四 What You See is a Circle, Mine's a Triangle

"Where did you go last night? Hinintay kita kagabi para kausapin ka."

Nang mapansin ni Walter na tila walang paki alam ang kanyang anak habang nagsasalita ito, malakas niyang ibinagsak ang mga kubyertos. Lumikha ito ng ingay dulot ng pagbagsak ng mga ito sa porselanang plato.

"Hindi ka ba talaga aamin?"

Seryosong tanong ng ama ni Wynnona, ngunit pasarkastikong pahayag ang binitawan nito.

"Why am I going to amin pa. Alam mo naman always ang mga whereabouts ko."

"Diyan ka magaling sa pamimilosopo! Diyaan lang gumagana ang makikitd mong utak." Tahasang sabi ng ama habang nakangisi.

Hindi na ito sinagot ni Wynnona, at tamad na tamad na tumayo.

"I don't want to kain. Mag-bebeauty rest pa ako."

Aalis na sana si Wynnona nang magsalitang muli ang ama.

"Maupo ka." Alam ni Wynnona na kapag hindi niya agad sinunod ang utos ng ama ay mas lalong mapapatagal ang kanilang usapan. "Para lang sa sinabi kong iyon, tatalikuran mo na ako? Totoo naman 'yung mga sinabi ko."

"So? Sige. Is that lahat na ng sasabihin mo? Can I alis na?" Sarkastikong banat muli ng babae.

"No. I'll talk to you about a serious matter." Umayos ng upo ang ama, at itinigil pansamantala ang pagkain. "I know sinusundan mo 'yung si Ichi Yamato." Napataas ang kilay ng babae, tanda na nagkainteres ito sa sinabi ng ama.

"For now, I don't think you need to do the first moves just to catch him. On the first place, matagal na kaming hindi pa nakakahanap ng nararapat na ipakasal sa iyo, BUT I still can't get bakit kailangan mo pang hanapin ang lalaking tulad niya." Napangisi ang babae sa sinasabi ng ama. "He has already gave up sumo wrestling, ano pa sa tingin mo ang pagkukunan niya ng yaman?"

"Need ba talagang ma-involve ang money kapag may arranged marriage? Hindi ba't you already like ya' know, cleared it before? Good image, ang pinaka-nag-mamatter the most, at hindi money... Right?" Pagtatanggol ni Wynnona kay Yamato at sa sarili.

"Well yes, but my God, Wynnona! Of course secured finance is a must! And you know na once na ginive up na niya ang pagiging sumo wrestler niya, he'll never get the chance again to earn what he had earned befo--!"

"So?!"

Mukhang magkakainitan na ang mag-ama, ngunit bago pa mangyari iyon, may tumawag kay Walter. Bago makaalis ang anak, sinenyasan ng lalaki si Wynnona na huwag umalis.

"Your auntie from London just called. Itutuloy namin ang pag-meeting sa Ichi Yamato na iyan. Hangga't hindi pa namin nakakalap ang lahat ng impormasyon niya, at hangga't hindi kami pumapayag na pakasalan mo siya, hindi ka makikipagkita sa kanya."

Harap harapang inurolyo ni Wynnona ang mga mata. Alam nilang mag-ama na hindi ito susunod sa kahit anong sabihin ni Walter.

"Also, dahil sa muntikan na raw na maatake sa puso si Carol nang dahil sa'yo, magkakaroon ng bagong acting coach ang network."

"They really care para sa'kin ng ganoon katindi? Aww so sweet..." Pabebeng tugon ng babae.

"Not actually. Malapit ng magkaroon ng new batch of acting students, meaning hindi na lang ikaw ang tuturuan nila, and I know you already know it." As if may paki pa si Wynnona sa sinasabi ng ama. Tatlong batch na yata ang napalipas ng anak niya, at sa kasanayan niyang maiwan doon, wala na rin siyang paki alam.

"I'll give my rule. This would be your last year na mag-aaral ka ng acting. If you mess up, hindi ka na pwedeng sumubok uli, kahit sa ibang network ka pa mag-try."

Gaano pa man kapangit ang attitude ng babae, alam nito sa kanyang sarili na gusto niya talagang sundan ang ama. Kung kaya't nagkaroon siya ng kaba nang sabihin iyon ng ama.

"Also, I want you to meet your new acting teacher. Bigyan mo siya ng magandang impression." Sa puntong iyon, sa tingin niya'y kailangan niyang sumunod sa ama. "In all of your life, you already caused too much trouble, and you're always dragging me down too." Dagdag pa ng ama.

Dahil sa labis na takot na hindi makamit ang pangarap, natagpuan niya ang sariling naghihintay sa pagdating ng kanyang bagong acting teacher. Nang magtanong siya sa mga naroon kung sino ang pumalit na guro, wala silang ibinigay na detalye sa kanya.

Ang babaeng tulad niya ay laging kampante sa sarili, ngunit magaling pa ring makiramdam. Sa tingin niya'y hindi maganda ang kahaharapin niya sa bagong coach. Kinabahan siya bigla sapagkat kalimitang tumatama ang kanyang mga hula. Gayunpaman, tinatagan niya ang kanyang loob.

Inilabas niya ang salamin at kinapalan ang mapusyaw na labi. Inalala niya ang sinabi ng ama na kailangan nitong magbigay ng magandang impresyon. Para sa kanya, ang dapat niyang gawin upang tumatak sa bagong guro ay sa pagpapakitang palaban siya. Iyon ang dahilan kung bakit siya nagdagdag ng makeup.

Nang matapos ang pagpapaganda, ay bumukas rin ang pintuan ng kwarto kung saan siya naroroon. Ang silid na iyon ay ang kanyang puntahan sa loob ng tatlong taon. Ang mga haligi doon ang saksi sa pagpapahiya, at mga bulyaw na natatanggap niya mula sa iba't ibang tao.

Gayunpaman, masasabi ni Wynnona sa sarili na siya ay patatag ng patatag, sapagkat hindi na siya tinatablan ng mga salitang ibinabato sa kanya.

Ngayong mayroon na lamang siyang isang natitirang tyansa upang maipagmalaki ng ama, hinding hindi na siya uurong pa. Do or die ika nga. Ang kinaibahan lamang ay sisiguraduhin niyang makakamit na niya ang pangarap.

"Good morning," Sa kauna unang pagkakataon, sinubukan ni Wynnona na maunang bumati... ng nakangiti pa. "...ma'am."

"Good morning," Matamis na bati sa kanya pabalik ng isang babaeng katamtaman ang taas, makurba ang payat na katawan, maikli ang buhok, at mukhang masiyahing babae.

Sa tingin ni Wynnona ay nagkamali siya sa mga hula kanina. Mukhang mabait na tao ang kanyang bagong acting coach. Sa kanyang palagay din ay baka nga maging malipat pa silang dalawa.

"I guess, ikaw 'yung sinasabi nilang pinakamatagal ng estudyante dito sa dungeon?" Muntikang binawi ni Wynnona ang mga sinabi kanina. Nagsimula muli niyang kinilatis ang ugali at tono ng pananalita ng babae. "I'm Sheen Carlos by the way." Iniabot nito ang kanyang kamay.

Kahit pa mayroong pangamba si Wynnona, inalala pa rin niya ang paalala ng ama.

"Wynnona Ferreira. I'm glad na ma-meet ka."

Laking gulat na lamang ni Wynnona dahil bago magdikit ang kanilang mga palad, agad na binawi ni Sheen ang kanyang kamay. Hindi nagpaliwanag si Sheen kung bakit niya ito ginawa, ngunit muling nabuhay ang kumukulong lava sa loob ng natutulog na bulkan ni Wynnona.

Hindi niya tanggap ang ginawa ng kanyang guro, lalo pa't malayo ang agwat ng kanilang edad. Ang akala ni Wynnona ay magiging motherly ang dating ni Sheen, ngunit sa tingin niya'y nagkamali siyang muli.

"Anak ka ni Walter, 'di ba?" Diretsahang tanong ng babae sa kanya.

"Yeah..." Medyo iritang sagot ni Wynnona.

"He's actually one of the best selling, and greatest actor of all time. What do you think?" Hindi maintindihan ng dalaga ang tila pagbabago bigla ng tono at mood ng kausap.

"Yes. That's why gusto kong ma-follow 'yung path niya."

"That's it!" Nagulat na lamang si Wynnona nang biglang ipinalakpak ni Sheen ang kamay sa kanyang harapan, kasabay ng pagtaas ng boses. "Gusto mo naman palang sumunod sa daddy mo, bakit may naririnig pa din akong mga usap usapan na kaya hindi ka daw makaalis dito ay dahil..." Lumapit ito sa tainga ni Wynnona bago bumulong. "...walang wala ka daw sa kalingkingan ni Walter?"

Hindi alam ni Wynnona kung ano ang mararamdaman sa sinabi ng guro, ngunit sigurado siyang gusto na niyang sabunutan si Sheen. Kung hindi nga lamang niya maisip na huling tyansa na niya ito para makapag-artista, siguro'y nagawa na niya nga ito.

"Ya' know what... I think magiging close tayo like ya' know... Ang funny mo kasi eh..." Nang tumawa siya ng peke, ay himalang ginaya din siya ni Sheen. Imbis na madagdagan ang self-esteem, mas lalo lamang siyang nainis sa bagomg coach. "I think, kailangan ko ng umalis. I'm a busy person kasi eh..."

"Oh, of course. Makakaalis ka na. Ayun pala 'yung pinto oh." Tinuro pa ni Sheen ang pintuan para kay Wynnona. "Joke lang! Syempre three years ka nang pabalik balik dito, of course you already know the way in and out." Ngumiti pa ito sa dalaga na mas lalong nagpatindi sa pagkulo ng dugo ng bida.

"Well, yeah. Syempre alam kong that's only a joke." Sa kabila ng tindi ng tensyon, pekeng ngiti na lamang ang nagawa ng dalawa. "Goodbye, then. See you sa susunod na linggo."

Nakatiim bagang, at hindi bukal ang loob ni Wynnona na lumabas sa silid. Pakiramdam niya kasi'y natalo siya sa laban sa pagitan nila ng bagong coach. Pareho silang walang ginawang matindi, ngunit alam nito na may binubuo si Sheen na tensyon sa pagitan nila. Hindi nga lamang niya alam kung ano ang dahilan.

Iniisip nito na maaaring nais na talaga ako ng network na paalisin sa dungeon kung kaya't tinapatan nila siya ng ganoong klaseng kalaban. Maari ring ang ama niya mismo ang nagsuhwestiyon niyon sa kanila, at baka iyon ang dahilan kung bakit ito nagsabi ng ganoon sa kanya kaninang umaga.

Paglabas ng gusali, agad niyang inilabas ang saloobin kay Marie. Pinayuhan naman siya ng babae na saka na lamang problemahin si Sheen sa oras na may ginawa ito muling hindi maganda. Sa ngayon, sinabi ng tagapag-alaga na mag-pokus na lamang si Wynnona sa ibang bagay.

"Ibang things? Like ano?" Pataray na tanong ni Wynnona kay Marie.

Sasagot na sana si Marie nang biglang napasinghap si Wynnona sa nakita.

"Is that 'yung jowa ni..." Dahila medyo madilim sa kinaroroonan ng taong kanyang namataan, humanap siya ng ibang pwesto upang maayos itong makita. "Whoah! So freaking nakakagulat... Si Xyris nga iyon!"

Hindi malaman ni Marie kung bakit ganoon ang naging reaksyon ng alaga. Kung may balak siyang gawin sa babae ay kanina pa nito ginawa.

"Oh? Bakit hindi mo puntahan? Hindi mo kakausapin o babantaan?" Pagtatanong ni Marie.

"Ano ba, Marie? Look ka sa kanya oh! May kasama yata siya..." Itinuro ni Wynnona ang gawi ni Xyris.

Noong una ay hindi rin maanalyze nang maayos ni Marie kung totoo ang sinasabi ng dalaga, ngunit pagkalaon ay napansin nga niyang tila may patagong kinakausap ang nobya ni Yamato.

Sa tindig na nakikita ng dalawa, imposibleng babae ang kasama ni Xyris. Matangkad ito at malaki ang katawan. Tila kahinahinala ang dalawa, sapagkat sa dilim pa sila nag-usap.

"Ang tanong... mag-uusap lang kaya talaga sila?" Bulong ni Wynnona sa sarili.

Nagpasya si Wynnona na obserbahan pa ang dalawa, hanggang sa makita nito na hinila ng lalaki si Xyris upang hagkan. Sa puntong iyon, may hula na ang dalaga na hindi lang ordinaryong kaibigan ang kinakatagpo ng nobya ni Yamato.

Ilang saglit pa ay naunang umalis si Xyris, at pumara ng taxi. Nang makaalis na ang babae, sumunod naman ang lalaki na sumakay sa kanyang motor.

Sa pag-alis ng lalaki, "Teka... 'yung boy..." Naging pamilyar ito kay Wynnona, ngunit hindi niya malaman kung saan niya nakita. Iwinaglit niya sa isipan na baka kilala niya ang lalaki, sapagkat likod lamang nito ang kanyang nakita.

--

"Whooh!"

"Eyy!"

"Ang saya nito!"

Kanya kanyang sigaw ang mga pinsan ni Xyris habang nasa loob ng club. Masayang masaya ang mga ito habang nakikipag-inuman at sayawan sa mga chicks na naroon.

Samantala, ang taong nanlibre naman sa kanila ay nasa isang pribadong sulok lamang. Hindi ito pwedeng magpakita sa maraming tao, dahil mula ngayon ay kailangan na niyang alagaan ang reputasyon, upang makapag-artista.

Tahimik itong naghihintay ng tiyempo kung kailan makukuha ang pakay. Hindi maaring malasing agad ang mga lalaking iyon, ngunit hinayaan niya munang enjoy-in nila ang sarap ng isang clubber. Ika nga niya sa kanila, once in a lifetime lang iyon na mangyayari.

Makalipas ang isang oras, ipinatawag niya ang mga ito sa lugar na kinaroroonan niya. Pansin niyang ang iba ay gumegewang gewang na, at mayroon ng isang lango na sa alak.

"Ma'am Wynnona, thank--"

"Call me Lady, hindi ma'am." Pamumutol ni Wynnona. Nagtawanan naman ang mga lalaki, at sumunod sa utos nito.

"Lady Wynnona, salamat po sa pagpaparanas sa amin nito..." Sabi ng isang pulang pula na rin ang mga pinsgi at tainga. "Hindi niyo lang po alam pero..." Nagsimula na itong humikbi. Mukhang lasing na rin ito, at handa ng magdrama. "pero... sa tingin ko ito lamang po ang una at huling beses na makakaranas ako ng ganito! Huhu, salamat po..." Halos yakapin na niya si Wynnona ngunit agad siyang pinigilan ng iba.

"Eh, maam--este lady Wynnona, bakit niyo po ba kami dinala rito?" Tanong ng isa sa mukhang matinong pinsan ni Xyris.

"Well, actually... ganito kasi 'yan. I heard you've been mabait kay Yamato. And actually, si Yamato and me... we are like ya' know good friends." Kinailangan nitong magsinungaling upang hindi mahuli.

"Eh, bakit po noong dumalaw po kayo sa amin eh ganoon 'yung nangyari? Bakit parang nagsasagutan kayo?" Aba. Matalino ang isang 'to.

Nairita man si Wynnona ay sinagot niya pa rin ito, "Actually... hindi kasi naging good 'yung huli naming conversation, so ya' know, hanggang ngayon like mainit pa rin ang head niya sa akin." Pinalungkot pa nito ang boses upang mapaniwala at kaawaan nila.

"Saan po kayo--"

"Alam mo, nandito na 'yung alak na hinahanap mo kaninag umaga, bakit hindi ka na lang tumagay?" Pamumutol ni Badong, na dati na ring nautusan ni Wynnona. Siguro'y nahihiya na siya sa dalaga kaya't pinatigil niya ang pagtatanong ng insan.

"Ah, oo. Just go and inom lang kayo ng marami. Ya'  know, don't mahiya sa akin. I'm actually masaya like kasi nandito kayo, and that na-meet kayo ni Yamato. I'll pay sa mga iinumin ninyo, so... drink all you can!" Plastik na tugon ni Wynnona.

Hindi naman kasi iyon masakit sa bulsa, para lamang maisagawa niya ang plano. Sanay na rin siya sa pagsisinungaling at pagpapanggap, kung kaya't ang kailangan na lang niyang gawin ay ang kausapin pa ang mga ito sa oras na... lasing na lasing na sila.

Nang magsimulang magpakasasa ang mga magpipinsan, nagpaalam si Wynnona upang lumabas saglit sa silid na iyon. Maghihintay siya ng ilang oras bago ipagpatuloy ang pag-arte.

Makalipas ang dalawang oras, pumasok siyang muli doon, at napansin na tatlo na lamang ang hindi pa na-shutdown sa inuman.

"Oh, lady Wynnona, nandito ka na pala..." Bati sa kanya ni Badong, na isa sa tatlong buhay pa.

"Oh, yes. Pansin ko you all have like ya' know good time sa pagtagay. That's actually... tama!"

"Anong tama? Tama? Hindi na tama ang ginagawa namin!" Pag-angal ng isa pa.

"Ay! Tumigil ka nga dyan, Tunying! Nandito tayo para magpakasaya 'no?" Sabi naman ni Badong.

"Wait.. Meron bang problem? Pwedeng pwede niyo naman talagang i-bring out." Suhwestiyon ni Wynnona, kahit pa hindi niya alam kung aakma ang mga sinasabi sa plano.

Kung tama ang hinala niya, at iyon ang tamang hakbang, siya ang mananalo sa paligsahang siya lang ang nakakaalam.

"Oo nga! Tama shi lady Wynnona 'no... Dapat maglabash tayo ng shaloobin... Lalo na ang mga tulad natin... makashelenan." Sabi naman ng isa pang lasing ngunit hindi pa bumabagsak.

"Anong makasalanan? Sinasabi mo bang kasalanan 'yung ginawa natin eh para din naman sa pyutyur natin 'yon?!" Tumaas ang boses ni Badong sa mga pinsan.

"A-Ano bang matter? What's happening? Pwede niyong i-tell sa akin..." Plastic na pangingialam ni Wynnona.

"Eh kashe ganito 'yan..." Humugot nang malalim na hininga ang dalaga, at umaasang ito na ang tyempo para makuha ang gusto. "Kashe--"

"Hindi kasi... ganito pa iyan..." Pamumutol ni Tunying sa pinsan. Nabitin naman si Wynnona sapagkat nag-away pa ang dalawang lalaki kung sino ang magsasabi sa dalaga.

"Lady Wynnona... ako na pong magsasabi sa inyo." Seryosong sabi ni Badong habang patuloy na nagbabangayan ang dalawang insan. Otomatiko namang napunta ang lahat ng atensyon ni Wynnona sa lalaki.

"Makasalanan kami.. kasi... mapera kami." Mapait na napatawa ang lalaki sa sinabi. "Si Yamato... hindi ko alam kung dapat ko itong sabihin sa'yo kasi kaibigan mo nga siya... pero kasi nakakaguilty na rin."

Sa puntong iyon, nalalasap na ni Wynnona ang inbisibol trophy sa kanyang utak.

"Bakit?" paarteng tanong ng dalaga, upang kunwari ay inosente ito.

"Alam naming mayaman si Yamato... kaya pinakinabangan namin siya. Sa loob ng tatlong taon... pinatira namin siya sa bahay para makakuha ng luho dahil alam naming mabait siyang tao."

"Hinayaan namin siyang manligaw sa pinsan namin kahit na..."

"Kahit na?" Hindi mapigilang mapatanong ni Wynnona kay Badong. Kanina pa niya gustong makompirama ang teorya.

Sa muling pagpapatuloy ng lalaki sa pagsasalita, hindi mapigilan ni Wynnona na mapangiti sa tuwa.





"Kahit na mayroon na siyang sinisinta... at hindi iyon si Yamato."



--

Ps. Hope you Enjoy reading po! Votes and comments are highly appreciated ♥ God bless y'all!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top