六 Unwinding Isn't His Style

"I'm so glad you already have someone you wish to be part of your lifetime!" Masaya at napakahinhin na banggit ng tiya ni Wynnona na nagmula pa sa Espanya.

"Yes naman, of course." Tuwang tuwa ring sagot ng dalaga, hindi dahil sa sinabi ng tiyahin, kundi dahil kasasagawa niya lamang ng planong paghiwalayin si Yamato at Xyris.

Nang mapabisita ang tita niyang si Mercedes, sinadya sa nito upang mag-kape, at mapag-usapan ang tungkol sa hatol ng kanilang pamilya.

Matapos na magkaroon ng pagpupulong noon kung nararapat bang ipakasal ang isang tulad ni Yamato kay Wynnona, naisip ng tiyahin na personal itong lumapit at sabihin sa pamangkin.

Base sa takbo ng kanilang usapan, nanalo ang kagustuhan ni Wynnona na kay Yamato siya ikasal.

Ang tanging problema na lamang ngayon ay kung paano niya mapapapayag ang lalaki na siya ay pakasalan.

"Is that so... But would you mind if I ask that you are already attracted to him now... because he hast changed a lot physicially?" Tanong ng babae sa kanya.

Hindi niya alam na mayroong paparating na ganoong klaseng tanong sa kanya. Una sa lahat, alam naman nitong walang babae ang hindi ma-aattract sa lalaking tulad ni Yamato. Hindi niya maitatangging sa sobrang laki ng pinagbago ng binata, hindi niya maisip na siya ang dating sumo wrestler na nakatagpo nito sa Japan.

"Well... Of course. He's like ya' know one hella hot guy, and syempre, of course I cannot let the opportunity pass by..."

"Sure you are really attracted to him. I hope you'll know him deeper." Sagot ni Mercedes.

"Know him deeper? Duhh? What for?" Halos matawa pa si Wynnona sa sinabi ng babae. "Isn't it like ya' know? It would be just fine naman whatever happens... kasi ya' know... I'll just have to bear a child through mating of my egg and his ya' know sperm. So that the legacy will like mag-co-continue, right, auntie?"

Sa halip na sumagot ng 'oo' o 'hindi', nagtaka si Wynnona nang ngumiti lamang si Mercedes. Mas lalo tuloy itong napaisip kung may iba pa ba siyang kailangang gawin maliban doon.

"May I ask you a question?" Mahinahong tanong nito. Bakas ang pagiging mabuting tao sa mukha ng babae, kung kaya't walang problema sa kanya ang dalaga... hindi tulad ng iba nilang kamag-anak.

"But you're already asking..." Mahinang tugon ng dalaga.

Napatawa niya ang tiyahin, bago ito magsalita. "When you're already married to him, and if you already have kids..."

Kung kanina'y wala sa pokus si Wynnona sa kaiisip sa victory na nakamit, ngayon naman ay nabibitin ito sa kupad magsalita ni Mercedes.

"....What are you going to do?"

Nag-isip si Wynnona ng mga posibleng isagot, ngunit hindi niya lubos maintindihan ang tanong.

"What do you mean, 'what am I going to do'?"

Umayos ng upo ang kausap at ngumiti.

"Are you going to find another man?" Nakatitig lamang si Mercedes sa mga mata ng babae. Hindi na nag-isip pa ng isasagot si Wynnona, at dali dali itong umiling. "How about finding out that he loves someone, what do you think of that?"

"H-He already d-does it..." Dahil pakiramdam ni Wynnona'y maiintindihan siya ng tiyahin, walang anumang sinabi niya ang katotohanan.

Gulat man sa umpisa, hindi hinusgahan ni Mercedes ang dalaga. "Do you want him to stay that way? Don't you want him to love you? Don't you want to be happily married until after life?"

Matapos iyong itanong ng babae, isang minutong katahimikan ang nangibabaw. Nahihirapang makaisip si Wynnona ng isasagot, sapagkat hindi niya alam kung paano ito ilagay sa isang pangungusap.

"Love? Deserve? Me?"

Iyon lamang ang mga salitang nabitawan ng dalaga habang itinuturo ang sarili. Nakayuko lamang ito, ngunit nakangiti ng mapait.

"Hmm... You're asking if... you deserve to be loved?" Hindi umimik ang dalaga sa interpretasyon ng tiyahin, ngunit alam niyang iyon nga ang mabubo kapag inilagay sa isang pangungusap ang kanyang iniisip.

"Everybody deserves to be loved. So if you think you don't deserve love, try to give it first."

--

"Hindi niya ni-aanswer 'yung calls ko..." Iritang tinawagan muli ni Wynnona ang lalaking kanina pa niya tinatawagan. Sa kanyang muling pagtawag, napansin niyang pinatay ng lalaki ang kanyang telepono. "Whut?!"

"Lady Wyb, huminahon ka. Malapit na tayo sa kanila." Pagpapakalma sa kanya ni Marie na naiirita na rin sa boses ng alaga.

Hindi tulad noong unang bisita ng babae, hindi na ganoon kagara ang suot suot nito. Hindi na rin nito binalak mag-heels na karaniwan niyang suot.

Siya ay naka-casual brown bell sleeves top at dark blue jeans.

Tinernohan niya ito ng kanyang paboritong classic black sunglasses, at pares ng white plimsolls.

Pagdaan niya sa lugar agad na nagbulungan ang mga tsismoa. Ang ilan ay nakita siya noon na pumaroon at kasama pa ni Yamato palabas ng eskinita.

Sa magkabilang panig ng dibaraanan ng babae, nagkalat ang mga tsismosa. Sa kanyang kanan, sabi nila, siya raw ang kabit ng lalaki. Mas nakakasama raw niya kasi si Yamato kaysa sa nobya nito. Sa kaliwa naman, siya naman daw ang legal, at si Xyris ang kabit. Mayaman raw kasi siya, kaya imposibleng ito pa ang maging kabit.

Nais niyang patulan ang mga tsismis, at sabihin sa kanila na siya ang tunay na mapapangasawa ni Yamato. Hindi niya nga lamang ito itinuloy dahil mas importante ang pakikipagkita niya sa lalaki. Gusto niyang makita ang reaksyon nito. Sigurado siyang magpapasalamat sa kanya ang lalaki, at ituturing siyang hero.

Pagkarating niya sa tapat ng bahay nila Xyris, agad siyang nakilala ng batang si Esang. Tinawag naman nito ang tiyo na pinakamalapit sa kanya. Sumakto naman, sapagkat ang lalaking humarap kay Wynnona ay si Tunying. Hindi nga lamang tulad noon na mayroong malaking ngiti ang lalaki sa tuwing nakikita nito ang dalaga.

Halata ang pagkalungkot sa mga mata ng lalaki. Hindi nito itinago kay Wynnona ang tunay na nararamdaman. Pinapasok niya ang dalaga sa kanilang tahanan.

Pagpasok niya sa loob, napansin agad ng dalaga na tila lahat ng tao roon ay parang pinagsakluban ng langit, gayunpaman, hindi niya makita ang kinaroroonan ni Yamato at ng nobya nito.

"A-Anong..." Napalingon si Wynnona sa lalaking nagsalita sa gilid. "Anong g-ginagawa mo rito?" Si Badong ang nagsalita. Hindi rin tulad noon, nakakunot ang noo nito sa dalaga at tila hindi mapakali.

"Hey... Badong, right?" Lumapit sa kanya ang lalaki at halos hilain siya palabas.

"Wait, why? Bakit mo ako ni-da-drag palabas? Where is Yamato ba?" Takang tanong ng babae matapos maging agresibo ni Badong.

"S-Sinabi mo 'di ba?" Seryoso ngunit kinakabahang tanong ng lalaki. "Lady Wyn.. N-Natatandaan ko lahat ng s-sinabi ko noong g-gabing iyon.."

Sa pagkakataong iyon, napaisip si Wynnona kung ano ang posibleng nangyari kay Yamato.

"S-So? Walang akong ni-say... I k-know naman na.. ya' know you're good people kaya possible pa kayong like.. uhm.. magbago?" Pasinungaling na pag-iinosente ni Wynnona.

"IKAW?!" Mula sa kanina'y tahimik na paligid, isang babaeng may makapal na boses at nanlilisik na mga mata ang nambulyaw sa gawi ng dalaga. "IKAW ANG DAHILAN KUNG BAKIT UMALIS SI YAMATO?!" Bakas na bakas sa tono at pagmumukha nito kung gaano siya kagalit. Hindi ito madaling maawat ng mga magpipinsan sapagkat masyado itong agresibo.

"KAHIT ANONG PAGSISINUNGALING ANG GAWIN MO, HINDI MO MAITATAGO ANG KATOTOHANANG SINABI MO SA KANYA ANG LAHAT NG IYON! AT IKAW ANG DAHILAN KUNG BAKIT KAMI MAGHIHIRAP SIMULA NGAYON!!"

Halos saktan ng babaeng iyon si Wynnona, ngunit hindi ito natinag. Kung kanina'y painosente pa ang dating nito, ngayong napigod na siya sa sinasabi ng babae, ipinakita na nito ang totoong anyo.

Ngumisi ito bago magsalita. "Yes. I freakin said it."

Kung gaano ka kalmado tingnan si Wynnona, ganoon naman kagigil ang babaeng kausap nito na halos sabunutan na siya.

"ANAK NG KALABAW! BAKIT ANG PAKI ALAMERA MO?! SINO KA BA?! ANO BANG GUSTO MONG MAKUHA?" Sunod sunod na bulyaw ng babae.

Ang mga umaawat sa kanya ay tinawag siyang tita. "First of all, hindi ako daughter of a carabao! Second of all... you pala 'yung bruhang tita nitong ya' know si pretty Xyris...." Tiningnan pa niya ang gawi ni Xyris na naroon at pumipigil sa pagpipiglas ng tiyahin. Hindi ito makatingin nang maayos kay Wynnona nang dahil sa hiya at sa pamamaga ng mga mata kaiiyak.

"Paki mo rin ba? If I did something na mali--or should I say tama actually... 'Coz ya' know... kayo naman talaga 'yung mga crocodile manipulator--"

Nagpatigil sa pagsasalita ng dalaga ay ang isang malakas na sampal na dumapo.... hindi sa mukha niya, ngunit sa mukha ni Xyris.

"Walangya ka talagang babae ka! Magmula ng mamatay 'yang pokpok mong nanay, puro kamalasan na ang dinala mo sa pamamahay ko! Ang ganda ganda na nga ng oportunidad! Hahayaan mo lang na mainlab sa'yo 'yang hapon na 'yan para sa dulo ay pakasalan ka, tapos anong ginawa mo ha? ANONG GINAWA MO?! HINDI BA'T NAGPABUNTIS KA SA DATI MONG NOBYO?!!"

Rinig na rinig sa buong eskinita ang nakakabinging sinabi ng tiyahin ni Xyris sa kanya. Walang ni isang nakagalaw roon, at lahat ay hindi alam ang gagawin.

Isa na si Wynnona, na gulat na gulat rin sa narinig. Ang alam lamang niya ay tinapos na niya ang relasyon ni Yamato at ng babaeng humahadlang sa kanila. Hindi niya akalaing may mga bagay siyang hindi dapat marinig.


Matapos ang mahaba habang katahimikan, unang nakabawi sa nakita ang mga tsismosa, at nagsimulang nagbulungan.

Nagulat naman si Wynnona nang biglang may humatak sa kanyang kamay, at itinakbo siya palayo sa nangyaring eksena. Nang suriin niya kung sino ang may-ari ng kamay, hindi niya alam kung nais din ng babaeng makipag-sagutan sa kanya.

"Hey! Where mo ba ako dadalhin? Can you please bitaw me na?"

Matapos niyang sabihin iyon, agad naman siyang binitawan ng babae. Saka niya lamang napansin na dinala siya nito sa walang katao taong tabing-ilog.

"S-Sorry," Sabi ni Xyris habang pinupunasan ni Wynnona ang pala-pulsuhan.

"Why mo ba ako dinala here? Buti sana if Yamato is nandito rin..." Iritang banggit ni Wynnona.

"S-Sorry, sa tingin ko kasi kailangan kitang ilayo sa gulo k-kasi--"

"Nah, it's fine. Sanay na sanay na me like ya' know girl... 'yang mga cat fights na 'yan, I'm so expert doon." May pagmamalaking sagot ni Wynnona.

"P-Pero, gusto ko ding m-makausap ka..."

Sinuri ni Wynnona ang babaeng nagsabi niyon. Kahit pa mukhang napakabuting tao ng nasa harapan niya, hindi niya magawang magtiwala rito o kahit kanino. Iniisip nito na baka kapag nagpakita ito ng kabutihan ay siraan o awayin siya pagkatapos.

"T-Tungkol sa nangyari..." Panimula ng babae kahit hindi pa nagbibigay ng permiso si Wynnona para siya'y magsalita. "...si Y-Yam--" Nahihirapan din itong banggitin ang pangalan ng lalaki dahil.

"Can you please make bilis?" Pataray namang angal ni Wynnona.

"S-Sorry," Nakatatlong sorry na mula pa kanina si Xyris, at hindi mapigilan ni Wynnona na ipaikot ang mga mata. "Si Yamato... sabi nila Badong... kaibigan mo daw siya." Hindi umimik ang dalaga. "Kahapon, bago pa ako makauwi, n-nakaalis na siya. Hinanap namin siya p-pero hindi namin siya makita. Mukhang... h-hindi mo rin alam na wala na siya sa bahay."

"Sabi din nila Badong, nalaman mo daw lahat noong isang gabi. Hindi ko gustong magbintang pero... k-kung ikaw nga talaga ang nagsabi... hindi kita masisisi."

Nakita ni Wynnona kung gaano ka sinsero si Xyris sa kanyang mga sinasabi, ngunit ayaw niyang makisabay sa drama nito. Naki-cringe siya 'pag iniisip ang mga nais marinig ng babae mula sa kanya.

"T-Totoo bang..." Humugot ng malalim na hininga si Wynnona bago muling nagsalita. "Totoo bang you're ya' know... preggy?" Noong una'y hindi makasagot ang babae, ngunit um-oo din ito pagkalipas ng ilang segundo.

Napamura si Wynnona sa pagkompirma ng babae.

"Anong plans mo?" Tumingin sa kanya ang babae na tila nagtataka. "I mean... dyan ka ba sa place ng ya' know bruha mong tita mag-s-stay? Puro naman sila greedy sa money dyan... baka ma-stress ka lang or what! Don't you think na mag-move na? Like ya' know... what about kila Ja--" Muntikang nadulas si Wynnona sa pagbanggit ng pangalan ni James. "I m-mean, sa daddy ni baby mo like 'di ba?"

"Naisip ko na rin 'yan, kaso nahihirapan ako. Baka hindi na ako palabasin ng tiyahin ko sa sobrang galit sa akin." Nagulat si Wynnona nang biglang umiyak si Xyris sa harapan niya. "T-Totoo kasi 'yung sinabi niya k-kanina. Simula noong tumira ako doon, nagsimula siyang m-malasin."

"S-Sorry, nakikita mo akong u-umiiyak ngayon." Tumawa ito ng mapakla. "Ngayon k-ko lang kasi nailabas 'yung kagabi pang sakit na itinatago ko." Matapos niyang banggitin iyon, hindi na niya napigilan ang pagdaloy ng kanyang mga luha. Inilabas rin nito lahat ng hinanakit. Nagmura at nagsisisigaw ito.

Hindi sigurado ni Wynnona kung hindi sila maririnig ng mga pinsan at tiyahin ni Xyris dahil sa ginagawa ng babae.

"May other way ba dito para makabalik sa car ko?" Tanong ni Wynnona nang kumalma na ang babae.

"M-Mayroon..." Sagot ni Xyris habang pinupunasan ang mga luha. "Halika, hatid na kita."

"No," Napatingin sa kanya si Xyris dahil sa sinabi. "You won't just hatid me. You are going to sama sa akin."

Nakipag-diskusyon pa kanina si Xyris ngunit hindi paawat ang kabilang panig. Nang makita ni Wynnona ang kanyang kotse, agad niyang inutusan ang kanyang mga body guard na buhatin si Xyris papasok sa sasakyan. Walang nagawa ang babae kundi mag-alala at baka hanapin siya ng tiya.

Dinala siya ni Wynnona sa bahay ni James. Pagkarating nila doon, nagulat ang lalaki, ngunit pagkaraan ay laking pasasalamat nito kay Wynnona.

"Here's a tseke." Iniabot iyon ni Wynnona kay Xyris. Mukhang nagdadalawang isip ito sa pag-abot niyon.

"M-Masyado nang malaki ang naitulong mo sa amin Miss Wynno--"

"Call me lady. Hindi miss." Putol muli ni Wynnona, at sinunod naman ito ni Xyris. "Go and accept mo na. 50,000 'to. You go bili ng mga things mo and for your baby. 'Wag mong i-s-spend lahat para sa self mo ya' know. I-I'm not ginagawa ito like para sa'yo. I'm doing this para sa s-sake ni baby."

Hiyang hiya at parang kamatis na sa pula si Wynnona, kung kaya't hindi niya natiis, at tumalikod na lamang siya. Handa na siyang umalis, ngunit muli itong humarap upang magbilin sa lalaki.

"Siguro naman, 'yang family ni Xyris knows kung nasaan ka. I'm not telling you na i-kill mo sila para hindi na kayo i-trouble like ya' know."

"I'm just sinasabi 'to sa'yo 'coz this would be the major major role na gagampanan mo. You should like ya' know make protect sa baby at mommy niya."

"L-Love mo si Xyris 'di ba?"

Sinsero naman iyong sinagot ni James ng oo. Mukhang paiyak na muli si Xyris, at ayaw niya iyong makita.

"G-Good. Then, remember lahat ng ni-tell ko sa'yo like... like ya' know. Bye."

Hindi na ito muli pang humarap sa dalawang nag-iibigan kahit pa hindi sila magkumahog sa pagpapasalamat. Nanginginig na siya sapagkat, hindi sanay magpakita ng pagiging malambot, at mas lalong hindi ito nagsasabi ng mga ganoong bagay.



Tila napakaraming pangyayari ang naranasan ngayong linggo ni Wynnona. Sa buong buhay niya, ngayon lamang siya muling nagkaroon ng thrill.

Gayunpaman, hindi pa rin niya nahahanap si Yamato. Ayaw niya sanang lumabas pa ng bahay, ngunit pinaalala ni Marie na ngayon ang opening ng batch 3 acting workshop.

"Need ko ba talagang pumunta?" Matamlay na tanong ni Wynnona.

"Ay, of course lady Wyn! 'Di ba gusto mong mag-artista? At paalala ko sa'yo, this is your last--"

"Oo na. Oo na... Na-gets ko na." Iritableng putol ng babae.

Pagkababa niya sa sasakyan, napabuntong hininga siya, at tinitigan ang kompanya ng ilang segundo. "Mag-wowork ako dito, soon." Seryoso nitong sabi sa utak.

Kahit na pagod, inilabas niya lahat ng kompnyansa sa sarili, at ang kanyang magandang ngiti papasok sa gusali. May mga napapansin siyang mga babae at lalaking kaedad niya. Sigurado siyang hindi artista ang mga iyon, kaya't hula niya'y makakasama niya sa workshop.

"'Di ba si Lady Wynnona 'yun? 'Yung sikat na youtuber?"

"Wait, you mean, makakasama natin siya?"

"Hindi.. Ang balita, matagal na siyang nag-woworkshop."

"OMG, I'm excited!"

"Actually... kaya siya matagal ng student ay dahil hindi siya nakakapasa sa taste ng management."

"Oh, why?"

"Hindi ko alam. Pero for sure, malalaman natin..."

Dumagdag sa pagkairita ni Wynnona ang mga negatibong bulungan tungkol sa kanya. Ngunit sa halip na mang-war shock ito, minabuti nitong ngumiti lalo. Napansin naman niyang nahumaling ang ilan sa kanyang ganda, mapa-lalaki man o babae.

"Good afternoon, class! Welcome here in the dungeon. My name is Sheen Carlos, and I'll be your acting teacher for this whole acting workshop year."

Nagpalakpakan naman ang lahat matapos magsalita ni Sheen. Labag man sa loob, nakipalakpak na rin si Wynnona.

Hindi tulad ng karamihan kanina bago magsimula ang introduction, hindi nakikipaghalubilo si Wynnona, at minabuting mapag-isa sa sulok. Hindi rin siya sumusubok na tumingin sa paligid, sapagkat may nasasabi na tungkol sa kanya ang ilan.

May mga iba na nagpakilala sa kanya, ngunit pinakita niyang hindi siya interesado.

"This supposed to be the first day of acting workshop, but I'm sorry to say but I can't handle to teach you today." Sari sarimg reaksyon ang ipinakita ng mga estudyante. "But, of course, I want you to introduce yourselves in front."

Nagsimulang magpakilala ang mga nasa harapan. Nasa likuran siya. Hindi nakikinig nang maayos si Wynnona, at pinakiramdaman na lang kung malapit na siyang magpakilala.

Hanggang sa...



"Hello, my name is Ichi Yamato,"

Otomatikong napalingon si Wynnona sa kinaroonan ng boses. Nang mahanap kung sino ang may-ari niyon, hindi siya makapaniwala na hindi lang kapangalan ng Yamatong kilala niya ang nagpakilala, kundi siya talaga.

"Ang pogi mamsh."

"Hulog na panty ko."

Ilan lamang 'yan sa mga bulungan sa paligid.



"You can call me... Yam."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top