CHAPTER FORTY
Ilang araw nang mainit ang ang ulo ni Hunter magmula nang makita niya ang post na iyon sa Facebook tungkol kay Apo Ingkang.
Hindi siya mapakali at talagang iniisip niya kung ano ang nangyari sa tribo kaya gumawa siya ng imbestigasyon.
He called the local barangay that are tasked to help the tribe. Nag-usap na sila noon. Bago siya umalis, siniguro niyang aayusin iyon ni Jacob na hindi mapapabayaan ang tribo. Nagbigay siya ng malaking halaga para sa pagsasaayos ng lugar. Pero sa dami ng nakita niyang mga litrato na parang pinabayaan ang tribo, talagang nag-iinit ang ulo niya.
Noon niya nalaman na ang taong kinausap ni Jacob para sa pag-aalaga ng tribo ay itinakbo lang ang perang ibinigay niya. At dahil nalaman pa ng mga tao na may ganoong klaseng ka-preserve na tribo sa bundok na iyon, ang local na barangay ay bigla iyong ini-open sa mga tao para pagkakitaan. May mga postings siyang nakikita sa Facebook na nakalagay na kasama sa isang trek package ang pag-meet sa mga legit na tribe people. May pa-meet and greet. Karamihan ngayon sa mga umaakyat ng bundok na iyon ay gusto lang makita ang mga Dasana. Ginawa silang entertainment. Ginawa silang katatawanan. Ginawa silang eskperimento. Pinagkakitaan sila ng mga walang pusong mga tao.
Nakipag-coordinate siya sa kung puwedeng tumulong sa kanya para matulungan ang mga Dasana. Hindi maganda ang kanilang kalagayan. Ang tribo na iningatan niya at pinangakuan na po-protektahan ay sinisira ng mga tao.
Nangyari na ang kinatatakutan niya kaya ayaw niyang iwan ang tribo na iyon.
Kaya nagdesisyon siya na pagkahatid niya ngayon pauwi kay Amber sa bahay nito ay didiretso siya ng Zambales para personal na makita ang kalagayan ng mga Dasana.
At hindi niya ma-take ang naabutan niya sa tribo.
Parang karnibal na pinaglalaruan ang mga Dasana. May mga bantay na mga taga-barangay para hindi makapanakit ang mga ito. Naka-cordon ang buong tribo at hindi puwedeng lumabas doon ang mga Dasana. Kung may magwawalang mga Dasana ay agad na sasawayin, itatali at parurusahan. Kahit sila Hagway na matitikas na mga taga-tribo ay hindi makakalaban sa de-baril na mga bantay. May mga taong nanonood sa mga ito kung ano ang ginagawa sa pang-araw-araw na pamumuhay. Pinagtatawanan dahil mga nakahubo. Pinagtatawanan dahil mang-mang. Pati ang pribadong pagsisiping ng mga Dasana ay hindi pinapalampas.
Galit na galit si Hunter. Gusto niyang pagpapatayin ang lahat ng mga taong narito. Gusto niyang magwala dahil binaboy ng mga taong ito ang tribo na iningatan niya. Wala siyang magawa ngayon.
Pero sinisiguro niya, hindi niya maaring pabayaan ang mga ito. Gagawa siya ng paraan para mailigtas ang mga Dasana.
---------------------
This can't be true.
Amber was sure that she was not pregnant. After what happened in the mountains between her and Hunter, she knew that she can't be pregnant. Kahit pa nga active sila sa sex ng lalaki, sinisiguro niyang hindi siya mabubuntis. She had her monthly period last week. Well, isang araw lang nga iyon but she was sure that she was not delayed. Pero ano 'to? Bakit two lines ang nakikita niya sa pregnancy test kit na hawak niya?
Muli niyang binuksan ang isang pregnancy test kit at muling chineck ang ihi. Two lines pa rin. Isa pa ulit at ganoon pa rin ang resulta.
Nagsusumigaw sa mata niya ang galit na galit na two red lines.
Nurse siya. Alam niya ang menstrual cycle niya. Alam niyang regular siyang nagkakaroon at kahit isang araw lang siyang dinatnan at biglang huminto, she thought that was it. Baka stressed lang siya kaya huminto agad.
But the last few days were different. She felt that there was something wrong with her body. Headaches, her body feeling weak, her smell became sensitive. She hates the smell of Hunter's perfume. Unusual iyon kasi gustong-gusto niya ang amoy na iyon ng pabango ng lalaki. Bleu de Chanel. She loves to smell Hunter when he was wearing that perfume. Pero kahapon nang magkasama sila, halos masuka siya sa amoy nito.
Kaya niya naisip na baka buntis siya ay dahil sa pagkaing kinain niya kanina. Umagang-umaga pagkagising, naglalaway siya ice cream. Gusto niya ang avocado ice cream tapos dinurugan niya ng tuyo. And she was not eating tuyo in her entire entite life.
Parang nanghihinang napaupo siya sa toilet seat ng toilet bowl. Nakatitig lang siya sa two red lines na nasa pregnancy test. Hindi niya alam ang gagawin. Sasabihin ba niya ito kay Hunter? Pero parang may problema ang lalaki na hindi sinasabi sa kanya. Ilang araw na niyang napapansin na wala itong imik. Laging nag-iisip. Kung hindi pa nga niya puntahan, hindi sila magkikita. Kung hindi niya kausapin, hindi sila magkakausap kahit sa iisang bahay lang sila nakatira.
Napaigtad siya at mabilis na ibinulsa ang hawak na pregnancy test kit ng may kumatok sa pinto ng banyo.
"Amber, are you still in there? Kanina ka pa diyan. Hindi ka ba papasok?" Boses ng daddy niya ang narinig niyang nagsalita mula sa labas ng banyo.
"D-dad. I'm going out na. Five minutes."
Inayos niya ang sarili at naghilamos tapos ay humarap sa salamin. Wala pa namang nagbabago sa mukha niya. Ganoon pa rin ang itsura. Tumayo siya ng diretso at iniangat ang damit at tiningnan ang flat na tiyan. Marahang hinimas iyon.
Sasabihin ba niya kay Hunter na magiging tatay na ito?
Muling kumatok ang daddy niya.
"You're going to be late, Amber. Huwag mong paghintayin ang pasyente mo. You had your day off yesterday kaya kailangan mong bumalik ng maaga sa bahay ni Mrs. Acosta."
Napahinga siya ng malalim at itinali ang buhok tapos ay lumabas.
"Ang tagal mo. Mali-late ka na. Kanina pa naghihintay sa labas ang anak ng pasyente mo." Tumingin ng makahulugan sa kanya ang daddy niya. "Boyfriend mo ba iyon?"
Alam ni Amber na namula ang mukha niya dahil ramdam niyang nag-init ang mukha niya.
"Daddy ano ka ba? Huwag kang gumawa ng chismis." Saway niya dito.
"Hindi ako gumagawa ng chismis. Sinasabi ko lang ang nakikita ko. Talaga bang nagmamagandang loob lang 'yang anak ng pasyente mo? Grabe makabakod sa iyo."
Tinawanan na lang niya ang daddy niya at kinuha ang bag niyang naglalaman ng mga damit niya. Hindi niya ma-explain ang kabog ng dibdib. Ewan niya kung dahil ba iyon sa excitement na sabihin kay Hunter na buntis siya.
"Daddy, utos kasi iyon ng mama niya. Kasama sa package bilang ako ang private nurse ng nanay niya ang pagda-drive niya sa akin. Huwag na kayong ano. Wala kaming relasyon 'non." Natatawang sagot niya.
Pero tabi po kami matulog sa kama madalas.
Napangiti siya. Sigurado siyang kakalbuhin siya ng daddy niya kapag sinabi niya iyon.
Pero ano nga ba sila ni Hunter? Ipinaparamdam nitong gusto siya. Kailangan siya. Pero kahit kailangan hindi niya ito narinig na sabihin siyang mahal siya. Never siyang sinabihan ng I love you ni Hunter. Never siyang sinabihan na minamahal siya. Pero inisip niya, okay lang iyon. Nararamdaman naman niya na iyon ang gustong ipahiwatig ni Hunter. Baka hindi lang magaling sa words ang lalaki. Basta ang sigurado siya, mahal niya si Hunter at masaya siya sa sitwasyon nilang dalawa.
"Alis na ako, dad. I'll see you guys again next week." Humalik na siya sa pisngi nito at nagmamadaling lumabas ng bahay.
Nakangiti pa siya habang palabas ng gate nila at nakita na niya ang nakaparadang kotse ni Hunter. Naroon ang lalaki at nakaupo sa driver's side. Pero nawala ang ngiti sa labi ni Amber kasi bakit parang may iba dito? Seryoso ang mukha nito na nakatingin lang sa kalsada. Wala ang usual jolly face na nakikita niya kapag sinusundo siya. Nagulat pa nga ito nang kumatok siya sa bintana ng kotse. Tumingin lang sa kanya at hindi ngumiti.
Kahit nagtataka ay sumakay siya sa kotse nito. Walang imik nitong pinaandar ang sasakyan. Hindi man lang siya tinitingnan. Naka-focus lang ang atensyon sa daan pero sigurado siyang may ibang iniisip naman.
"Saan ka galing?" Siya na ang nag-umpisang magsalita. Baka sakaling magbago ang mood. Wala silang pinagtatalunan ng lalaki kaya imposibleng siya ang dahilan kasi badtrip ito.
"Zambales." Tipid nitong sagot.
Zambales? Hindi man lang nabanggit sa kanya na bumiyahe doon?
"Nagbalikan ka lang?" Makikinig lang siya. Ayaw nilang mag-away silang dalawa. Gusto niya masaya sila ngayon dahil good news ang sasabihin niya sa lalaki.
Tumango lang ito. Halata pa rin na may malalim na iniisip.
"Pagkahatid ko sa 'yo kahapon dumiretso ako doon then dito uli. Sinundo na kita."
"Anong ginawa mo doon?"
Umiling lang si Hunter. "Just checked on something."
Hindi siya sumagot. Mukhang wrong timing kung sasabihin na niya. Mamaya na lang kapag nasa bahay na sila. Baka naman mamaya, okay na si Hunter. Baka magsabi na sa kanya kung may problema man na dinadala.
Hanggang sa makarating sila sa bahay ng mga Acosta ay hindi naman nagbago ang mood ni Hunter. Wala nang gising sa bahay. Dire-diretso na sana siya sa kuwarto niya doon nang hawakan nito ang kamay niya.
"Can you sleep beside me tonight?" Punong-puno ng pakiusap ang tono ni Hunter at hindi yata magagawang tumanggi ni Amber kaya tumango siya.
Pagpasok pa lang sa silid ay hinalikan na agad siya ni Hunter. Ibang-iba kumpara sa mga nakakaraan na hinahalikan siya ng lalaki. He was kissing her with full of passion. Hahalikan siya tapos ay titigan ang mukha niya. Hahaplusin na parang kinakabisado iyon tapos hahalikan siya ulit.
Kahit na nga nang angkinin siya nito, ganoon din. Walang halong pagmamadali. Talagang ninanamnam ang bawat sandali na magkasama sila. He was holding her like it would be the last time na magkakasama sila. And she would just savor this moment. Marami pang oras para sabihin niya dito ang kalagayan niya.
Pareho lang silang nakatitig sa kisame pagkatapos magsalo sa isang napakainit na sandali. Hindi pa rin nagbago ang mood ni Hunter. Tahimik lang ito na malalim ang iniisip.
"May problema ka ba?" Hindi na siya nakatiis na hindi magtanong.
Tumingin ito sa kanya tapos ay hinalikan siya sa noo.
"I went to Zambales just to check the tribe. I got news that they are being harassed by the common people. Mountaineers, syndicates invaded their tribe." Napahinga ito ng malalim.
Napatitig siya kay Hunter. Kitang-kita niya ang pag-aalala sa mukha nito.
"Bakit hindi ka humingi ng tulong sa gobyerno? 'Di ba may tulong na silang nakukuha mula sa local barangay at NGO's?" Hindi malaman ni Amber kung bakit grabe ang kaba na nararamdaman niya.
Umiling si Hunter at itsurang disappointed.
"They need someone who can lead them, Amber."
"Kaya nga. The government can help them. 'Di ba nga? Natulungan sila."
"They need someone that they can trust. They need someone that they believe in. You know those people they won't just listen to anyone."
Napalunok siya dahil parang alam na niya ang tinutumbok ng sinasabi nito.
"And what are you trying to say?" Pumiyok ang boses ni Amber nang sabihin iyon.
Huminga ng malalim si Hunter.
"They need me."
Napamura siya at inis na bumangon pero pinigilan agad ng lalaki.
"Paano ako?" Naiiyak na siya.
"I was hoping that you could understand what I'm trying to say. They are my people and I can't just let other people to destroy that precious tribe."
"Paano ako?! Paano kami ng-" hindi niya naituloy ang sasabihin dahil kitang-kita niya sa mukha ni Hunter na buo na ang desisyon nito na umalis.
"Amber, alam mo naman na minahal ko ang mga Dasana. They are my family."
"Ano ang mama mo? Ano si Bullet? Ano ako? Ano kami sa iyo?"
Napalunok lang si Hunter at napayuko.
Ngumiti siya ng mapakla at pinahid ang mga luhang naglandas sa pisngi,
"Save it. Huwag ka ng mag-explain kung nakapagdesisyon ka na. Ganoon naman talaga. Ganyan ka talaga. Napakadali sa iyong iwan ang mga taong nagpapahalaga sa iyo. Bakit ganyan ka?" Punong-puno ng sama ng loob ang bawat salita niya.
"Amber-"
"Gago ka, Hunter! Gago ka! Nang-aano ka! Bakit mo ako sinasaktan? Ano ang kasalanan ko sa iyo?!" Napapapiyok na siya dahil sa pag-iyak. Ang sakit-sakit ng dibdib niya. Literal na para iyong binibiyak.
Hindi nakasagot ang lalaki.
"Ang tanga ko. Sa umpisa pa lang nagpakatanga na ako para akyatin ang bundok at hanapin ka. Nagpakatanga akong mahalin ang isang sketch na walang kasiguraduhan kung makikita ko. Hanggang ngayon nagpapakatanga pa rin ako. Kahit kailan nga hindi mo sinabi sa akin na mahal mo ako. Ako lang lahat. Ako lang ang nagae-effort na mahalin ka. Bakit mo pa ako sinundan dito kung iiwan mo rin pala ako?"
Napapikit si Hunter at napailing.
"Mahal mo ba ako, Hunter? Kasi iba ang ipinaparamdam mo sa akin. Ipinaparamdam mong kailangan mo ako pero hindi mo ako mahal." Hindi na siya makahinga sa sobrang sama ng loob. "What is it that you need from me? The good sex? Someone who would listen to all your whines? Iyon lang ba ako sa iyo?"
"Amber, please. I just want you to listen to me." Punong-puno ng pakiusap ang boses nito.
"Sa umpisa pa lang, nakikinig na ako. Ako lang ang nakikinig sa lahat ng mga hinagpis mo. Ako lang ang nakikinig sa mga disappointments mo sa buhay kahit na nga puwedeng-puwede mo namang ayusin iyon. Wala kang problema sa buhay, Hunter. Ikaw ang gumagawa ng problema. Nandito ako. Ang mama mo. Ang kapatid mo. Lahat kami nagmamahal sa iyo and yet you are choosing to leave us behind para sa mga taong hindi mo kaano-ano. Nakapa-selfish mo!"
Napakagat-labi si Hunter at naiiling na napayuko.
"You made me fall for you big time but in the end, you didn't catch me. Pinabayaan mo akong kumalabog sa semento at masaktan ng sobra. And now, you're just going to leave and expect me to be okay?"
"Amber, mahal kita pero-" hindi maituloy ni Hunter ang sasabihin niya. Halatang hirap na hirap sa kung ano ang dapat sabihin.
"Mahal mo ako pero bakit may pero? Kung mahal mo ako walang pero. Kung mahal mo ako, hindi mo kailangang mamili. Kung mamimili ka man, pipiliin mo 'yung mahal mo. Pero hindi ako ang pinili mo." Sabog na sabog ang mga luha ni Amber sa mukha. "At ano ang kasiguraduhan na babalikan mo ako?"
"If you are willing to wait. Kailangan ko lang ayusin ang tribo. Kailangan nila ako." Parang maiiyak na rin si Hunter.
"Hanggang kailan? Hanggang kailan ako maghihintay? Isang araw? Three weeks? Isang taon? Forever?"
Hindi nakasagot si Hunter at napailing lang ito. "I'm sorry." Iyon lang ang nasabi nito.
"Ganyan ako kawalang kuwenta sa 'yo," hagulgol ng sobra si Amber. Awang-awa siya sa sarili niya. Pakiramdam niya ay siya na ang pinakawalang kuwentang tao. "Nagmahal lang ako, Hunter. Minahal kita pero bakit mo ako kailangang saktan ng ganito?"
Ayaw na niyang pakinggan ang lahat ng sasabihin ni Hunter dahil iisa lang naman ang ending noon. Desidido na itong umalis at bumalik sa bundok. Desidido na itong iwan ang pamilya nito.
Desidido na itong iwan siya.
Walang tigil sa pag-iyak si Amber. Nagagalit siya kay Hunter. Bakit pa ganito ang ginawa sa kanya? Bakit pa nito pinaramdam na importante siya? Bakit binigyan siya ng pag-asa para sa isang happy ever after kung sa huli ay iiwan din naman siya?
Nanatili lang siyang nakatalikod nang pagkakahiga dito. Hindi na rin siya ginambala pa. Pinabayaan lang siyang nakahiga pero hindi ito umalis sa tabi niya. Hindi rin naman siya nakatulog magdamag dahil iyak lang siya ng iyak.
Tumunog ang telepono nito at naramdaman niyang umalog ang kama. Bumangon ito.
"Where? S-sige. I'll be there." Mahinang-mahina ang boses ni Hunter nang sabihin iyon tapos ay narinig niyang huminga ito nang malalim.
Hindi siya tumitinag. Pilit niyang ipinikit ang mga mata para magpanggap na tulog. Naramdaman niyang lumapit ito sa kanya at hinalikan siya sa pisngi.
"I am really sorry." Mahinang sabi nito at tuluyang umalis sa kama. Ilang sandali pa ay naramdaman niya ang dahan-dahan nitong pagbukas ng pinto. Tapos ay narinig niya ang pagtunog ng sasakyan nito sa garahe. Tanging ang tunog ng makina ng sasakyan ang umiingay sa katahimikan ng paligid. Sumasabay sa pag-iyak niya.
Hanggang sa mawala ang tunog ng sasakyan. Tanging ang pag-iyak na lang niya ang ingay na maririnig sa paligid.
Magang-maga ang mata ni Amber nang bumangon kinabukasan. Kung hindi lang siya nakakaramdam na nasusuka siya ay hindi siya babangon sa kama. Diretso siya sa inidoro at doon nagduduwal ng nagduduwal. Tumingin siya sa salamin at ang pangit-pangit ng itsura niya. Mugtong-mugto ang mata. Namumutla pa.
Mabilis siyang nag-ayos ng sarili at tinungo ang dining. Sigurado siyang naroon na si Mrs. Acosta at naabutan niya itong tahimik lang na nakaupo sa harap ng mesa. Kita niya ang lungkot sa mukha nito at ngumiti ng pilit nang makita siya.
"G-good morning po." Pinilit niyang huwag mabasag ang boses niya. Naupo siya sa harap nito.
"Si Hunter?" Tingin naman niya ay alam na nito na umalis na ang anak. Gusto lang siguro nitong malaman kung anong sasabihin niya.
Tuluyang nahulog ang mga luhang kanina pa niya pinipigil. Mabilis niyang pinahid iyon at ngumiti ng mapakla.
"Pumili na po ang anak 'nyo. Sadly, it's not me." Napayuko siya at napahagulgol.
Naramdaman niyang tumayo si Mrs. Acosta at lumapit sa kanya tapos ay niyakap siya. Lalo lang siyang napaiyak. Parang batang naghahanap ng kakampi. Alam niyang lumuluha din ang matanda.
"I am so sorry, Ambrosia. I thought having you here will give him a reason to stay." Basag na basag din ang boses nito.
Hindi siya sumagot. Iyak lang siya ng iyak. She was dispensable to Hunter. He was a mess at akala niya matutulungan niyang ayusin kung anuman ang sira sa lalaki. Pero ang nangyari, sinira din siya ni Hunter. Winasak ang puso niya. Pinaramdam sa kanya na kailangan siya pero hindi siya ang priority.
"I can see that he loves you. I don't understand why he did this." Napahinga pa ng malalim si Mrs. Acosta.
"Kailangan lang po niya ako pero hindi niya ako mahal. Malaki ho ang pagkakaiba noon." Mabilis niyang pinahid ang mga luha at pilit na ngumiti sa matanda. "Huwag po kayong mag-alala. I'll be okay. I know soon, I'll be okay."
Matapang siya. Umiiyak siya ngayon dahil nasasaktan siya pero matapang siya. Hindi siya habambuhay na iiyak dahil mayroong isang buhay na aasa sa kanya.
Pero kung kailang siya magiging okay ay hindi niya alam.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top