CHAPTER FIFTY

"Jealousy is just Love and Hate at the same time." - Unknown

            "Hey, hindi ka pa uuwi?"

Tiningnan ni Amber si Doc Drew na inaayos ang suot nitong polo at naghahanda na para umuwi. Tumingin siya sa relo at pasado ala-singko na pala. Naubos na ang oras niya sap ag-iisip kung ano ang ginagawa ng anak niya sa piling ng pamilya ni Hunter.

Pilit siyang ngumiti dito at inayos na rin ang mga gamit.

"Aalis na rin, Doc. Ako na ang bahalang mag-lock nitong clinic." Inisa-isa niyang ilagay sa tray rack ang mga patiet's file na naka-schedule bukas.

"You know, wala naman akong gagawin sa bahay. Do you want to grab a bite habang naghihintay ka?" Tanong ni Doc Drew.

Ngumiti siya dito at umiling. "Okay lang ako, doc. Dadaan pa rin kasi ako kina Mrs. Acosta para kunin si Arrow."

"Oh yeah. Oo nga. You are full of surprises, Amber. So, it's Hunter Acosta, huh?" Iiling-iling na nangingiti ang lalaki.

Natawa din siya at napayuko.

"It was history. Crazy days," sagot niya dito. Crazy days niya na ayaw na niyang maalala.

Nakita niyang naupo sa sofa na naroon si Doc Drew at parang wala pa namang balak na umuwi.

"You could tell me. I am a good listener." Itinupi pa nito ang suot na longsleeves hanggang sa siko nito.

"Walang interesting sa buhay ko." Napakamot siya ng ulo.

"But you are interesting, Amber. And I would love to hear anything about you kahit sa tingin mo ay hindi interesting iyon."

Nawala ang ngiti sa labi ni Amber. Nagpapalipad-hangin na naman sa kanya si Doc.

"History na talaga 'yung sa amin ni Hunter. Walang kuwenta. Si Arrow lang ang importante sa nangyari sa amin. I don't want to talk about it anymore."

"It's okay. Ganyan din ako 'nung naghiwalay kami ng ex-wife ko. It hurts but like you I moved on. Different women every night just to forget the pain, the memories. But later on makakalimutan mo rin lalo na kung may taong tutulong sa iyong makalimot. During that time, Camile helped me to forget my ex-wife." Nagkibit pa ito ng balikat.

"Bakit kayo naghiwalay, Doc? Ng ex-wife mo." Nakuha ng doctor ang interes niya dahl sa mga sinasabi nito.

"She was asking more time from me. I was a still a resident back then and I almost live in the hospital dahil sa dami ng cases, researches. Sobrang dami. Feeling niya napabayaan ko siya. We always fight over small things. 'Yung alam kong ginagawa na lang niya para mag-away kami and the relationship was not healthy anymore, so we decided to call it quits kesa naman magkasakitan pa kami ng pisikal." Ngumiti pa ng mapakla sa kanya ang doctor.

Tiningnan niya ang kabuuan ni Doctor Drew. Ngayong nakikilala niya ang lalaki ay parang gumagaang na ang loob niya dito. Hindi na siya naaasiwa.

"So, ang girlfriend mo ngayon is 'yung Camile?" Paniniguro niya.

Natawa ito. "I told you, I'm single. Camile was just an old flame. Mabilis naman makahanap ng kapalit 'yon."

Napa-wow siya at napangiwi sa naisip kung anong klaseng babae 'yung Camile.

"What happened to you and Hunter?" Muli nitong tanong.

"Doc, nagiging chismoso ka. Baka mag-resign na ako." Tumatawang sagot niya.

"Why? I am just curious what happened between the two of you. I could see that there is still something between the two of you. The way you look at each other."

Napailing si Amber. Another Bowie ba itong si Doc Drew?

"Ang nasa pagitan lang namin ni Hunter Acosta ay ang anak namin. Wala ng iba. We are just being civil because of our kid. Beyond that, wala na."

"Kaya puwede tayong mag-date?" Diretsong tanong nito.

"Doc, grabe ka. Sabi ko sa iyo I am not looking for love right now. Unfair lang kasi wala talaga akong maibibigay na kapalit sa kung anong i-o-offer mo."

"I am just offering companionship. Alam mo 'yon. 'Yung meron ka lang constantly na makakausap kahit kelan mo gusto. Lagi akong may panahon sa iyo."

Napangiti si Amber at napailing.

"Bullet train ka talaga, Doc. Ilang babae na ang nakuha mo sa ganyan mong style?" Tumayo siya at isinuksok sa bag ang ilang mga gamit.

"Wala. Ikaw pa lang kung saka-sakali." Nagpapa-cute ang ngiti nito sa kanya.

"Sorry to disappoint you. But, wala na talaga." Isinukbit na niya ang bag sa balikat at tinungo na ang pinto. Tumayo na rin ang doctor at sumabay sa kanya palabas.

Hindi na rin tumanggi si Amber ng mag-offer ang lalaki na ihatid siya nito hanggang sa bahay ni Hunter para sunduin si Arrow. Pagparada ng sasakyan sa tapat ng bahay ay kita niya ang maraming mga laruan na nakakalat sa garden. May bike, may Little Tikes na complete set ng see saw, swing and slide at alam niyang hindi biro ang ginastos doon.

"Mukhang magiging spoiled ang anak mo dito," komento ng doctor.

Iyon nga din ang tingin niya. Nag-doorbell siya at pinagbuksan sila ng gate ng kasambahay na naroon tapos ay pina-diretso sila sa sala. Pagbukas ng pinto ay naabutan niyang nakaupo sa sofa si Hunter at nanonood ng cartoons sa TV tapos ay nakaunan sa mga hita nito ang natutulog nilang anak. Lumingon ito sa kanya at kita niya ang pagkunot ng noo nito nang makita na kasunod niya si Doc Drew.

"Kunin ko na si Arrow," hindi niya tinitingnan man lang si Hunter. Ayaw niyang makita ang nakakainis na mukha nito na nakatingin sa kanila. Kung tingnan kasi sila nito ay para silang may ginagawang masama ni Doc Drew. Nakataas ang kilay, nakasimangot ang mukha.

"Good evening, Mr. Acosta." Bati ni Doc Drew kay Hunter. Tiningnan lang ito ni Hunter tapos ay bumaling ang tingin sa kanya.

"Maaga pa yata para sunduin mo si Arrow. Ala-siyete pa lang." Walang emosyong sabi nito.

"Kanina pa naman nandito si Arrow. Saka para kumportable na siyang matulog sa bahay kapag nakauwi na kami." Lumapit siya sa bata at akmang bubuhatin ito pero pinigil siya ng lalaki.

"Can I talk to her first?" Kay Doc Drew na nakatingin si Hunter. "The father and mother of our child needs to talk first." Madidiin ang pagkakabigkas noon ng lalaki sa harap ng doctor.

Parang nakahalata naman si Doc Drew at tumingin sa kanya.

"Are you going to be okay?" Baling nito sa kanya.

"As if naman na may gagawin akong masama sa kanya. Siya ang nanay ng anak ko," bahagyang tumaas ang boses ni Hunter.

"S-sige, Doc. Lalabas din ako agad." Pilit na niyang itinaboy ang doctor para lang matigil na itong ginagawa ni Hunter.

Naiiling na lumabas ang doctor at marahan nitong isinara ang pinto.

"Siya na ang naghatid sa iyo, siya pa rin ang magsusundo?" Damang-dama niya ang gigil sa bawat salita ng lalaki at ang halata ang inis sa mukha nito.

"Teka, kay Arrow ka lang may karapatan. Wala kang karapatan sa akin. Kahit sino ang maghatid at magsundo sa akin, wala kang pakielam. Tumayo ka na diyan. Iuuwi ko na ang anak ko." Akma niya ulit na bubuhatin ang bata pero muli siyang pinigilan ng lalaki.

"Karapatan kong malaman kung sino ang lalaking lagi mong kasama. This is my kid na isinasama mo sa ibang tao. Malay ko ba kung anong klaseng tao 'yan?"

Natawa si Amber at parang hindi makapaniwala sa sinasabi ni Hunter.

"What? Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Isang araw ka palang nakasama ni Arrow, feeling mo naman father of the year ka na." Inirapan niya ito. "Please, Hunter. Stop the act. I'm not going to fall for you again."

Tumaas ang kilay nito sa narinig na sinabi niya. Gumalaw ito ay inalalayan ang ulo ng bata na makahiga sa sofa at tumayo tapos ay lumapit sa kanya.

"Are you sure about that?"

Bahagyang napaatras si Amber dahil ang bilis na nakalapit ng lalaki sa kanya. Sa bawat pag-atras niya ay patuloy naman ito sa paglapit. Amoy na niya ang pabangong gamit nito. Pati ang minty breath ay amoy na rin niya.

"Please, stay away from me." Mahinahon niyang sabi.

"Why? Tell me why do I need to stay away from you? I told you I am going to win you back. I'll do everything I can, just to win you back." Mahinang sabi nito habang patuloy sa paglapit sa kanya.

Napalunok si Amber dahil naramdaman niya ang malamig na semento sa likuran niya. Wala na siyang aatrasan. Patuloy pa rin sa paglapit si Hunter sa kanya at huminto lang ito ng halos isang dipa na lang ang pagitan nilang dalawa. Nakayuko ito sa mukha niya at nakatitig lalo na sa bibig niya.

She cleared her throat. He is doing it again. He was trying to catch her under his spell like what he used to do. He was expecting her to fall on her knees and throw herself to him just like what she used to do. But everything changes. She won't going to allow it anymore.

Tinatagan niya ang sarili at taas ang noong humarap kay Hunter. Hindi siya nagpatinag kahit na nga ilang pulgada na lang ang layo ng mukha nito sa mukha niya. Amoy na amoy niya ang mabango nitong hininga.

"Sorry to disappoint you, Mr. Horacio Acosta. But you cannot win me back. Hindi na ako ang tangang babaeng nagpakagaga sa iyo.  Nandito lang ako para sa anak ko. Hindi ako kasama sa package ni Arrow." Nakataas ang kilay na sagot niya dito.

Nag-iba ang mukha ni Hunter nang marinig ang sagot niya. Umatras ito palayo sa kanya at doon siya mabilis na umalis at lumapit sa anak. Kahit natutulog ay binuhat niya.

"I'll just bring him tomorrow. Same time. I am going to pick him up same time too." Wala na siyang ibang sinabi at mabilis siyang lumabas.

Halos takbuhin niya ang makalabas ng bahay. Agad na bumaba si Doc Drew nang makita siyang paparating at pinagbuksan siya ng pinto.

"Let's go," nanginginig ang boses niya nang makasakay sa kotse.

Pinaandar lang nito ang sasakyan at umalis doon.

Habang nasa biyahe ay wala sa loob na tiningnan ni Amber ang kanyang mga kamay. Grabe ang panginginig ng mga iyon. Buong katawan niya yata ay nanginginig dahil sa kaba.

Ipinikit niya ang mata at huminga ng malalim tapos ay hinalikan sa ulo ang natutulog na bata. Ilang beses din siyang nagbuga ng hangin.

Very good, Ambrosia. Very good ka. Nagawa mong iwasan ang tukso sa buhay mo.

Iyon ang paulit-ulit niyang sinasabi sa sarili niya.

------------------------

            Kanina pa nagtatalo si Hunter at si Jacob sa telepono habang inilalatag niya ang mga prints ng litrato ni Arrow sa kaharap na mesa. Namimili siya ng mga kopya na ipapasa niya sa agency para mailagay sa magazine at sa billboards. Pagkagaling niya sa bahay para tingnan si Arrow ay dumiretso na siya dito sa studio niya. Ayaw niyang magkita sila sa bahay ni Amber kapag kinuha nito ang anak. Ayaw niyang makitang kasama nito ang Doctor Marzan na iyon at baka siya na ang mag-opera sa lalaki ng walang anesthesia. Pikon talaga siya sa doctor na iyon.

            "Kaya nga sabi ko sa iyo i-research mo. Hindi ka mahihirapan. He is socially active. I mean, bukas ang buhay niya sa madlang tao." Inilapag niya sa mesa ang telepono at inilagay iyon sa speaker mode para marinig ang sinasabi ng kaibigan.

            "Ito na naman ba tayo? Gagawin mo na naman akong stalker? Pabayaan mo na si Amber at 'yung doctor. Good catch naman si Amber doon."

            Sumimangot ang mukha niya sa narinig na sinabi ni Jacob.

            "Jake, even if I fucked up the last time , mas fuck you ka sa ginawa mong hindi sinabi sa akin na buntis si Amber. That's fucking foul, man. If I had known that she's pregnant, hindi ako aalis."

            "Kung nalaman mong buntis siya. Pero hindi mo alam kaya iniwan mo pa rin. See? Hunter, nangyari na ang nangyari. Isipin mo na lang lahat ng nangyari sa inyo, pangit o maganda ay may mabuting idinulot. What you and Amber had back then was just pure lust. Ikaw na ang nagsabi you just enjoyed the sex and-"

            "I love Amber back then. Hindi naman-"

             "Mahal mo pero bakit mo iniwan? Babalik na naman tayo sa umpisa. Paikot-ikot lang. Bro, if you want to get her, fast, 'tangina daanin mo na sa paspasan. Kidnappin mo na and I can help you do that. I did that with Travis and Liv. Ipinakulong ko pareho and nasaan na sila ngayon? They are living happily together. Putangina, ikaw ang pinakamabagal na lalaking nakilala ko, Horacio. Guwapo ka lang pero ang bagal mo." Napabuga pa ng hangin si Jacob.

            "'Di ikaw na ang mabilis. Kayo na magaling. Kayo na lahat. Sige na nga. Ako na nga lang ang ta-trabaho nito."

            Malakas na tumawa si Jacob.

            "Parang totoo. Babalik ka rin sa akin. Sige. Panindigan mo 'yan. Ciao." Wala na siyang narinig pa mula dito.

            Napapailing at itinukod niya ang dalawang kamay sa mesa at tiningnan ang mga prints na nakalatag. Napangiti siya habang pinagmamasdan ang mga litrato ng anak. He is really perfect for this ad.

            Tumunog ang telepono niya at si Camile naman ang tumatawag. Napilitan na rin siyang sagutin iyon dahil kahapon pa niya ito hindi kinakausap.

            "My god, Hunter. Pinagtataguan mo ba ako?" Ang tinis ng boses nito sa telepono.

            "No. Busy ako." Maiksing sagot niya.

            "Where are you? People are looking for you here?" Nasa tono na nito ang pag-aalala.

            Kumunot ang noo niya. "Where?"

            "You forgot? Ano ka ba? Launching ng restaurant ni Senator Valdez. Kanina ka pa hinanap dito."

            "What?" Mabilis niyang kinuha ang planner niya at tiningnan ang kanyang schedule. "Shit. Nag-uumpisa na?" Nataranta na siya. Sa sobrang occupied ng sarili niya sa pagtingin sa mga prints ni Arrow ay nakalimutan na niyang may event nga pala siyang pupuntahan ngayong gabi. Dali-dali niyang isinukbit ang camera bag sa balikat at nagmamadaling lumabas.

            "Mag-uumpisa na. Bilisan mo." Pinatay na siya ng telepono ng babae.

            Naipagpasalamat niya at hindi traffic kaya wala pang fifteen minutes ay nakarating na siya sa venue. Agad siyang binati ng mga kakilala na naroon at agad na lumapit sa kanya si Camile at humalik sa pisngi niya tapos ay ikinawit ang kamay sa braso niya.

            "Thank you," humihingal pa siya. Nagsimula siyang mag-picture sa paligid. Mabuti na nga lang at busy ang lahat doon at hindi naman napansin na late siyang dumating.

            "Doon tayo sa bar area. Mamaya ka na mag-picture. Marami namang ibang photographers," hinila ni Camile ang kamay niya at dinala siya sa bar area. Agad itong humingi ng maiinom at sumenyas siya ng Chivas Regal sa bartender. At habang pini-prepare ang inumin niya ay dumampot siya ng beer in can na naka-ready sa mesa at ininom.

            Palinga-linga siya hanggang sa mapako ang tingin niya sa isang lalaki at babaeng nag-uusap malapit sa kanila.

            Agad na nangunot ang noo ni Hunter. Hindi siya puwedeng magkamali. Si Amber ang nakikita niya. Kasama nito si Doctor Marzan at nagtatawanan ang dalawa. May pahampas-hampas pa si Amber sa balikat ng lalaki at ang isang kamay ay may hawak na baso ng alak.

            Wala sa loob na napitpit niya ang hawak na beer in can at tumapon ang lahat ng laman noon habang nakatingin sa dalawa.

            "Hey, are you okay? Parang gigil na gigil ka." Tinapik pa siya sa balikat ni Camile.

            Napalunok siya at dinampot ang baso ng alak na ibinigay ng bar tender at inisang lagukan lang iyon habang nanatiling nakatingin sa lugar ng dalawa.

            "You have got to be kidding me." Bulalas ni Camile.

            Taka siyang tumingin dito.

            "My ex-fuck buddy is here." Tumaas pa ang kilay ni Camile at umirap bago uminom sa hawak na baso.

            "Ex? Fuck buddy?" Paniniguro niya.

            "Yeah. The one that I am telling you about. The doctor. Mukhang nakakuha na ng bago. Mabilis talaga ang lalaking iyan pagdating sa babae. I bet, inuumpisahan na niyang pagsawaan."

            Hindi nakakibo si Hunter. Lalong numingas ang galit na nararamdaman niya nang makita ang kamay ng lalaking doctor na humawak sa bewang ni Amber. Doon na siya hindi nakapagtimpi.

            Tinungo niya ang lugar ng dalawa. Kahit mag-eskandalo siya dito, hindi puwedeng hawakan basta-basta si Amber ng iba.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top