CHAPTER FIFTY-FOUR
"In the end, I'll always come running back to you, not because I am weak, but because I fell in love with you."
————-
Salubong na salubong ang kilay ni Amber nang makalapit sa lugar ni Hunter. Sinamaan agad nito ng tingin ang babaeng nakatabi sa kanya tapos ay siya naman ang tiningnan ng masama.
"Anong ginagawa ng babaeng iyan dito?" Kung puwede lang siyang lunukin ni Amber, tingin niya ay ginawa na nito.
Kaswal niyang tinapunan ng tingin si Camile na halatang nag-aalala ang itsura. Ngumiti ito ng alanganin kay Amber tapos ay sa kanya.
"She is our guest. For our post wedding party." Sagot niya sa babae.
"C-congratulations?" Nanginginig pa ang boses ni Camile na halatang natatakot. "You know, Hunter and I we are not in a relationship. We are just- you know- colleagues. We work together, well we fuck several times-" agad naitikom ni Camile ang bibig nitong nang ma-realize kung ano ang mga nasabi.
Napahinga ng malalim si Hunter at napangiwi. Sira ang plano niya. Wala naman sa usapan nila ni Camile na sasabihin pa nito ang mga nangyari sa kanila.
Lalong bumangis ang itsura ni Amber at sinamaan ng tingin si Camile tapos ay sa kanya.
"Horacio, kung ayaw mong balatan ko ng buhay ang babae mo, paalisin mo 'yan sa harap ko. Ngayon na!" Nanlalaki pa ang mata ni Amber.
Napailing si Hunter. Mukhang magba-backfire sa kanya ang plano niyang pagselosin si Amber. Mukhang ibang klase itong magselos. Parang hindi niya kakayanin awatin. Tingin niya, mukhang magagawa talaga nito ang ibinabantang gawin kay Camile. Baka balatan nga ng buhay ang modelo niya.
"Cams, you want to go with some of the guests in front?" Baling niya sa babae.
Sunod-sunod na tumango si Camile at nagmamadaling umalis doon.
Ang sama ng tingin ni Amber habang sinusundan ito ng tingin. Tapos ay siya naman ang hinarap. Ngumiti siya ng matamis dito.
"Good morning, Mrs. Acosta." Bati niya dito.
Pero hindi sumagot si Amber. Maya-maya ay lumipad ang kamao nito at sinapak siya ng malakas.
"Shit! What was that for? Ouch!" Nahawakan niya ang nasaktang panga. Literal na parang nahilo yata siya sa ginawa nito sa kanya.
"Anong katarantaduhan ang ginawa mo sa akin? Ano ang pinainom mo sa akin?!" Galit na galit si Amber.
"Nothing! Just a broth. Ano ka ba? We used to drink that in the mountains," napapikit pa siya habang hinihimas ang nasaktang panga.
"You drugged me? Tapos sinamantala mo ako?!"
"Wait. Look. You were not drugged. There's a difference between forcefully drugged and kind of you liked it to be drugged," alanganin niyang sagot.
Parang tigre na gustong magwala ang itsura ni Amber.
"Kahit ano pa, pinainom mo ako ng drugs!"
"It's not a drug. It's herbal. And because you liked it. I was telling you to stop drinking but you keep on drinking it. Naubos mo nga 'yung isang pitsel." Pilit niyang ipinapaalala dito ang mga ginawa kagabi.
Kumunot ang noo nito sa kanya. "I don't remember doing that."
"You even asked me to marry you last night. You begged me to marry you that's why I called the town mayor during the wee hours of the morning and we got married." Ipinakita niya dito ang daliri na may wedding ring.
"I won't do that. Hindi ako magpapakasal sa iyo." Galit na sagot ni Amber pero halatang pilit nitong iniisip ang mga ginawa nito kagabi.
"But you just did. You are my wife now, Amber. Wala ng bawian 'yon." Lumapit siya sa babae pero itinulak siya nito.
"At sinamantala mo naman na wala akong magagawa. Kahit kailan ka, Horacio wala kang magawang matino. Tawagan mo ang mayor na iyon at sabihin mo sa kanya, hindi puwedeng maikasal tayong dalawa. Ayoko sa iyo!"
Natawa lang siya sa sinabi niya.
"Ayaw mo sa akin pero kulang na lang katayin mo si Camile na nakadikit sa akin. Ano ba talaga, Amber? Gusto mo ako o ayaw mo?"
Parang nalito ang itsura ng babae at humigpit ang pagkakahawak nito sa nakataping comforter.
Lumapit siya dito at napahakbang paatras si Amber.
"Amber, being married to you is the best thing that ever happened to me." Sinubukan niyang hawakan ang mukha nito pero dagling umiwas ang babae.
"Inuuto mo lang ako. Hindi mo na ako mauuto. Dalang-dala na ako sa mga matatamis mong salita. Dapat sa iyo, pinuputulan ng dila. Hindi ka na nga marunong magpaliwanag, wala pang magandang salitang lumalabas sa bibig mo. Wala ka man lang paliwang kung-"
"I love you." Putol niya sa sinasabi nito.
Nanlalaki ang matang tumingin sa kanya si Amber. Halatang hindi makapaniwala sa sinabi niya tapos ay umiling-iling si Amber.
"Hindi totoo 'yan. Inuuto mo lang ako." Bahagyang nanginig ang boses ni Amber.
"I mean it. Every word of it. I love you, Amber. Mahal kita ng walang pero. Mahal kita kasi hindi ko kayang mabuhay kung hindi ikaw ang makakasama ko."
Tuluyang nang nahulog ang mga luha ni Amber at punong-puno ng hinanakit na tumingin sa kanya.
"Ganyan lang talaga? Sa tingin mo kapag sinabihan mo ako ng I love you kailangan automatic na akong luluhod sa harap mo? Automatic na akong sasamba uli sa iyo?" Umiling-iling si Amber. "I want to leave a little pride for myself. Mahal kita, Hunter. Kahit kailan hindi iyon nawala. The moment I saw your face in that book, I fell in love with you that instant. Siguro kasi nakita mong ganoon ako kahina pagdating sa iyo. Hindi kita kayang tanggihan kapag ikaw na ang nanuyo sa akin. You broke this," itinuro niya ang tapat ng dibdib. "Over and over and yet I am still in love with you. Pero hindi ko na yata kayang masaktan pa uli sa pagkakataong ito."
Napatiim-bagang si Hunter. Ito na nga ang kinakatakot niya. Sa sobrang takot na si Amber na masaktan, ayaw na nitong makisama sa kanya.
"Please, give me one last chance? I promise this time, no more pain. Kahit kailan hinding-hindi kita sasaktan. Hindi ko ipaparamdam sa iyo na hindi ikaw ang priority. You will always be my only one. Walang kahati. Walang kakumpitensiya." Hinawakan niya ang kamay ni Amber pero pilit na hinila iyon. Pero hindi niya binitawan. Hinigpitan lang niya ang pagkakahawak sa kamay.
Hindi sumagot si Amber. Iyak lang ito ng iyak.
Bigla siyang lumuhod sa harap nito. Wala siyang pakialam kung nakatingin man ang pamilya niya sa kanya. Basta gagawin niya ang lahat patawarin at tanggapin lang siya ni Amber.
"I'll beg for your forgiveness. You want me to kiss your feet? Kahit ang dinaanan mo, hahalikan ko. Just tell me what to do, Amber. Tell me what to do for you to forgive me," this time ay naiiyak na rin siya.
Tumingin sa paligid si Amber at parang nahiya ito sa ginagawa niya.
"Tumayo ka nga diyan. Nakakahiya." Pilit siya nitong pinapatayo.
Pero lalong siyang nangunyapit sa mga binti ng babae.
"Hindi ako aalis dito hangga't hindi mo ako pinapatawad. Please. Forgive me."
"Horacio, tumayo ka diyan. Nakakahiya sa nanay mo," saway nito sa kanya. Nakita kasi niyang nakatayo na sa may pinto ang mama niya at parents ni Amber. Nakatingin sa kanila.
"No. I won't go anywhere. I'll be your slave. You tell me whatever you want. Mahal na mahal kita." Sabi pa niya.
"Fine! Fine! Get up." Pilit siya nitong pinatayo.
Napangiti siya ng lihim ng marinig ang sinabi ng babae. Tumayo siya at humarap dito.
"We're good?" Tanong niya.
Inirapan siya ni Amber. "Pagtitiyagaan na lang kita. Besides, ikaw naman ang tatay ng anak ko so, sige. Mag-asawa na tayo."
Lumapad na ang ngiti niya at sumenyas ng okay sa grupo ng mama at parents ni Amber.
"Payag na siya." Sabi niya sa mga ito.
Kumunot ang noo sa kanya ni Amber.
"They knew about this?" Paniniguro ng babae.
"Well, they helped me do this stunt. From the kidnapping up to the honeymoon stage." Ngumiwi pa siya.
Napahinga ng malalim si Amber pero mabilis niya itong niyakap.
"Huwag ka ng magalit. We have our whole lifetime to be mad at me. Kahit araw-araw kang magalit sa akin. Araw-araw din kitang susuyuin. Araw-araw akong hihingi ng tawad sa iyo dahil sa nagawa ko. At araw-araw kitang mamahalin." Titig na titig siya sa mukha ni Amber.
Hindi sumagot si Amber at nangingilid lang ang luha nito na nakatingin sa kanya.
"I promise to love you from the mountains, to the city, to this island. I will love you anywhere we are." He keeps on stroking her face. The face that he intends to grow old with.
"Hindi mo na ako sasaktan?" Basag na basag ang boses ni Amber.
Umiling siya. "Not in this lifetime."
Mahigpit na yumakap sa kanya si Amber tapos ay humagulgol ng humagulgol.
"Demonyo ka talaga, Hunter. Alam na alam mong marupok ako pagdating sa iyo. Alam mong hindi kita matitiis. Pero sana, this time, huwag mo na akong saktan kasi baka hindi ko na kayanin at putulan na lang kita ng kaligayahan."
Natawa siya at lalong hinigpitan ang pagkakayakap dito.
"I promise to love you, Amber. Forever."
Hindi na ito sumagot. Nanatili lang na nakayakap sa kanya.
---------------------
Ngayon lang na-appreciate ni Amber kung gaano kaganda ang lugar na pinuntahan nila ni Hunter.
The place was paradise. She doesn't know if they are the only ones occupying this island somewhere in Quezon.
"Kayo ang talagang may-ari nito?" Tanong niya kay Hunter habang naglalakad sila sa harap ng bahay. Pinabayaan nilang magkasayahan doon ang mga bisita nila. Pamilya at close friends lang naman ang mga naroon. Mas kailangan nilang mapag-isa ni Hunter. Kailangan nilang mag-usap pa.
"I bought this land. Well, I wanted to buy the whole island but hindi kaya ng sarili ko na mawawalan ng tirahan ang mga native na nakatira sa kabilang parte ng isla. So, I decided to just buy this part. You liked it?" Ang higpit ng hawak ni Hunter sa mga kamay na parang ayaw na iyong bitiwan.
Tumango siya at suminghot sa sariwang hangin.
"I love it." Sagot niya.
"I bought this land for you. This is yours. I know I screwed on that part that I chose the Dasana's over you. I just thought that you would understand why I did it. And when I learned that you're going abroad, I followed you. But I saw you in the airport leaving with Bowie." Ngumiti ito ng mapakla sa kanya.
"What? Nasa airport ka noon?" Gulat na gulat siya.
Nakangiti ng mapakla si Hunter. "I saw the two of you leaving. Naduwag ako kasi hindi ko kayang harapin ang galit mo dahil sa ginawa ko. Sana pala hinabol kita para 'nung mga oras na iyon, nalaman ko na buntis ka."
"Well, hindi naman tayo matututo kung hindi nangyari sa atin iyon. I mean, everything happens for a reason. Siguro kasi kung noon, nagsama na tayo, baka mauwi din tayo sa hiwalayan. Masyadong mababaw ang pagtingin natin sa pag-ibig noon. Akala natin, akala ko dahil na-inlove ako sa litrato mo, ganoon na iyon. Hindi ko naisip na may issues ka, may issues ako. Ang mahalaga lang kasi sa akin noon, makita kita. Kasi alam ko, unang kita ko pa lang sa picture mo, mahal na kita." Parang nahiya siyang tumingin kay Hunter.
Naramdaman niyang niyakap siya nito at hinalikan sa sintido.
"And I am thankful that you looked for me. You didn't give up on finding me. Baka kung hindi mo ako natagpuan, naroon pa rin ako sa bundok at baka asawa ko na si Suwana." Natatawang sabi niya.
Napangiwi si Amber.
"Eww. Kadiri ka. Ambaho kaya 'nun. Amoy putok 'yun, eh."
Ang lakas ng tawa ni Hunter.
"Kaya nga buti dumating ka." Napahinga ito ng malalim at hinawakan siya sa bewang para lalong mapalapit dito at nagpatuloy sila sa paglakad.
"How are they?"
Napangiti si Hunter. Ang mukha ay halatang natuwa sa naisip.
"They are good. They made a difference in the society. We helped them to create a better place for their tribe." Huminto sila at humarap sa kanya si Hunter. "You know, they were always asking for you. They were looking for their babaylan and I don't know what to say. Hindi naman nila maiintindihan kung bakit ka nawala. They were always thankful that you came in their tribe. You gave them a new hope na hindi ko nagawa." Titig na titig sa kanya ang lalaki.
"You changed my life too. You gave me another life. I always felt that I am home whenever I am with you. Don't go anywhere, Amber. I am not good with words, I don't always say I love you, but with you, gagasgasin ko ang salitang iyon."
Natawa siya at hinaplos ang mukha nito.
"Sige na. Huwag mo na akong utuin. We will start our family together. I know I was kinda selfish back then for thinking only about myself. Hindi ko naisip na mahal mo rin ang tribo na iyon. But together, we could help them. You, me and Arrow. Our family will help them."
Ngumiti sa kanya ang lalaki at hinalikan siya sa labi.
"I always know you would say that. Kaya ikaw talaga ang ibinigay sa akin. Kaya tayo talaga ang pinagtagpo at itinadhana dahil pareho tayong iba. And I love you more for that."
"Ang dami mong eme, bathala. Shut up and just kiss me." Natatawang sabi ni Amber.
Hindi na sumagot si Hunter.
He just claimed her lips passionately just like what she always imagined.
This time, she won't let go.
——- END
And we reached the end of this story. Maraming-maraming salamat sa mga nag-abang sa story na ito. Sa mga nagco-comments, sa mga nakakapansin ng mga mistakes na nagawa ko I truly appreciate it, sa mga napuyat, sa nag-abang ng bawat updates. Shout out sa mga Senyoras na nagpapasabog ng GC ng Hacienda. Sa mga
masisipag mag-post ng mga excepts ng story sa HM's Reading Nook. Maraming salamat.
PS. Sa mga nagpapa-shout out at dedicate, pasensiya kung 'di nagagawa. Ang dami 'nyo po kasi.
More stories to come.
❤️ - Helene Mendoza
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top