十 You Shine

Wynnona's Point Of View

"Your timer starts now."

Ramdam kong lahat kami ay kinakabahan, at hindi pa mapick-up ng maayos ang scene na iaarte.

"Oh, ate, nandyan ka na pala," Si Franco ang unang nagsalita sa amin. Binibigyan niya ng chance si Angel para maunang magsalita dahil ito ang panganay.

Naintindihan naman ni Angel kung bakit iyon ginawa ni Franco kaya ipinakilala niya din si Drake bilang kanyang boyfriend.

Kunwari'y nagpakilala kaming mga kapatid nito. Sunod na binanggit ni Angel ang problema ng pamilya namin.

Matagal na walang umimik pagkatapos niyon, at kunwaring umarteng paproblemado.

Napapansin kong pinakamagaling sa amin si Franco. Medyo kabado pa sina Pinky, Angel, at Drake. Mukha na rin akong ewan sa ginagawa ko.

Kung bakit ba hindi ko tinake 'yung past classes ko seriously?

Pumasok sa eksena sila Cherry at Kelly. Kering keri ni Kelly ang kanyang role. Bagay na bagay sa kanyang bitchy attitude.

Pinakilala ni Pinky ang kanyang mga kaibigan. Sinusundo daw siya ng mga ito. Dito na nagkaroon ng tensyon sa amin. Si Franco ang umangal at naging prangka sa mga kaibigan ni Pinky.

Napatawa naman ng sarkastiko si Kelly, at unti unting inilalabas ang tamang galaw para sa role. Nagiging under sa kanya si Cherry na hindi alam ang ginagawa.

Pinapatigil ni Angel ang dalawang nag-aaway, samantalang hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ako makahanap ng tyempo para mag-shine.

Tumingin ako kay Sheen, ngunit hindi ito nakatingin sa amin. Mukhang nabuburyo sa nangyayari.

"Hayaan niyo ng sumama si Pinky sa kanila,"

Lahat ay napatigil sa pag-aaway. Bad move, I think. Ang dapat na mangyari ay hindi nila ako papansinin.

Pero sino ba namang hindi makakapansin na naka-straight tagalog ako?

"Alam mo ba kung anong sinasabi mo?!" Pagalit na tanong sa akin ni Angel.

"Ang ibig kong sabihin, ate, ako ng bahala sa mga gastos--"

"Oh eh naman pala eh, then let us go na!" Rude na pagkakasabi ni Kelly, habang nag-aagree lang sa kanya si Cherry.

"Aalis na po ako. Kailangan na po ako ng mga kaibiga--"

"Ano ba, Pinky?! Family matters 'tong nakikita mo oh? Sino bang inaasahan mong makakatulong sa atin? 'Yang mga kaibigan mo na walang ibang ginawa kundi manghuthot ng pera sa'yo?"

Nakakabilib ang ginagawa ni Franco. Malayong magaling siya sa aming lahat.

Lumingon ako kay Sheen, at nakitang nakataas na ang kilay niya ngayon. Siguro'y dahil sa amusement.

"Ate, isa ka pa! Ano, dadagdag pa ba siya sa palamunin mo?!"

"'Wag mong tawaging--"

"Kuya, walang ginagawang masama si ate!" Putol sa akin ni Pinky para magmukhang binabalewala nila ang opinyon ko.

"Not actually..." Singit naman bigla ni Cherry. Kinakabahan siya ngunit kailangan niyang magsalita. "Alam mo bang preggy ang ate ninyo?"

Good point.

Ngayon, mas tumitindi na ang eksena.

Inihilamos ni Angel ang mga palad sa mukha, at inilalayan naman siya ni Drake.

"Anak ng--! Ate, anong ginagawa mo?! Wala ka na ba talagang pakinabang sa pamilya natin?!"

Tumitindi na rin ang linyahan ni Franco. Ipinagtanggol naman ni Drake si Angel.

"'Wag mong sisihin ang ate mo. Ako ang may pakana nito, inaamin ko!" Kunwari'y pinapakalma siya ni Angel. "Ikaw ba? Kaya mong magpakatotoo sa sarili mo?! Akala mo kung sinong hindi bakla ah?!"

Umiyak si Pinky, at susugurin na sana ni Franco si Drake, nang umawat ako sa gitna.

"Tama na!" Sabi ko ngunit hindi iyon pinansin ni Franco.

"Ano naman ngayon kung bakla ako ha?! At least ako, wala akong dinadalang problema sa bahay!"

"TAMA NA!" Nakaambang na susuntukin na sana ni Drake si Franco nang bigla akong sumigaw.

Sa pagkakataong iyon, natahimik ang lahat. Hindi lang kaming mga umaarte, ngunit maging ang mga nanonood.

"Sa tingin niyo ba may maidudulot na mabuti 'yang mga pinaggagagawa niyo?"

Kailangan ko pang dagdagan ng effort ang pag-arte pero hindi dapat mawala ang pagiging natural.

"Bakit may magagawa ka ba?" Umiiyak na tanong ni Franco.

Nakakabilib siya. Tipong nadadala niya ang buong grupo. Ang natural ng dating.

"Meron..." Sagot ko sa kanya. "...pero hindi niyo ako pinakikinggan."

Sa puntong iyon, umiyak si Angel upang maging makatotohanan. Hindi ko rin napansin na nakakuyom na pala ang mga palad ko.

Pakiramdam ko totoo ang lahat ng ito.

"Wynnona, sa pamilya natin baka nakakalimutan mong ikaw ang laging walang tulong--"

"Dahil hindi niyo ako iniintindi! Dahil hindi niyo ako binibigyan ng chance! Dahil ang pinaniniwalaan niyo lang lagi ay wala akong maibubuga, na palamunin ako, at walang silbi!"

Pinakiramdaman ko ang bawat salitang lumalabas sa bibig ko. Nag-iinit ang mga mata at pisngi ko.

Malapit na akong maiyak. Parang ngayon lang ito nangyari sa akin.

"Hindi ba?" Dagdag ko. "Kaya s-sana.."

Nanginginig na ako ngayon, at tumulo na rin ang mga luha ko.

"Sana.. pagbigyan niyo man lang a-ako."

Ilang segundo ang nagdaan, at wala ni isa sa amin ang nagsasalita. Lahat ay nakatingin sa baba, at pinapakiramdaman ang sakit na dapat maramdaman ng sari-sariling karakter.

"Hindi, Wynnona," Napatingin kaming lahat kay Angel na nagsalita. "Pamilya tayo, kaya hindi lang ikaw ang haharap sa mga problema natin."

"I'm sorry. I'm sorry, Franco, Pinky, Wynnona..." Tumingin siya isa isa sa amin.

Pakiramdam ko, iyon ang mga salitang nais kong marinig sa mga taong naiisip ko ngayon.

Tumulo pa ang maraming luha sa aking mga mata. Ganoon din ang kanila Franco, Pinky, at Drake.

Sa huli, kunwari'y nagkapatawaran kami at nagkaintindihan.

Nang magbigay ng signal si Sheen na tapos na ang palabas, nagsipalakpakan ang lahat.

Sa tingin ko, maganda naman ang ipinakita namin. Magagaling ang aking mga kasama kaya naman hindi ako nadismaya.

"Good job, everybody,"

Nag-iintroduksyon na ngayon si Sheen dahil tapos na ang aming task.

Ibinigay niya rin isa isa ang mga gradong nakuha namin. Pangalawa sa may pinakamataas na marka ang grupo namin. Ang nanguna ay ang grupo nila Yamato.

Napangiti na lamang ako dahil mukhang satisfied ang mga kasama ko rito.

"Hi, lady Wyn!" Patayo palang ako nang iaapproach ako ni Pinky, na kasama namin sa grupo.

Maganda ang ngiti nito at bagay talaga sa kanga ang binigay na role ni Sheen. Isa siya sa hindi nagbigay ng masamang impression sa akin noong first task.

Hindi ko alam kung paano ko siya iaapproach pabalik dahil hindi ako magaling sa pakikipag-communicate. Iyon ang dahilan ko kung bakit sabihin nilang rich kid ako, hindi ako pala-throw ng party o kung ano pa man.

Nginitian ko lang siya pabalik at sinabing, "'Wag mo na akong tawaging lady. I'm good with my name."

Aalis na sana ako nang sumunod naman sk Franco na nakangiti rin at nakataas ang palad.

Hindi ko alam kung para saan iyon. Nang hindi ako gumagalaw, kinuha niya ang palad ko, at ini-high five doon.

"Ang galing mo palang umarte," Puri niya sa akin.

Simpleng ngiti lang ang ibinigay ko sa kanya. Ang totoo naman kasi, sa buong grupo siya ang nagdala. Kung hindi siguro siya ang nag-lead, hindi ganoon kataas ang makukuha naming grade.

Lumingon lingon ako sa paligid at nakitang paalis na silang lahat. Hinanap ng mga mata ko si Yamato, at nakita ko siyang hindi pa nakakaalis ng silid.

May mga estudyanteng nakapalibot sa kanya. Hindi ko sigurado pero hindi niya pa yata kagrupo ang ilan doon.

Mukhang maraming nagkakainteres na makipagkaibigan sa kanya.

Matapos ang ilang saglit, nakaalis na rin halos lahat maliban sa akin, at kay Sheen.

"You need anything?" Walang kakaibang tono sa boses niya ngayon, at mukhang inaasahan na rin ang paglapit ko sa kanya.

"Yes. Can we talk?"

Mabuti na lang at mahaba haba ang lalakarin papunta sa parking lot ng building, kaya nakapag-usap kami ni Sheen papunta roon.

"It's your fault, right?" Agad kong tanong.

"My fault? Ang alin?" Painosente niya pang tanong.

"You... want me to change... for the better," I slowly said.

She chuckled a bit upon what I've said. Ano namang nakakatawa doon?

"You still think that way? Wynnona, you're the one who wants to change."

Napaisip ako sa sinabi niya. Now that I already changed, of course I know that change is what I want.

"I just helped you," Nakangiting sabi niya habang nakatingin sa daan.

"Why?"

"Hmm, let's say I researched about you... kung bakit hindi ka pa nakakalabas sa dungeon and all. And viola, na-gets ko 'yung pinagdadaanan mo."

Silence ate us after what she said.

I thought she did that because she wants me to be out of the company. I didn't expect her to say that.

"I know you trust no one. But I also know that the reason behind that is because no one appreciates you."

"And the reason behind why no one appreciates you, is because no one tried to understand you."

Alam kong katatapos ko lang umiyak kanina dahil sa task pero parang nag-iinit ulit 'yung mga mata ko... hindi dahil sa lungkot o sakit, kundi dahil sa tuwa.

I don't know someone like her would understand me, and push me to where I would shine the best.

"I'm also glad na may mga kaibigan ka na ngayon," She continued.

"Friends? I don't have," Pagkaklaro ko.

"Oh, really? What about Pinky and Franco? I think they like you."

"Really?" I smiled a little. "I don't want to be connected with everyone."

"Why? Trust issues?" Tumango na lang ako sa tanong niya. "Even with girls?" I nodded again.

"Mukha namang mabait si Franco, though," Magaling din sa pag-arte ang lalaking iyon. Kaya siguro nakuha niya agad ang boto nitong si Sheen.

"Yeah, but there are many buts..."

"Like?"

"He's a great person, but he's like Alex."

Hindi ko alam kung na-gets niya kung sino ang Alex na tinutukoy ko.

"Alex? Trinidad?" Right guess huh?

I smiled bitterly.

"Nasubaybayan ko din 'yung batang iyon eh. I think I can agree with that. He's so much like Franco, lalo na noon."

I'm glad hindi ko na pala kailangang mag-explain sa kanya ngayong may alam din pala siya sa background ni Alex.

"Napaka-humble at napakabait na bata niya noon. Hindi naman nawala 'yung galing niya sa pag-arte eh, kaso sa ugali talaga nagbago."

Ayaw ko na lang magsalita pero sa isip isip ko, tumatango ako sa lahat ng sinasabi niya.

Noong nagkita kami noong kailan lang, kaya lang naman ako nailang na makita siya ulit ay dahil sa mga panloloko at paglalarong ginawa ko sa kanya noon. Pero iyong ganoong ugali at pagtrato, hindi ko in-expect na magagawa niya.

Isa siya sa pinakamabait at pinakamaalagang lalaking nakilala ko. Kahit na ginago ko siya noon, hindi ko ikakailang hindi ako naging soft noong kami pa.

"You loved him."

Otomatiko akong napalingon kay Sheen nang masabi niya iyon. Ang lalim nang iniisip ko at bigla niya na lang iyong sasabihin, bakit naman hindi ako magugulat?

"No," Maikling sagot ko.

"It's not a question, Wynnona. You loved him."

Hindi na naman ako nakaisip agad ng maaaring isagot sa kanya. Ni hindi ko nga maintindihan kung anong gusto niyang iparating.

Ano nga ba 'yung love na 'yon? Paano ko ba malalaman 'pag nahulog na ako?

Pakiramdam ko hindi rin naman kasi binigay sa akin 'yun eh, paano ako makakapagbigay?

"The only question left, Wynnona," I looked at her again. "is that, if you still love him."

I'm lost of words. Wala naman talaga akong dapat sabihin 'di ba? Ni hindi ko nga alam kung ano ang ibig sabihin ng love na 'yan, Sheen!

"But, don't worry. You won't fall that easy sa mga makakasalamuha mong lalaki... kahit pa si Franco pa 'yan na nakakapagpa-remind sa'yo sa past mo."

I don't know kung matutuwa pa ba ako sa sinasabi niya, but I chose not to say anything.

Nakarating kami ng parking lot hanggang sa masagot lahat ng mga katanungan ko sa kanya.

"If you have any questions, just ask me," Sabi niya bago buksan ang pintuan ng sasakyan.

Bago siya makapasok, may naalala akong itanong sa kanya.

"Sheen," She immediately looked at me. "Is it true na tanggal na ako sa acting workshop?"

I asked, completely being careful with my words.

"Yes," she quickly answered.

"but I enrolled you back."

She winked at me as a goodbye, before disappearing in my eyesight.

She did all of that?

I can't help but be overwhelmed by her actions.

I used to hate her, but right now, I think I just found a supporter.

'Cause she believes in me, even if I, myself don't know how to believe in me anymore.

Here comes Saturday again. This supposed to be a normal day for me, but today, it won't be.

I decided to put extra effort on my change. Daig ko pa nga yata ang butterfly sa pagme-metamorphosis.

I'm moving my stuffs to my new condo unit. Naging mabilis ang transaction dahil wala na rin ako sa mood para mag-inarte.

I just chose the nearest condo near the network. Kung sakali man kasi na makapag-artista na ako within this year, hindi na hassle ang pabalik balik mula roon pauwi sa condo.

Meanwhile, ang pagsabi ko din kay Yamato na pinipili namin siya ulit ng buong angkan namin para maging groom ko, ay hanggang ngayon hindi ko pa rin nasasabi.

Na-realize ko kasi kung gaano kalala ang mga ginawa ko sa kanila ni Xyris. I caused them good, but the trouble is still big too.

Wala pa akong planong abalahin siya sa ngayon. If he misses me, just like what he did noong nawala ako for a day, he can always ask Marie.... since I don't prohibit him to do that.

But of course I know he doesn't miss me!

Kahit na hindi ko pa siya kikitain ngayong linggo, napagdesisyunan kong i-stalk ang kanyang social media accounts.

Dahil sa task na ibinigay ko kay Marie noon, madali naman namin iyong napag-alaman.

He doesn't have any facebook account. Sosyal 'di ba? Ayaw niya sa toxic.

He does have instagram and twitter accounts though. Ang instagram niya ay naka-private, pero hindi ang twitter.

Napakabaliktad na tao.

Mas gusto niya pang ipakita ang pag-iinarte niya kaysa sa mukha at katawan niya.

Iyon siguro ang dahilan kung bakit kaunti lang ang instagram followers niya. Kapag nakapag-artista siya, kailangan niya iyong i-public.

Pumunta ako sa twitter niya, at tintingnan ang mga pinagsasabi niya roon.

Wala siyang iti-nweet ni isa noong maghiwalay sila ni Xyris. Ang mga tweets niya rin noong sinagot siya ng ex ay wala na.

Ang nakakuha ng atensyon ko ay tweets niya noong Thusday at kahapon.

@yamichi
Hope you're okay :)

Iyon ang post niya noong Thursday. May emoticon pa talaga huh? May mga nag-retweet naman roon, sinabihan din siyang sana ay okay lang din daw siya. Ilan sa mga gumawa niyon ay mga kaklase namin.

Aba, hindi lang nila alam, pero ako ang future niyan, 'wag silang ano...

Ang tweet niya naman kahapon, ay hindi ko na sigurado kung pang general pa ba o mayroon na siyang pinatatamaan.

@yamichi
You shine ☀

Weird, but.... okay?

Hindi ko alam kung sino 'yang epal na pinatatamaan niya at may pa-araw pa, but nevermind.

After five days again, it's Thursday. We have visitors this day. Nang bumukas ang pinto, napansin ko ang dalawang pamilyar na mukha.

I don't know if nananadya si Sheen o ano. Kailan lang noong napag-usapan namin si Alex, kaya bakit siya nandito?

Kasama niya ang ka-love team niyang si Vicky Santiago. Hindi tulad ng ibang artistang kaedaran namin, masasabi kong hindi ganoon kaangat sa hitsura si Vicky pero sobrang patok na patok ang kanilang love team.

Malakas kasi ang karisma nilang dalawa at parehong magagaling na artista. Sila ang may pinaka-balance na chemistry para sa akin.

Gaya ng inaasahan, nangamusta at nagbigay lang sila ng advice sa amin lalo na 'pag nagkaroon daw kami ng ka-love teams in the future.

Well, kahit naman hindi ko maka-love team si Yamato, siya naman ang future ko.

All throughout the lecture, pansin kong parating napapatingin sa gawi ko si Alex. Hindi ko alam kung may nagawa na naman ako sa kanya o trip niya lang talagang tumingin ng ganoon kadikit.

Ibang klaseng babae naman si Vicky. Mas palasalita siya in a good way kaysa sa inaasahan ko. Halata ang pagiging friendly at mabait sa paraan ng pakikipag-usap niya.

Napakaganda rin ng ngiti niya, at halatang purong puro. Pero kahit na ganoon, balita ko, hanggang on-screen lang daw ang love team nila.

Sa tinagal nilang mag-partner, hindi pa kaya talaga sila nahulog sa isa't isa?

Minatyagan ko ang galaw nilang pareho. Kung si Alex ay mukhang may ikinukubli sa likod ng ipinapakita niyang ugali, kabaliktaran niya naman si Vicky.

Base din sa mga galaw at titig ng babae, pakiramdam ko'y may gusto ito sa ka-love team.

Natapos ang buong araw ng workshop nang sila ang nagturo. Hindi ko tuloy maintindihan kung sadyang binabawasan ang sweldo ni Sheen o tamad lang sa pagturo sa amin.

Nalamangan pa siya ng dalawa.

--

Third Person's Point of View
(after Alex and Vicky's lecture)

"Ya' know what.. I won't sabi na the name of that guy, 'coz ya' know baka ma-offend siya..."

Habang nag-aayos para sa set, hindi maiwasan ng lalaking nakaupo ngayon sa harapan ng salamin na mapangisi sa pinapanood.

Palagi niyang pinapanood ang mga bidyo ng babae sa youtube. Ngunit sa kinatagal tagal ng panahon, ngayon lang siya nakakita ng ganitong klaseng vlog ng babae.

Ang content niyon... ay mukhang related sa kanya.

Nang mabanggit ng babae ang hinihintay na marinig, hindi niya maiwasang mapangisi.

"Wynnona... Wynnona.. Wynnona."

Sambit niya sa sarili.

"Alex, ready ka na daw ba?"

Tanong ng isang staff sa kanya.

Bago siya magtungo sa mismong shooting place, hinanap niya sa telepono ang instagram account ng isang babae.

"Let's meet each other tomorrow, lady Wynnona."

--

A/N: Hope you Enjoy reading po! Votes and comments are highly appreciated ♥ God bless y'all!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top