一 Reverse Card

Kendeng dito, kendeng doon. Kasabay ng paghampas ng balakang ng dalaga ay ang tinginan ng mga naroroon sa loob ng isang high-end mall sa Manila.

Kahit hindi nila siya kilala bilang isang social media influencer na may malaking fan base, marami pa rin ang napapatingin kapag siya ay dumaraan. Nag-aral siya noon ng modeling na siyang dahilan kung bakit nakakauha siya ng maraming atensyon maliban sa pagkakaroon ng natural na pisikal na kahandahan.

Sa ngayon, hindi na siya pinagmomodel ng ama matapos masangkot sa rambol na kanyang sinimulan. Paliwanag niya noon ay masama ang tingin na iginawad sa kanya ng kasamahan kung kaya't nakipagsumbatan ito at nakipagpisikalan. Dalawang taon na nga ang nakalilipas nang muli siyang sinubok ng nakaaway niyang modelo. Ikinalat ng modelong iyon ang video ng naging away nila noon. Tinawag siya nitong 'war freak' and 'not a good influencer but a wild bitch'.

Marami ang pumatol sa isyung iyon na naging dahilan lamang ng labis na galak ni Wynnona.

'At least, everybody's paying attention to the princess!' Ika nga niya. Tila naubos na ang paki nito sa lahat ng pambabatikos kahit pa madawit ang pangalan ng ama. Nang dahil sa isyung iyon, nagpaliwanag ang kanyang ama at sinabing 'Nagbago na ang anak ko. I already disciplined her before.' Samantala, nanatiling 'unbothered' naman si Wynnona hanggang sa mawala ang isyu.

Iyon nga lang, sa kabila ng kasikatan sa social media, hindi pa rin maaalis ang katotohanang, hanggang ngayon ay hindi pa rin nito nakakamit ang pangarap na maging isang aktres. Isinubok siya noong gumanap bilang aktres sa isang teleserye ngunit hindi nagustuhan ng management at ng kanyang daddy ang kanyang pag-arte.

Sa ngayon, sumasalang pa rin siya sa walang katapusang training, at kung pupwede lamang ay patatalsikin na siya ng mga trainer nang dahil sa ugali niyang hindi mapakisamahan. Hindi nga lang magawang mapatalsik ng mga ito si Wynnona ng dahil sa koneksyon ng ama nito sa management.

"Wow! You look dashing ma'am--"

"I know right. Pero pakiusap, Lady. Call me lady hindi ma'am." Agad na putol ni Wynnona sa isang saleslady na pumupuri sa kanyang habang nagsusukat ng French coats. Tila napahiya man, walang nagawa ang babae kundi sumunod sa kanyang customer.

Ang ibang mga saleslady na naroon ay nakatingin sa dako nila Wynnona at nag-uusap. Pinag-uusapan nila ang pagiging social media influencer ng dalaga. Sa kabilang banda, nagbibingi-bingihan lamang si Wyn ngunit habang nakatalikod ito sa kanila ay nakasilay na pala ang mapaglinlang nitong ngisi.

Tila nakatunog din siya sa sumunod na galaw ng mga saleslady sa likuran, kaya't saktong paglingon nito ang nagpose siya ng parang isang model. Gulat ang mga saleslady sa likuran dahil nalaman pala nito na kinukuhanan nila ng litrato si Wynnona upang ipakalat sa social media.

"You're going to sira me lang din, bakit hindi pa kayo mag-say?" Pa-conyong pambabara ni Wyn sa mga babae. "Ayaw ko naman na back ko lang ang makikita ng fans ko. Gusto niyo I will pose na ngayon like a model so that pati kayo ya' know may remembrance?" Nagpakawala pa siya ng plastik na tawa matapos magsalita.

Hindi nakapagsalita at napayuko na lamang ang mga saleslady ngunit hindi pa nakuntento si Wynnona.

"Can I hiram your phones?" Halos manginig ang mga babae nang lapitan sila ni Wynnona. Nang akmang kukunin na ng dalaga ang mga cellphone nila, humarang naman si Marie at inagaw ang mga ito.

"Ako na po, lady Wyn. Maghintay ka na lang sa labas." Kalmado ngunit parang nanay na utos nito sa alaga. Sinunod naman ni Wynnona ang utos ni Marie at nagpakalma sa labas.

Labinlimang taon ng pinagtiyatiyagaan ni Marie si Wynnona. Kahit spoiled pa rin at bitchy ang attitude ng binabatayan, batid ng tagapag-alaga na mayroon namang mga pagbabago sa kanyang alaga.

Limang taon na ang nakalipas nang magsimulang magkaroon ng pagbabago sa turingan ng dalawa. Mula sa dating yaya at alila na turing ni Wynnona kay Marie, matapos ang insidenteng nangyari sa Japan, napagtanto ng bida na two-in-one nanay at kakampi niya pala ang taga-bantay.

5 years ago...

"Lady Wynnona Ferreira, meet  your groom, Mr. Ichi Yamato."

Hindi magawang makapagsalita ni Wynnona nang sabihin iyon ni Mio. Gusto nitong sampalin ang sarili at linisin ang tainga upang masiguro ang sinasabi ng babae.

"Lady Wyn, Mr. Ichi is a world class professional sumo wrestler. He is currently the world's youngest sumo wrestler to reach the rank Yokozuna at the age of 20. His current net worth is about ¥45,000,000. Upon the deal created by your father which is agreed and sealed by Mr. Ichi, you are going to marry him at the age of 23."

Hindi pa rin maisara ni Wynnona ang kanyang bunganga lalo na nang banggitin ni Marie ang impormasyon patungkol sa kanyang diumano 'mapapangasawa'. Alam ni Marie ang ganitong reaksyon ng dalaga. Natatakot ito na baka gumawa ng eskandalo ngunit hindi niya masisisi ang dalaga sa kung ano mang isipin nito.

Kahit pa hindi nakikinig at masyadong choosy sa pagpili ng mapapangasawa si Wynnona, iniisip pa rin ni Marie na mas nakabuti sana kung pinayagan siyang sabihin ito sa dalaga.

"M-Marie?" Paglingon nito sa naaawang tagapag-bantay.

Lumapit si Mio at ang kasama niyang si Yamato upang makipagkilala nang maayos. Batid din ng lalaki na hindi makapaniwala at parang natatakot ang babae nang makita siya nito, gayunpaman, ang mga mata niya ay nanatiling seryoso at nangingilatis.

"I-I guess... We should be celebrating now because the groom and bride have already met?" Pamumutol ni Marie ngunit walang nagsalita sa magkabilang panig.

Inisiip naman ni Wynnona ang lahat ng dahilan kung bakit kailangang isang sumo wrestler pa na tulad ni Yamato ang ipakasal sa kanya.

'Dahil ba hindi ako mahal ng daddy ko?'

'Gusto ba niya akong ipapatay?'

'Akala ko ba gusto nila na magparami pa kami ng lahi?'

'Bakit sumo wrestler pa? Masisira ang buong katawan ko sa kanyaaaa!'

"Well, Miss Marie, I think they should have a handshake first." Gumawa na rin ng paraan si Mio upang mapakilos ang dalawa ngunit pareho silang matigas. "Miss Ferreira?"

"NO! Isang lalaking dambuhalang tulad niya? Seryoso ba kayo? 'Yan talaga ang ipakakasal niyo sa akin?!"

Sawakas ay nailabas na rin ni Wynnona ang gusto niyang sabihin. Lalo namang kinabahan si Marie sa naging aksyon ng alaga at sinuway niya ito.

"W-Wait... What's happening?" Tila aburidong tanong na rin ni Mio sa kanila.

"I-it's nothing. Nothing to worry about--"

"No! Marie ano ba?!" Nais sanang ayusin pa ni Marie ang sitwasyon upang walang mangyaring aberya sa magkabilang panig at upang hindi siya mapagalitan ng amo ngunit sumingit muli si Wynnona.

"Here. I'm going to say it." Napasinghap na lamang si Marie sa sasabihin ng alaga. "You," Itinuro nito si Yamato na malalamig pa rin ang mga titig na iginagawad. "You are disgusting shit!" Wala pa ring ikinilos o naging reaksyon ang lalaki sa kabila ng sinabi ng babae.

Sa tingin tuloy ni Wynnona ay hindi ito nakakaintindi lubos ng ingles kung kaya't ipinagpatuloy niya ang pag-rarant.

"You are so fat, so big, so ugly, and so... so... so ewwy! I'm not going to marry you!"

Sa puntong iyon ay lumuhod na sa harapan si Marie upang humingi ng tawad, ngunit mukhang huli na ang lahat.

"Well, actually..." Biglang nag-iba ang tono ni Mio habang palapit kay Wynnona. "Ayaw ko din naman na ang babaeng tulad mo na may ganyang ugali ay ipakasal dito kay Yam-Yam."

Parehong nagulat si Wyn at Marie sa biglang pagtatagalog ni Mio.

"And yes, you," Itinuro din ni Mio si Wynnona na tulad ng ginawa niya kay Yamato. "oo, kanina pa kita naiintindihan! Ang pangit ng ugali mo! Umalis na kayo dito!"

Habang humihingi pa rin ng tawad ay dinadampot na ni Marie ang kanilang mga gamit upang sana'y makaalis na. Pinapakiusapan rin ni Marie na humingi si Wynnona ng tawad ngunit sa halip na gawin iyon, lumapit pa ang dalaga patungo kila Mio ng nakangisi.

"You know naman pala magtagalog, why did you make usap with us in english?" Sinubukang hilain ni Marie ang alaga ngunit hindi ito nagpatinag. "Ginigigil mo talaga ako, oldie?"

Halos kumulo ang dugo ni Mio sa naging asal ni Wynnona sa kanya. Ngayon lamang siya nakasalamuha ng ganito kabastos na Pilipino sa buong buhay niya. Lagi niyang naikukuwento kay Yamato ang mga magagandang karanasan niya sa Pilipinas kasama ang mga Pilipino. Iyon ang nagtulak sa binata na sumang-ayon sa deal nila ng ama ni Wynnona.

Ngayon, parehong sising sisi sina Mio at Yamato sa kanilang naging desisyon.

"So what na ngayon? Wala ka ng--ack!"

Nagulat ang lahat ng biglang damputin ni Yamato si Wynnona nang walang kahirap hirap. Bakas sa mga mata nito na puno na siya sa mga pinagsasasabi ng babae kahit pa wala siyang maintindihan.

Dala dala ang halos manigas na katawan ni Wynnona, naglakad si Yamato palabas ng gate ng kanilang bahay. Ang kaninang matapang na dalaga ay tila natutop ang bunganga at hindi alam ang gagawin.

Sumunod na nagmamakaawa si Marie kay Yamato na ibaba ang alaga ngunit hindi nakinig ang lalaki.

Pagkabukas nito ng gate ay nagsalita ito. "Don't mess with me," malamig niyang sabi bago ihagis si Wynnona sa labas ng kanyang pamamahay.

Ang naging resulta ng sana'y pagkikita ni Wynnona at ng kanyang mapapangasawa ay nakarating agad sa kanyang ama.

Kagagaling lamang noon sa nakakapagod na shooting ng batikang aktor na si Walter Ferreira o mas kilala bilang Walter Ferrer sa telebisyon. Bago pa man niya tinawagan si Marie na kabang kaba, hindi na siya umasa na magiging maganda ang kalalabasan ng kanyang plano.

Alam niyang maarte ang kanyang anak. Naka 29 presentasyon na rin sila kay Wynnona ng mga lalaking Hapon na mayroong magandang imahe. Ang ilan sa mga iyon ay talagang kagwapuhan ngunit dahil sa kaartehan ng bida ay inayawan niya ang mga ito.

Nang magpulong ang kanilang pamilya, napag-usapan nila na sa oras na ang pang 30 na kandidato ay ayawan niya pa, ititigil muna nila ang paghahanap ng mapapangasawa ni Wynnona. Dahil sa may hula na si Water sa kahihinatnan ng pagkikita ng kanyang anak at ni Yamato, ibinilin nito kay Yamato na siya na ang bahala sakaling may gawin itong mali.

"H-Hello, s-sir?" Bakas ang takot at kaba ni Marie sa kabilang linya habang nakikipag-usap.

"Well I guess based on your tone that spoiled brat disappointed me again." Hindi nagawang sumagot ni Marie sa kanyang amo matapos itong sabihin. Imbis na magkaroon siya ng takot at baka patalsikin sa trabaho, mas nag-aalala siya sa maaaring sapitin ni Wynnona.

"Marie,"

"S-Sir?"

"I. WANT. YOU. TO. GO. BACK. HERE. ASAP."

Walang ibang magagawa sina Marie at Wynnona kundi ang bumalik sa Pilipinas at harapin si Walter. Kapwa hindi nila alam pareho kung ano ang dapat maramdaman pagkabalik sa mansyon.

Masyado silang pagod ngunit mukhang kailangan pa rin nilang magdusa.

"As expected from my perfect daughter..." Pagharap ni Walter sa kanyang anak habang hawak hawak ang isang bote ng alak, agad niya itong ginawaran ng masasamang tingin. Ang mga matang iyon ay halos patayin sa sindak si Wynnona. "You just flawlessly turned off a deal for the 30th time, and you untidied my name and the whole clan again!"

Kasabay ng pagkasabi niya ng mga katagang iyon ay ang pagbato niya rin sa hawak na alak. Tulad ng nakagawian, hindi nagpakita ng ni katiting na kahinaan si Wynnona. Unang beses na naipakita niya lamang siguro ang takot niya nang dahil sa sumo wrestler na walang kagatol gatol na dinampot siya. Ayaw niyang minamaliit siya ng ibang tao lalo na ng mga kapamilya niya.

Sa tuwing may mang-aabuso sa kanya, hindi niya pinapakitang duwag siya. Lagi siyang may ibubuga. Hindi niya gustong natatalo o nagpapatalo. Ngunit, kahit na ganoon ang kanyang attitude, hindi pa rin iyon sapat para sa kanya. Lagi na lang na sa tingin ng iba ay wala siyang maipagmamalaki.

"The search is partially over." Malamig na dagdag ng kanyang ama. "Ano ba talagang iniisip mo? Kung sana sinabi mo noong una palang na ayaw mo, at hindi na kami pinahirapan ng ganito para maghanap lang ng Hapon na mapapangasawa mo, edi sana maginhawa na ang buhay ko ngayon! Edi sana itinakwil na kita para wala na akong iniisip na palamun--!"

"Wala akong paki!" Hindi na naisip pa ni Wynnona na magdahan dahan sa pamumutol ng sinasabi ng ama. "Gawin mo kung anong gus--"

Hindi na niya naituloy pa ang sinasabi nang makita ang palad ng ama na padapo sa kanyang pisngi. Ngunit, nang imulat ang mga mata, siya ay nagtaka kung bakit hindi man lang siya nakaramdam ng pagdapo nito.

Paglingon niyang muli sa ama ay nakita niya na mayroong pumigil sa kamay nito.

"S-Sir... Huwag niyo hong daanin sa pisikalan ang anak ninyo..."

Mula noon ay hindi na napawi ang init ng ulo ni Walter sa anak ngunit nakahanap si Wynnona ng tunay niyang kakampi.

"So, did you make confiscate 'yung mga cellphone nila?" Tanong agad ni Wynnona nang makalabas si Marie sa store na pinagtitingnan niya kanina.

"Not actually, pero sinugurado kong walang trace ng mukha mo na makikita roon." Paninigurado ng babae.

"Oh, really? Dapat nagtira ka ng even ya' know, just one picture ko kanina, like nung nagpose ako sa kanila.... That's so, so flawless!" Masiglang sabi ni Wyn na hindi na lang pinansin ni Marie.

"Anong plano mo ngayong araw?" Tanong ni Marie nang makapasok sila sa loob ng kotse.

"Hmm, maliban sa I'll have you as my ya' know, photographer ulit kasi nga I plan to have like a photoshoot... Tapos..."

"Paano yung acting workshop mo mamaya? Don't say na hindi ka na naman aattend?" Pagpapaalala ni Marie sa alaga niya. "Lady Wyn, if hindi ka umattend ulit mas lalong maiinis sa'yo si Teacher Carol mo."

"So? Lagi naman iyong mad sa whole earth--Ay!"

Nabigla ang dalawa sa pagpreno ng kanilang driver. Mukha yata kasing may muntikan itong nasagasaang pusa. Dahil sa pagiging soft-hearted ni Wynnona sa mga pusa, inutusan niya ang driver na magcheck sa labas ng sasakyan.

Habang hihintay nila ang pagbalik ng driver, napadungaw na lamang sa bintana si Wynnona at nakita ang tila flashmob ng crowd sa labas. Hindi niya gaanomg maaninag ang mga taong nasa loob ng flashmob ngunit ang hinala niya'y may kinalaman ito sa pagpapasagot ng babae.

"So ewwy. Cringe."

"Wh-What?!"

Napalingon na lamang bigla si Wynnona kay Marie nang mag-overreact ito sa kung ano mang nabasa sa telepono.

"Problem mo? Anong meron?" Pataray ngunit curious na tanong ni Wynnona.

"L-Lady Wyn..." pabulong na paninimula ni Marie. "s-si ano po..."

"Si?" Kaunti na lang ay mauubusan na ng pasensya si Wynnona sa tagapag-bantay.

"Si ano... Mr. 5 years ago..." Napaisip pa si Wynnona kung sino ngunit sa sobrang bagal pumick-up ng utak niya ay hindi niya ito mahulaan.

"Anong Mr. 5 years ago? Pwede bang i-cut mo na? Go to the freakin point!" Iritable nitong sagot.

Nang hindi agad magsalita si Marie ay siya na ang humablot sa telepono nito. Binasa niya ang headline ng nakabukas na article, at hindi namalayang nahulog na pala ang kanyang panga.

"Lady Wyn, maayos lang po yung pusa. Alis na po tayo." Sa kalagitnaan ng kanyang shock sa pagbabasa, hindi niya namalayang nagmamaneho na pala ang driver.

"So... WHAT. THE. FREAK?!" Walang ibang masabi si Wynnona.

Ang tanging magagawa lamang niya ay ang walang sawang pagtitig sa picture ng isang sobrang hot at mala-modelong banyagang lalaki na nasa picture. Ayon sa article, ang lalaki ay kasalukuyang pinalilibutan ng flashmob. Ayon pa rito, siya mismo ang nagplano ng flashmob upang isorpresa ang kanyang nililigawan.

Sa sobrang pagka-focus niya sa pagtitig sa picture, ay saka niya lang narealize na ang flashmob na tinutukoy sa article ay ang kaninang tinawag niyang 'so ewwy at cringe'.

Pagkalingon niya sa lugar na pinagganapan, nakita niyang tila tapos na ang surprise, at malamang ay wala na rin doon ang lalaki.

Ngayon lamang nagkaroon ng ganito kalaking panghihinayang ang dalaga. Ni hindi nga niya mapick-up agad ang lahat ng impormasyong kumakalat ngayon sa social media. Iniisip pa lamang niya kung gaano na karami ang magkukumahog sa lalaki, ay nauubusan na siya ng pag-asa upang maka-usap siyang muli.

Maraming prinsipyo ang babaeng tulad ni Wynnona upang maghabol ng lalaki. Sa dinami rami ng prinsipyong iyon ay wala pa siyang hinabol na lalaki sa tanang buhay niya.... hanggang sa oras na makita niya ang article.

Paano ba naman kasi?

Ang Mr. 5 years ago na dati niyang ininsulto... ngayon ay isa ng hotie.

Si Mr. 5 years ago na dati niyang kinatatakutan.... ngayon ay mukha ng softie.

Si Mr. 5 years ago.... na si Ichi Yamato ay narito sa Pilipinas, at hindi na bilang isang sumo wrestler, kundi bilang isang kabaligtaran ng kanyang nakaraan.


Ngayong nagkaroon na ng malaking pagbabago si Yamato at napakalapit na kay Wynnona, paano sila lalaruin ni tadhana?


--

Ps. Hope you Enjoy reading po! Votes and comments are highly appreciated ♥ God bless y'all!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top