CHAPTER EIGHTEEN


"Mahal na babaylan, ganito ba ang tamang paggamit sa bagay na ito?"

Nanlaki ang mata ni Amber nang humarap kay Suwana at makitang suot nito sa ulo ang kulay pink niyang lace panty na nakuha nito sa kanyang camping bag.

"Hindi 'yan para diyan," mabilis niyang hinablot iyon sa ulo ng babae.

Narito kasi sa kanyang kubo si Suwana at tinuturuan niya kung paano gumamit ng damit. Matapos niyang maturuan ang mga Dasana kung paano linisin ang kanilang mga sarili, ngayon naman ay ini-introduce niya kung ano ang gamit ng mga damit para sa mga tao. Palibhasa ay limited lang naman ang damit niya, si Suwana na muna ang naisip niyang turuan dahil sa tingin niya ay ito ang sinusundan ng mga babaeng Dasana. Kumbaga sa isang grupo, si Suwana ang IT Girl sa kanila. Kung ano ang gawin nito ay siguradong susundan ng mga babaeng taga-tribo.

Naguguluhang tumingin sa kanya ang babae.

"Dito iyan isinusuot." Ipinakita niya dito ang tamang paggamit ng panty. Nanlalaki ang mata nito na nakatingin sa kanya habang ipinapakita dito ang paggamit noon.

"Kailangan itong isuot para ma-proteksyunan ang private part ng isang tao lalo na ng mga babae." Kinuha niya ang katerno nitong bra sa kanyang bag at isinuot din iyon. "Ito, isinusuot din para proteksyunan ang dibdib ng mga babae."

Waring naguguluhan si Suwana sa itsura niya pero wala na siyang pakielam. At least, na-introduce na niya ang mga dapat na isuot kaya papanindigan na niya. Magdadamit na siya dito sa tribo. Kung wala silang mga damit, problema na ng bathala nila iyon.

"Suwana, maaari mo bang-"

Pareho silang napatingin ng babae sa lalaking pumasok sa kanyang kubo at nakita niyang si Hunter iyon. Napakunot ang noo nang makita ang suot niya at nakatingin sa kabuuan niya. Taas noo naman siyang humarap dito. Malakas na ang loob niya dahil hindi na siya hubad at talagang ipagmamalaki niya ang maganda niyang underwear. Victoria's Secret kaya ang tatak nito na pasalubong ng mommy niya nang magpunta sa America.

"May kailangan ka, mahal na bathala?" Naguguluhang tanong ni Suwana.

Mabilis na nagbawi ng tingin si Hunter mula sa kanya at tumingin sa babae.

"Maaari mo bang puntahan si Apo Ingkang? Tulungan mo sa paglilinis ng kanyang katawan sa ilog."

Tumango si Suwana. "Masusunod, mahal na bathala." Tumingin sa kanya ang babae at itsurang nagpapaalam kaya tumango siya dito.

"Bumalik ka na lang mamaya. Marami pa akong ituturo sa iyo." Pahabol niya sa babae.

Naiwan silang dalawa ni Hunter doon at nagtataka siya kung bakit hindi pa umaalis ang lalaki. Paikot-ikot lang ang mata nito sa kubo niya.

"May kailangan ka ba?" Hindi na talaga siya nahihiya. Buong pagmamayabang pa siyang naupo sa papag pero talagang ipinapakita niya ang maganda niyang underwear. Sayang naman ang ganda ng underwear niya. Pakiramdam niya ay isa siya sa mga Victoria's Secret Angel sa harap ni Hunter. Sino kaya ang papalitan niya sa mga iyon? Si Alexandra Ambrosio kaya? Ay, hindi na pala active iyon. Si Behati Prinsloo na lang o kaya si Kelsey Merritt.

"Why are you wearing that?" Walang kangiti-ngiti sa mukha ang lalaki.

"Bakit? Anong masama? Ipinapakita ko kay Suwana kung para saan ito," hinawakan niya ang boobs na natatabingan ng bra. "Saka kung ano ang importance ng pagsusuot ng panty."

Natawa ng nakakaloko ang lalaki. "Are you crazy? Namuhay sila dito ng walang damit. Nasanay silang dahon lang ang nakabalot sa katawan nila. Besides, saan sila kukuha ng mga damit na isusuot? Tapos tinuturuan mo pang gumamit ng underwear? Victoria's Secret pa?"

Naguluhan siya. Hindi ba nagustuhan ni Hunter ang ginagawa niya para sa mga babaeng Dasana? O hindi nito nagustuhan ang suot niyang underwear? Mahina siyang napamura. Mas magugustuhan siguro nito kung ang sinuot niyang underwear ay ang g-string na itim.

"Ihinahanda ko lang siya para dito para kung makahingi man tayo ng tulong mula sa gobyerno, hindi na sila ignorante kapag may mga dumating na damit dito. Galit ka ba? Akala ko ba napag-usapan na natin na tutulungan natin sila?"

He really looked pissed. Halatang may dinaramdam si Hunter.

"Oo nga at napag-usapan natin pero hindi ganitong kabilis. Iilan lang ang damit mo, you think magkakasya 'yan sa buong tribo?"

"Alam ko kaya nga ini-introduce ko pa lang. Hindi ko naman sinabing lahat sila maghati-hati sa mga gamit ko. Sabi mo nga unti-unti 'di ba? Kaya ganoon ang ginagawa ko. Why are you pissed?" Hindi na siya nakatiis na hindi magtanong.

Napahinga lang siya ng malalim at umiling.

"Aren't you happy that your tribe are getting introduced to certain things? Look at them now. Si Apo Ingkang ayaw ng umahon sa ilog kasi gusto na niyang maligo ng maligo. Other women are teaching their kids how to bathe too. 'Di ba? Wala mang sabon but still they are cleaning themselves."

Tumingin lang sa kanya si Hunter at muling pinasadahan ang kabuuan ng katawan niya.

"Don't go out wearing just like that. Wear something decent," iyon lang at lumabas na si Hunter.

Wear something decent? Samantalang ang mga Dasana nga ay mga hubad na magkakaharap tapos ako pa sasabihan ng wear something decent? Minsan gusto ko na talagang batukan ang bathalang iyon.

Inis niyang inirapan ang lumabas na lalaki at sumimangot. Sinilip pa niya at nakita niyang kausap nito ang grupo nila Hagway at parang may inuutos.

Ang sungit. Akala ko pa naman nagustuhan ang suot ko. Sayang ang effort.

Inis siyang humugot ng shorts at t-shirt mula sa kanyang camping bag. Hinanap niya ang deodorant niya na nakasuksok doon at napabuga siya ng hangin ng hindi niya makita. Inamoy-amoy niya ang kili-kili niya. Hindi naman mabaho kaya hindi nakakahiyang tumabi kay bathala.

Paglabas niya ay naabutan na niyang maraming tao sa kubo ni Apo Ingkang. Karamihan ay mga kababaihan at naroon din si Suwana. Lumapit siya at nag-usyoso. Naririnig ko si Suwana na nagkukuwento tungkol sa mga ipinakita niya dito.Buong pagmamalaki nitong sinasabi na ito ang kanang kamay niya at ito ang magtuturo sa lahat ng mga babaeng Dasana ng mga bagay na ituturo niya sa kanya. Napangiti siya. Hindi nga siya nagkamali. Si Suwana nga ang IT Girl sa tribo na ito.

Napatingin siya kay Apo Ingkang at nakita niyang may hawak itong kung ano. Gusto niyang makasiguro kung tama nga ang nakikita niyang hawak nito. Mahina siyang napamura dahil iyon ang nawawala niyang deodorant. Binuksan iyon ni Apo Ingkang at inamoy-amoy. Parang nagustuhan pa nito ang amoy dahil napangiti ito at nanlaki ang mata niya ng makitang ipinahid iyon sa mukha hanggang sa leeg. Hindi niya malaman kung masusuka siya o matatawa sa ginawa nito.

Mabilis siyang pumasok sa loob at kinuha ang deodorant sa matanda.

"Apo Ingkang, hindi ito inilalagay sa mukha." Ipinakita niya sa mga kababaihang naroon ang deodorant.

"Mahalimuyak ang amoy, mahal na babaylan." Pinahid-pahid pa ni Apo Ingkang ang mukha para kumalat ang deodorant.

"Ito ay para sa kili-kili. Dito," itinuro niya ang kanyang kili-kili.

Kita niya ang pagtataka sa mukha ng babaeng Dasana sa sinasabi niya. Napahinga siya ng malalim at hinubad ang suot na t-shirt tapos ay ipinakita ang kili-kili.

"Ito ang kili-kili. Ito ay bumabaho kapag hindi nalilinis. Kaya dapat araw-araw maliligo. Ito ang deodorant," Ipinakita niya ang deo na hawak. "Ipinapahid ito dito para hindi bumaho." Pinahiran niya ng deodorant ang kili-kili niya.

Nakita niyang ang ibang babaeng Dasana ay hinawakan ang mga kili-kili at inamoy tapos ay napangiwi.

"Hindi mahalimuyak ang amoy ng aming kili-kili, mahal na babaylan." Sabi ni Lisang.

"Kaya nga dapat, araw-araw kayong naglulublob sa ilog para malinis ang inyong katawan. Wala man nito, dapat malinis lang araw-araw."

Bulungan ang mga nandoon tapos ay isa-isang naglalabasan mula sa kubo ni Apo Ingkang. Napangiti siya. Sigurado siyang sa ilog na ang punta ng mga ito para maligo.

Muli niyang isinuot ang t-shirt nang maramdaman niyang lumapit ang matanda sa kanya at hinawakan ang kanyang tiyan.

"Walang supling. Walang nabuong supling mula sa bathala at sa mahal na babaylan."

Seryosong-seryoso ang mukha ni Apo Ingkang na nakatingin sa kanya.

"Apo, hindi ho agad nabubuo iyon. At sana nga, walang mabuo." Sagot niya dito.

Pero ngumiti lang sa kanya ang matanda at may kinuhang binungkos na dahon at hinampas-hampas sa kanyang mukha.

"Hindi dito mabubuo ang inyong supling. Pero nakasulat na sa propesiya, na kayo ni bathala ang dapat magsama."

Napairap siya sa narinig. Mukhang malabong mangyari iyon. Sa sobrang moody ng lalaking iyon, sigurado siyang hindi na masusundan ang nangyari sa kanila. At hindi na rin naman siya papayag kahit pa nga feel na niya si Bathala.

Ayaw na niyang pakinggan pa ang ibang sinasabi ng matanda kaya lumabas na siya. Iniwan na niya dito ang deodorant para lang manahimik. Bahala na ito kung gusto man nitong papakin ang deodorant.

Paglabas niya ay nakita niyang paparating ang grupo nila Hagway na may mga dalang malalaking supot ng plastic at dinala sa gitna ng tribo. Mula sa malalaking supot ay inilabas ng mga ito ang mga maliliit na supot at isa-isang ibinigay sa mga Dasana.

Hindi niya yata mapigil ang mangiti nang makita niyang toiletries ang laman ng bawat supot. Sabon, shampoo, may mga damit din at ilang mga pagkain. Agad niyang hinanap ang lugar ni Hunter at nakita niyang nasa isang tabi lang ito at nakatingin sa kanya.

Nagtatanong ang tingin niya dito at ngumiti lang ito ng tipid sa kanya at tumango.

Kitang-kita niya ang kasiyahan sa mukha ng mga Dasana ang kasiyahan habang isa-isang tinitingnan ang laman ng plastic. Umpisa na ito ng unti-unti nilang pagbabago.

---------------

Jacob was true to his words.

Hunter didn't receive any word from him after he texted him what he needed for the tribe. Pagdating ng hapon, nakakita na lang siya ng mga bunton ng malalaking supot sa spot kung saan siya nakakakuha ng signal. Sigurado na siyang si Jacob ang gumawa noon. Kayang-kaya siyang hanapin pero hindi nito ginawa. Galit pa rin talaga sa kanya.

Hindi naman niya ito masisisi. Totoo naman ang mga sinabi nito sa kanya. Iniwan niya ang pamilya niya para lang masunod ang gusto niya. Iniwan niya dahil nga masama ang loob niya. Iniwan niya kay Bullet ang lahat ng responsibilidad sa pamilya dahil natatakot siyang hindi masundan ang yapak ng tatay nila. Natatakot siyang maging disappointment. But now he realized that, he was really a disappointment with what he did in his life. Hindi nga ba't kahit si Amber ay disappointed din ng makilala siya?

Kahit pagdating niya dito sa tribo, wala nga siyang nagawa. Tama nga naman si Amber. Instead of helping and teaching the tribe new things, mas pinili niya ang maging kaisa sa mga ito. Siya ang sumunod sa kultura. Niyakap niya kahit na nga minsan hindi na tama. Pero ang dahilan kasi niya, may sariling kultura na kinamulatan ang tribo at ayaw niyang baguhin iyon.

But when Amber came, she made him realize a lot of things. She got a vision for this tribe. May maitutulong nga naman sila.

He was looking at her while she was delighted to see the loot bags for the tribe people. Kitang-kita ang kasiyahan sa mukha nito habang nakatingin sa mga tao. Lumapit pa ito at tinutulungan ang mga tao at ipinapaliwanag kung ano ang laman ng mga plastic.

Napahinga siya ng malalim at pumasok sa kanyang kubo. Pababayaan na muna niyang mag-enjoy ang mga Dasana.

Hindi pa rin maalis sa isip niya ang mga sinabi ni Jacob. Talagang parang sumasaksak sa dibdib niya bawat salitang binitiwan nito. Hindi niya ma-imagine na manggagaling iyon sa taong matagal na niyang kakilala at itinuturing nilang kaibigan ng kapatid niya.

You're dead to me anyway. Iyon naman ang gusto mo 'di ba?

Mahina siyang napamura at nasapo ng mga kamay ang ulo.

"Wrong timing ba?"

Napaangat siya ng ulo at nakita niya si Amber na nasa pinto ng kubo niya.

"Puwede naman akong umalis kung hindi mo feel ng kausap." Akmang tatalikod na ito pero pinigilan niya.

"May kailangan ka ba?"

Alanganin itong ngumiti. "Saan galing ang mga iyon? Nanghingi ka na ng tulong sa government?"

Umiling siya. "I just had sources. Saka huwag mo ng alamin kung saan galing. At least, we provided something for them."

Napatango-tango si Amber at napakagat-labi. "May problema ka ba?" Tingin niya ay hindi na ito nakatiis na hindi magtanong.

Napakunot ang noo niya dito at umiling.

"Wala. Bakit naman?"

"Wala lang. You're not just your usual self. Hunter, hindi ko naman gustong saklawan ang pagiging lider mo dito pero kung iyon ang iniisip mo ay-"

"Hey. Stop there. Wala akong sinasabing ganyan." Tumayo siya at lumapit sa babae. "I am glad that you are here and you're helping to run things around here." Hindi niya maiwasan na hindi titigan ang mukha ni Amber at hinawakan pa niya ang mukha nito. "I am happy that you are here."

Kita niyang namula ang mukha ng babae at parang nahihiyang ngumiti.

"You've seen the people. Masaya sila dahil may nagbago sa tribo. And you're right. They need change."

"Thank you." Napakagat-labi pa si Amber at parang nahihiyang tumingin sa kanya.

"Why?" Takang tanong niya kasi parang naaasiwa na siya sa kanya.

"Lalabas na sana ako."

"Alright. Go ahead."

Pero hindi gumalaw si Amber at parang nahihiya pa rin sa kanya.

"What's wrong?" May masakit ba dito kaya hindi ito makagalaw?

"Hawak mo kasi 'yung mga kamay ko kaya hindi ako makalabas." Alanganin niyang sagot.

Gulat na napatingin siya sa mga kamay nito at totoong nakahawak nga siya. Parang napapasong binitiwan niya ito. Nahiya siya sa ginawa niya. Bakit hindi niya namalayan na nagawa niya iyon?

Napakamot ng ulo si Amber. "Sige. Bye."

Nagmamadaling umalis doon si Amber at napabuga siya ng hangin.

Pakiramdam niya ay ginigiba na ni Amber ang pader na ihinarang niya sa puso niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top