CHAPTER FIFTY-ONE

"It's okay to be scared, but you have to get out there, open up, love, make mistakes, learn, be stronger and start over again."
———-

"Hunter, anong nangyayari sa iyo?"

Hindi pinakinggan ang pagtawag sa kanya ni Camile. Tinungo lang niya ang lugar kung saan nag-uusap si Amber at ang kasama nitong doctor. Tingin nga niya ay nilalasing pa ng doctor na ito ang babae dahil patuloy ito sa pagbigay ng kung anong drinks kay Amber. Inis niyang pinapalis ang kamay ni Camile na kumakapit sa kanya.

"What are you doing here?" Matigas na tanong niya nang makalapit sa dalawa.

Nakita niya ang pagkagulat sa mukha ni Amber nang makita siya doon at nanlalaki ang mata tapos ay wala sa loob na naibuga nito ang nainom na alak sa katabi niya.

"Shit! What the fuck?!" Malakas na sigaw ni Camile at nandidiring pinahid nito ang naibugang inumin ni Amber sa kasama niyang babae.

Napaubo-ubo pa si Amber dahil nasamid tapos ay pinapahid ang bibig.

"W-what are you doing here?" Takang-takang tanong nito sa kanya.

"Ikaw ang tinatanong ko. Anong ginagawa mo dito? Where is Arrow?" Kunot na kunot talaga ang noo niya at lalo siyang napikon ng makitang napapailing si Doctor Marzan at halatang nairita nang makita siya.

"Nasa inyo. Tumawag sa akin si Mrs. Acosta at nakiusap na doon matulog si Arrow. Sabi niya maaga kang uuwi at sasamahan mo ang anak mo." Sumimangot ang mukha ni Amber. "And here you are." Tinapunan nito ng tingin si Camile na inis na inis na nagpapahid ng katawan dahil sa naibuga ni Amber.

"Do you know this bitch, Hunter?" Tapos ay bumaling ito kay Amber. "What the fuck did you do to me? Nakakadiri ka," ang tinis-tinis ng boses ni Camile habang ang sama ng tingin kay Amber tapos ay pinapahid ang nabasa na damit.

Inirapan lang ito ng babae at muling humarap sa akin.

"I didn't know about that. I was expecting you to take care of our child and here you are flirting with someone." Gusto na niyang suntukin ang mukha ni Doctor Marzan.

"Child? You have a child?" Gulat na sabat ni Camile at nanlalaki ang matang nakatingin sa kanya.

"Sino ba ang babaeng ito? Sabat ng sabat," asar na sabi ni Amber.

"Excuse me. Friend ako ni Hunter. At ikaw sino ka ba? New fuck buddy ni Doctor Drew Marzan?" Tiningnan pa ni Camile mula ulo hanggang paa si Amber.

"Camile, please. You don't know anything about them." Sabi ng doctor.

"Shut up. You don't know anything about us either." Saway niya sa doctor. Hinawakan niya sa kamay si Amber at hinila palabas doon.

"Ano ba?! Bitiwan mo nga ako!" Pilit na kumakawala sa pagkakahawak niya si Amber.

"Hunter, don't make a scene please. Nakakahiya sa mga tao." Awat ni Doctor Marzan sa kanya.

Malakas niya itong itinulak.

"You stay away from her." Gigil na gigil na sabi niya at halos kaladkarin niya palabas ng lugar si Amber. Hindi niya pinakinggan ang pagtawag sa kanya ni Camile.

Kulang na lang ay madapa-dapa si Amber dahil sa pagsunod sa kanya hanggang sa parking lot. Hindi niya pinansin ang tingin sa kanya ng mga tao. Saka lang niya binitiwan si Amber nang makita niyang wala ng tao na nakatingin sa kanila sa parking lot.

"Gago ka!" Malakas siya nitong itinulak. Galit na galit ang babae.

"Oo, gago ako. Pero hindi ibig sabihin 'non kailangan mo ring maging babae ng gagong doctor na iyon."

"Wala kang pakiealam kung anong gawin ko. Kahit sumama man ako kahit saan kay Drew wala kang pakielam." Ang sama ng tingin sa kanya ni Amber.

Tumawa siya ng nakakaloko. "So, it's Drew this time? First name basis ka na sa boss mo? 'Tangina, Amber. Hindi mo nga kilala iyon."

"And so? We are both single kaya walang masama doon. Bakit? Wala nga akong pakielam na may kasama kang babae ngayon. Who is she again? Okay lang sa akin kahit na sino pa ang kasama mong babae. Wala naman akong pakielam sa iyo. May kanya-kanya na tayong buhay at si Arrow lang ang dapat na iniintindi natin."

Inis na naihilamos ni Hunter ang mga palad sa mukha. Pinipilit niya ang sarili niyang kumalma.

"Can we please talk like civilized people?"

"Wow? Ikaw pa talaga ang nakiusap? You are the one acting uncivilized, Mr. Acosta. Drew is a friend and he invited me here. Tapos bigla kang manggugulo. Ano ba ang problema mo? Pasalamat ka nga pumapayag pa akong makita mo ang anak ko. I told you, hindi ako kasama sa package ni Arrow."

Hindi siya nakasagot sa sinabi nito.

Napabuga ng hangin si Amber at pilit ding kinakalma ang sarili.

"Ayaw mo bang mabuo ang pamilya ni Arrow?"

Tinaasan siya ng kilay ni Amber. "With you? No, thanks. Okay na ako sa ganito."

"God damn it, Amber! I want you back!" Hindi na niya napigilan na hindi sumigaw ni Hunter.

Tingin niya ay hindi man lang natinag si Amber sa sinabi niya. Para pa nga itong natawa na para bang kalokohan lang ang sinasabi niya.

"Really?" Napa-iling-iling ito at napatawa ng nakakaloko. "But I don't want you anymore. Bummer." Ngumiwi pa kunwari si Amber sa kanya.

"Then tell me what I should do so I can win you back." Dahil lahat talaga ay gagawin niya para lang muling makuha ang babae.

Napatingin ito sa gawi ng establishment at sumama ang mukha nang makitang papalapit sa lugar nila si Camile.

"Wala. Wala kang dapat gawin dahil nga ayoko na sa iyo." Inayos ni Amber ang damit nito. "Parating na 'yung higad mo. Tulungan mo na mawala ang kati." Inirapan na siya nito at tinalikuran. Sinamaan pa ng tingin ni Amber ang nakasalubong na si Camile bago dire-diretsong bumalik sa establishment.

"Who the hell is that bitch, Hunter? Did you see what she did to me? Ang baboy. Nakakadiri," nakangiwi pa si Camile habang tinitingnan ang damit niya na basa pa rin dahil sa naibuga ni Amber.

Hindi niya pinansin ang babae at sinundan lang ng tingin si Amber na nakita niyang sinalubong ni Doctor Marzan sa pinto. Mukhang nag-i-explain si Amber sa lalaki at inalalayan naman ng doctor si Amber papunta sa sasakyan nito. Naikuyom niya ang mga kamay nang sumakay ang babae sa kotse at umalis na doon ang dalawa.

Mahina siyang napamura at dinukot ang susi sa bulsa niya at tinungo ang sariling sasakyan.

"H-hey. Where are you going?" Taka ni Camile.

"I need to go home. Enjoy the party. Tell Nilo I am going to return his payment. I cannot stay here anymore." Hindi na niya hinintay na sumagot pa ang babae at nagmamadali lang siyang umalis doon.

------------------

"Maaga ka yatang inihatid ni Drew kagabi? Akala ko gagabihin kayo?"

Hindi pinansin ni Amber ang daddy niya habang magkakaharap sila sa hapag. Nagpatuloy lang siya sa pagkain.

"Mukhang wala ng balak ibalik ni Frances Acosta ang apo ko. Ano ba ang usapan 'nyo ni Hunter para sa custody ni Arrow?" Ang mommy na niya ang nagtanong noon.

Sumimangot ang mukha ni Amber sa narinig na tanong. Naalala na naman niya ang ginawa ng lalaki kagabi. Naiinis siya. Nakakahiya na nagwala-wala ito sa harap ni Doc Drew.

"Nakiusap lang si Mrs. Acosta kung puwede niyang makasama na matulog si Arrow. I cannot say no to that woman. Sobrang bait noon. Kabaligtaran ng anak niyang taga-bundok," ngumiwi pa siya nang maalala si Hunter.

"Bakit ba kasi hindi 'nyo pag-usapan ni Hunter kung ano ba talaga kayo? I mean, Arrow needs a family." Sabi pa ng mommy niya.

Inis niyang ibinagsak ang hawak na kutsara at tinidor.

"Hindi ba tayo ang pamilya ni Arrow? Ano pa ang sinasabi 'nyo na pamilya para sa kanya? Naging okay naman kami ng anak ko na wala ang tatay niya. Arrow will be fine kahit hindi kami magkasama ng lalaking iyon." Mariin niyang tinusok ng tinidor ang nasa harapang german franks at iniisip na si Hunter ang tinutusok niya.

"Halata naman na may gusto ka pa rin sa tatay ni Arrow. Bakit ka ba nagpapakipot pa?" Mommy niya ang nagsalita noon.

"Mommy! Ano ba?" Napipikon na siya sa mga sinasabi ng mommy niya.

"Bakit ka nagagalit? Sinasabi ko lang naman ang nakikita ko. Kahit daddy mo nga napapansin din iyon. Amber, it's just a matter of communication. Mag-usap kayo. Isaisantabi 'nyo pareho ang pride. Isipin 'nyong may batang maapektuhan kung may magmamatigas sa inyo." Seryosong sabi ng mommy niya.

"Jesus Christ. Ang aga-aga." Napahinga siya nang malalim at binitiwan ang hawak na kubyertos at tumayo na. Ayaw na niyang marinig kung ano pang mga walang kuwentang theory ang sasabihin ng nanay niya.

"Uly, nag-walk out ang anak mo. Mukhang totoo lahat ang sinasabi ko." Tonong nanunukso ang mommy niya.

"God!" Malakas niyang sigaw. Pikon na pikon talaga siya. Padabog niyang kinuha ang bag na nakapatong sa sofa at nagmamadaling lumabas. Naroon na ang Grab na pina-book niya para maghatid sa ospital. Inis niyang binuksan ang pinto ng kotse at malakas na isinara iyon.

Hindi na siya nagsalita at pinabayaan ang driver na dalhin siya sa destinasyon niya. Hindi na niya inabala na tingnan pa iyon. Nasa app naman iyon kaya dinukot niya ang telepono at nagpipindot doon. Maya-maya ay tumutunog ang telepono niya. Si Doc Drew ang tumatawag. Inilagay niya iyon sa speaker mode para makapag-browse pa rin kahit kausap ito.

"Doc, good morning. On the way na ako sa clinic. Pasensiya ka na talaga sa nangyari kagabi." Bahagya siyang napasubsob dahil biglang nagpreno ang driver. Tinapunan niya ito ng tingin at nanatili lang na nakatalikod ang driver sa kanya at nakatutok ang pansin sa kalsada. Hindi naman niya masyadong makita ang mukha nito dahil nakasuot ito ng cap.

"I told you it's fine. If you want to take the day off today, okay lang din sa akin. Wala naman masyadong patients na naka-schedule. How about Arrow? How is he?"

"Nandoon pa sa lola niya. I'll be picking him up later. Pasensiya na talaga kagabi. Hindi ko naman alam na ganoon ang gagawin ni Hunter."

Napatawa si Doc Drew sa sinabi niya. "He was dead jealous last night. Well, he should be. Kasi I am not going to give up until I have you."

Napasandal n aman siya sa kinauupuan ng biglang pasibad na umandar ang kotse. Ano ba naman 'tong driver na ito? Marunong ba talaga itong mag-drive pero para namang ang kaskasero.

"Drew, we talked about that 'di ba? I am not-" napahinto siya sa pagsasalita nang mapansin ang lugar na dinadaanan nila. "I am going to call you back." Kahit nagsasalita pa ang lalaki ay pinatayan na niya iyon ng call. Kunot-noong tumitingin siya sa paligid. Hindi ito ang way papunta sa ospital.

"Are we taking a short cut?" Tanong niya sa driver.

Hindi iyon sumagot. Lalo lang binilisan ang pagpapaandar ng sasakyan.

Nakaramdam na siya ng kaba at natatarantang muling sumilip sa labas. Ibang daan talaga ito kaya dumukwang na siya at tinanggal ang cap nito sa ulo.

"Horacio!" Gulat na sigaw niya nang makilala ang lalaki.

"Good morning." Walang-anuman na sabi nito na nanatiling nakatutok ang tingin sa kalsada.

"Gago ka. Ano 'to? Ihinto mo ito! Ihinto mo!" Malakas na sigaw niya pero lalo lang binilisan ni Hunter ang pagpapaandar ng sasakyan.

"We're going for a short ride." Sagot nito at hindi na pinansin ang pagwawala niya. Nakita niyang sa Pasay sila papunta. Huminto sila sa harap ng Alphaland Hangar.

Bumaba si Hunter at pinagbuksan siya ng pinto.

"Let's go?" Inis na inis siya sa paraan ng pagkakangiti nito. Hindi siya tuminag sa kinauupuan niya at sinamaan lang ito ng tingin.

"Come on. We will be late on our flight. Sayang naman ang reservation ko." Sabi pa nito na nakalahad ang kamay sa kanya.

"Mag-flight ka mag-isa mo!" Lalo siyang nagsiksik sa loob ng kotse.

Napahinga nang malalim si Hunter at napailing tapos ay bigla nitong hinawakan ang kamay niya at hinila palabas. Napasigaw siya ng bigla siya nitong buhatin at ipasan sa balikat na parang nagbubuhat ito ng sako ng bigas. Panay ang pasag niya pero hindi nito iniintindi ang pagwawala niya.

Hindi pa rin siya binitiwan ni Hunter hanggang sa makita niya ang isang private plane na halatang may hinihintay na pasahero. Isang lalaki ang lumapit sa kanila at kinausap si Hunter.

"Sir, naka-ready na po. Kayo na lang ang hinihintay. You will leave at exactly after ten minutes." Sabi nito kay Hunter.

"Sir. Please, tulungan mo ako. Kinikidnap ako nito. Tumawag ka ng pulis," naiiyak na sabi niya sa lalaking lumapit.

Pero wala sa mukha nito na parang nag-alala sa sinabi niya. Natawa pa nga ito at tumingin kay Hunter.

"I told you she would say that." Natatawang sabi ni Hunter.

"Sige na, Sir. Sakay na kayo. Goodluck sa honeymoon." Sabi pa nito.

"Honeymoon?! Hindi ko asawa ang siraulo na ito!" Malakas na sigaw ni Amber. Lalo siyang nagpapasag at lalo lang humigpit ang pagkakahawak sa kanya ni Hunter. "Ibaba mo ako! Ibaba mo ako!" Pinagsusuntok pa niya ang likod nito.

Pabigla naman siyang binitiwan ng lalaki at muntik na siyang masubsob kung hindi lang siya inalalayan ng lalaki.

"After you," nakangiting sabi nito habang inilalahad ang kamay na sumakay siya sa private plane.

Pero hindi siya tuminag. Nang makakuha siya ng buwelo ay mabilis siyang tumakbo para makalayo doon pero may dalawang lalaki na humarang sa kanya.

"Told you too she would run." Walang anuman na sabi ni Hunter na nanatiling nakatayo sa pinto ng plane.

Naiiyak na humarap siya sa dalawang lalaki na pumipigil sa kanya.

"Please, tulungan 'nyo ako. Kidnapping ito. Baka kung anong mangyari sa akin. 'Yung anak ko. Tumawag kayo ng pulis." Pakiusap niya sa mga ito.

Hindi naman tuminag ang dalawang lalaki. Nanatili lang na nakaharang sa harap niya tapos ay bumaling kay Hunter.

"Galing mo, Sir. Tama lahat ang sinabi mong sasabihin sa amin ni mam." Hinawakan siya sa braso ng lalaki at inalalayan siyang makarating sa pinto ng plane. Pinapasakay siya. "Sakay na po. Aalis na kayo."

Umiiling siya. Ayaw niya. Hindi niya alam kung anong plano ng lalaking ito sa kanya.

"Just get in, Amber. We're just going to have our honeymoon." Sabi ni Hunter sa kanya.

"Hindi ako sasama sa iyo!" Bulyaw niya dito.

Nagkibit-balikat si Hunter. "Bahala ka. Sige. Kapag hindi ka sumunod sa akin, hindi mo na makikita si Arrow. I am crazy, remember. I still adapt the life in the mountains and sometimes I become barbaric. I could take away my son from you. I will use my money to get him from you. I don't have anything to lose. So, choose Amber. Get in the plane or you won't see Arrow again."

Ngayon ay seryosong-seryoso na ang mukha ni Hunter. Pati ang timbre ng pagsasalita ay nakakatakot din.

Napalunok siya at mabilis na pinahid ang tumulong luha. Sa isip ay isinusumpa at nakilala pa niya ang lalaki.

Kahit mabigat sa loob niya ay napilitan siyang sumakay sa eroplano.

"See? Madali lang 'di ba? I promise you, you will have a blast today." Ngumiti pa ito ng matamis sa kanya.

Inirapan lang niya ito at pabagsak na naupo sa upuan na naroon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top