二十三 A Day With Wine

Wynnona's POV



Kanina pa ako lakad ng lakad pero hindi ko alam kung saan ako dinadala ng mga paa ko. Siguro kung nasa maayos na kalagayan lang ako ngayon, iisipin ko na lang na maupo dahil sa pagod pero hindi. Tila namanhid ang buong katawan ko.

Sa paglalakad ko nailalabas ang stress sa pag-iisip ng kung ano ano. Umaga palang ngayon ngunit lahat ng mga nakikita kong tao, mapa-turista man o naninirahan rito... lahat sila sobrang sigla.

Sana all na lang talaga. Bakit nga ba kasi dito ko pa piniling magbakasyon kung alam kong isa ang lugar na ito na sana'y magiging masayang bahagi ng buhay mag-asawa naming dalawa.

Buhay mag-asawa... bullshit.




"Ow."


Dahil wala sa kondisyon ang aking katawan at pag-iisip, hindi ko namalayan na may nakabungguan na pala ako. Hindi naman ako gaanong naapektuhan, pero kabaligtaran niyon ang sa nakabungguan ko.

Nang inayos ko ang sarili, napansin kong isa iyong batang lalaki. Ang edad ay nasa pito hanggang sampu siguro ko. Light brown ang kulay ng kanyang buhok, at maayos itong nakadamit. Ang hula ko ay tumatakbo siya at hindi ako napansin kaya kami nagkabungguan.

Napadapa siya kanina dahil sa impact ng pagtama sa akin, ngunit hindi naman siya umiyak. Mukha siyang malikot na bata at hindi takot na tumakbo at maglaro kung saan saan. Inilalayan ko siyang tumayo, ngunit hindi siya nagpasalamat.

"Finn!" mula sa kanyang likuran, sumulpot ang isang babae na sa tingin ko'y tinatawag ang pangalan ng bata.

Hingal na hingal ito nang makalapit sa amin. Tumakbo papunta sa kanya ang bata, at tinadyakan siya. Mukha ngang pasaway talaga ang bata.

"Waarom ben je weer weggelopen?" tanong sa kanya ng babae na lumuhod pa para mapantayan ang taas ng bata. Hindi ko sila maintindihan pero sigurado akong pinagagalitan niya ang bata. "Je moeder zal ons weer uitschelden!"

Pinagpag niya ang damit ng bata bago tumayo. Humarap siya sa akin habang hawak ang bata, saka ngumiti.

"I'm sorry for what happened. This kid..." tumingin siya sa bata na gusto na namang tumakbo. "he's just really playful. I'm sorry for the trouble."

"It's okay," I told her. Nang tingnan ko siya nang mabuti, saka ko lang napansin na naiiba ang mukha niya sa mga Dutch na narito. Hindi kaya dito lang siya nagtatrabaho? "Are you... Asian?"

Hindi ko na alam kung saang lumapalop ng mundo ko nakuhang tanungin ang bagay na iyon.

"Oh," her lips formed an o and her face has an amused expression plastered on it. "Yes! I'm actually a Filipina. I mean, half only, but how did you figure that out?"

"'Cause we're both Filipinas?" I just said. But actually, it's visible that she's asian mixed.

"Talaga?" she seems really happy upon knowing the truth. Her aura resembles Pinky, but Pinks is more hyper. Kumbaga mas marami siyang nakaing asukal kaysa rito kay... sino nga ba 'to?

Lumapit siya sa akin, habang hawak hawak pa rin sa kamay ang bata. "I'm glad to know. My name is Winter," she happily gave me her hand.

Inabot ko naman iyon at nakipag-shakehands. "I'm Wynnona. Just call me Wyn," nginitian ko siya ng sobrang tamis.

"Nice to meet you, Wyn," ipinatong niya ang kaliwang kamay upang mas maayos na ma-ishake ang mga kamay namin.

Mukhang pareho lang pala sila ng inaalmusal na asukal ni Pinky.

"Turista ka rito?" matapos ang ilang minutong chitchats, hindi ko namalayang sumunod talaga ako sa kanila dito sa bahay ni Winter.

"Yeah," tipid kong sagot sa kanya.

"Mag-isa ka?" tumango ako. "Ang lungkot naman niyon. 'Di bale, I can show you around if you don't mind!"

Napakagaan ng loob ko sa kanya, na halos pumayag ako kaagad. Buti na lang at nilingon ko ang bata. Panigurado kung sasamahan niya akong libutin ang Amsterdam, maiiwan si Finn.

"Ah, si Finn ba ang iniisip mo?" parang nabasa niya ang utak ko. "Don't worry, pauwi na rin ang mama niya dyan sa kabilang bahay. Pinabantay lang siya sa akin kanina. Ang pasaway nga eh." So that explains why the child looks so Dutch, pero si Winter hindi.

Matapos lamang ang ilang minuto, sinundo na rin ng isang babaeng Dutch na nasa early 30s si Finn.

"Ano, tara?"

Maliban sa kalmado at napakagandang lugar, nakatulong rin ang presensya ni Winter sa paggaan ng loob ko. Iba talaga siguro kapag kababayan.

"Bakit hindi ka mukhang Pilipina?" tanong niya sa akin bigla habang nakasakay sa bangka dito sa Amsterdam canal.

Ang canal na ito ang isa sa mga puntahan ng mga turista. Kung hindi cycling ang ginagawa dito, paniguradong maaakit ang mga tao sa pagrenta ng mga bangka. Talaga nga namang nakakapawi ng stress ang lugar na ito. Mabuti na lang at may nakasama ako upang maglibot. Kung hindi, baka hanggang pagbalik ko sa Pilipinas, mabigat ang pakiramdam ko.

"Wow, talagang napuna mo pa 'tong hitsura ko ha? Sabagay pareho naman tayong half Pinay lang," tila nagulat siya sa sinabi ko.

"Sabi na eh. Anong ibang lahi mo?" interesadong interesadong tanong niya sa akin.

"Sa totoo lang, hindi ko rin alam lahat. Mahirap kaya mag-memorize," kumunot ang noo niya, at tila nagtaka. "Sabihin nating meron kaming tradition," isinenyas ko pa ang kamay ko upang bumuo ng apostrophes. "at dahil doon, maraming lahi ang nananalaytay sa dugo namin. My father's a half Portuguese, though."

"Ah, kaya pala hindi familiar ang apelyido mong 'Ferreira', Portuguese pala," napataas ang kilay ko sa sinabi niya.

"Ini-stalk kita. Agad namang nagpakita ang name mo dahil sikat ka pala," tumawa siya sa akin saka ipinakita ang telepono niya habang nakapaskil ang instagram account ko roon.

"Youtuber ka pala? Model ka din ba? Ang ganda mo!" tuloy tuloy niyang sabi. Matagal na rin mula noong nakarining ako ng ganitong klaseng puri dahil laging naka-turn off ang comments ko sa youtube, at limited comments lang ang pinapayagan ko sa instagram.

"Thanks. Actually ang ganda mo din."

Nakita ko siyang unti unting tumingin sa akin na parang nandiri sa sinabi ko. Ayaw niyang maniwala pero mas lalo kong ipinilit sa kanya na maniwala siyang maganda siya.

Hindi ako nagbibiro sa kanya. Totoong maganda siya. Napaka-peculiar din ng physical traits niya. Naalala ko tuloy ang sarili ko.

"Oo nga kasi. Sa sobrang ganda mo, may jowa ka na siguro 'no?" sa sobrang pamimilit ko, pati ang pag-boboyfriend nabanggit ko na.

"Wala," simpleng sagot naman niya.

Hindi ako nakumbinsi sa sagot niya, dahil napakatipid niyon. "Nasaktan ka 'no? Kaka-break?" umiling siya. "Na-ghost?"

Sa pagkakataong iyon, nakita kong sumilay ang isang ngiti sa kanya. Hindi niya sinagot ngunit na-gets ko naman agad.

"Spill," hindi ako chismosang babae, pero pagdating sa kanya, na-curious ako bigla.

"Turista siya rito, tapos nagpa-part time ako noon sa isang café, tapos nag-meet kami, tapos kinausap niya ako, tapos hindi siya tumigil, hanggang sa nakauwi siya doon sa kanila. Hindi pa rin siya tumigil. Hanggang sa dalawang linggo na siyang hindi nagpaparamdam." tuloy tuloy niyang kuwento habang nakanguso. Mukha ngang nahulog talaga siya sa lalaking sinasabi.

"Ikaw ba?" napabalik ang atensyon ko sa kanya ng sabihin niya iyon. "Ang unfair mo ha? Dapat magsabi ka din ng experience mo."

Noong nabanggit ko ang tungkol sa jowa thing na 'yan, inaasahan ko ng tatanungin niya rin ako. Nag-iisip na nga ako ng i-aalibi kanina eh. Kaso mukhang napaamin pa rin ako.




"What? Hala seryoso?" matapos sumakay sa bangka, narito kami ngayon sa isang restaurant at kumakain ng lunch.

Habang papunta rito, ikinuwento ko sa kanya lahat ng pinagdaanan ko, maging ang naging pag-uusap namin ni Yamato na dito sa Amsterdam mag-honeymoon.

"Masakit pa rin?" tanong niyang muli sa akin.

Tumango tango ako sa kanya, habang nilalaro ang pagkain gamit ang kubyertos ko, "Fresh pa eh."

"Gusto mong ilabas 'yung sakit?


--

Pagkatapos naming kumain, natagpuan namin ang aming sarili na nagtitingin ng mga souvenir, damit, pagkain at kung ano ano pa. Maliban sa maganda ang lugar, ang mababait din ang mga tap rito, kaya laging puntahan ng mga turista.

Maliban sa mga bagay na iyon, bumili din kami ng magagamit kong cellphone. Ang akin kasi ay iniwan ko sa mansyon bago ako lumipad patungo rito. Natatakot kasi ako na baka i-track ako ni dad gamit iyon. Wala din akong iniwang bakas na dito ako sa Netherlands nagpunta.

Maging si Marie ay umiwas na magdala ng problema para lamang guminhawa ang pakiramdam ko. Sa tuwing iniisip ko siya, nagu-guilty lang ako.

Kagabi, nagbangayan kami sa kwarto ko dahil sound proof doon. Nang iutos ko kasing magpa-book siya ng flight ko patungo rito, bigla na lang niyang sinabi na mag-reresign na raw siya. Sinabi niya sa akin na uunahan na raw niya si dad. Kung mananatili siya doon, tatanungin siya ni dad kung saan ako nagpunta. Kung hindi niya iyon sasagutin, siguradong palalayasin siya nito.

Ilang beses akong nagmakaawa sa kanya na huwag niya iyong ituloy para lang sa kapakanan ko, pero hindi siya nakinig sa akin. Kaninang umaga, bago siya magpunta sa terminal ng bus para umuwi sa probinsya nila, nag-iwan siya ng resignation letter sa opisina ni dad.

Sinabi ko sa kanya na ibabalik ko siya sa mansyon dahil natatakot ako 'pag iniisip na mawawala siya sa akin... sa amin. Buong buhay ko na siyang kasama. Hindi ko alam ang kahaharapin ko kung wala siya. Gayunpaman, hindi ko alam kung paano siya makakasamang muli... Knowing dad. Baka alam na niya ngayon ang mga ginawa namin ni Marie.


"What's your ig username?" I asked Winter while we're walking.

Papunta kami ngayon sa Keukenhof Tulip Gardens. Isa ang lugar na iyon sa mga dapat na pupuntahan namin ni Yamato. But guess what? Hindi pala matutuloy.

Malapit lang ang destinasyon namin, at para makarami na rin ng bili, nagpasya kaming maglakad.

"Look at your ig. I already followed you," she said and even winked at me.

"I don't know how social media works, pero ayaw kong buksan 'yong real account ko kasi baka magamit din 'yon ni dad para ma-track ako," I sighed after realizing how different my life turned out. "But I have a dummy account."

"Give me your username, and I'll follow you," she responded quickly.


Just like what she commanded, I gave her my username. In just seconds, I received a notification because my phone vibrated. I'm already going to open it, but Winter held my hand.

"Mamaya mo na 'yan buksan. Look," sinundan ko ang kamay niyang nakaturo ngayon sa harapan namin. "Here we are."

When I looked up, we were welcomed at the entrance by different people, wanting to visit the tulips and other flowers here. A big signage is at the top where the famous garden's name is placed.










"Let's go?"

Magmula nang makasalubong ko si Winter kanina, ito na ang lagi niyang tinatanong sa akin. At sa bawat tanong niyang iyon, iisa lang ang sagot ko.

"G!"




As we walk inside, an unfamiliar but astonishing view greeted us. I felt that the flowers are talking to us and bragging about the beauty they possess.

They are in different colors and variations, just like how I am with I'm with my relatives, but I never see us being combined prettily like this. Maybe because, the growers put so much love, not just effort in growing them. Meanwhile me? Nevermind.

"Ngiti ka naman dyan oh," Wintee brought her phone out to capture pictures. She's pointing her phone on mine so I tried giving even just a small smile.

"Your face looks so out of this place. Ang gaganda ng mga bulaklak oh. 'Wag mong sayangin ang oras na 'to para magmukmok. Mamaya mo gawin 'yun," with that, she grabbed my arm to continue walking.


"Ano? Sulit ba ang suggestion kong magpunta tayo dito?" Winter is still holding my hand. Hindi naman ako nagrereklamo dahil syempre mas alam niya ang lugar.

Tumango ako sa kanya at ngumiti. Sa sobrang ganda ng lugar, hindi ko napapansin na gumagaan na nga ang loob ko.


"Talaga ba? Sige lang. Pansamantala lang 'yang saya."

'Di ko inakalang may brutal din siyang side. Sino ba namang matino ang magsasabi niyon? Napatawa na lang ako sa sinabi niya.

"Malayo pa ba tayo sa field?" I'm talking about the tulips.

Ang akala ko kasi, iyon lang ang pupuntahan namin dito. Kulang pala ang na-research ko. Sobrang lawak pala ng lugar na ito. Hindi ko naman alam na mayroon pa palang ibang magagandang tanawin sa lugar na ito maliban sa bukid.


"No. Nandito na tayo."


When I looked in front, my lips totally parted and immediately got amazed by what I see. This is it. I'm here at our promised place.

Mayroong karatula kung saan nakalagay ang meaning ng bawat kulay ng tulips na naririto.

"Are we gonna take the white tulips pathway?" Winter asked. White tulips symbolizes all the things where the word 'sorry' is applied.

On the other hand, there are yellow, red, orange, and pink tulip fields. I read their own meanings. Yellow means hope. Orange for happiness. And red for perfect love.


Tumingin ako kay Winter at ngumiti. "I'd rather take the pink tulip pathway."

Tila nagulat naman siya sa sinabi ko. Kung tutuusin, ang nararamdaman ko ngayon ay dulot ng love, kung kaya't red ang dapat kong piliin. Pero dahil nasaktan ako, I need a calming color na dadamayan ako tulad ng white tulips. But I won't choose it. I'm not happy either, and that made me not choose orange. And yellow for hope? I already lost all of my hopes.


Meanwhile the pink ones... "Pink tulip is a symbol of care, attachment, and good wishes," basa ko sa karatula. "Kung titingnan mong mabuti... I'm so attached to him, that's why I care about us. And even though I love him, I know our relationship won't get any better."



"What I can do now is to wish and not hope. Because hopes come true, but wishes don't."



Saglit na namayani ang katahimikan sa amin bago siya nakapagsalita.

"Kung 'yan ang magpapagaan sa nararamdaman mo eh di game!" Buong araw ba talagang ganito ka-hyper ang babaeng 'to?

"Sakto pala na ganitong oras tayo nagpunta," sabi niya habang isinusuot ang sumbrerong binili namin kanina. Mayroon din akong ganoon dahil ako naman talaga ang nagbalak na magsuot ng gano'n. "Sakto sa mood mo."

Napangiti na lang ako sa sinabi niya. Nang pasulong na sana kami sa bukid,  hinawakan niya ang kamay ko mula sa likuran.

"Looks like hindi tayo kasya sa iisang path," sabi niya sa akin. Hinihintay kong lumipat siya sa kabila ngunit hindi niya ginawa. Sa halip, hinigpitan niya ang kapit sa kamay ko. "Mauna kang maglakad at susunod ako. Hahawakan ko lang ang kamay mo... but I want you to do this one thing."

Napaisip naman ako kung ano 'yon. Hindi naman ako kinakabahan, pero hindi ko inaasahan na may kondisyon siyang sasabihin sa akin.

"While holding my hand, pretend that the guy who hurt you is the one who you are holding right now," dahil sa simpleng sinabi niya, hindi ko namalayang humigpit ang hawak ko sa kamay niya. "And, while walking, sabihin mo lahat ng gusto mong sabihin sa kanya. Kunwari... ako siya. Kunwari... naririnig niya."


I don't know how this idea will work, but she has the aura that made me trust what she said.

Naglakad na kami habang kasunod siya at hawak hawak ang kamay ko. Sa tuwing nabibilisan ko ang lakad, binibigatan ni Winter ang kanyang mga hakbang para bumagal kami. Hindi siya umiimik at hinintay lang na magsimula akong magsalita.


"Wh-Why did you that?" panimula ko. "Kung gusto mo naman talaga akong pakasalan at mahalin from the s-start eh 'di sana..." pakiramdam ko bumigat ulit ang puso ko. Parang bumalik lahat ng sakit na napawi sandali kanina.

"Gosh, Winter what are you doing to me?" I suddenly told her in frustration. Bakit ba kasi ako pumayag sa kanya?

"Shh. Keep on what you're saying. Ako 'to ang lalaking minahal mo. Ano uli 'yung sinasabi mo sa akin?" I didn't expect that she'd play this role seriously.


"Sabi ko, bakit mo ako sinaktan?" but miraculously, I also played along. "Bakit kailangan paabutin ng ganito? Paano tayo nagkaganito?"


"Tangina kasi... Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong pagmamahal. Ngayon lang din naman ako nagmahal ng ganito. Kung alam ko lang naman na ganito pala ang tinatago mo, eh 'di sana hindi na kita hinabol! Para hindi na ako nahulog sa'yo!"

"Noong una, kaya lang naman ako naging desperado na makuha ka ulit dahil sa ego ko! Alam ko iniisip ko noon, na it's my loss kapag hindi ka bumalik sa akin... kapag hindi kita naagaw kay Xyris. Pero tangina wala eh. Lumala 'tong nararamdanan ko eh. Kaya nga..."

Sobrang naninikip na ang dibdib ko. Parang ngayon ko lang napagtanto kung gaano ko siya kamahal. Ngayon ko lang naisip na buhat noon pa man...



"Kaya nga naisip ko na ikaw ang lalaking pakakasalan ko."






--

Matapos tahakin ang mahabang daanan, palabas na kami ngayon sa Keukenhof Tulip Garden. Sa buong panahon ng paglalakad, nailabas ko lahat ng gusto kong sabihin kay Yamato.

Sa aming paglalakad ni Winter kanina, nang makatunog siya na nag-uumapaw na ang emosyon ko at nailalabas ko na ng mag-isa ang mga nais kong sabihin, binitawan niya ang aking kamay at tahimik lang na sumunod sa akin. Iniiyak ko na rin sa mga bulaklak kanina ang lahat ng sakit.

Nang makarating kami sa dulo, saktong nailabas ko na pala ang sakit na matagal ko ng kinikimkim.


"Ang galing mo," sabi ko kay Winter.

"Anong ako? Eh ikaw naman naglabas ng emotions mo," sabi niya sa akin pabalik habang inirorolyo ang mga mata. Tusukin ko na yata? Sobrang komportbale na sa akin eh. "Pero alam mo ba... nakuha ko ang idea na 'yon kay mama. We used to do that as a part of her recovery."

Pagkasabi niya niyon, pinapasok niya kami sa bahay nila. Pansin kong naka-lock iyon kanina, kaya malamang ay hindi pa rin umuuwi ang mama niya. Nag-offer din siya kanina na dito na ako matulog pero may nakapag-pabook na ako sa hotel kanina.

"Eh, mayaman ka naman. Pwede mo namang ipa-void 'yon or so what," pagmamaktol niya. Kaunti na lang talaga iisipin ko ng nakababatang kapatid ko siya.

"Pa-spoil ka din ha?" sabi ko at nagtawanan kami.

Naantala ang tawanan namin nang biglang mag-vibrate ang phone na binili ko kanina. Si Marie ang tumatawag. Ibinigay ko sa kanya kanina ang bagong number ko kaya niya ako natawagan.

"Hello?" I answered the call excitedly.  I miss her so much.

"Wyn. Nakausap ko 'yung lola mong taga-dyan sa Amsterdam."


Kinabahan ako bigla sa sa sinabi niya.  Paano naman ako na-reach out ng lola ko? Nalaman na kaya nila? Are they plotting something?

"What do you mean?" I asked.

"She wants to talk to you," kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Why would I talk to her? Sinabihan na ba siya ni dad na pilitin akong pabalikin sa Pilipinas? "Hey, I know you're worried pero nakausap ko siya kanina. Wala siyang alam sa nangyayari. It just happened that may contact pala siya sa akin dahil kinausap ka niya noon. She's dying Wynnona. Sana pagbigyan mo siya."


With that, I felt that I need to comply with what she said. Nang maibaba ko ang tawag, hinintay ko si Winter na makabalik sa sala dahil kumuha siya ng maiinom ko.

Pagtingin ko sa mga notifications ko, napansin kong hindi ko pa pala nabuksan 'yong follow request kanina.

"callmewine," basa ko sa username.

"Yes? What is it? I heard my name," Winter suddenly appeared.

"Your name? Wait... ikaw 'to?" I talked about the username. She nodded and smiled unto me.

"Why don't you open it?"

I opened and saw her full name there. "Wynter Salvador," I read it. "Ganito ang spelling ng pangalan mo and not 'Winter' with I?!" medyo gulat na tanong ko.

"Yes, and people always thought that it's pronounced as 'wayn-ter'. At first naiinis talaga ako, pero as time passed by, ginawa ko na lang na nickname iyon. Cool naman 'di ba?" she said and even winked at me.

"Yes," I said and stood up. "but unfortunately, I'm going to leave this cool girl here for now," she looked at me. "I'm sorry but I'm going to leave. May kailangan kasi akong bisitahin dito."

"Magkikita pa naman tayo 'di ba?" she said and then wrapped her arms around me.

"Of course naman," I told her and returned the hug.

"I'm not going to lose my contact with you. I'm so grateful I found you." When we break the hug, I looked at her and smiled widely.





"Thank you for this day, Wine."


--

A/N: Napakaraming pictures HAHAHAHA. Btw, all of the pictures used aren't mine. All credits to the rightful owners.

Hope you Enjoy reading po! Votes and comments are highly appreciated ♥ God bless y'all!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top