CHAPTER FIFTY-TWO

"Being hurt by someone you love doesn't mean you have to stop loving, it's one way for you to learn not to give up and keep loving." - Unknown

            Ang higpit ng hawak ni Amber sa kanyang kinauupuan nang maramdaman niyang magla-land ang sinasakyan nilang private plane na tanging siya at si Hunter lang ang laman at isang lalaking flight attendant na nagsisilbi sa mga kailangan nila. Wala naman siyang kailangan na kahit ano. Ang gusto niya ay makaalis na dito. Tanging si Hunter lang ang panay ang request ng kung ano-ano sa lalaki. Humingi ng pagkain, inumin, alak. Nagpatugtog ng mga kung ano-anong music na talagang ikinaiirita niya. Hindi nga niya ito kinakausap sa almost forty minutes na biyahe nila pero halata naman na nagpapansin ito sa kanya.

Tinapunan niya ng tingin ang lalaki na ngayon ay nakapikit naman. Hindi niya alam kung tulog o nakapikit lang. Talagang chini-check niyang maige kung tulog ito at tingin naman niya ay nakaidlip na kaya dahan-dahan niyang kinuha ang telepono niyang nakasuksok sa bulsa nito sa pantalon. Mabuti na nga lang at nakalawit iyon kaya hindi siya mahihirapan na dukutin.

Hindi siya humihinga habang dahan-dahang hinuhugot ang cellphone. Sinamaan pa niya ng tingin ang tulog na lalaki dahil naalala niya ng kunin nito ang telepono niya. Kinumpiska pa para hindi daw siya makatawag kung kanino. At lalong para hindi siya makatawag kay Drew. Kung may magagawa nga lang siya. This is a case of kidnapping. Hindi naman siya kay Drew tatawag. Tatawag siya sa daddy niya at ipapaalam niya ang ginawang ito ni Hunter.

Napahinga siya ng malalim at nakakagat-labi pa habang dahan-dahan ang paghugot na ginagawa niya. Napangiwi siya dahil nahihirapan na siyang kunin ang cellphone niya. Naipit sa pantalon ni Hunter. Lalo na siyang mahihirapan dahil gumalaw ito ng upo at humarap pa ang mukha sa kanya. Nahigit niya ang paghinga dahil ilang pulgada na lang ang layo ng mukha nito sa mukha niya kaya napaatras ang kanyang ulo.

Inis na tinigilan na ni Amber ang ginagawang pagkuha ng telepono. Sigurado naman siyang kapag nahugot niya iyon, siguradong magigising din si Hunter. Tiningnan niya ng masama ang lalaki at salubong ang kilay na tiningnan ang mukha nito. Kahit nakakaramdam ng inis, hindi niya maiwasan ang sarili na titigan pa rin ang mukha nito. Naihilamos niya ang kamay sa mukha dahil kahit ano talagang gawin, guwapo talaga ang lalaking natutulog sa tabi niya. Ilang taon ang lumipas, kitang-kita pa rin sa mukha nito ang karisma na nagpaakit sa kanya. Napahinga siya ng malalim at nanatiling nakatingin sa mukha nito. Napangiti siya nang mapakla. Naalala niya, ang mukhang ito ang dahilan kung bakit siya nagpakagaga noon na umakyat ng bundok at hanapin ang isang bathala na walang kasiguraduhan kung makikita niya.

Natagpuan nga niya. Minahal niya. Marupok siya pagdating sa lalaking ito. Wala siyang itinira para sa sarili niya dahil iba talaga ang isinisigaw ng puso niya pero ilang ulit ba siya nitong sasaktan? Ilang beses na niyang naranasan iyon sa piling ni Hunter. Mahal niya pero hindi niya maramdaman na may katumbas na pagmamahal ang nararamdaman niya para dito kaya takot na siya. Ayaw na niya. Ayaw na niyang masaktan uli dahil baka hindi na niya kakayanin pa kung sasaktan na naman siya nito ngayon.

They can share custody for Arrow dahil ang anak na lang naman nila ang nag-uugnay sa kanila.  Hanggang doon na lang ang kaya niyang ibigay.

Napahinga siya ng malalim at pinagsawa ang tingin sa mukha nito. Napangiti pa siya nang makita na bahagya itong ngumiwi. Nanaginip siguro. Kahit ano ang gawin ng lalaki, talagang kahit sino, rurupok sa kaguwapuhan nito.

Amber, ayan ka naman. Natitigan mo lang lumuluwag na ang panty mo.

Kinatok niya ang noo.

Maraming pardible 'to. Hindi na ito basta mahuhubo dahil lang sa kanya.

Napangiti siya sa naiisip niyang iyon. Ang utak niya ay kung ano-ano na naman ang naiisip. Nagtatalo na naman.

"Why are you smiling?"

Nandilat ang mata niya at tumingin sa lalaki. Nakapikit nga ito pero nakangiti naman. Gising na ba ito?

Tuluyan na itong dumilat pero hindi tuminag. Nanatiling nakadikit sa kanya at malapit ang mukha sa mukha niya. Agad siyang umaatras para makalayo dito.

"Smiling? I am not smiling. Paglapag ng eroplanong ito, hindi ako bababa at ibabalik ako nito sa Maynila," sinamaan niya ng tingin ng lalaki.

"I saw you looking at my face and smiling. Naguguwapuhan ka sa akin 'no?"

Gustong kalmutin ni Amber ang mukha ni Hunter dahil nakakainis ang paraan ng pagkakangiti nito sa kanya.

"Akala ko ba tulog ka? Anong pinagsasasabi mong nakita mo akong nakatingin sa 'yo?"

"I just knew it. Tsinatsansingan mo pa nga ako. Hinahawakan mo ang pantalon ko." Ngumiti pa ng pilyo ang lalaki.

"Fucking asshole. Hindi kita tsinatsansingan! I was trying to get my phone!" Singhal niya dito.

Tumaas lang ang kilay nito sa kanya. "Why? Why do you need your phone? Ako na ang kasama mo pero kailangan mo pa ang telepono mo? We need to get away from everything, Amber. Kaya walang telepono, walang internet, walang kahit na anong istorbo dito sa pupuntahan natin," sagot nito sa kanya.

Napasigaw na siya sa sobrang inis. Wala naman siyang magagawa dahil nasa ere sila. Pero maya-maya ay pinilit niyang kumalma.

"Look, Hunter. Mag-usap na lang tayo ng maayos. Pag-usapan natin kung paano na lang natin maayos na palakihin si Arrow ng hindi tayo nagkakaganito." Iniba niya ang strategy niya. Baka sakaling kung hindi siya magtaray ay makapag-usap sila ng maayos ng lalaki.

"Maayos nating mapapalaki si Arrow kung magsasama tayong dalawa. Iyon ay kung magiging legal tayong mag-asawa." Seryosong sabi nito.

Napakagat-labi si Amber sa narinig niya tapos ay napapangiti tapos ay maya-maya ay napatawa ng malakas. Ang lakas-lakas ng tawa niya na may halong pang-bu-buwisit sa lalaki.

"Nagjo-joke ka na naman, Mr. Acosta. Alam mong malabo ng mangyari sa atin 'yan. Don't try to do something that you cannot do." Napapailing pa siya at tumingin sa labas ng bintana ng eroplano. Nararamdaman niyang umiikot ang sinasakyan nila at napakunot ang noo niya nang makita ang isang island. Tingin niya ay doon sila magla-landing.

"And who told you that I can't marry you? Let's get married, Amber. For Arrow." Sabi nito sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay pero mabilis niyang kinuha iyon.

"You're asking me to get married para lang kay Arrow?" Napapailing siya at napalunok. "Grabe ka, Hunter. Hindi ko alam kung magkaaway ba tayo 'nung past life natin kaya grabe mo akong saktan. Kailan mo kaya ipaparamdam sa akin na kaya mo ako gusto ay dahil mahal mo ako? Hindi dahil sa kailangan mo lang ako para may mabuo sa buhay mo." Hindi na napigil ni Amber ang pagtulo ng luha niya at mabilis na pinahid iyon. "Mula pa umpisa, I was loving you unconditionally and yet, you hurt me by letting me feel that I would never be your priority. Laging iba. Noon ang tribo mo. Ngayon, it's only Arrow. I know you're just doing this because you just want my son."

Napabuga si Hunter ng hangin at napailing.

"Amber, I told you I am not good at words. Hindi ba puwedeng kaya ko ginagawa ito ay para mabuo ang pamilya natin? Whatever I say, nami-misinterpret mo. O, ayaw mo lang talagang intindihin dahil may iba ka ng gusto?" Kita niya ang kaseryosohan sa mukha nito.

"I just want to go home. Please. Send me back home." Iyon na lang ang nasabi niya.

Huminga ng malalim si Hunter at sumandal sa kinauupuan.

"No. You're going to stay with me until you realize how much you mean to me. Hindi kita iuuwi hangga't hindi ko nababawi ang babaylan ko." Matigas na sabi pa ng lalaki.

"Your fucking babaylan is gone. I was crazy back then, but I am not crazy for you anymore."

May lumitaw na ngiti sa labi ni Hunter.

"Trust me, Amber. I'll make you crazy about me again."

Inirapan niya ito. "Feeling mo naman."

Kinuha nito ang seatbelt niya at nahigit niya ang paghinga nang lumapit ito sa kanya at ikabit ang seatbelt niya.

"We're going to land in few minutes. Get ready," nakangiti pa rin ito habang umayos na ng upo.

Hindi na lang siya kumibo, sasakyan na lang niya ang trip ng lalaking ito. Pero mamaya, talagang gagawin niya ang lahat para makabalik na ng Maynila.

Pagkatapos mag-land ng plane ay inalalayan siyang makatayo ng lalaki. Pinabayaan na lang niya. Ayaw na niyang makipagtalo pa dahil ang tingin niya ay wala din namang kapupuntahan ang bawat pag-uusap nila. Kung anong trip nito ngayon, pababayaan lang niya. Basta ang sigurado siya, aalis siya dito at hindi mabuburo na kasama si Hunter Acosta.

Habang pababa ng plane ay iniabot nito ang telepono sa kanya. Mabilis niyang binuksan iyon at idinayal ang number ng daddy niya. Pero sa malas, walang signal sa lugar na kinaroroon nila.

"Sorry, no internet here. No cell site so ibig sabihin walang signal ang telepono mo." Walang anuman na sabi nito.

"Bakit mo pa ibinalik sa akin?"

"Kasi gusto mo." Malumanay na sagot nito. "Watch your step." Hinawakan nito ang kamay niya para makababa siya sa plane.

Hindi magawang magsalita ni Amber nang makita ang kapaligiran na kinaroroonan nila. Literal na paraiso ang lugar na ito. Punong-puno ng malalaking puno na berdeng-berde ang paligid. Isama pa ang asul na asul na dagat at isang beach house na modern ang pagkakayari.

"W-whose place is this?" Wala sa loob na tanong niya habang tinitingnan ang paligid.

"Yours." Walang anuman na sagot nito.

Napatitig siya kay Hunter. "Sinasabi mo?"

Ngumiti lang ito sa kanya at naglakad sila papunta sa bahay na nakita niya. Nilingon niya ang small private plane tapos ay tumingin siyang muli sa bahay na tinutungo nila. Ibang klase ang isla na ito. May sariling runway ng private plane. Ang yaman ng may-ari. Saglit siyang napatingin kay Hunter. Sa mga Acosta kaya ang island na ito?

Pagdating nila sa pinto ng beach house ay may nakita siyang pitsel at baso na nakalagay sa isang gilid. Mabilis iyong nilapitan ni Hunter at nagsalin ng laman sa baso at dire-diretsong ininom. Tapos ay muling nagsalin sa baso at iniabot naman sa kanya.

"I am not thirsty," tanggi niya pero hindi tuminag ang lalaki.

"Just drink this. After this, makakauwi ka na." Nagkibit pa ito ng balikat.

"You're fucking weird, Hunter." Naiiling na sagot niya. "If I drink this, are you going to send me home?"

Ngumiti lang ito at nanatiling inaabot sa kanya ang baso.

"Maybe. Depende iyon sa iyo. Depende sa magiging sagot mo." Napakamot ito ng ulo. "Call me anything you like, wala akong pakielam. Come on. Drink up." Sinisenyasan pa siya nitong inumin na niya ang laman ng baso.

Inagaw niya ang baso dito at dire-diretsong ininom ang laman noon. Napangiwi siya sa pait ng lasa ng tubig. Sinasabi na nga ba niya. Talagang pinagti-tripan lang siya ng lalaking ito.

"Ganito ba talaga ang lasa ng tubig sa lugar na 'to? Lasang ewan." Napapangiwi siya sa nalasahan niya.

"It's herbal. Trust me. It will make you calm para makapag-usap tayo ng maayos. Do you want to tour around your house, Mrs. Acosta?" Nakangiti pa ito sa kanya.

"Tigilan mo akong tawagin na Mrs. Acosta, please. Hindi ako magiging Mrs. Acosta."

Muling tumawa lang si Hunter at hinawakan na ang kamay niya. Napakunot ang noo niya. Bakit hindi na siya naiinis na hinahawakan nito ang kamay niya? Sa katunayan, gusto niya iyon. Tapos natatawa siya kahit wala namang nakakatawa sa paligid niya. Basta gusto niyang tumawa.

Napakunot ang noo niya nang mapatingin sa kanyang paligid. Alam niyang maliwanag sa bahay na pinasok nila pero nakakapagtaka kung bakit makukulay na ilaw ang nakikita niya sa katanghaliang-tapat na iyon. Napalunok pa siya dahil nakakaramdam yata siya ng pagka-uhaw.

"Give me more water, please." Pakiusap niya kay Hunter.

Bumalik sa labas ang lalaki at kumuha ng tubig tapos ay inibot muli ang baso sa kanya. Parang sugapa sa kung ano si Amber at naubos niya ang laman ng baso.

"Damn it. Bakit mainit?" Pinaypayan pa ni Amber ang sarili gamit ang kamay na tila makakatulong iyon para maibsan ang init na nararamdaman niya.

"Sa room may aircon and you will be comfortable there." Sabi ng lalaki.

Hindi siya inaantok pero pakiramdam niya ay namumungay ang mga mata niya. Muli siyang tumingin sa paligid at ang tingin niya sa mga nakikita niya ay gumagalaw at makulay.

"The lights are dancing," hindi rin niya mapigil ang sarili niya sa pagtawa.

            Naramdaman niyang binuhat siya ni Hunter at tumingin siya sa mukha nito at nakatingin lang ito sa kanya habang naglalakad papunta sa isang kuwarto.

            Kumagat-labi siya at wala sa loob na hinaplos ang mukha ng lalaki.

            "You're really real. You're the sketch from the book and you are real." Naalala niya ang librong nakita niya noon at nakita niya ang sketch ng mukha ng lalaki.

            "Yes, I am. And I am yours." Mahinang sagot ng lalaki tapos ay pumasok sila sa loob ng kuwarto at dahan-dahan siyang ibinaba nito sa kama.

            Hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya. She felt weird pero nararamdaman din niyang ayaw niyang malayo sa lalaki.

            "I hate you but why do I want to kiss you? I want to feel you close to me. Shit. Did you drug me?" Parang wala sa sariling tanong niya kay Hunter na nakadukwang sa kanya.

            Ngumiti lang ito at hindi sumagot. Bago pa siya makakilos ay naramdaman na lang niyang bumaba ang mga labi nito sa labi niya at inaangkin iyon na parang pag-aari ni Hunter ang mga labi niya.

            She hates Hunter but she cannot deny the fact that she missed his kiss. She missed his touch. She missed him so much.

            "God, I hate you. But I still love you." Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit niya nasasabi ang mga iyon. She cannot control her mouth to say those words. It was like she was under a truth spell at lahat ng nasa kalooban niya ay nasasabi niya.

            "Then let's get married." Bulong ni Hunter sa kanya. Nararamdaman niya ang mga halik nito na gumagapang pababa sa leeg niya paakyat sa tenga niya. "Will you marry me?"

            Napapikit siya sa kilabot na dulot ng hininga at halik nito sa tenga niya. Feeling niya ay sabog siya pero parang mas nakakasabog ng feeling ang ginagawa ni Hunter sa kanya.

            "Y-Yes." Bulong niya at automatic na kumapit ang mga kamay niya sa batok ng lalaki habang patuloy ito sa paghalik sa kanya. Pakiramdam niya ay nasa ibang dimension siya at tanging masasayang alaala kasama si Hunter ang naiisip niya.

            "Then let's get married," sabi ni Hunter.

            Sa pagkakataong iyon ay naramdaman niyang isa-isang tinatanggal ni Hunter ang pagkaka-butones ng suot niyang blouse.

            At wala siyang lakas na pigilan sa ginagawa ang lalaki.

            Dahil ang totoo, gusto niya ang nangyayaring ito.

            Paulit-ulit man niyang sabihin sa sarili na hindi siya magiging marupok kay Hunter, pero hindi niya magawang dayain ang sarili niya. Mahirap kalaban ang sarili.

            Kahit anong gawin niyang pagmamatigas, iisa lang talaga ang sinasabi ng isip at puso niya.

            Mahal niya si Hunter at saktan man siya nito, paulit-ulit man, susugal at susugal pa rin siya na mahalin ito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top