya kanina. Ipinaalam ko lang sa iyo." Halata ang kaba sa boses ng kausap niya.
"What? Anong nangyari?" Pinabayaan niyang nakasukbit sa leeg niya ang camera at hinawakan na ang telepono.
"Kasi kanina, nakita kong nagsasayaw ang mama mo sa harap ng tv. Pinapanood niya si Taylor Swift. Sinasayaw niya 'yung Shake it off. Mukhang napagod, eh."
Mahina siyang napamura at napailing. Hindi niya malaman kung tumatanda ng paurong ang mama niya.
"Kumusta na siya ngayon?"
"Nagpapahinga sa kuwarto niya. Hinihintay na lang na dumating ang doctor. Tatawagan ko din sana sa Bullet pero baka magalit ka."
"Huwag na. Don't call Bullet. Sige. Pabalik na ako diyan. I need to see his doctor too." Napahinga siya ng malalim at pinatay na ang telepono.
Kahit importante sa kanya ang event na ito ay mas importante naman ang mama niya. Sa lahat ng mga kasalanang nagawa niya dito, sinisiguro niyang his mom will be the first priority on his list. Nangako siyang babawi na dito.
Naipagpasalamat niyang naintindihan naman ng may-ari ng bar ang emergency niya. He offered to return half of the price ng talent fee niya pero tumanggi ito. Nakita niyang may kausap ng ibang guests si Camile kaya iniwan na niya ito. Nagmamadali siyang sumakay sa kotse at pinasibad pauwi sa bahay.
Nakita niyang may nakaparadang kotse sa tapat ng bahay niya at nakahinga siya ng maluwag. Sigurado siyang kotse na iyon ng doctor ng mama niya. Dali-dali siyang tumakbo papasok ng bahay at habang paakyat ay tinatawag ang mama niya.
"'Ma. 'Ma! Are you okay?"
Humihingal pa siya nang makapasok sa guest room kung saan nag-i-stay ang mama niya.
Pero nawala ang lahat ng kaba niya sa nangyayari kay sa nanay niya .
Kinakabahan siya pero ibang klase ang kabog na ito ng dibdib na nararamdaman niya habang nakatingin sa nurse na nag-b-bp sa matanda.
Dahil si Ambrosia Isabel Teodoro mismo, ang nurse na nag-b-bp sa nanay niya at ngayon ay nanlalaki ang mga matang nakatingin sa kanya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top