CHAPTER FIFTY-THREE

"When you truly care for someone, their mistakes never change your feelings because it's the mind that gets angry but the heart still cares."

————————

Shit. Damn headache.

Hindi agad gumalaw si Amber sa kinahihigaan niya at pinakiramdaman lang mabuti ang sarili. Ayaw pa sana niyang gumising talaga pero may mga pagkakaingay siyang naririnig mula sa kung saan. Maingay na pagkukuwentuhan. May nagtatawanan. Basta maingay. Pakiramdam niya ay nagbu-buzz iyon sa tenga niya. She felt a terrible headache. 'Yung pakiramdam na para siyang may matinding hangover.

Sinapo niya ang ulo at bahagya pang hinilot-hilot iyon. Napangiwi siya nang biglang maalala niya ang napaka-weird niyang panaginip. Ikinasal daw siya kay Hunter. Napairap pa siya at parang nasusuka sa naisip.

God damn dream. Kahit kailan hindi ako magpapakasal sa lalaking iyon.

Pero napahinga siya ng malalim at nanatiling nakapikit. But her dream was vivid. It was like a movie that keeps on repeating in her head. She and Hunter was happily taking their vows in front of a man. They were the ones present in one room. She remembered they were only wearing their underwear while getting married. So weird. Talagang kahit sa panaginip pang-porno ang effect nila ng lalaking iyon. They were giggling while exchanging their I do's. Happiness was on their faces especially on Hunter's face. He keeps on kissing her, holding her hand while she was proclaiming her love to him in front of an officiating official.

Sa panaginip lang iyon. Sa totoong buhay, galit siya sa lalaki. Hinding-hindi siya magpapakasal sa dito.

Napabuga siya ng hangin at bumiling ng higa. Isinubsob pa niya ang mukha sa unan pero agad din siya napaigtad kasi may mga papel siyang nahigaan.

Kunot ang noong tiningnan niya iyon.

Marriage Contract.

Iyon ang nabasa niya sa papel. Agad siyang napabangon at nanlalaki ang matang tinitingnan iyon. Totoong marriage contract nga ang papel na hawak niya. Tiningnan niya ang mga pangalan na nakasulat sa papel.

Horacio Nicanor Salameda Acosta.

Ambrosia Isabel Uy Teodoro.

"What the fuck?" Iyon na lang ang naibubulalas niya at lalo siyang nagising nang mapansin ang ring finger niya.

She was wearing a white gold wedding ring.

"What the fuck?!" Malakas na siyang napasigaw at tumingin siya sa paligid. Narito siya sa isang silid at tanging siya lang ang taong naroon. Tiningnan niya ang sarili at tanging comforter lang ang nakabalot sa kanya.

"Shit!" Mabilis siyang bumangon. Sa paligid ay naroon ang ilang bote ng alak. Mga ginamit na baso. Parang galing sa isang celebration ang silid.

Hinagilap niya ang damit niya pero napahinto siya sa pagkilos ng marinig ang mga pagkakaingay na nagpagising sa kanya. Dahan-dahan siyang lumapit sa pinto at nakinig. Totoong parang maraming taong nagkakaingay. Nagtatawanan ng malakas.

"Balae, ang gusto kong maging propesyon ng apo natin kapag lumaki ay maging doctor din. Tingin ko ay nababagay iyon sa kanya."

"What-" hindi niya maituloy ang sasabihin. Kilala niya ang boses na iyon. Boses iyon ng daddy niya.

"Balae naman. Bata pa ang apo natin. Saka pabayaan natin ang bata na mag-decide kung ano ang gusto niyang kunin kapag lumaki na." Sabi naman ng isang tinig.

Naitakip niya ang kamay sa bibig at nanlalaki ang matang napasandal sa dingding.

Boses iyon ni Mrs. Acosta. Ano ang ginagawa ng mga ito dito?

Pilit niyang inalala kung anong nangyari kagabi. Pilit siyang dinala ni Hunter sa isla na ito. Pilit siyang kinukulit na magpakasal sila. Pinipilit siyang ayusin daw ang relasyon nila. And she remembered he gave her a drink that made her out of her mind. Nanlaki ang mata niya ng may ma-realize.

"He freaking drugged me?" Iyon ang nasabi niya sa sarili.

Malalakas na tawanan uli ang narinig niya. Hinagilap niya ang damit niya sa buong kuwarto pero hindi niya iyon makita. Napupuno ng galit ang dibdib niya dahil sa ginawa ni Hunter. Sigurado siyang pakana lahat ito ng lalaki.

"Ang kapal ng mukha niya. Ano 'to? Pikot?" Nagbububusa siyang mag-isa habang natatarantang hinahanap ang mga damit niya.

Napasigaw siya dahil kahit anong paghahanap ang gawin niya ay hindi niya makita ang kanyang mga damit. Napilitan siyang hugutin ang comforter na nasa kama at iyon ang ibinalot sa kanyang katawan. Kailangan nilang magharap ni Hunter.

Lumabas siya ng silid at bumaba. Doon ay naabutan niyang nasa sala ang parents niya, si Mrs. Acosta at si Arrow na abala na naglalaro. Nakangiti agad ang mga ito nang makita siya at nahiya siya dahil sa nakakalokong ngiti ang nakita niya sa mukha ni Mrs. Acosta.

Gusto niyang manliit sa kahihiyan sa harap ng magulang. Kahit napakarami niyang nagawang kagagahan sa buhay niya, nakakahiya pa rin naman na haharap siya sa mga ito na ganito na nakabalot lang ng comforter at halatang-halata na may ginawa sa kama.

"Good morning, iha? How's your honeymoon?" Nakangiting bati ng mommy niya.

"What are you doing here?" Nanginginig ang boses na tanong niya.

Naguluhan ang mukha ng mommy niya at nagtatakang tumingin sa daddy niya.

"We were invited to your post wedding party." Tumingin pa ang mommy niya kay Mrs. Acosta. "She doesn't know?" paniniguro pa nito.

"What post wedding party? Mom, what the hell are you doing here? Kinidnap ako ng Hunter Acosta na iyon."

Muling nagtinginan ang tatlong matanda.

"Kidnapped? We were informed you two got married kaya kami pinapunta dito." Tumayo ang daddy niya at hinawakan ang kanyang mukha tapos ay chineck ang mga mata niya. "Did you take any drugs?"

"No! Hunter kidnapped me yesterday, brought me here and this!" Naiiyak na siya dahil naguguluhan din siya sa mga pangyayari.

"Iha, I think you woke up at the wrong side of the bed. Mukhang pinagod ka nga ng husto ni Hunter kagabi sa honeymoon 'nyo. Well, he told us you might say that." Natatawang sabi ni Mrs. Acosta at nilapitan nito si Arrow na nakatingin lang sa kanya.

"What the hell happened?" Talagang naguguluhan siya.

Muling hinawakan ng daddy ni Amber ang mukha niya at pinisil-pisil iyon.

"You just got married, iha. And we are so happy that Arrow will have a complete family now. Aren't you happy?" Tanong pa ng daddy niya.

"I don't remember anything." Napapalunok siya sa kaba.

Muling nagtinginan ang tatlo.

"For real? But we saw the video of you two having your vows." Sabi ni Mrs. Acosta tapos ay napangiwi. "Well, it's kind of unconventional but we could see that you two are really in love with each other."

"Video?" Lalo na siyang kinabahan. Parang naiisip niyang ang panaginip na naiisip niya ay totoong nangyari.

Tumango si Mrs. Acosta at iniabot ang isang Ipad sa kanya.

Nanginginig ang mga daliri na nagpipindot siya doon at binuksan ang video na itinuro ni Mrs. Acosta.

Nanlaki ang mata niya sa video na napapanood. Hindi panaginip ang naaalala niya. Totoong nangyari iyon. Totoong nagpakasal sila ni Hunter Acosta. Gusto niyang lumubog sa kinatatayuan niya dahil tanging bra at panty lang ang suot niya at ang lalaki ay boxer shorts lang habang nakaharap sila sa isang officiating official. Kapwa sila lingkisan ng lingkisan habang nag-o-officiate ito sa loob ng kuwarto na pinanggalingan niya. Isinuot niya ang singsing kay Hunter at ganoon din ang ginawa nito sa kanya. Panay pa ang tungga niya sa hawak na bote ng alak habang isinusuot nito ang singsing sa kanya tapos ay panay ang tawanan nilang dalawa habang panay din ang halikan nila habang nagpipirmahan sila sa nakalatag na papel.

Hiyang-hiya sa mga magulang. It was a wild scene and it was so surreal, but she would admit that the scene when Hunter was professing his love to her was so gorgeous.

He said I love you to her for the first time. And she could see on his face that he really meant it.

Tinigasan niya ang leeg at ibinalik kay Mrs. Acosta ang Ipad.

"This is not legal. I don't remember any of that." Matigas na sabi niya.

Naguluhan ang tatlong matanda at nagtitinginan.

"Pero, iha-"

"Dad! Are you going to allow this? Pinipikot ang anak mo. Pumapayag ka?" Putol niya sa sasabihin nito.

Nakita niyang rumolyo ang mata ng nanay niya.

"Will you stop it. Umakyat ka nga ng bundok para hanapin si Hunter. Imagine doing that? My god, Amber. Ngayon ko lang nalaman ang ginawa mong iyon. And what are you whining about? Are you going to tell us that you don't love the guy? Halos hindi na kayo maghiwalay sa video at paulit-ulit mong sinasabi kung gaano mo kamahal si Horacio." Sabat ng mommy niya.

"Because I am not myself during that time." Napabuga siya ng hangin at napailing.

Nakita niyang lumungkot ang mukha ni Mrs. Acosta at mapaklang ngumiti sa kanya.

"Oh. So, this plan didn't work out. I am so sorry, iha. We just thought that if we could help the two of you getting back together, everything will be alright. But it turned out, it went the other way." Napahinga ito ng malalim at itsurang nahihiyang tumingin sa mga magulang niya. "My sincerest apology to your family because of this. I could use my connections to annul their marriage immediately."

Sumeryoso ang mukha ng daddy niya at tumingin sa kanya.

"Fine, Amber. If that's what you want." Naupo ang daddy niya sa sofa at seryosong nakipag-usap na kay Mrs. Acosta. Hindi na siya inintindi. Nag-meeting na ang tatlong matanda.

"She didn't like it. She's still upset. We can't do anything." Malungkot na sabi ni Mrs. Acosta.

"Nabigla lang 'yan. Kitang-kita naman sa kanya na mahal pa rin niya si Hunter. Nagpapakipot lang 'yan. Hintayin 'nyo. Kapag nakita niyang may ibang babaeng pumupulupot sa asawa niya, magwawala na 'yan." Mommy niya ang narinig na nagsalita noon.

"Wait. Babae? Sinong babae? May babae si Hunter?" Sabat niya sa mga ito.

Nagtinginan ang mga ito sa kanya.

"May dumating kasi siyang bisita. The name was Camile? I am not sure, but I think she went here to congratulate him." Itsurang inosente ang mukha ni Mrs. Acosta.

"Camile? Ang higad na iyon? Nandito?" Halos manlaki ang butas ng ilong niya sa inis.

Hindi niya napansin ang mga pinipigil na pagtawa ng tatlo.

"They are at the backyard." Sabi ng mommy niya. "Pero, iha-"

Hindi na niya pinakinggan ang mga ito. Parang nagma-martsa siyang lumabas at tinungo ang lugar na sinasabi ng mga ito. At paglabas nga niya sa backyard ay nakita niyang may kausap na babae si Hunter at nagtatawanan pa ang mga ito kasama ang ilang grupo ng mga lalaki. May pahampas-hampas pa sa braso ni Hunter ang babae na halatang nanglalandi.

Inayos niya ang pagkakatapi ng comforter sa katawan niya. Hindi man niya nagawang asinan si Jean, ngayon sisiguraduhin niyang babalatan niya ng buhay ang babaeng ito na lumalandi sa asawa niya.

---------------

"Horacio, 'nung sinabi kong daaanin mo sa santong paspasan, hindi naman ganito ang ibig kong sabihin. 'Tangina ka. Fast forward masyado 'to. Tinalo mo ang lahat ng mga naiisip kong plano."

Natawa si Hunter sa sinabi ni Jacob.

"Well, kailangan ko nang magmadali. I cannot lose her again. I don't know what else to do just to have her back. She would hate me now but trust me, everything will be alright." Buong-buo ang kumpiyansa niya sa sarili.

"Paano ka naman nakasiguro na talagang magiging maayos kayo? Kinidnap mo na, pinainom mo pa ng spiked broth. Isusumpa ka 'non." Sabi naman ni Bullet.

"I just feel it. Hindi naman ako maglalakas ng loob ng ganito kung hindi ko na maramdaman na mahal ako ni Amber. I can still feel the same feeling when I first met her. Unexplainable but true. I was an asshole for leaving her, for letting her go, but I promise this time, I won't do that. I would make her feel that she is the only thing that matters to me. Kahit anong hingin niya gagawin ko." Seryosong sagot niya sa kapatid.

Nagtinginan si Bullet at Jacob tapos ay nagtawanan.

"But wait, are you just doing this because you know that she loves you so much? That whatever you do, she has a habit of taking you back?" Tanong pa ni Jacob.

"I am doing this because I love her." Napahinga siya ng malalim nang marealize ang nasabi niya. "I never said I love you to her but now I know that's what I felt the moment I saw her. I was just confused, afraid during that time but right now, it's all I could feel. I love Amber and I cannot live without her."

"Bull, mukhang bull's eye dito ang kapatid mo." Natatawang sabi ni Jacob at itinuro nito ang tapat ng puso. "Hindi ko nakilalang nagsasabi ng I love you 'yan. Not even to Jean. I don't know with Aria." Nagtatanong na tumingin sa kanya si Jacob.

Umiling siya. "They were special. I know I loved them, but I don't understand why I couldn't say that word to any woman. Para sa akin kasi napaka-sacred ng salitang iyon. Hindi basta-basta binibitawan. And I told you, hindi ako marunong manligaw. I have a hard time expressing my feelings kaya madalas, pangit ang ending." Nagkibit pa siya ng balikat.

"You're fucking weirdo. Ibang klase ka magmahal. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa inyo ni Amber kapag nagsama kayo." Sabi ni Jacob.

"The truth, I am afraid too. I know I screwed up so many times with Amber. I mean, you would think na hindi ko man lang siya pinaghirapan. But trust me, mas nakakatakot 'yung hindi makita kung anong mangyayari sa amin. She could love me now, she could forgive me over and over but the scar in her, iyon ang mahirap gamutin. And I don't know how will I'm going to heal it kasi ako ang gumawa noon." Ngumiti siya ng mapakla. "But we have our lifetime together to prove to her that I was sorry and I would love her unconditionally just like how she loves me." Ngumiti siya sa kaibigan.

"But do you think, you and Amber will have a happy ending after this?" Tanong ni Bullet.

Napangiti siya nang makita si Camile na papalapit sa lugar nila.

"Amber hates me right now but I still have one more stunt to do to make her realize that she still loves me." Nangingiting sabi niya at kumaway sa papalapit na babae.

"You're going to make her jealous," paniniguro ni Jacob at napailing habang humalik sa pisngi niya si Camile at pumulupot ang kamay sa braso niya.

Pasimple siyang tumingin sa pinto papunta sa backyard at lihim siyang napangiti nang makita na nakatayo doon si Amber na tanging comforter lang ang balot sa katawan.

"Iba ka talaga, Horacio. Isa kang alamat." Tumatawa na ngayon si Jacob at tinapik sa balikat si Bullet para lumayo doon.

"Are we still going to do this? Baka kalbuhin ako ng asawa mo?" Nag-aalalang sabi sa kanya ni Camile.

"Just do your act. It will be over soon." Nakita niyang parang nagmamartrasang naglalakad palapit sa kanila si Amber. Ang mukha nito ay parang susugod sa isang giyera.

Napabuga siya ng hangin at lalong dumikit kay Camile.

"Horacio!" Malakas na sigaw ni Amber sa pangalan niya.

Hindi siya kumibo at tumingin lang dito. Sa kalooban ay para na siyang pinapatay ng excitement.

Here we go.

Napabuga siya ng hangin habang hinihintay na makalapit sa kanila ang babae.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top