二十二 Breathe
Third Person's POV
Kakaiba para sa kanya ang araw na ito. Hindi tulad noon, tila mabigat ang pakiramdam ni Yamato habang papasok sa sumo house na matagal na niyang tinitirhan.
Halos buong buhay na ito na ang kanyang naging sandalan. Ang bahay na ito kumbaga ang kanyang uuwian at patuloy na inuuwian. Maging ang mga kasama roon ay itinuring na kapatid at ama amahan. Sa tagal ng panahong naroon siya, hindi siya nagreklamo.
Ngunit matapos ang pakikipag-usap kay Walter, tila nagkaroon siya ng ibang pagtingin sa sarili, sa mga kasamahan, at sa lugar na kinatatayuan niya ngayon.
Sa hapag, nang makita siya ng kanyang mga kasama, agad siyang pinuna at tinanong tungkol sa kanyang matamlay na hitsura. Pansin nilang tila may bumabagabag rito, ngunit hindi iyon pinili ni Yamato na sagutin.
Gusto niyang mag-asawa at magkaroon ng mga anak, iyon ang kanyang mithiin sa buhay. Ngunit, paano iyon mangyayari kung mananatili siya sa pamamahay na ito?
Sinarili niya ang iniisip dahil pakiramdam niya'y hindi pa naman siya ganoon kasigurado sa ipakikilalang babae sa kanya.... Hanggang sa sobrang pag-iisip, ipinadala niya si Mio sa Pilipinas upang matutukan ang babae. Pagbalik ni Mio, mas lalo lamang itong nahumaling, at nanabik na makita sa personal ang babae.
Sa pagkakataong ito, nasabi niya sa kanyang sarili na buo na ang desisyon niya. Bago niya ipaalam kay Walter, inisip niya ang kanyang kapakanan sa oras na malaman nila ang totoo. Ipinasigurado niya kay Mio na lahat ng kanyang mga dokumento, lalong lalo na ang mga detalye at impormasyon tungkol sa kanya na nakapaskil sa websites ay walang bahid ng kanyang pagiging Pilipino.
Dahil wala namang ni isang naghinala na siya ay may ibang lahi noong nagsimulang mag-sumo, wala na siyang kailangang linisin pa. Sa huling pagkakataon, bago niya makaharap ang babae, nakaramdam siya na kahit may inililihim, pakiramdam niya'y tama ang ginawa niya...
Iyon ay dahil ibang klase ang pagtibok ng kanyang puso sa tuwing iniisip na siya ay ipakakasal sa babaeng tulad niya.
Wynnona's POV
"Garden wedding?" tanong niya sa akin habang nag-iisip.
Para naman akong batang tumango sa kanya nang paulit ulit. Buhat kasi noong bata ako, iba ang dating sa akin kapag nakakakita ako ng garden weddings.
Alam kong malaki ang pamilya namin, at buong mundo ang nakaabang para sa magaganap na kasalan namin ni Yamato, dahil ako ang nag-iisang makapagpapatuloy ng tradisyon namin. Pero, sa totoo lang, I want to keep it private. Kaya sa tingin ko, bagay na bagay ang garden wedding.
Ako, siya, mga malalapit na tao sa amin, at ang luntiang paligid. Simple lang ang nasa utak ko, but I want it to be memorable. Hindi naman mawawala ang pagiging sagrado ng kasal dahil iyong sermonya naman talaga ang mahalaga.
"It sounds nice," he told me while maintaining his eyes on mine. "And, as long as you love it, then that also makes me want to choose it."
Napangiti na lamang ako sa kacornyhan niya--este namin. Matagal pa naman talaga ang guguguling panahon bago kami makapagpakasal. Ayon sa mga naririnig kong usapan noon, pagkatapos ng engagements, naghihintay pa raw ng isa hanggang tatlong taon bago ipakasal ang mga kaangkan ko. Ano pa kaya, kung isang napakalaking event 'tong magaganap ngayong taon?
"How about your gown? May naiisip ka na bang design?" tanong niyang muli at napaisip ako.
Tumingin ako sa tinitingnan niya at pansin kong palubog na naman ang araw. Napaksarap tingnan, lalo pa't kasama ko na naman siya. Laking pasasalamat ko na lang talaga na pareho kami ng condo building.
"Hmm, ang gusto ko, 'pag maghahanap ako ng design na bagay sa'kin, dapat nandoon ka," sagot ko sa kanya.
Ramdam kong tumayo siya. Nilingon ko siya, at napansin na naglakad siya papunta sa likuran ko. Dala niya ang kanyang cellphone, at itinutok iyon sa akin.
"Hey, what are you doing? We're talking right now," I said while trying to sound grumpy, but it didn't work.
"I'm trying to capture you a great pic. I want a souvenir of this beautiful sunset with you," he seriously said that made me turn around.
I faced the sunset, and he took a picture from aback. When I looked at him again, he captures the sunset at different angles from the rooftop.
"Come back here, right now, please..." I pleaded while doing the puppy eyes.
"Alright. So let's get back on planning..." he sat again beside me.
Wala namang gaanong problema, dahil tanging kami at dalawang matandang mag-asawa lamang ang nasa rooftop ngayon. Ayos lang naman siguro kung mag-pda kami. Joke.
"Even though, malayo pa?" Iniyakap ko ang kanyang braso sa akin bago sumandal sa kanyang dibdib. Ramdam ko namang tumango siya dahil sa pagtaas baba ng kanyang baba sa aking ulo. "Sure na talaga?" I asked while pouting.
'You'll be the most beautiful bride, love," he softly whispered on my ear. His hands gently played my hair. "I'm already here near you. I can't miss the opportunity to be the luckiest groom in the world."
With that, I smiled. We we're both ate by silence while watching the sunset. Both at peace, and madly in love. I couldn't ask for more.
Gaya ng palagiang panonood ng paglubog ng araw, sana walang magbago.
"How 'bout honeymoon?" he started breaking the silence.
"You don't have plans?" I ask trying to look up on him. I saw him shrugged. Looks like doesn't have a plan. "How about we go to the place na never nating napuntahang pareho, pero gustong puntahan? You get me?" He nodded, and his eyebrows went up, looking interested.
"I've never been to France," he said.
"Well, I have. That means, next option," I seriously responded. "How about Guam?"
"The opposite," he replied, meaning he already went there. "It should be romantic too, and let's make sure that we will enjoy the scenery."
"I knew it!" I exclaimed. "Have you been to..."
As my consciousness went back, a tear fell from my eye. Just by dreaming about the past conversations that we had, it's already making me sick. How I wish we never talked about those things now that I know that it will never happen.
When my eyes opened, I still have the urge to close my eyes, and sleep the pain again. I know, this won't lead me to anything good, but for once, I just want to do nothing.
Ayaw kong lumabas ng kwarto at humarap sa kahit na kanino, lalo na kay Yamato at dad. Imposible din namang makakaharap ko din si Yamato dito sa mansyon dahil mukhang naka-blacklist na ito kay dad. Meanwhile dad and my so-called family... they're still busy finding that 'right one' for me.
I can't disappoint them. I'm the only heiress left, and evem though it won't make me happy, I feel that I don't have the right to disobey them this time. Wala pa akong napapatunayan sa kanila sa buong buhay ko. Kung mayroon mang isang bagay na makapagsasabing deserving akong maging parte ng aming pamilya ay sa pamamagitan lamang ng pagsunod sa tradisyon.
Gayunpaman, mas lalo lamang akong nasasaktan, dahil ni isa sa mga kamag-anak ko ay walang lumapit sa akin para kamustahin ang nararamdaman ko.
Matapos kong malaman ang tungkol sa kung gaano kamahal ni dad si mom, nagtiwala ako na mahal niya din ako bilang kanyang anak. Pero nang malaman niyang mayroon din palang inililihim si Yamato sa amin, naisip ko na lang na para siyang tumulad sa mga tumutol sa kanila noon ni mom.
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Pagod na ako. Ayaw kong harapin ang realidad.
Habang nakatitig sa kisame, narinig ko ang pagpihit ng pinto ng aking kwarto. Tanda kong ini-lock ko iyon kagabi, kaya kahit hindi ko tingnan, alam kong si Marie ang pumasok. Siya lang naman ang mayroong duplicate ng susi ko sa kwarto.
"Kamusta ka na?" halos tumulong muli ang luha ko sa tanong niya.
Muntikan ko nang nakalimutan, na kung lahat man ng tao sa mundo ay iwan ako, ang tanging maiiwan para sa akin ay si Marie. Ganoon niya ako kamahal.
Hindi ko siya sinagot o nilingon man lang. Umupo siya sa kama ko, at hinawi ang aking buhok.
"Bumisita siya, kaso lang hindi siya pinapasok..." kahit hindi niya sabihin ang pangalan ng tinutukoy, alam ko kung sino iyon.
"Wh-What did they do to him?" utal kong tanong. Ngayong nakapagsalita na ako, saka ko lang napansin na halos paos na pala ako dahil sa kaiiyak ng ilang gabi.
Hindi ko rin sinasadyang lumabas ang tanong na iyon sa bunganga ko. Tangina lang talaga, eh ano? Ganito pala 'pag nagmamahal. Kahit nasasaktan, hindi mo maiwasang mag-alala para sa kanya.
"They..."
Please be honest.
"Pinahirapan nila siya," napakurot ako bigla sa unan at bumigat ang aking dibdib. "P-Pero don't worry. Pinaalis ko rin siya agad kaya kaunti lang ang tinamo niya," bakas sa boses niya ang pag-aalala sa naging reaksyon ko.
Kahit pa dating sumo wrestler si Yamato, hindi niya magagwang basta basta na lamang magpatumba ng iba, lalo pa kung inirerespeto niya ang may-ari ng lugar na tinatapakan niya. Hindi ko maiwasang mag-alala sa kanya.
"May... celebration ang staff mamaya," walang buhay kong sabi. Bigla ko na lamang iyong naalala.
"Ah, 'yun ba 'yung paparty ninyo kasi natapos na 'yung project niyo?" Marie asked excitedly. "Pupunta ka? 'Di ba 9 ng umaga ang start 'non? Maghahanda na ako ng dam--"
"No, Marie," she stopped talking when I cut her off.
Tumingin ako sa kanya at ngumiti. Sa tagal naming magkakilala, alam kong alam niya na peke ito.
"I won't go there. I just... "
Tumahimik kaming dalawa at nagtitigan lamang. Ang mga mata niya ay nagtatanong ng 'Anong gusto mong mangyari?'
"I... just want to take a rest."
--
From: Yamato
Love, party's about to start. You'll come over right?
I mean u told me when we last talked
If so or even if not please text or call me
Please
I love you
How funny... Dati lang 'future ko' ang pangalan niya sa contacts ko, ngayon mas lamang pa si Jenna sa akin dahil kaya niya itong tawagin gamit ang palayaw ni Yamato.
Hindi ko siya nireplyan, at sa halip ay nagtungo na sa shower. Hindi ako pupunta roon. It's already settled. As much as I want to meet my other friends there, I couldn't afford to see him and act like nothing happened. That's torture anyways.
Pagkalabas ko sa banyo, tiningnan kong muli ang telepono ko. Isang oras na ang nakalipas, at mukhang hindi mapakali si Yamato dahil wala ang presensya ko roon.
From: Yamato
Sht love pls reply
I can't go there. I'm so so sorry ik it's my fault.
Wyn pls i want to talk to u but i can't there
Let's meet somewhere else. Should it be at the bay again? Or condo? Rooftop maybe? Or café?
Love pls I'm so desperate. I'm sorry pls. Let's talk again...
Pikit mata kong ini-off ang aking telepono. Gustong gusto ko siyang replyan at iparamdam kung gaano ko din siya ka-miss, pero alam ko na wala ring patutunguhan kung pananatilihin ko pa ang relasyon naming dalawa.
Ikakasal ako sa iba. Mamumuhay kasama ang iba.
At ganoon din siya. Dahil hindi pwedeng maging kami.
Bago lumabas ng kwarto, tiningnan kong muli ang aking repleksyon sa salamin, at humugot ng malalim na hininga. Pagkalabas, nakita ko si Marie na mayroong hawak na maleta sa kanyang kanang kamay.
Hindi ko kinayang ngumiti, at sa halip ay tiningnan ko siya nang sobrang lungkot.
"I'll get you back," iyon lamang ang tangi kong sinabi bago siya tinanaw papaalis sa mansyon.
Matapos ang ilamg minuto, ako din ang sumunod na lumabas.
From Marie:
I'm always here. Hindi ako lalayo :)
Her a d her emoticons really makes me assured. Tila wala namang naghinala na makikipagkita ako kay Yamato. Well, hindi naman talaga iyon ang pakay ko.
Wala akong dalang kahit ano, maliban sa aking sling bag. Nagpahatid din ako sa aming driver sa mall. Nakita nilang si Pinky ang kasama ko, kaya mas lalong hindi na ako sinundan at pinahinalaan ng mga tauhan sa bahay.
Hindi lang nila alam...
"Hala, omg, seryoso ka na talaga?" nakangusong tanong ni Pinky. Alam niya ang plano ko at mukha siyang batang nagmamaktol habang kinakausap ako.
"Ilang araw lang naman," I smiled at her. She may seem childish, but she's actually just sweet.
"Eh, kahit na. I'm gonna miss you."
"I'm gonna miss you too," I replied while we're walking outside of the mall.
She gestured me first to enter her car. Siya ang maghahatid sa akin papuntang airport.
"I knew it!"
A memory popped from my head.
"Have you been to... Amsterdam?"
He shook his head, and then smiled afterwards. "Hmm, Amsterdam, Netherlands? That's sound romantic. I'm in."
"Take care, Wynnona," Pinky hugged and kissed my cheek.
Kasama ko na ang luggages ko ngayon na naunang ipinadala ni Marie kanina. Nang maalala kong siya ang dumiskarte sa mga gamit ko, hindi ko maiwasang maalala siya... Desisyon niya iyon...
Napabuntong hininga na lang ako.
As I take my steps slowly, I unconsciously looked back, but then unlike in the movies, I didn't see him from the crowd. There's no hint of him.
How sad, but I know I also want to breathe.
--
A/N: This is a short update. A transition for the next chapter/s.
Hope you Enjoy reading po! Votes and comments are highly appreciated ♥ God bless y'all!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top