二 Nice To Meet You (again)
Siguro nga'y ang depinisyon ng pinakamaswerteng nilalang ay kapag nasa iyo na ang magandang anyo ng katawan, mayaman, sikat, at napasagot ang taong mibamahal.
Sa kabila ng labis na natamong kasikatan, walang paki si Yamato, sapagkat ang nasa isip lamang niya ay ang matamis na pag-oo ng kanyang pinakamamahal. Nasa iisang bubong lamang sila ng kanyang nobyang si Xyris, ngunit hindi sila pinayagang magkita ng tiyahin ng babae sa kadahilanang ayaw niyang makakita ng nagpi-PDA sa loob ng pamamahay niya.
Ang tanging magagawa na lamang ni Yam ngayon ay ang pagtitig sa huling text message ng girlfriend habang nakahiga ng may abot tainga na ngiti.
Samantala, ang mga pinsan naman ni Xyris ay malupitang nagguguwardiya sa labas ng kanilang tahanan sapagkat iba't ibang uri ng tao ang gustong makita at makakuha ng litrato kasama ang viral man ng araw na ito. May mga bloggers at vloggers, mga ilang reporters na nakakahiyang tanggihan, may mga galing lang sa kalapit na siyudad na gustong makichismis. Ang mga kapitbahay din nila na naninira ay nais din silang bulabugin.
Kinabukasan, wala pang alas singko nang napagdesisyunan ni Yamato na magising at magluto para sa kanyang nobya. Nais niyang ituring na espesyal si Xyris kahit pa napasagot na niya ito. Hindi siya tulad ng ibang mga lalaki na kapag napasagot na hindi na pahahalagahan ang nobya.
Sa tatlong taong panliligaw kay Xyris, hindi na niya hahayaan pang magkaroon ng dahilan upang maghiwalay pa sila. Nakikita niya ang buhay nilang dalawa na magkasama hanggang sa pagtanda. Kahit pa simple lang ang pamumuhay ng babae ay hindi siya nag-atubiling makuha ang loob nito. Lahat ay kanyang iniwan sa Japan para sa kanyang minamahal.
Sa loob ng tatlong taon na iyon, mas nakilala niyang lubos si Xyris, at mas lalong hindi siya nagduda na ibigin ang babaeng tulad niya. Sa loob din ng mahabang panahon na iyon, nakilala din siya ng lubos ni Xyris kung kaya naman ay kampante itong magugustuhan din siya ng babae balang araw.
Ang kanyang effort sa loob ng tatlong taon na iyon ay nagkaroon ng magandang resulta kahapon. Mabuti na lamang at sinunod niya ang ideya ng tiyahin at mga pinsan ng babae na magpa-flashmob upang mapasagot ito.
Alas sais ng umaga, nagsimulang gumising ang mga pinsan ni Xyris. Naunang kumain ang mga buraot, gaya ng nakagawian. Ilang minuto pa ang lumipas ngunit wala pa ring bakas ng nobya niya.
"Si Xyris?" Tanong nito sa isa sa mga pinsan ng babae.
"Ah.. Iyon? Hindi ko alam. Alas sais na, imposibleng hindi pa iyon nakabangon."
May point nga naman talaga ang sinabi ng kanyang napagtanungan. Isa sa mga maaagang gumising upang magtrabaho si Xyris.
"Baka naman kasi napuyat sa sobrang kilig..." Sabi pa ng isa, at nagtawanan naman sila.
"Hmm.. Ang sarap naman neto, Yam. Sayang hindi naabutan ni Xyris. Maaga kasing umalis." Tugon ng isa pang pinsan ng babae na bagong gising nang tikman ang luto ni Yamato.
"Bakit naman maaga siyang umalis?" Pabulong na nagtaka si Yamato. Kung maaga itong umalis inisip nito, na bakit hindi siya nag-text man lang o nag-iwan ng note upang magpaalam sa kanya.
"Nako, hindi nagpaalam ang insan kay brader Yam, ah..." Pang-aasar tuloy ng magpipinsan.
Iwinaglit na lamang iyon ni Yam sa isipan, at inisip na mamaya na lamang gabi ulit sosorpresahin ang nobya.
"Tito Yam! Tito Yam!" Nakuha agad ni Esang, pamangkin ni Xyris, ang atensyon ng kanyang tito nang magsisisigaw papasok sa loob ng bahay.
"Oh, Sang-Sang, ano 'yun?" Malambing na tanong sa bata.
"Tito may babaeng naghahanap po sa inyo sa labas! Maganda po siya...sobra! Tapos mukha pong mayaman!" Mukhang sobrang nahumaling ang bata sa kung sino mang naghahanap kay Yam...
"Nagpakilala ba?" Tanong nitong muli.
"Hindi po eh. Pero kilala niyo daw po siya."
Iniisip ni Yamato na baka ang babaeng iyon ay nais lang siyang i-feature sa kung ano mang uri ng news platform. Sumilip siya sa bintana upang tingnan kung sino ang babaeng iyon, ngunit napataas na lamang ang kanyang kilay nang walang babaeng natagpuang sa labas.
Inutusan niya ang bata na tingnan kung naroon pa ang babae, at kung naroon nga ay sabihin nitong wala ang kanyang tito. Agad namang tumalikda ang bata, at pagbalik nito sinabi niyang wala na roon ang naghahanap.
Napanatag naman ang loob ng lalaki, at bumalik sa paglilinis sa ikalawang palapag ng bahay. Nang papasok na sana siya sa silid ng nobya, narinig niyang may mga yabag ng paa.
Naisip nito agad na paano kung hindi naman talaga totoong umalis agad si Xyris, at niloloko lamang siya ng magpipinsan. Dahil sa kasabikang makita ang nobya, agad niyang binuksan ang pinto.
"Xy--... "
Ngunit hindi niya pala maitutuloy ang pagbanggit sa pangalan ng nobya, dahil hindi naman ang nobya niya ang natagpuan roon.
"So, you're here... Nahanap mo me." Napakunot noo ng todo ang lalaki nang makita nang maayos kung sino ang naroon.
"What do you need? Why are you here inside Xyris' room? How did you get here?" Dirediretsong tanong niya.
"Oopsie, oopsie.. Wait! Pwede bang magdahan dahan ka for a bit?" Maarte at paamong tanong ng babae.
"Magdahan dahan? Ikaw ba, nagdahan dahan ka ba sa pananalita mo five years ago?!" Dahil sa pagtaas ng boses ng lalaki ay siguradong may mga nakikichismis na sa labas ng kanilang bahay.
"Whoah. So, nakakaspeak ka na din pala ng tagalog?" Manghang tugon ng babae, at tila hindi pinansin ang pagiging iritable ng lalaki.
"Well oo. Mas magaling na nga ako sa'yo eh." Sarkastikong sagot ni Yamato habang nakangisi.
"And you seem nakakatawa na! Hindi tulad before... Ya' know, mukha kang ugly monster." Mas lalong kumulo ang dugo ng lalaki, ngunit alam niyang hindi ito ang tamang oras para makipag-bangayan sa isang tulad niya.
"You know what, umalis ka na rito sa bahay. I don't even see any reason para puntahan mo ako."
"Are you like even the one na pinunta ko dito? Look, you found me here sa bedroom ng... I guess.. Gf mo? Ano na nga ulit 'yung name niya? Xy-? Xyris?" Pairita nitong tugon pabalik.
"And ya actually know what... Nalaman kong, you really must find someone better. Pero sa tingin ko din naman maybe like nilalaro mo lang talaga for now. Ya' know, galing ka din here" Iginawi niya ang kamay sa taas ng kanyang ulo, "then went lie low," ibinaba niya sa tagiliran ang kamay, "and I know sigurado na gusto mong mabalik here," at itinaas muli ang kamay patungo sa taas ng ulo. "so that ginamit mo siya para makita kayo as Prince and the Pauper..."
"You know what, hindi ko talaga ma-gets kung ano man 'yang pinagsasabi mo, kasi sa tingin ko magkaibang magkaiba tayo." Nais pakalmahin ni Yamato ang sarili, ngunit napatawa lang ang babae.
Kung pupwede lamang na itapon siyang muli palabas ng bahay, tulad ng ginawa niya noon ay ginawa na niya sana kanina pa. Iyon nga lang, masyadong maraming chismosa ang nakaabang sa bawat galaw ng bawat isa sa kanilang eskinita.
"Miss Ferreira--"
"Lady. Call me lady. And oh! Bago ko makalimutan, don't call me gamit ang last name ko. 'Coz ya' know, baka apelyido mo lang din ang gamitin ko in the future, rawr.." Isinenyas pa ng babae ang kanyang kamay na para bang isa siyang pabebeng leon.
"For sure you won't get my surname. Hindi na kita gustong makita pa, MISS FERREIRA."
"Argh. Tigas ng head mo sa taas. You like patigasin ko rin sa baba?" Mas lalong nagdikit ang kilay ni Yamato. "Just kidding ya' know. Pero suggestion lang... What if ako na lang, at hindi na 'yang Xyris na 'yon? Just kidding again! I know naman na ako ay isang big catch, so you that's not really a suggestion. Ako naman talaga in the future eh."
Napabuntong hininga na lamang si Yamato sa mga pinagsasasabi ng babae. Hindi niya akalaing, ang simpleng flashmob surprise lang sana kahapon para sa nobya na niya ngayon, ay hahantong sa ganitong klaseng kasikatan. Nang dahil sa sorpresang iyon, natunton siyang muli ng babaeng ayaw na niyang makita pa.
"Miss Ferreira, umalis ka na."
Sa oras na iyon ay mukhang hindi na kayang palambutin ng babae ang kalooban ng lalaki, kung kaya't nagpasya na itong maglakad palapit sa pinto.
Akala ng lalaki ay dirediretso na ang pag-alis ng babae, ngunit tumigil ito sa tapat niya, at bumulong. "Kung nagawa mo ng mag-agree noon na you will marry me just by pag-scan sa mga flawless pictures ko, for sure makukuha din kita ulit, soon."
Halos mapanganga ang mga lalaking pinsan ni Xyris nang maglakad palabas ng bahay si Wynnona.
Kanina pa pala sila naroon at nanonood sa mga sagutan ng dalawa.
"Uy brader, sino 'yun? Pakilala mo naman ako!"
"Hoy, Yam! May Xyris ka na ha? Baka nakakalimutan mo!"
"Mga pre, paunahan na lang..."
"Anong paunahan? Mukhang yayamanin 'yun. Hanggang pangarap ka na lang, boy!"
Ilan lamang iyon sa mga usapan ng magpipinsan.
"Kung alam lang nila ang ugali ng babaeng iyon..." Sabi ni Yamato sa kanyang isip.
Tumungo siya sa bintana upang silipin kung nakalabas nang maayos sa eskinita si Wynnona. Pansin niyang nasaktuhan ang babae ng mga tambay na manyakis, kung kaya't kinailangan niyang bumaba, at pigilan ang pangmamanyak nila.
Dati nang nakarambol ni Yamato ang mga tambay sa kanila nang dahil sa hindi sila maniwalang dati siyang sumo wrestler. Nang mapatumba niya ang mga ito noon, hindi na siya muli pang inagrabyado ng mga iyon. Sa halip, nagpasalamat pa ang mga maybahay nila kay Yamato.
Alinsunod sa gustong mangyari ng lalaki, naprotektahan niya ang dalaga.
"I know na gagawin mo 'to." Sabi sa kanya ng babaeng naglalakad sa harapan. Hindi man niya nakikita ang ekspresyon nito, alam nitong nakangiti ang babae.
"I know na pakana mo rin ito." Sagot ng lalaki sa kanya. "You're somewhat witty, but still dumb."
"Whoah. So ironic. Ano naman meaning niyan?" Tanong ng babae matapos tumawa.
"Malalaman mo lang 'pag nagbago ka na."
"Ako? I still have something na babaguhin? I don't think meron pa." Napasulyap ang babae sa kanyang likuran. "Baka ikaw! Don't tell me, may nag-say sa'yo noon ng ironic line like that kaya ka nag-change."
"Of course none. Desisyon kong magbago. Nagbago ako para sa sarili ko, and for her." Sinserong sabi nito.
"So ewwy..." Nabitter naman ang babae sa narinig niya.
Laking pasasalamat naman ni Yamato sapagkat nakalabas na sila sa eskinita at wala na ang mga tinginan ng iba't ibang uri ng tsismosa. Natanaw na rin niya ang nag-iisang magarang sasakyang naka-park doon. Napansin din niya ang isang pamilyar na babae na sa tingin niya ay ang babaeng nakasama noon ni Wynnona.
"Don't worry," Napalingon si Yamato nang simulan ng babae ang sasabihin. "I told you, mage-get din kita. So kung nagwoworry ka na hindi na tayo magkikita, don't worry kasi I have like five thousand ways ya' know... para makita ka lang."
"Quit that. I already told you I don't ever want to see you again. Lubayan mo na ako, at pakiusap," Tumigil siya saglit, at napatingin naman sa kanya ang babae. "'wag mo na kaming gambalain ni Xyris."
"Argh. So cheesy. Pwede mo naman actually 'yang wish though. Pero, sorry to say, hindi mo ako genie para i-grant ang wish mo." Kumindat pa ito at ngumiti, ngunit hindi ito mabenta kay Yamato. "Maliban sa you will miss me, ano pang like mong sabihin sa akin?"
"Let the peace between us rein. I'm telling you, Miss Ferreira, DON'T MESS WITH ME AGAIN."
Akala ni Yamato ay sapat na iyon upang maging banta kay Wynnona, ngunit pinaikot lamang ng babae ang kanyang eyeballs.
"So whatever... Fight for her hanggang like mo. I gotta alis na."
Mukhang hindi nakumbinsi ng lalaki ang babae, ngunit kailangan niyang maging matapang at mapagmatyag upang protektahan si Xyris. Alam niya kung paano maglaro ang mga mayayamang spoiled na nasa early 20s. "Nice to meet you again... aking future."
Uuwi na sana si Yamato sa kanilang bahay ng biglang bumaba ang bintana ng bahagi ng kotse kung saan naroroon si Wynnona. "Binabawi ko na pala 'yung sinasabi ko kanina! I won't get you, 'coz you will freakin get me!"
Imbis na mas lalong kumulo ang dugo ay natawa pa si Yamato sa isinigaw ng babae. Maliban kasi sa mukhang iyon na yata ang pinaka-straight na tagalog line, at pinakamatinong pag-iinggles na narinig niya mula sa babae, iyon na rin yata ang pinakaimposibleng mangyari sa tanang buhay niya.
Ang isang babaeng tulad niya na ganoon... ay hahabulin ng isang lalaki? Malabong malabo.
--
"Wow! Akalain mo nga naman pumasok ka ngayon?"
"Ay no, no... Actually pa-exit na nga ako eh..." Sarkastikong sagot ni Wynnona sa kanyang acting coach na si Carol.
Tatlong taon na siyang umaattend ng acting workshop upang mahasa ang kanyang talent at skill, ngunit, mukhang hindi pa rin siya sapat ang kanyang pag-arte.
"Ah? Talaga lang ha? Edi umalis ka na dito! Ginugulo mo lang ang schedule ko. Alam mo bang mag-s-spa kami ngayon? Tapos ngayon ka pa talaga nagpakita sa akin? Eh ikaw lang naman ang nag-iisa kong estudyante!" Mukhang malapit ng maatake sa puso ang kanyang guro kaya naman ay pinahinahon siya ng mga kasama.
"Of course I know na magpapa-beauty ka ngayon. Kaya nga I'm here eh..."
"Anong--"
Muntikan nang sugurin ni Carol ang estudyante. Mabuti na lamang at pinigilan siyang muli ng mga kasama. Inabisuhan din ng mga naroon na lumayo muna kay Carol, at hayaan siyang mag-relax.
"Okay, alis. You oldie people, wala kasi kayong perfect health routine noong mga bata bata pa kayo. 'Yan tuloy..." Bago tuluyang makaalis ang grupo nila Carol ay nang-inis pa si Wynnona.
Sa halip na umuwi, nagpasya si Wynnona na pumasok sa loob ng isa sa mga gusali ng network. Ang network na siyang nag-woworkshop sa kanya, ay ang network din ng kanyang ama.
Ang alam niya'y nasa loob ng isa sa mga studio ngayon ang kanyang ama. Kung hindi rin siya nagkakamali, hanggang alas sais lamang lagi ang pagtatapos ng taping nila. Malapit nang dumilim, tanda na malapit na ring matapos ang trabaho ng ama. Sanay ng mapagsabihan ni Walter ang anak, ngunit kapag nasa bahay o tagong lugar lamang sila. Sigurado si Wynnona na kahit pa makita siya ng ama ay hindi siya nito pagagalitan sa harapan ng mga katrabaho nito. Sasamantalahin ng dalaga ang pagkakataong iyon upang makasilip muli sa isang taping.
Habang papunta sa studio kung saan naroon ang ama, mayroon siyang nabangga sa daan. At gaya ng nakagawian, gaano pa man kalala ang nagawa ni Wynnona, hindi siya humihingi ng tawad.
"Do you even tumitingin sa dinadaanan mo?" Pataray na tanong ni Wynnona na parang hindi siya ang nakabangga. Hindi rin niya nilingon ang kung sino mamg tao iyon.
Sa halip na makarinig si Wynnona ng sorry mula sa kabilang panig, narinig pa niyang tumawa ito. Kung sa normal na pagkakataon ay nabara na niya ang kung sino mang tumawa ngunit sa palagay niya'y narinig na niya ang tawang iyon noon.
"Hindi ka pa rin pala talaga nagbabago." Unti unti siyang tumingin sa lalaking nagsalita, at nakompirma ang kanina'y hinala lang.
"Don't look at me like that..." Puna ng lalaki sa nakakunot noong si Wynnona. "What? Do I even need to introduce myself?"
Hindi pa rin umiimik ang babae. Hindi niya alam kung ano ang ibabatong salita.
"Oh. Imposibleng nakalimutan mo na ako though... Pero sige, I'll still introduce mysel--"
"Shut up." Nagulat ang mga kasama ng lalaking nagsalita nang dahil sa sinabi ng babae.
Hindi nila akalain na ganoon lang kadali para sa isang babaeng tulad ni Wynnona na sabihin iyon sa isang sikat at pinagkakaguluhang aktor.
"Why shut up?" Nagkaroon ng ilang segundong katahimikan bago siya muling nagsalita. "Naalala ko na... 'Yan ang madalas mong sabihin sa akin noon!" Sinenyasan ng lalaki na mauna na ang mga kasama nito. "'Yun ba ang gusto mong ipaalala sa akin? Ang pagiging baliw na tagahabol mo noon?" Tumawa ito ng sobrang lakas na tila ba wala ng bukas. "Well sorry. I feel sorry for you kasi ikaw ngayon ang walang kadala dala dahil wala ka naman talagang maibubuga."
Matapos siyang paulanan ng mga masasakit na salita, naglakad palayo ang lalaki na tila ba nanalo sa lotto. Iyon ang unang beses na nakapagkita ang dalawa matapos maging ganap na aktor si Alex Trinidad, na siyang ex-boyfriend ni Wynnona.
"Pero you can't alis sa isip mo that you once ran after a girl!" Sigaw na pahabol ni Wynnona sa kanya.
"Yes! I know! And for me, ang paghabol sa babaeng tulad mo, ang worst and most emabarassing decision na nagawa ko sa buong buhay ko!"
Pekeng pagtawa lamang ang nagawa ni Wynnona. Hindi niya akalaing matatalo siya sa kanilang dalawa. Hindi niya akalaing masasaktan siya ng ganoon kahit pa hindi naman talaga niya minahal si Alex.
Ang lalaking tulad niya ay pinaglaruan lamang ni Wynnona, ngunit ibang klaseng sakit ang naging dulot sa kanya ng karma.
"Lady Wyn, nandyan ka lang pala... Kailangan na nating umuwi. Maaga palang natapos ang taping ng papa mo. Nalaman niyang nandito ka--"
"Marie, i-visit natin si Yamato."
--
Ps. Hope you Enjoy reading po! Votes and comments are highly appreciated ♥ God bless y'all!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top