CHAPTER ELEVEN


Nawala ang lahat ng takot na nararamdaman ni Amber nang makabalik sila sa tribo. Lahat ay malugod siyang binabati. Kahit naguguluhan sa mga pangyayari, sumasabay na lang siya sa agos. Nakita niyang tumatango-tango sa kanya si Hunter na parang ang ibig nitong sabihin ay sumakay lang siya sa mga nangyayari kaya ganoon ang ginagawa niya. Nakangiti lang siya sa lahat ng mga Dasana na sumasalubong sa kanya.

Lumapit sa kanya si Apo Ingkang at may inilagay na kuwintas na yari sa mga pinatuyong buto ng kung anong puno. Pinabayaan na lang niya. Lahat ng mga naroon ay panay ang hampas ng dahon sa kanya. Ano ba ang meron sa paghampas ng mga dahon? Gusto na din niyang kumuha ng mga dahon at paghahampasin din ang mga ito para maramdaman naman nila kung gaano kakati ang ginagawa ng mga ito sa kanya.

Nakaka-overwhelm ang pagsalubong ng mga Dasana. Kung kanina ay para siyang gagawing barbecue, ngayon ay para siyang isang importanteng tao doon. Pero wala doon ang sarili niya. Wala sa loob na napahawak siya sa mga labi at tumingin sa gawi ni Hunter na kausap na ngayon ang grupo nila Hagway. Parang ramdam pa niya ang halik nito sa kanya. Ang lambot ng bibig. Ang bango ng hininga. Ang sarap humalik.

Pinigil niya ang sariling mapatili nang maalala ang nangyari. Kahit na ba wala lang iyon sa lalaki dahil parte lang ng isang ritwal, okay na rin sa kanya. At least, natikman niya ang labi ni Bathala.

Teka. Akala ko ba turn off ka na? 'Di ba nga sabi mo disappointing si Bathala? Dahil hindi ang katulad niya ang inaasahan mo dito?

Inis niyang pinalis ang kung ano mula sa kanyang ulo. Totoong disappointing kasi nga, ibang-iba talaga ang inaasahan niya mula sa drawing na minahal niya at sa totoong Bathala. Nakaka-turn off na kung sino-sinong babae dito ang nakaka-sex ng lalaki. Napairap siya nang maisip iyon at tumingin sa paligid. Sabi ng lalaking iyon ay choosy ito kaya hinananap niya ang medyo malilinis at maiitsurang Dasana.

Hindi naman siya nagtagal sa paghahanap. Sa isang sulok ay nakita niya ang tatlong babaeng Dasana na nakalayo sa mga taga-tribo na sumalubong sa kanya. Ang sasama ng tingin ng mga ito sa kanya. Pawang mga nag-uusap-usap pero halatang siya ang pinag-uusapan. Namumukod tangi ang mga itsura nito kumpara sa mga ibang taga-tribo. Mukhang maayos. Malilinis. Tingin niya, ito ang mga babae ni Hunter.

Inirapan niya ang mga ito. Huwag silang aarte sa kanya dahil papanindigan niya ang sinasabi ni Apo Ingkang na isa siyang babaylan. Akala pa ng mga tao dito ay meron siyang superpowers. Napangiti siya ng lihim. Meron talaga dahil mas advance siya sa mga ito. Hydrogen Peroxide pa nga lang ang ginamit niya, bumilib na ang mga ito sa kanya at akala ay nakakabuhay na siya ng patay. Hintayin pa nila ang iba pa niyang puwedeng gawin.

"Magsisilang na si Agada!"

Nagulat siya ng biglang magpulasan ang mga Dasana at tumakbo patungo sa isang kubo. Naiwan siyang nagtataka at napatingin siya kay Hunter. Nakatingin lang din ito sa kanya tapos ay lumapit.

"Anong nangyayari?" Tumingin siya sa gawi ng tatlong babae at lalong ang talim ng tingin ng mga ito sa kanya nang lapitan siya ni Hunter. Lalo naman siyang umarte at dumikit pa lalo sa lalaki. Mang-iinis siya. Kahit pala sa tribo ay uso din ang mga Mean Girls.

"Manganganak si Agada." Walang anuman na sagot nito.

"Ano? Manganganak? Kailangan dalhin iyon sa ospital."

Tumingin sa kanya si Hunter na parang hindi makapaniwala sa sinabi niya.

"At saang ospital mo dadalhin? Hindi uso ang ospital dito. Kusa lang nilang inilalabas ang bata. That's a normal thing here."

"Pero paano ang sanitazion? Baka magkaroon ng kumplikasyon." Nag-aalalang sabi niya.

"They won't go saka ang layo. That's the risk that they have to face living here."

Malakas niyang hinampas sa braso si Hunter na ikinagulat nito.

"Nakakadami ka na, ha? Masakit na ang braso ko. Alalahanin mo Bathala ako dito." Inis na sabi nito sa kanya.

"Anak mo siguro 'yan. Lahat siguro ng mga bata at sanggol dito ikaw ang tatay." Nakaramdam siya ng inis nang maisip iyon.

Ang manyakis naman niya. Nakakainis!

"What? Anong anak? I didn't even touch her." Sumeryoso ang mukha ni Hunter. "Will you drop that? Sinabi ko na sa iyo tatlo lang ang babae ko dito and they are willing to give themselves to me kahit nga ayaw ko."

"Huhulaan ko kung sino. 'Yung tatlong Mean girls 'no?" Inginuso pa niya ang tatlong babae na nakatingin pa rin sa kanila.

Tumingin sa lugar ng mga iyon si Hunter at biglang nag-iba ang timpla ng mga babae. Nagsingiti ang mga ito at parang mga nahihiyang kumaway sa lalaki.

"It doesn't matter, okay? Tantanan mo na ang sex life ko. If you want to try a tribe man, do the honors. Mamili ka na lang sa kanila." Itinuro pa nito ang mga taga-tribo na nakatayo malapit sa kanila.

Ngumiwi siya na parang nandidiri. "Oh, please. I am not interested. Hindi naman ako sabik sa sex 'no? I am still a virgin." Buong pagmamalaking sabi niya. "And those tribe men are not my type. Ayoko sa hindi tuli."

Napatawa si Hunter.

"Hindi mo type pero umakyat ka ng bundok para makita lang ako?" Tonong nang-iinis 'to.

Ngumiti siya ng nakakainis dito.

"'Wag kang masyadong filingero, Bathala. Crush ko lang ang drawing mo hindi ikaw. May difference iyon."

"Really? Pero aminin mo, kinilig ka sa halik ko." Inilapit pa nito ang mukha sa mukha niya.

Hindi agad siya nakasagot at ramdam niya ang pamumula ng mukha niya.

Naramdaman ni Amber na may humila ng kamay niya at nakita niyang si Igat iyon. Putlang-putla ang mukha. Halatang kinakabahan.

"Mahal na Babaylan, iligtas mo ang aking kabiyak. Ayaw maampat ang pag-agos ng tubig mula sa kanyang puwerta." Parang naiiyak na si Igat sa harap niya.

Tumingin siya ng makahulugan kay Hunter.

"See what I am talking about? If you love this tribe, you will teach them that living here is dangerous and they need the help of other people not just you."

Hindi na niya hinintay na sumagot pa ang lalaki at tinungo na niya ang kubo. Naabutan niyang butil-butil ang pawis ng babae at halatang hirap na. Hindi agad siya nakakilos. Kahit nagkaroon na siya ng experience na magpaanak sa community center noon, iba pa rin ito dahil wala siyang kasamang Clinical Instructor. Inisip niyang maige ang mga napag-aralan niya sa Maternal and Child Care. Ano-ano nga ba ang phases of labor?

"Mahal na Babaylan, ano na ang mangyayari kay Agada?" Naiiyak si Igat sa tabi niya.

"Huwag ka ngang maingay? Nagko-concentrate ako sandali lang." Ang totoo kasi ay natataranta talaga siya at iniisip niya kung ano ang kanyang gagawin. Magpapaanak siya na walang kahit na anong gamit?

Shit. Ano ba ang gagawin ko?

"Agada, huwag kang mamamatay. Mahal na mahal kita. Kayo ng ating supling," tuluyan nang umiyak si Igat habang hawak sa kamay ang asawa.

Hinawakan niya ang mukha ni Igat at sinampal-sampal iyon.

"Tumingin ka sa akin. Relax. Kalma. Kumuha ka ng malinis na tubig. Malinis. Lakad!" Itinulak pa niya si Igat para kumilos agad. Mabilis naman itong sumunod.

Muli niyang tiningnan si Agada at tingin niya ay talagang hirap na ito. Kailangan niyang malinis ang kanyang kamay. Kailangan niya ng malinis na mga sapin.

"You might need this."

Lumingon siya at nakita niya si Hunter na bitbit ang camping bag niya at first aid kit. Tiningnan niya lang ito at kinuha ang mga ibinigay na gamit. Agad niyang kinuha ang alcohol at dinis-infect ang mga kamay. Doon na niya kinapa ang tiyan ng manganganak. Pilit na inaalala ang mga natutunan niya sa ospital. She needs to check the fetal presentation kung normal or naka-breech presentation ang baby.

Para siyang nakahinga nang maluwag ng masiguro na normal ang presentation ng bata.

"Agada, kalma lang, ha? Ipapasok ko ang daliri ko sa puwerta mo para ma-check ko kung ready ka na."

Tumango lang ang babae at napapangiwi pa talaga sa sobrang sakit na nararamdaman.

Huminga siya ng malalim para makakuha ng lakas ng loob. Muling hinugasan ang kamay ng alcohol pero agad ding napahinto nang maramdaman niyang parang may tao sa kanyang likuran. Paglingon niya ay nagtama pa ang mukha nila ni Hunter dahil ito pala ay nakadungaw mula sa balikat niya.

"Ano ba? Anong ginagawa mo dito?" Nawala yata ang concentration niya. Naalala niya ang ginawa nitong paghalik sa kanya.

"Baka kailangan mo ng tulong."

"Sige. Diyan ka lang. Abangan mo si Igat at ang tubig."

Muli siyang bumuga ng hangin at ipinasok ang dalawang daliri sa puwerta ni Agada. Pinakiramdam niya at chineck ang dilation ng cervix. Nagbibilang pa siya kung ilang centimeters na iyon para malaman niya kung ready na itong mag-push.

"Kailangan ba talagang gawin 'yan?" Halatang hindi kumportable si Hunter sa nakikitang ginagawa niya.

"What? You haven't tried fingering a woman? You know how to fuck but you don't know how to finger?" Natawa pa siya.

"Of course, I know how to do that. I meant, what you're doing. Mukha namang hindi nag-i-enjoy si Agada sa ginagawa mo. Para siyang nasasaktan. When I do that to women, tumitirik ang mata nila sa sarap." Walang anuman na sagot nito.

Inirapan niya ito. "Wow. Proud? So, talagang damang-dama ang pagiging Bathala? Buksan mo nga ang bag ko at maglabas ka ng kahit anong malinis na t-shirt." Nainis pa yata siya sa sinabi nito. Naiinis talaga siya sa tuwing maiisip niya ang mga kalandian nitong mga babae dito sa tribo.

Hindi na sumagot si Hunter at sinunod naman ang sinabi niya.

"Saan ang t-shirt? Puro shorts. Ano 'to?" Saglit na napahinto ang lalaki. "You're going wear g-string panties? Here? In the mountains?"

Nanlaki ang mata niya sa narinig na sinabi nito at nakita niyang hawak nito ang magkabilang dulo ng black g-string panty niya at iwinagayway sa harap niya.

"Sabi ko t-shirt hindi underwear ang kalkalin mo sa bag ko!" Agad niyang inagaw ang panty dito at isinilid sa bag. Nakakahiya. Siya na ang kumuha ng t-shirt niya at inilatag sa tabi ni Agada.

Bakit 'di mo kaya sabihin sa kanya na iyon ang plano mong isuot kapag humarap ka kay Bathala?

Pinigil niya ang sarili at pilit na nag-concentrate kay Agada. Nakikita niyang umi-ire ito dahil sa urge na mag-push.

Noon iyon. Noong hindi ko pa kilala kung sino talaga si Bathala. Ngayon ayoko na. Hindi na niya ako makikitang naka-ganyan.

Nagtatalo na naman ang anghel at demonyo sa utak niya. Ipinilig-pilig niya ang ulo para mawala iyon sa isip niya.

"It looks nice. Sexy. I wonder how it looks on you if you wear it."

Parang kinilabutan yata si Amber nang marinig iyon sa tenga niya dahil ibinulong ni Hunter. Aawayin na lang niya ito nang malakas na sumigaw si Agada tapos ay umire ng pagkahaba-haba.

"Sige lang. Push. You need to push!" Nanlalaki ang mata ni Amber habang nakikita niyang unti-unting lumalabas ang ulo ng bata mula sa puwerta ni Agada. "Ire ka lang. Come on. Push. Harder." Tinutulungan niya ng fundal push si Agada para mas mapabilis ang paglabas ng bata.

Humihingal si Agada habang nagmamakaawang nakatingin sa kanya.

"Isa pa. Kapag naramdaman mo para kang natatae, sige lang. Push lang, ha? Ire mo lang."

Tumango lang ito tapos ay napangiwi at sumigaw nang malakas sabay ire. Isa pang mahabang pag-ire at tuloy-tuloy nang lumabas ang bata. Agad niya iyong binalot ng t-shirt at nilinis. Wala itong tigil sa pag-iyak tanda na isa itong malusog na sanggol.

Hindi maipaliwanag ni Amber ang nararamdaman niyang saya. Nakapagpaanak siya kahit kulang na kulang ang mga gamit at basic lang ang kaalaman niya. Mabuti na lang talaga at mahilig siyang magbasa.

Pero hindi pa ito tapos. Kailangan pang lumabas ng placenta. Magkakabit pa nga ang pusod ng bata at ang inunan. Kailangan niyang putulin iyon. Inilapag niya ang bata sa ibabaw ni Agada at nakahinga siya nang maluwag dahil kumpleto ang gamit niya. Gusto niyang pasalamatan ngayon ang kanya daddy dahil sa kumpletong kit na ipinadala nito. Kumuha siya ng dalawang surgical clamp at ikinabit sa umbilical cord.

"Bathala, would you like to do the honors of cutting the umbilical cord?" Nilingon niya ang lalaki at nakita niyang wala itong imik na nakatingin lang sa ginagawa niya. Parang wala ngang kulay ang mukha nito at panay ang lunok.

"What's wrong?" Tingin niya ay na-trauma yata ito sa nakitang panganganak.

"Tell me, that really happened? She gave birth in front of me?" Parang nanginginig pa ang boses nito.

"Yeah. Now we are going to cut the umbilical cord para mailabas na ang placenta. Ganito lang. Ika-cut ko lang nang-" hindi niya naituloy ang sasabihin dahil parang tumirik yata ang mata ni Hunter.

Tuloy-tuloy itong bumagsak sa sahig at nawalan ng malay.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top