三 Dusk Til Dawn

Cue: Jeje remix love songs

Pagtunog pa lamang ng kanta ay hindi na napigilan ni Wynnona na mapakunot ang noo.

Iba ibang ingay ang maririnig sa video na pinanonood nito sa loob ng kotse. Ipinahanap niya kanina kay Marie ang full video ng ginawang proposal ni Yamato kay Xyris.

Habang sumasayaw ang mga flashmob dancers, lumitaw si Yamato na may hawak na bulaklak. "So typical. So ewwy." Nagsigawan ang mga tao sa paligid. "Why do they even get kiligin sa ganitong scenario?"

Mas ikina-bitter ni Wynnona ang sumunod na napanood. Mula sa fast beat na Dying Inside, ang kanta ay napalitan ng slow romantic beat ng A Thousand Years instrumental version. Naglakad ang bihis na bihis na si Yamato palapit kay Xyris na hindi mahulaan ang reaksyon.

"Marie, look mo siya oh. Mukha ba siyang happy?" Idinamay pa ni Wynnona si Marie sa kanyang pagka-bitter. Hindi nakasagot si Marie sa alaga sapagkata kahit anong isagot nito, hindi maniniwala ang dalaga. Kung ano ang naiisip ni Wynnona ay siya ring nais niya lamang makita.

"X-Xyris..."

Nagsimulang humina ang audio ng kanta nang banggitin ni Yamato ang pangalan ni Xyris. Nakatayo ang lalaki, samantalang ang babae ay nakaupo sa isang silyang dinesenyuhan rin. Ang kaliwang kamay ni Yamato ang nakahawak sa isang bouquet ng bulaklak, at ang kanan ang nakahawak ng microphone. Mukhang ito na yata ang oras niya upang makapag-speech.

"Kinakabahan ako pero alam kong wala ng urungan 'to." Natawa ang mga naroon dahil sa softness na ipinakita ni Yamato. Ang tanging nilalang lang siguro sa mundo na hindi ito nagustuhan ay ang babaeng sa ipad nanonood.

"So, Yamato? Why need mong sabihin pa iyon like what?"

"Xyris, kilala kita. So after this, 'wag mo akong batukan okay?" Tulad kanina, lahat ng tao ay natawang muli sa pinagsasabi ng lalaki.

"Marie! What do you think tungkol here? Hindi ba't he looks like ya' know gusto niyang i-catch 'yung atensyon ng each one of them. I think may plan talaga siyang magpasikat lang..." Kumislap kislap pa ang mga mata ng dalaga habang iniisip ang bagay na iyon. Gaya kanina hindi na nag-abala pang sumagot si Marie, ngunit alam ng babae na hindi ganoong tao si Yamato.

"Xyris Gonzales. Xy-Xy for short. Ang tagal na nating magkakilala. Mga ilang taon na ba? Hmm... 18 years?"

"Sandali. What?!" Naguluhan bigla si Wynnona.

"Lady Wyn, what if panoorin mo muna ng buo 'yang video, at hindi puro papause para--"

"Shut up. Alam ko. I'll do it." Sa pagkakataong iyon, itinuloy ni Wynnona ang panonood nang walang halong pagpause. Hindi niya akalaing may mga impormasyon siyang makakalap dahil lamang sa panonood ng isang 30-minutes video.

"Seven years old lang tayo noong una tayong nag-meet sa Tokyo. Naaalala ko pa 'yung mga panahong ikaw lang kalaro ko kasi ayaw akong papuntahin sa bahay ng iba kong mga classmates. Akala ko noong una, magiging boring kang kasama, pero hindi pala. Despite the thing na master mo ako dahil master din ako ng mama mo noon, natuwa ako sa'yo kasi walang naging hindrance sa ating dalawa para maging magkaibigan."

"You treated me like a real friend. Tinuruan mo akong magtagalog kaunti... And actually nakalimutan ko agad 'yung mga tinuro mo noon." Nagtawanan ang karamihan. "Pero okay lang, nakalimutan mo rin naman 'yung tinuro kong basic japanese words." Muli silang nagtawanan. Sa minutong iyon, napangiti rin si Xyris. "Pero iyon nga... Inaral ko ulit lahat ng basic Filipino words bago ako humarap uli sa'yo. Ayaw ko kasing isipin na nakalimutan na kita, kasi sa totoo lang even after more than a decade, hindi ka nawala sa isip ko."

Kinilig ang mga naroon.

"Well, actually because of you, I also thought that all Filipinos are just like you." Bago niya ituloy ang speech, may sumigaw na nagtanong kung totoo nga bang ang mga Pilipino ay tulad ni Xyris. Sinagot niya ito ng, "Karamihan naman oo. Mababait naman kayo eh. Pero syempre... may exception pa rin."

Hindi maiwasan ni Wynnona na matamaan sa sinabi ng lalaki. Hindi niya gustong isipin na siya nga iyon, ngunit mukhang ganoon na nga.

"But alright! Going back to what I'm saying. Iilan lamang dito sa Pilipinas ang nakakaalam na ako 'yung dating sumo wrestler sa Japan. Masasabi kong maganda rin ang imahe ko roon, ngunit lahat ng iyon ay tinalikuran ko nang malaman kong ginusto ko pala talagang makapag-asawa."

Sa pagkamangha ng mga naroroon, karamihan ay pumalakpak at nag-cheer. Samantala, iba naman ang naging atake niyon kay Wynnona.

"Alam kong mayroong mga sumo wrestler na nagkakaasawa naman kahit pa ganoon ang hitsura. Mababait naman kasi talaga kami eh, hindi lang siguro makita ng iba."

"What?" Hindi maiwasang mag-react ni Wynnona sa bahaging iyon. Gayunpaman, nagpatuloy siya sa panonood.

"Pero para sa akin... sa tingin ko enough na 'yung na-invest kong time para sa sumo wrestling. Gusto ko ding umibig, gusto kong maibigan. Gusto kong magkapamilya, at gusto kong mabuhay ng matagal kasama sila. At alam mo, Xyris? Ikaw lang ang babaeng nakikita kong makakasama ko balang araw."

Lahat ay nagsihiyawan dahil sa labis na kilig na nadarama. Ang iba ay sumisigaw pa na dumiretso na sila sa simbahan.

"Ikaw lang ang babaeng binuhusan ko ng ganito kalaking effort sa buong buhay ko. Ikaw lang ang babaeng nakapagpabago sa akin. Napakaespesyal mo sa akin, Xyris. Lahat ay kaya kong i-give up para sa iyo."

Ang dating ingay ay naging triple ang lakas nang lumuhod na si Yamato sa harapan ng babaeng nakaupo.

"Xyris, you already sparked my past, you charmed my present, and in the future, I still want to be enchanted by you."

"Will you--"

"Lady Wyn, nandito na siya." Napatigil sa panonood si Wynnona, at ini-off ang ipad.

"Bakit mo ako hinahanap?" Iyon ang tanong na agad tumambad kay Wynnona pagkalabas niya ng sasakyan.

"Oh, really? At talagang me pa ang nagpa-call sa'yo? Isn't it ikaw ang nagpunta dito sa'kin?" Maang maangang tanong pabalik ng babae kay Yamato.

"Don't fool me around, Miss Ferreira. Inutusan mo si Badong" Ang tinutukoy ni Yamato ay isa sa mga pinsan ni Xyris. "na utuin ako na mayroong minamanyak na babae dito banda sa parte na 'to ng barangay."

Natuwa si Wynnona sa pagiging matalas ng lalaki. Nalaman nito na ang kanyang plinano, ngunit wala naman talaga itong paki alam. Ang nais niya lamang na mangyari ay makita ang lalaki para sa isang bagay.

"Good job, then. Edi kayo na ang brilliant," sarkastikong pamumuri ng babae habang pumapalakpak.

Tila naiinip naman ang lalaki. Mabuti na lamang at napansin iyon ni Wynnona.

"So, any idea bakit kita gusto na makita? Ya' know, maliban sa alam kong gusto mo din akong makita... at except sa miss mo na ako... Why did you nagpunta here near me?"

Halos mawalan na ng pasensya ang lalaki sa iniaasal ng babae. Nagmumukha kasing si Yamato talaga ang may gustong makita ang babae, kahit pa alam nilang dalawa na kabaligtaran iyon.

"Hmmm..." Huminga ng malalim si Yamato bago magpatuloy sa pananalita. "Wala. I don't have any idea. So pwede ba, paikliin mo na ang usapan?"

"There's none naman pala. Eh why are you still nandito? Bakit nag-continue ka pa rin na makipag-meet sa akin?" Tuloy tuloy na pabebeng mga katanungan ni Wynnona. "Ikaw ha... I knew it mula sa start na ikaw ay isang like ya' know a bad boy. Insert Red Velvet's Bad Boy chorus part." Sinayaw pa ng babae ang choreography ng kantang nabanggit.

"Huy, ang serious mo na naman. Mukha ka ng oldie. Ano ba want mong pag-usapan? Uhm... Something ba like, sinong bias mo sa Red Velvet? Mine's Seulgi bear. How about sa--?"

"WILL YOU FREAKIN QUIT BEING A SHITHEAD?!" Base sa tono ng naging pananalita ni Yamato, hindi na niya nakayanan ang ugali ng babae, kung kaya't sumabog ito. "May hinihintay pa akong espesyal na taong darating sa bahay. If you're just going to waste my time, well then I'm sorry but I think ang last na proper goodbye natin ay hindi na talaga mangyayari."

"I don't want to ever encounter you again, like never in my life! Ito na ang huling araw at huling beses na makakausap mo ako ng ganito."

"I gave chances para makausap mo ako ng maayos, but you're not collected enough para maging straight to the point sa mga sasabihin mo."

"I'm sorry but I just can't stand that--"

"kind of attitude of mine." Pinutol ni Wynnona ang tuloy tuloy na eksplenasyon ni Yamato. "Well, actually alam ko naman eh. Lagi na lang akong nasasabihan ng like that. I'm actually so sanay na. So if you think masasaktan ako sa mga nise-say mo just so mapalayo mo ako? I'm telling you, hindi mo 'yun magagawa."

"Anyways, before you asikaso your gf mo, gusto kong mag-tell ng something sa'yo." Humugot ng kaunting hangin si Wynnona bago nagpatuloy sa pananalita.

Diretso siyang tumingin sa mga mata ni Yamato, at unti unting ngumiti. Itinaas niya ang kanyang telepono at ipinakita roon ang isang imahe. Kasabay nang pagpapakita niya rito, siya ay nagwika.

"Do you want to be an artista?"

--

Alas singko nang umaga, kinabukasan. Ang mga manok ay isa isang nagsitilaok. Nang dahil dito, nagising si Yamato na masakit ang nangawit na likod. Nakatulog pala siya kahihintay sa kanyang nobya.

Tanda niya ay pagkatapos niyang makipag-usap ng nonsense kay Wynnona, sumama na ang kanyang timpla. Hindi na siya naghapunan pa. Nagpasya na lamang siyang magkape upang hindi matulugan ang paghihintay kay Xyris. Nakailang timpla rin siya ng kape, ngunit hindi ito tumalab. Ang huli na lamang niyang natandaan, mga bandang alas dose ng madaling araw, wala pa rin ang nobya.

Pagkamulat niya sa mga mata, madilim pa rin ang paligid, at sa tingin niyang wala pang gising. Tiningnan niya ang kanyang telepono. 2:35 ng madaling araw, mayroong kaisa isang reply si Xyris. "Sorry. Hindi ko napansin na madaling araw na pala. Hindi pa kasi tapos ang work ko. Wag mo na akong hintayin."

Hindi maiwasang mag-overthink ni Yamato. Dati, kapag nag-aalala ang lalaki para kay Xyris, nakakasampung replies ang dalaga sa lalaki upang hindi na ito mag-alala. 

Ni hindi man lang nasabi ng dalaga sa nobyo kung ano ang dahilan bat inabot siya ng madaling araw. Hindi man lang ito nagsabi kung nasaan ito. Hindi man lang ibinalita ang mga nangyari sa buong araw.

Dahil sa mga iniisip na ito, hindi tuloy maiwasan ng lalaki na isiping may mali sa kanya; na baka nape-pressure ang babae sa relasyon nila.

Ayaw ni Yamato na magpalaon sa mga ganoong iniisip. Napagdesisyunan nitong manatiling positibo, at gawing produktibo ang araw.

Bago maglinis, nagtungo siya sa banyo. Ang kaninang akala na siya lang ang tanging gising sa bahay ay napawi. Narinig niya ang malakas na pagbuhos ng tubig sa faucet ng banyo. Sigurado itong may tao roon, sapagkat siya ang huling gumamit ng banyo kagabi at sinigurado niyang naisara iyon ng mabuti.

Hindi na lang niya pinaki alaman ang taong nasa loob, ngunit pagtalikod niya ay bumukas ang pintuan ng banyo. Pagharap niyang muli ay nakita niya ang babaeng bihis na mukhang papasok na sa trabaho.

Ngunit hindi tulad ng nakagawian, ang babaeng ito ay walang kasigla sigla sa mukha. Sa halip, bakas na bakas sa hitsura nito na kagagaling lamang nito sa pag-iyak. Magang maga ang malulungkot na mga mata nito.

"Y-Yam..." Pautal na bulong ng babae. Mukhang hindi nito inaasahan na mayroong makakakita sa kanya, lalo na sa ganitong lagay.

"Xyris..." Hindi alam ng lalaki kung babati pa ba siya ng good morning sapagkat pansin niya namang hindi maganda ang gising ng dalaga. "A-Ayos ka lang? Umiiyak ka ba?" Tanong niya rito, sabay lapit.

Sa hindi malamang dahilan, napahakbang palikod ang nobya. Nagtaka siya sa ikinilos ng babae, kaya't inisip niya na baka may nangyari rito.

"S-Sorry... baka naging a-aggressive ako." Sa tingin ng lalaki ay ang humingi ng tawad ang pinakamagagawa niya para sa babae.

"Ah... H-Hindi. Wala kang k-kasalanan." Hindi lubos maisip ni Yamato kung bakit kailangang maging ganito ang mga unang araw ng kanilang relasyon.

Ang iniimagine nito noon ay magiging maganda ang simula nila. Nais niyang maging masaya ang babae sa tuwing kapiling siya.

"A-Ano nga pala iyang hawak mo?" Tanong na lamang muli ni Yamato nang mapansing magkadikit ang mga palad nito at tila may itinatago.

"A-Ah? Hawak? W-Wala." Pag-iiwas ng babae. Naglakad pa ito palayo kay Yamato sa hindi malamang dahilan.

"K-Kamusta nga pala? Anong oras ka nakauwi kagabi? Kababasa ko lang sa text mo eh." Umaasa si Yam na sa oras na iyon ay sagutin na ng babae ang katanungan nito.

"M-Mga alas-tres na... Sabi sayo h-hindi mo na d-dapat ako hinintay." Nang makapunta sa sala ang babae ay agad nitong kinuha ang mga gamit nito.

"Oh, teka. Aalis ka na naman agad? A-Ang aga pa ah?" Ayaw ni Yamato na magtunog dismayado sa mga ikinikilos ng nobya kung kaya't pilit siyang ngumiti.

"Ah, o-oo eh. May c-client ako ngayon n-na sobrang aga. P-parang kahapon," Pagsagot ni Xyris. "S-Sorry pala... kasi..." Hindi alam ng babae kung ano ang susunod na sasabihin. Ang alam lamang niya ay kailangan niyang humingi tawad dahil naaawa rin siya kay Yamato.

"O-Okay lang..." Pagsalo ni Yamato sa usapan. "So uhm, d-date na lang t-tayo... sa Sunday?" Pareho silang libre ng nobya sa araw na iyon, at nais niya naman talagang magkaroon ng panahon para makasama ang babae.

"S-Sige..." Ang tanging nasabi ni Xyris, bago siya ihatid ng nobyo palabas ng eskinita.

Pagkahatid ni Yamato sa babae, napatagal pa ang pagtanaw niya sa paligid. Hindi niya napansing nakatitig na pala siya sa madalas na pinag-paparking-an ng sasakyan ni Wynnona.

Hindi na niya dapat isipin pa ang babae, at hindi na rin siya dapat makipagkita rito. Alam niyang 'pag napadalas pa ang pagkikita nila ay maaari itong makaapekto sa relasyon nila ng nobya.


"Hindi ko akalaing... mas madalas ko pang nakakasama ang babaeng iyon kaysa kay Xyris."


--

Ps. Hope you Enjoy reading po! Votes and comments are highly appreciated ♥ God bless y'all!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top