二十六 Wyn-Wyn Situation
"Miss Wynnona..."
I thought my tears already vanished after days of crying, but no. They started streaming again , uncontrollably, and I don't know how to stop this.
"Miss Wynnona, please, come out of this room..." Five years ago, here in Tokyo, Marie also asked me to come out so that we could attend a shitty wedding meeting. But rather than being bold enough to hide due to my hard-head, I am now hiding because I want to escape the pressure they are giving to me.
After my small uncomfortable talk with Kotaro, I took the opportunity to escape and go to my designated bedroom as early as possible. I was sleepy, but when the soft matress touched my skin, all the pain embraced me once again.
"Miss Wynnona, please--"
The outside of my room suddenly became quiet, but right after the small silence, the door opened. Instead of facing him, I covered myself with the thick blanket so that he won't see my pity face. I look like a highschooler hurt by her father, but I don't care... it's somehow the truth.
"Ganyan na lang ba ang magiging takbo ng buhay mo, Wynnona?! Iiyak ka na lang habang buhay?" He shouted. I felt an aggresive move trying to pull my cover, but I managed to secure myself. "Hindi mo ba talaga ako haharapin?! Hindi ka na talaga makikinig sa akin?!"
After bursting out, he pulled my blanket again, and this time he won. I accidentally faced him, and saw the tension on his face. His eyes are pure red, and his chest is pumping heavily. I want to make him feel guilty on pouring pain into my life, but I couldn't help but to get scared on his appearance.
"Mula pa man noong bata ka, puro sakit na ng ulo ang ibinigay mo sakin." He went near me, and I moved back until my back felt the headboard of the bed. "Akala ko noong pumalya ka sa unang engagement mo kay Yamato, nagtanda ka na.. pero hindi! Mas lalo mo lang pinapalala ang sarili mo! At maging ako nadadamay!"
I was just staring at him, when I felt a hot liquid racing its own way down my face again. How much I don't want to be belittled, especially by my own father, what I feel right now is full helplessness.
"Wynnona gumising ka nga!" He walked beside me and grabbed my shoulders. He shook them aggressively like he was so full of me.
"B-But..." There are a lot of words inside my head. I wanted to fight back because I don't want to believe that it's all finished for me.. but I lack the courage to even speak.
"You already know from the start what you must do! Mag-isip ka nga nang maayos!" I thought he's already done talking, but after breathing, he continued. "Sa tingin mo ba kayang maresolba ng pagiging immature mo ang buhay mo? Ang future mo?"
I clenched my fist and quickly avert my eyes downwards. "B-But this isn't the life I wanted," those are the words I wanted to tell him. I finally said it, but I know he will oppose me... like what he's doing everytime.
"Wh-What did you say?" I can sense the bitter stutter he blurted. This time, I know he is ten thousand times more mad to me now, so before he even utter a word, I spoke again.
"Ayaw ko ng ganitong buhay." I faced him. "Kung maaari lang ibigay sa iba ang kapalaran ko... tatalikuran ko ang buhay na inililimbag ninyo para sa akin."
He looked so shocked upon hearing my thoughts. I sound selfish, but at least I'm honest. That's what I feel. I want to escape. I want my words to reach them.
"Quit your drama. Wala ka ng magagawa dahil tuloy na tuloy na ang kasal. We're planning to have your engagement party tomorrow. It will be broadcasted globally." My heart and head couldn't take what he's saying any longer. I let out a sad smirk and didn't mind responding.
"Don't do anything stupid and better get enough sleep. You'll be needing energy tomorrow," that's the last thing he told me before I heard the door shut. As soon as I was left alone, I cried my heart out again.
I think I did what I must do... and I think I'm done fighting.
I think dad's right. I really do have to accept my fate.
--
"Hindi ko inaakalang magiging ganyan kalawlaw 'yang bestida mo."
Tanaw ko mula sa video call ang nag-aalalang hitsura ni Marie. Pagkatapos niya iyong sabihin, kinalatis ko rin ang hitsura ko, at napansing ang laki nga ng pinayat ko. Namumutla rin ang aking balat, maging ang labi ko kung hindi ako naglagay ng lipstick. Nilagyan ko na rin ng concealer ang eyebags ko para naman maging presentable ang hitsura ko.
Gaya kasi ng sabi ni dad kagabi, maaga raw akong magising upang makapaghanda ako nang maayos, kahit pa hapon magsisimula ang engagement party. Alam niya kasing umaabot ako ng ilang oras sa pag-aayos noon tuwing may okasyon. Ngunit pakiramdam ko ibang iba ako noon sa ngayon. Para kasing wala na akong paki alam kung ano man ang sabihin nila sa akin kung kaya't sapat na ang hindi magarbong pagbihis.
"This is the one I supposed to wear on our out of the country," bulong ko sa sarili na narinig pa rin ni Marie. Kahit di niya alamin kung sinong tinutukoy ko, malamang sa malamang ay mayroon na itong hinala.
Pumaskil sa kanyang mukha ang lungkot. Mula noong nalaman niyang wala na sa Pilipinas si Yamato, sinisisi niya ang sarili dahil wala siyang binigay na clue kung nasaan ako noon. At kahit pa sabihan ko siya nang ilang beses na hindi siya ang dahilan, hindi pa rin siya mapanatag.
"But at least I'm not going to fail dad this time, right?" Itinago ko ang lungkot sa pamamagitan ng pagngiti sa kanya. Kanina ko pa pinapraktis ang pekeng pagngiti sa salamin para sa engagement party mamaya.
"Pero hindi ka masaya..." Dumoble ang lungkot ni Marie dahil sa sinabi ko. Nakonsesnya tuloy ako.
"Sa ngayon hindi." Kailangan kong mapaniwala si Marie na magiging maayos ang lahat para sa akin, para naman mabawasan ang alalahanin ko. "But this is the best way para magkaayos kami hindi ba?"
"Ganyan lang ang sinasabi mo, pero alam kong gusto mong magkaroon ng gate crasher mamaya," sagot niya na sa tingin ko ay tama, ngunit sa halip na sabihin ang totoo, umiling pa ako lalo sa kanya.
Sa isang kilalang resort namin idadaraos ang engagement party. Kahit na doon kami sa bahay nila Kotaro natulog kagabi, hindi kami sabay na umalis. Nauna ang kanilang pamilya at si dad upang i-check ang lugar. Sa kabilang banda, mayroon akong sariling solo service na siyang maghahatid sa akin patungo roon.
Bandang alas tres ng hapon, sinundo na ako ng service na maghahatid roon. Kumakabog ang dibdib ko dahil wala halos wala akong kakilala roon, at paniguradong maraming nakatutok na mga mata sa amin mamaya. Si Kotaro ay mula sa isa sa pinakamayamang business tycoons internationally. Dahil sa kanilang propesyon, inaasahan kong mayroon pang press conference na magaganap. At dahil rin sa ika ngang most awaited na kasalang nagaganap sa pamilya namin, sigurado akong nakatutok din ang buong mundo sa magaganap mamaya.
Nakakailang minuto pa lamang ang biyahe pero hindi ko na mapigil ang nakakalunod na pag-iisip. Hindi ko tuloy namalayan na mayroon nang tumatawag sa aking telepono. Kung hindi lang ako sinabihan ng driver ng service na tumutunog ito, malamang ay hindi ko na ito nasagot.
"Hello?" Si dad ang tumatawag, at ako ang unang bumati.
"Wynnona," Nakaramdam ako ng pagkabahala sa boses niya. Para siyang stressed at hindi mapakali, maging ang kanyang paligid. "Papunta ka na ba?"
"Yes. I'm on my way," simpleng sagot ko. Gusto ko sanang magtanong pa pero naunahan niya akong magsalita.
"Have you talked or... seen Kotaro?" Parang nakatunog na ako kung saan papunta ang sasabihin niya.
"No. We don't talk, at hindi rin ako lumabas sa kwarto kanina hanggang sa umalis kayo," sagot ko nang walang halong pagsisinungaling. "Why? What's happening?"
"He's supposed to be here by now because we have decided to start the press conference early without you, but he's still not here." Alam kong hindi ko gustong matuloy ang kasal o maging ang engagement party, pero ayaw ko ring isipin na mayroong mangyayaring masama para hindi ito matuloy.
"O-Okay. I'll just call you 'pag may--" Bago ko pa man maituloy ang sasabihin, nakatanggap ako ng text message mula kay Kotaro. Binuksan ko ito, ngunit hindi ipinaalam kay dad. "I actually forgot to exchange numbers with him," pagsisinungaling ko. "Just update me sa mga mangyayari. I'm gonna hung up."
Pinatay ko na ang tawag, at binasang muli ang text message ni Kotaro.
From: Kotaro
We need your help Wynnona. Please don't tell to anyone especially to your dad and to my family.
Iyon lamang nakalagay sa mensahe, ngunit nakaramdam akong kailangan ko siyang sundin. Ang ipinagtataka ko lang ay kung ano ang kailangan niyang tulong, at kung sino ang kasama niyang may kailangan ng tulong ko.
Hindi pa man ako nakaka-reply sa kanya, isang mensahe mula sa hindi ko inaasahang tao ang natanggap ko.
From: Wine
Wyn tanda mo yung pinag uusapan nating nang-ghost sakin noon?
Kasama ko siya ngayon
Ayaw kong magkaroon ng maling akala, ngunit hindi ko mapigilang mapasinghap sa naiisip ko ngayon.
Ibig sabihin ba nito...
To: Kotaro
What help should I offer?
Pagkatapos ko iyong isend kay Kotaro, sinunod ko naman ang pag-reply kay Wine.
To: Wine
Wdym??? Yung totoo nasaan ka ngayon???
Sa sumunod na pagkakataon, si Wine naman ang naunang mag-reply.
From: Wine
Hulaan mo 😙
charot
Nandito kami isang tahimik na lugar hahaha
Honestly hindi ko din alam so siya na lang magsesend sayo ng location ✌
Pataas ng pataas ang paghihinala ko sa kanilang dalawa dahil sa mga reply nila. Hindi rin naman ako nagrereklamo. Pero sana, hindi rin mapako itong hula ko.
Pagkatapos ng ilang segundo, ipinadala sa akin ni Kotaro ang location niya at ng kasama niya.
From: Kotaro
Please be here. I'll be the one to explain mom this one.
Unti unti na akong nabubuhayan ng dugo, pero hindi pa doon natapos ang kagustuhan ko.
To: Kotaro and Wine
u send a pic of the person you are with
Pang-aasar ko sa kanila, lalo na kay Kotaro. Wala pa man akong natatanggap na mga litrato, agad kong nauto ang driver ko at sinabing mayroong dadaanang imporanteng tao sa garden na kinaroroonan ni Kotaro ngayon.
Pagkatapos niyon, nakatanggap ako ng dalawang litarto. Isa mula kay Wine at isa kay Kotaro. Hindi ko na napigil ang kilig nang makita ang kanilang mukha na may kahawak kamay sa mga litrato. Sa ipinadalang litarto ni Wine, hawak niya ang kamay ni Kotaro, at ganoon din ang ginawa ni Kotaro kay Wine.
Bago ako makapasok sa garden, napansin kong tumatawag si dad... siguro'y kinakabahan na dahil hanggang ngayon ay wala pa rin ako sa resort. Ngunit imbis na kabahan at sagutin ang tawag niya, pinatay ko ang aking telepono at ngumiti.
Ilang lakad lamang ang ginawa ko bago sila matagpuan. Sila ay magkayakap. Nakaharap sa direksyon ko ang likod ni Kotaro, kung kaya't ang mukha ni Wine ang natatanaw ko ngayon. Pansin kong tila umiiyak ito. Sigurado naman akong hindi iyon iyak na dulot ng lungkot o sakit. Mukha silang masaya dahil sa muling pagkikita.
Nang napansin ni Wine na mayroong nakatitig sa kanya, hinanap niya ang presensya ko at saglit na nabigla. Naitulak pa niya si Kotaro. Mukhang hindi sila sanay sa PDA.. napangiti tuloy ako. Nang humarap si Kotaro sa akin, agad rin siyang napatayo dahil sa hiya.
Binati nila akong dalawa, at nagpasalamat naman sa akin si Kotaro dahil sa pagdating ko.
"Sabi sa'yo, susundan kita dito eh," pagmamayabang naman ni Wine na napakalaki ng ngiti ngayon.
Tuwang tuwa ako ngayon sa nakikita kong reaksyon nila. Hindi ko kayang sirain ang ganitong klase ng pagmamahalan. Para tuloy akong... nakahanap ng panibagong motibasyon para lumaban.
Motibasyong lumaban hindi upang ipaglaban ang mayroon sa amin ni Yamato. Ang pinipiling ipaglaban ngayon ay ang aking kalayaan.
Ngunit hindi rin ibig sabihin niyon na hindi ko na mahal si Yamato. Kung sakaling siya ay babalik at handa akong ipaglaban, isusuko ko pa rin ang sarili ko sa kanya.
Pero kung hindi iyon mangyayari, hahayaan ko na lamang na lumipas muna ang panahon upang malaman ko kung ano ang dapat gawin.
"Hindi naman ako 'yung na-miss mo eh. Si Kotaro naman," sagot ko kay Wine bago siya niyakap nang mahigpit.
"Sandali! 'Wag namang sobrang higpit, girl!" sabi niyang muli at kumalas na lamang ako sa yakapan namin.
"Arte mo..." Ngumuso pa ako sa kanya na para bang nagtatampo.
"Hindi naman sa maarte 'no!" sabi niya, at lumapit sa akin upang bumulong. Ikinagulat ko ang kanyang sinabi, at tinanong ko siya ng paulit ulit upang masigurong hindi iyon prank. Sa dulo, hinimas niya ang kanyang tiyan at ngumiti nang malaki.
"All set." Mula sa aming tabi, naroon si Kotaro na kinakalikot ang telepono niya kanina pa. Ibinigay niya sa amin ni Wine ang kanyang mga telepono at pumwesto na sa lugar namin.
Nakaupo si Kotaro sa isang upuang kahoy. Si Wine naman ay umupo sa kanyang harapan habang ang kamay ay nakapwesto na sa pagbibidyo. Samantalang ako naman ay nakatayo sa mismong likuran ni Wine upang gawin din iyon.
Plano ni Kotaro na mag-live sa dalawang social media account niya upang ipaalam na hindi niya itutuloy ang pagpapakasal sa akin.
"Babe, don't make it too long, okay?" sabi naman sa kanya ni Wine at sumang-ayon naman ang lalaki.
Biglaan kasi ang pagkikita nila kung kaya't walang nadala si Kotaro na pang-set up ng camera. Mabilisan ang gagawin namin dahil baka mabisto kami kaagad.
"In Three," banggit ni Kotaro.
"Two, One," ani naman ni Wine.
At para sa huling senyales, "Action."
Sabay kaming nagsimulang pumindot ni Wine ng start. Hindi idinetalye ni Kotaro ang pagkakailanlan ni Wine, ang batang nasa sinapupunan, at maging ang kwento ng kanilang pag-iibigan. Simple ngunit mayroong ipinaglalaban ang kanyang bawat salita.
"I already love someone, and I want to marry her." Bago magtapos ang bidyo, binitawan niya ang mga katagang iyon, na siya namang nagpaluha kay Wine. Mukhang sensitibo nga sa ganitong bagay ang mga buntis.
Nagyakapang muli ang dalawa sa dulo. Nang buksan ko ang aking telepono, pansin kong nakita na ni dad ang livestreams na naganap. Galit na galit ito, at nakokonsensya pa rin ako sa ginawa ko, ngunit hindi lang naman para sa ikabubuti ng sarili ko ang ginawa ko.
"Mama's waiting outside the shed..." Bumalik ang atensyon ko kay Wine na nagsalita. Naalala ko kasi bigla iyong naging pag-uusap namin kagabi.
"Shall we go? I want to meet her. Gusto kong magpasalamat," masiglang sambit ko. Para akong tutang nasasabik sa pag-uwi ng amo.
Natuwa din si Wine sa naging tugon ko, pero agad iyong napawi nang sabihin ko sa kanilang nag-text sa akin si dad, ngayon ngayon lang.
From: Dad
We're coming there
Malapit lamang ang resort sa garden at baka mahuli nila kami kaagad. Nag-aalala kami pareho ni Kotaro para kay Wine o kaya'y sa mama niya. Binilisan namin ang kilos, ngunit huli na ang lahat nang makita ko si dad 'di kalayuan sa shed.
Pero hindi ako natakot... dahil...
"Wyn! Tara na! May daan pa dito." Huhugutin na sana ni Wine ang kamay ko nang pigilan ko siya. Nilapitan niya ako lalo at tumingin sa tinitingnan ko. "Wait... si mama..."
Nang sabihin niya iyon, kusa na lamang akong napahawak sa dibdib ko dahil sa labis na pagkabog niyon.
"Wine, Wyn, my parents are also on their way. Let's not waste time."
"Kotaro, Wine, mauna na kayo." Hindi ko man sila tingnan, bakas sa boses nila ang pagtataka sa sinabi ko.
Gusto pa akong pagalitan ni Wine, ngunit papalapit na ang mga magulang ni Kotaro. Sa huli, wala siyang nagawa kung hindi ang magpahila sa lalaki upang makatakas.
Sa kabilang banda, naramdaman ko na lamang ang sariling mga paa na papalapit kay dad at sa kausap niyang mama ni Wine. Mabigat ngunit hindi matigil ang bawat hakbang ko patungo sa kanila. Tila ba... mayroong bumubulong sa akin na magpakita sa kanila.
"Yasmin... y-you were just here in Japan?" Rinig kong tanong ni dad sa kausap na babae.
Imbis na sumagot ang babae, nakita ko itong umiling nang umiling na para bang nababalisa.
"Wh-What are you saying?" Napansin iyon ni dad at nag-aalala siyang lumapit sa babae. Ang kanyang reaksyon sa babae... nag-aalala siya... ngayon ko lang siyang nakitang ganoon. "Don't go near me p-please..."
"B-But are you okay?"
"Lumayo ka! K-Kailangan ako ng anak ko..." Malakas siyang itinulak ng babae, dahilan upang makalayo ito at makatakbo nang maayos.
Hahabulin na sana ni dad ang babae, nang napagtanto niyang nasa harapan na niya ako.
"Dad... who is she?"
--
A/N: Long time na walang paramdam hehe. Matagal tagal din po mula nung last kong update. I'm so caught up with my other story but I promise to finish BHSN really soon.
Thank you so much sa mga nagbabasa if meron pa.
Votes and comments are highly appreciated. God bless. ♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top