八 His Side
Yamato's POV
(After Yam and James' fight)
"Romeo save me I've been feeling so alone
I keep waiting for you but you never come"
Nakakairita...
Ang mga kabataang babaeng ito na kinakanta ang mga lyrics na iyon.
"Bullshit." Hindi ko mapigilang mapamura.
Sino ba namang gugustuhing makantahan ng ganyan kapag nasaktan dahil buong akala niya'y siya si Romeo?
Napangisi ako sa naisip. Totoo ngang nagiging poetic ang mga tao 'pag nasasaktan. Pero ayoko ng ganon.
Hindi ko hahayaang mauwi lang sa drama ang buhay ko matapos masaktan. Iyon ang dahilan ko kung bakit ako sumali sa acting workshop.
Weeks have already passed since that narrow-minded girl invited me to join the acting workshop she's in. At first, I never thought to enter that kind of industry... but everything changed my mind when I realized that it was her fault why I became miserable.
By the thought of that, I learned that I want to take revenge --
or should I say torture.
Also, if she wants to mess with me, I'll give her the chance. But I won't allow it not to backfire on her.
I still believe that my competitive spirit in sumo wrestling is still in me.
"Is this in my head, I don't know what to think,
He knelt to the ground, and pulled out a ring
And said,"
Ang mga simplebg liriko na 'yon... Pang love story pero bakit masakit para sa akin.
Ang real quick naman kasi Xyris eh. Kailan lang 'nung um-oo ka sa akin, ngayon, balik single na ulit ako.
Ang masakit pa, noong akala ko pagdating ko sa bahay ng hayop na 'yon, makukuha na kita, pero hindi. Wala ka doon. Hindi ka dumating.
At akala ko ring mananalo ako dahik bugbog sarado na siya pero bakit ganoon... ikaw ang tropeyo, at kusa mong ibinigay ang sarili mo sa kanya.
Ganoon na ba ako kalala? Ginawa ko naman ang lahat para magustuhan mo ah. Hindi lang ikaw actually....
Dalawa kayong babae na dumating sa buhay ko. When I invest my time in you, I thought you're going to like me back. I thought I'm deserving to be yours too. Pero hindi... Pareho ninyong pinamukha sa akin na kaawa awa akong tao, at walang sinumang magkakagusto sa akin.
"Because we were both young,
when I first saw you."
Paalis na sana ako sa lugar na kinatatayuan ko nang bigla akong binalik sa katauhan ng lirikong iyon.
Noong unang beses kong magustuhan si Xyris, bata pa kami noon at hindi pa kami namulat sa mundo. Nang dumating naman si Wynnona, wala din akong kaalam alam kung paano magpasaya ng babae. Ang tanging alam ko lang ng mga panahong iyon ay ang pagnanais ko na makasal balang araw.
Hindi kaya... masyado kong nagmamadali?
Sobrang daming pangyayari ang mga dinanas ko nitong mga nakaraang linggo. Kung pepwede lang ay kalimutan ko na lahat, pero hindi iyon madali.
Nagpasya akong umuwi, pero syempre hindi na sa lugar ng tiyahin ni Xyris. Sa tuwing naiisip ko sila, ang naalala ko na lang ay ang sakit 'nung marinig ko itong audio clip na sinend sa akin ni Wynnona.
Hindi ko akalaing sa kabila ng kabutihang ipinakita ko sa kanila... Sa kabila ng pagiging sincere at grateful, magagawa pa rin pala nilang lokohin at gamitin ako.
Hindi ko alintana ang perang nawala sa akin. Mukha lang din akong masamang tao, pero malambot ang puso ko. Sa sobrang lambot, madali lang itong masira at mawasak.
Akala ko talaga ang mga ganoong klaseng tao na plastik at peke ay sa highschool lang mahahanap.
Pagkarating ko sa aking condo unit, agad akong nagbihis at napaisip kung anong klaseng buhay ang nais kong makamtan.
Lalaki ako at weird siguro kung maririnig sa akin ng isang babae mula sa akin iyto pero....
"Makakaya ko pa kayang magmahal?"
--
2nd week, and third day of acting workshop. I didn't know if the first impressions I have heard last time were satisfying, but I think I just really don't care.
As long as I'm not doing anything wrong with the people around me, and as long as I'll be learning properly, I think there shouldn't be a problem.
The problem I only have now is that lady. I can't believe, after everything that had happened between us, after ruining all of my love stories, she still had the audacity to face and even talk to me!
Somebody even watched us argue, and now I'm hearing rumors about us. Is she really up to dragging everyone down when linked to her? Doesn't she even care about her own reputation?
Ten minutes before the class starts, my group mates and other students come to me to have a little chat.
Five minutes before the class starts, I scanned the whole room, and didn't found any trace of Wynnona Ferreira.
I don't see it as a fortunate chance, because I can't torture her if she's not around. But I guess, a little break for us two will do.
One minute before the class starts, she still has no trace.
We we're grouped again with the same group as before.
"Hi! Ikaw si Yam 'di ba?" Isang babae mula sa grupo namin ang kumuha agad ng atensyon ko.
May ngiti sa kanyang mga labi, at masisigla ang kanyang mga mata. Pamilyar siya sa akin, syempre, pero hindi ko talaga matandaan ang kanyang pangalan.
"Uhh, yeah. I'm sorry nakalimutan ko ang--"
"Oh, it's okay. I'm Jenna." Inilahad niya ang kanyang kamay upang makipag-shake hands ulit. Natatandaan kong lahat kami ay ginawa na ito noong isang linggo, ngunit ginawa niya pa rin.
"Para hindi mo makalimutan ang pangalan ko." Rason niya.
Ngumiti siya sa akin, at nginitian ko na lamang siya pabalik.
"So, today class, you will be having a practice. Of course, it would be acting practice."
Different reactions roamed around the room.
"Because for tomorrow, you will be having your first acting performance. But the twist is... You will also find out what topics you are going to act tomorrow."
Ang iba ay hindi agad naintindihan ang mga sinabi ni Sheen. Ang iba ay na-excite sapagkat mukhang confident sa pag-arte.
"Teach!" Mula sa grupo nila Wynnona, isang lalaki ang nagtaas ng kanyang kamay.
"Yes, Franco?"
Iyon pala ang pangalan niya. Kung iyong Franco na iyon ang parang leader sa kanila, si Jenna naman ang sa amin.
"Teach, you mean, on-the-spot po ang mangyayari bukas?" Tanong nito na siyang nagpa-isip sa aming lahat.
"Yes. Tama ka. On-the-spot kasi... Bukas ko din ibibigay per group ang scenario na i-aarte ninyo."
"Teach!" Mula naman sa grupo namin, nagtaas din ng kamay si Jenna. "Hindi niyo po ba kami bibigyan ng time bukas para makapag rehearse once na binigay niyo na po 'yung situations?" Maganda ang tanong ng aming leader.
Dapat lang na bigyan niya kami ng oras para makapag-prepare.
"Hmm... I'm thinking..." Nakaabang kami sa sasabihin niya. "Maybe 10 minutes?" Maraming umalma dahil sa tingin nila ay mababa iyon masyado. "Oh no no... That won't be on-the-spot na. Siguro five. What do you think?"
Mas lalo namang nagwala ang mga estudyanteng takot umarte.
"Eh... Di.. KUNG 'WAG NA LANG KAYA! MASYADO KAYONG MAAARTE!"
Lahat kami ay nagulantang nang biglang taasan ni Teacher Sheen ang kanyang boses. Ang mga mata din niya ay lumaki ng sobra, at animo'y ibang tao na ang kaharap namin.
"Did... I just... saw her... changing her mood and tone in split seconds?" Mahinang tanong ng kagrupo ko.
Dahil naman sa takot, wala nang umalma pa sa naging desisyon ng aming guro.
"Always remember too.. may grado akong ibibigay per group. Ang grade ng isang member per group ay grade ng buong grupo."
"Nga pala, kinolekta ko din ang reponses ng bawat grupo tungkol sa past task niyo last week. And, I'm worried kasi mayroong groups and members na saliwat ang ibinigay na response sa akin sa nakita kong treatment nila sa other members."
"Mayroon din akong nakikita bullies... maybe from the same company, or the other groups."
Biglang pumasok sa aking isipan ang nangyari noong nakaraang linggo. Abala ang mga kasama ko sa pagbibigay ng first impressions, samantalang nakatuon ang aking tainga sa ibang grupo.
Napansin ko kasi ang biglaang pagbabago ng tabas ng dila nila nang si Wynnona na ang binibigyan ng unang impresyon.
Sa totoo lang... nakakatuwa nga at naisip nilang maging prangka sa kanya. Kung ako ang naroon sa grupo nila, siguro mas malala pa ang nasabi ko.
Kapansin pansin kasi na sa tuwing nasa loob kaming lahat ng silid, playing safe ang isang tulad ni Wynnona. Nagbabalat-kayo at ayaw ipakita ang totoong kulay.
Hindi ko inaakala na may mga tao rin pala sa loob ng dungeon na nakikita ang tunay niyang pagkatao.
Pagkatapos nga ng task na iyon, nagulat ako nang may biglang tumawag sa akin, at tinanong ako tungkol kay Wynnona.
Sinabi ko sa kanila na hindi ko siya kilala. Nagkantyawan ang mga nakarinig, samantalang hindi ko naman nakita ang reaksyon ni Wynnona dahil nakatalikod siya sa akin.
Siguro noong mga oras na iyon, nakangisi pa rin siya tulad ng dati niyang ipinapakita. Hindi marunong magpakita ng kahinaan ang babaeng iyon.
Naisip ko nga... marunong pa kaya siyang maawa o malungkot man lang?
Ilang sandali pa bago kami makaisip ng plano kung paano ang gagawin bukas, inutusan ako ni Teacher Sheen na i-record ang attendance ng buong klase. May emergency call siyang kailangang sagutin, at sa akin niya ipanaubaya ang trabaho niya.
Dahil may nakalagay na group number at picture ng estudyante sa class record, madali kong malaman kung sino ang mayroon at wala.
Sa totoo lang, hindi ko akalaing madali lang ang trabahong ibinigay sa akin dahil... si Wynnona lang ang absent.
Hindi kaya't ugali na niya noon na umabsent kaya hindi gusto ng management na papasukin siya sa acting industry?
Umisip ako ng mga dahilan kung bakit siya absent kahit hindi naman dapat. Hanggang sa pakiramdam ko...
Ako ang dahilan.
--
Alas-singko pa ako narito, at isang oras na ang napalipas ko. Una sa lahat, hindi ko din maintindihan kung bakit ko ito ginahawa. Pangalawa, wala akong ideya kung ano ang susunod na gagawin. At pangatlo, hindi ko alam kung hanggang kailan pa ako rito.
Tahimik sa lugar na ito. Malamang puro mayayaman at nirerespetong tao ang nakatira sa bahay dito. Wala kang makikita't maririnig na mga nagkakaraoke, at naghahabulang bata, mga magulang na pinapagalitan ang mga anak. Dati ding ganito ang buhay ko.
Kung sakali kayang pumayag si Wynnona noon na magpakasal sa akin, anong mangyayari? Ma-momotivate ba akong mag-workout upang makamit ang katawang ito? Hindi kaya ako titira sa Pilipinas, at patuloy pa rin ang pagiging suno wrestler ko?
One move can make everyone's destiny different.
Sa lalim ng iniisip ko, hindi ko akalaing nagbukas pala ang gate ng bahay na pinapanood ko.
"Sabi na nga ba ikaw 'yan, Mr. Ichi." Nang tanawin ko nang maayos kung sino ang nagsalita, si Marie pala iyon na nakangiti sa akin.
Naka-pambahay lang ito, at mukhang matagal na ring hindi pa nakakalabas ng bahay. Kung matagal na siyang hindi lumalabas ng bahay... hindi kaya all this time ay nandito lang din ang alaga niya?
Inisip ko tuloy na baka hindi ko talaga kasalanan kung bakit hindi siya umattend ng acting workshop kanina. Baka mayroon lang siyang sakit, o kaya'y nagkaroon ng malalang mood swings.
"U-Uhh... Yam na lang po. Please drop the formalities." Awkward na tugon ko sa kanya.
Kung bakit ba naman kasi nahuli niya ako dito?
"Okay, Yam. Gusto kong ipaliwanag mo kung bakit ka nandito? Paano mo nahanap ang bahay ni lady Wyn? Gusto mo bang pumasok?" Tuloy tuloy na sabi niya.
"H-Hindi na po. Tinanong ko kay Mio ang address niyo. Salamat pi. Paalis na rin ako actually..." Maglalakad na sana ako palayo nang hilain ni Marie ang damit ko.
"She's okay." Iyon lamang ang sinabi niya sa akin bago ako binitawan.
Hindi na niya ako pinilit na pumasok pa sa loob ng bahay nang magpaalam ako.
Nakahinga naman ako ng maluwag nang sabihin niya iyon. Mukhang malapit ko na siyang makitang ulit. Kung bukas ay wala pa rin siya... iisipin ko na lang na may sakit siya.
--
Ikaapat na araw ng acting workshop. Currently, one minute bago magsimula ang klase, wala pa ring bakas ni Wynnona.
Ang kahapong pag-iisip ko na baka may sakit lang siya ay lumala. Kung nais niya talagang maging artista ay kahit na may sakit, aasikasuhin pa rin nitong pumasok maski isang beses sa isang linggo.
Hindi ko alam kung ano ang iniisip ko. Hindi ko nga maintindihan kung bakit kailangan kong mag-overthink. Dapat pala tinanong ko na lang kahapon si Marie kung ano talaga ang nanyari, at kung may nagawa talaga akong masama.
I mean, oo.
Oo nga...
Hindi maganda ang ginagawa ko.
Masama na ba akong tao 'non?
AKO 'YUNG PINAKANASAKTAN, BAKIT AKO PA 'YUN BILIS KONG MAKONSENSYA?!
"Yam, ayos ka lang? Malapit nang dumating si Teacher Sheen, mag-ready na daw tayo."
Hindi ko pinansin kung sino man ang nang-iistorbo sa akin.
"Ayos ka lang? Mukhang hindi ka okay since last we--"
"Fuck it."
Pabulong lamang ang sinabi ko ngunit mukhang iba ang naging tugon ng babaeng kumakausap sa akin. Bigla itong tumahimik at iniwan ako ulit na mag-isa.
Mukhang natakot ko yata ito. Dati akong sumo wrestler, at mukha akong nakakatkot, pero hindi ko 'yun sinasadya.
Sorry sa kung sino ka man.
"Good day. I hope maganda ang ipeperform niyo ngayon. I just want to add na ang mga groups na may kulang na members ay makakakuha ng lowest grade."
Kung kahapon at kanina'y kapansin pansing napaka-confident ng group 5, nang marinig nila ang sinabi ni Teacher Sheen, para silang nawalan ng buhay.
Kahit pa man mayroon o wala si Wynnona, hindi nila dapat ipinakitang makakakuha na sila agad ng pinakamababang marka. Ang iba ay agad na ring sinisi ang pagkawala ng kasama nila. Ni hindi man lang nila inisip na baka sila rin ang dahilan kung bakit wala ang babae.
Masyadong matatalas ang mga dila nila. Kahit pa magaling silang umarte kung hindi naman kagandahan ang ugali nila, hindi sila dapat tanggapin ng management.
Nag-assemble na ang lahat ng grupo, ata nakahanda na para sa iaanunsyo ng aming guro. Magsasalita na sana siyang muli, nang biglang bumukas ang pintuan ng silid.
Lahat ng aming atensyon ay lumipat sa direksyong iyon.
Wala ni isa sa amin ang nakapagsalita agad. Tila hindi kami nakakita ng normal na pangyayari.
"Do you see what I see?" Tanong pa ng mga nasa paligid ko.
Napangisi ako sa sinasabi nila.
Papunta ngayon si Wynnona sa kanyang mga kagrupo. Nakabukas pa rin ang bunganga ng lahat habang sinusundan ng tingin ang babaeng malaki ang binago sa panlabas na anyo.
Ang dating ombre na buhok ni Wynnona ay ginawa niyang full black. Ang magagarang damit at gamit ay naging black oversized shirt at jeans. Kung dati, heels ang gamit niya, ngayon naka-sneakers ito. Ang putok na putok na red lipstick niya noon ay naging nude.
Ang ilang mga lalaki ay naririnig kong nagbubulungan na mas nakakaakit daw siya noon.
Kung ako man ang magkokompara sa hitsura niya noon at ngayon, mas gusto ko ang bago.
Nakakaapekto sa isang tao ang istilo ng pag-aayos ng sarili.
Her look before makes her bolder, but I think this one now seems more natural. When she removed those fancy things, I think it's also the same way as how she wants everyone to meet herself when her guards are down.
"No more worries." Mukhang ang unang nakabawi sa ipinakitang transpormasyon ni Wynnona ay ang team leader nilang si Franco.
Hindi tulad ng lalaki, ang mga kasama niya ay hindi pa rin masaya.
"Okay. So let's start from the Group 1. Here's your situation."
Nang magsimula ang performance ng unang grupo, ang aming atensyon ay nakatuon lahat sa kanila.
Para sa mga estudyanteng hindi sanay sa on-the-spot acting performance, hindi ako nadismaya sa mga napanood ko.
Ang ibinigay na sitwasyon sa amin ni Teacher Sheen ay tungkol sa action-romance. Itinoka sa akin ang role ng bida na siyang magliligtas sa babaeng nasa panganib. Ang babaeng iyon ay si Jenna.
Masasabi kong mas maganda ang ipinakita namin kaysa sa dalawang naunang grupo. Ang kaba ng mga kagrupo ko ay napawi nang matapos ang performance.
Natapos na rin ang ikaapat na grupo, at ngayon naman ang huling grupo na mukhang hindi pa rin magkasundo ang sasalang sa harap.
"So, this will be your situation." Tahimik na nakaabang ang lahat. "Ang genre ng inyong iaarte ay DRAMA."
Honestly, sa kanilang lahat, si Franco lang ang nakikita kong kayang iarte ang genre na 'yan.
"Lima sa inyo ang magkakapatid. Tatlong babae at dalawang lalaki. Magmula ng mamatay ang mga magulang ninyo, hindi na kayo magkasundo, at karamihan ay napariwara."
"Ang tatlong natitirang karakter ay magsisilbing nobyo ng isa sa mga babaeng karakter, baklang kapatid, at isang barkada na masama ang impluwensya."
"Isang araw, lahat ng matitinding problema ay binagsakan kayo. Kayo ay mag-aaway ngunit kailangang maayos ito."
"Angel, ikaw ang panganay at magiging nobya ni Drake na hindi maganda ang imahe. Franco, ikaw ang bakla at nahihirapang magladlad. Pinky, ikaw ang uto utong kapatid. Ang bad influences mo ay sina Cherry at Kelly. Wynnona... ikaw ang kapatid na ginagawa ang lahat pero laging binabalewala."
Hindi maganda ang kutob ko dito. Hindi ko maimagine ang maaaring kalabasan ng kanilang performance. Lalo na't ganoon ang pagkakaassign ng mga roles nila.
"Be imaginative, but natural. Good luck. Your timer starts now."
--
A/N: Hope you Enjoy reading po! Votes and comments are highly appreciated ♥ God bless y'all!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top