Special Chapter
Nangako ako sa isang reader na kapag tumungtong tayo ng 500 followers dito sa wattpad ay mag-uupdate ako ng special chapter and here it is!! Enjoy!! “ψ(`∇´)ψ
***
Special Chapter
I grimaced when I felt the pang from the thorn of the rose I was trying to pluck.
"You're so careless, Beauty." Inagaw ni Adam ang kamay ko para matingnan ang daliri.
I sighed. Sinabi ko, doon siya mamitas sa malayo dahil nagsasawa na ako sa pagmumukha niya! Kanina pa siya sunod nang sunod sa akin, kaunting galaw ko, pinapansin niya.
"Kaunting dugo lang 'yan." Sinubukan kong agawin ang kamay pero hinigpitan niya ang hawak dito.
My eyes widened when he slowly lifted my hand to suck the blood out of my finger.
"Adam!"
"That's good enough." Binalik niya sa akin ang kamay ko pero hindi nawala ang sama ng tingin ko sa kaniya.
"Kadiri ka!" Iritado kong sigaw kahit na ilang beses naman na kaming naghalikan dati.
Hindi naman nakakadiri, gusto ko lang itago ang kilig dahil paniguradong aasarin niya ako kapag ipinakita ko sa kaniya iyon. And I hate it! I always feel like a cornered mouse trap from the claws of a kitten whenever he tease me.
"Halikan kita diyan." Nakangising banta niya. Inikot ko nalang ang mata at tinalikuran siya dahil alam kong namumula na ang buong pagmumukha ko.
"Kinikilig ka 'no." Pang-aasar niya.
Ugh! Ano bang nangyari sa masungit na Adam na nakilala ko?
"Shut up!"
"Your neck and cheeks must be red." He continued.
"Sige! Ituloy mo 'yan! Hindi talaga kita sasagutin!" Ako na ang nagbanta dahil sa sobrang pamumula.
Natahimik siya roon. I smirked. That's his weakness. Ito ang isa sa rason bakit hindi ko pa siya sinasagot sa kabila ng ilang buwan niyang panliligaw. Dahil nagagamit ko pa ang kapangyarihan ko laban sa kaniya!
Ilang minuto niya akong hindi ginulo kaya ilang minuto ring naging payapa ang kapaligiran ko. I was hummng as I walk aroud the greenhouse of his mansion when I felt his presence looming once again behind me.
Tumigil ako sa paglalakad at nilingon siyang sinusundan nanaman ako. He turned his back and pretended to observe a certain plant. Napailing nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad pero pinaglihi yata 'to sa aso ngayon dahil sinundan nanaman ako!
"Ano bang gusto mo?" Tuluyan ko na siyang nilingon.
"What?" He innocently asked.
Nanatili ang sama ng tingin ko sa kaniya. He sighed, defeated. Tinuro niya ang isang bench malapit sa pinto ng greenhouse.
"I'm tired of walking, Beauty. Let's sit there."
Tsk. I know what he wants once we sit on that chair.
"Eh 'di umupo ka do'n." Simple kong sabi.
He pursed his lips and looked at me coldly. He doesn't want that. He wants me to go with him. I sighed and started to walk near the bench, I heard his victorious sigh behind me.
Umupo ako sa upuan at gaya ng inaasahan ay tumabi siya sa akin na sobrang dikit kahit na ang dami pa namang espasyo sa gilid niya.
"Beauty—"
"Fine." I rolled my eyes, a smile formed on his lips. He scooped me up like a child and made me sit on his lap. Kung makaalsa siya parang ang gaan-gaan ko, well I'm not shock, he's huge, ni hindi nga umabot ang paa ko sa sahig ngayong nakaupo na ako sa hita niya, nakalutang lang ito sa ere.
He nuzzled on my neck and rested his face on my shoulders. Hinayaan ko nalang siya dahil ganito naman siya dati— halik nga lang ang hinihingi niya pero dahil nanliligaw pa siya ay ito lang muna. I didn't know he was this clingy, like a child. He's cute though.
Although there were times he didn't know his boundaries. Paano ba naman kasi, kahit ang daming tao gusto pa rin magpalambing. Nakakahiya! Pero mukhang makapal yata ang mukha dahil ayaw paawat kaya sa tuwing nag-aayaya siyang lumabas, sinasabi ko nalang na sa mansiyon niya kami magkita, tutal at mukhang mall naman din ito sa laki. Hindi naman siya nagrereklamo dahil nagagawa niya ang gusto niya kapag kaming dalawa lang.
"Adam?"
Hindi siya sumagot. I softly sigh, he's asleep. Nakakatulugan niya na ang balikat ko palagi, I sometimes wonder if he ever get to sleep peacefully at night? Palagi kasi siyang pagod kapag magkasama kami.
Bumaba ang mata ko sa kamay naming magkahawak. His two hands were wrapped around my small hands, halos matago na ang kamay ko dahil sa laki ng kamay niya. He can even hurt me with this kind of hand but he chose to hold me gently
Ang bigat niya pero hinayaan ko siya. His body's heat felt so comforting, it felt like home.
"Mas—"
Nanlaki ang mata ko nang magtama ang nata namin ni Lumiere. His eyes widened when he saw our position and I panicked. Umamba akong tutulakin si Adam palayo sa akin pero kumaripas ito ng takbo. Wala naman siyang kasalanan!
Adam groaned, my move must've woken him up. Akala ko ay lalayo na siya nang tuluyan pero napaigik ako nang alsahin niyang muli ang baywang ko para mapaayos ako ng upo sa hita niya. Bumalik siya sa dating puwesto and I sigh, silently hoping no one will barge in again.
"Doon ka sa kuwarto mo matulog." Mahina kong sabi.
Hindi siya nagsalita. Bumuntong-hininga ako.
"Adam." Tawag ko dahil ayaw kong may makahuli sa amin! I may not find it cringe but some people might! Baka mandiri sila and I don't want that! Also, it feels . . . intimate. Kaya nga mas gusto ko sa close space nalang, eh, pero tinatanggihan niya parati.
"I can't sleep there, Beauty." Reklamo niya dahil inuuyog ko na ang braso niya.
"Sasamahan naman kita."
"No."
Ilang beses na niya akong tinanggihan! Bakit ba ayaw niyang pumunta ako sa kuwarto niya? Nakapunta naman na ako roon noong unang punta ko rito! Pero simula nang niligawan niya ako, ayaw niyang pumupunta kami sa kuwarto. Napakaarte.
"Adam, baka mahuli—"
"I gave them a warn."
"What if there's an emergency and they don't have choice but to—"
"Tsk. They know no one's more important than you." Masungit niyang putol, halatang sabik na mapatahimik ako para lang makatulog siya ulit.
"Doon na lang kasi tayo sa kuwarto—"
"Shut up or I'll kiss you." Mahinahon niyang sabi kahit na halatang iritado na.
"Seryoso ako dahil aya—"
He cut me off with a bruising kiss. I jolted when I felt his lips biting my lower lip, I could feel his slight rage from the kiss and I hate to admit it, but I kind of like it.
Hinihingal akong dumilat nang tuluyan siyang kumalas. His lips was red as he looked at me. Mapupungay ang mata niya at halata ang pagod kaya doon ako natauhan.
"I'm sorry for the blood."
Nalilito ko siyang tiningnan. "Huh?"
His thumb brushed my lower lip and that's when I realize that there was a slight blood from it! Kaya pala may pait akong nalasahan, dugo ko pala iyon!
I glared at him. He smirked.
"Nakakadalawa na ako, hindi mo pa nga ako sinasagot." Mayabang niyang saad kaya mas lalong sumama ang titig ko.
"Makapal kasi pagmumukha mo."
Napawi ang ngisi niya sa sinabi ko, humalakhak ako. Pikon!
"Huwag kang tumawa, halikan kita diyan." Banta niya.
"Tsansing ka!"
Ngumisi siya kaya inikutan ko siya ng mata. Ang halimaw! Mas lalong natuwa dahil sa ginawa ko! Umaba akong tatalon para makatayo na pero nahuli niya ako.
"Adam! Tama na! Nakatulog ka na!" Reklamo ko dahil nakakainip na matulala lang sa kawalan habang siya ay tulog.
I want us to do something or even talk, ayaw kong natutulog siya.
"Hindi pa 'yon sapat." Buntong-hininga niya.
"Nakakainip." Reklamo ko.
"Anong gusto mo?" He cocked his head to the right.
I stared at his face, at his scar. Ilang minuto akong natulala sa pagmumukha niya dahil sa lapit namin kaya natauhan ako nang ngumisi siya ng nakakaloko.
Hindi ko kasalanan na ang guwapo niya!
Umiling ako at bumuntong-hininga. He pinched my waist and I glared at him. Kung makaasta siya parang kami na, ganito ba siya manligaw ng babae? Pakiramdam ko kung wala lang akong kontrol sa sarili ay naikama na niya ako sa unang araw palang ng panliligaw niya, paano ba naman kasi, nakakawala ng bait ang mga hawak niya!
"I want us to do something." I said honestly.
Mas lalong naging malapad ang ngisi niya. His smile was malicious and my eyes widened at that.
"Bastos ka! Ganito ka ba manligaw?!"
"What? I did not think of anything bad! Ikaw lang naman itong nag-iisip ng ganyan!" Tawa niya kaya mas lalong nasira ang mukha ko.
"Ewan ko sa 'yo! Bukas na tayo magkita!" Tumayo ako pero hinila niya ako kaya napaupo ako ulit sa kandungan niya.
Gusto ko lang naman na mag-usap kami tapos gaganituhin niya ako? Mas mabuti pang bukas na kami magkita!
"I'm sorry, Beauty. What do you want us to do?" He asked, trying his best to be serious even when I could see him forcing his lips to purse despite rising a little bit.
"Mag-usap lang."
"Ng ano?" Nagtaas siya ng kilay.
Hindi ko alam!
Hindi ako nakapagsalita dahil wala rin akong maisip na puwede naming pag-usapan. He chuckled at that, I sighed.
"How was your day?" He initiated the first conversation.
"It was a bit bad. I met a person online who hates my works to the core. And I discover that she's a writer as well." Paninimula ko, he stared at me as he listened intently.
So I told him everything about this person online. Hindi naman siya nagsasalita kaya patuloy ako hanggang sa umabot ito kung saan-saan.
"Who's Kai?" Iyon ang napansin niya sa lahat ng kuwento ko.
"Kaibigan ko nga." Ulit ko dahil pangatlong beses niya nang tinanong ito.
He sighed and nodded but I could feel him getting distracted.
"Nakikinig ka?" Tanong ko sa gitna ng pagkukuwento ko dahil mukhang nakatulala lang siya sa mukha ko.
"Yes, Beauty. I'm listening."
"How did I met Rori?" I tested him.
He gulped and avoided his eyes. "Sa kalsada . . ."
I glared at him. Si Kai ang nakilala ko sa kalsada hindi si Rori!
"Sa mall?"
I shook my head in disappointment. He bit his lower lip.
"Sa bahay?"
Mas lalong sumama ang mukha ko. Ang dami kong kinuwento! Huwag mong sabihing hindi siya nakinig?! Nag-aksaya lang pala ako ng laway!
"Hindi ka nakinig." Buntong-hininga ako.
"Nakinig ako! Alam kong nagkakilala kayo ni Kai sa kalsada dahil namukhaan ka niya. He was your first man fan dahil halos lahat sila baba—"
"Iyon lang ang alam mo?"
"Alam ko naman na sa una mong book signing nadisappoint ka dahil wala si Kai."
"Hindi lang si Kai 'yon! Wala rin si Rori!"
He sighed and looked at nothingness.
"Labas tayo." Aya niya biglaan.
"Saan tayo pupunta?"
"Sa kalsada."
"Adam." Seryoso kong tawag.
"Just kidding. Where do you want to go?" He chuckled humorlessly.
"Pagod na ako gusto kong magpahinga." Totoo iyon dahil sawa na ako sa mga mall dito.
"You can rest on my shoulder." He offered.
"Gusto kong humiga, Adam."
"You want to go home?" He asked softly.
"Doon nalang sa kuwarto mo. May kama ka naman 'di ba?"
It was an attempt. Maybe . . . just maybe . . . he'll learn to sleep on bed again. Dahil ayaw kong ganito nalang siya palagi na pagod kapag magkasama kami. He always end up sleeping on my shoulder whenever we're together, palagi rin siyang pagod. I know it, because he always text me in the middle of night, saying random things or checking if I'm awake.
Tapos kapag ni-rereplyan ko siya, papagalitan niya ako dahil gising pa ako. Eh 'di sana hindi siya nagtext!
"Iuuwi kita." Aniya.
"Pagod ako, Adam." Reklamo ko.
"Then I'll carry you."
Ayaw niya talaga!
"Bakit kailangan pa? May kuwarto ka naman."
"May kuwarto ka rin naman." Seryosong sabi niya.
"Malayo nga."
"Kung pagod kang maglakad, bubuhatin kita papunta sa sasakyan."
I glared at him. Bukod sa ayaw ko iyon dahil ang tanda na namin para sa gano'n ay pagod na rin talaga akong maglakad dahil ang layo ng greenhouse nila sa labas ng gate. Mga ilang kilometro pa yata ang lalakarin. Gano'n kalaki ang mansyon niya.
"Sige, umuwi na tayo." Kalmado kong sabi kahit na iritado na ako.
Hindi na niya ako pinigilan nang umalis ako sa kandungan niya. I stood and turned my back on him so I could walk away. Hindi ko siya nilingon, diretso lang ang lakad ko, nagpopokus sa destinasyon na pupuntahan ko.
Nang tuluyan kaming makalabas sa gate ng bahay niya ay bigla niya akong inunahan. Kumunot ang noo ko pero nang pagbuksan niya ako ng pinto ay doon ko napagtanto bakit.
Hindi ka marupok, Arabelle. Don't be defeated. Galit ka.
Pumasok ako sa loob nang hindi siya sinusulyapan. Hindi rin siya nagsalita nang pumasok sa sasakyan. Usually, when we're inside his car, I would initiate and talk to him about random things but this time, I didn't, kahit kating-kati na ang dila kong makausap siya ay nanatili ako sa posisyon kong galit nga ako.
Why? Does he not trust me yet?
Sulyap siya nang sulyap sa akin pero nanatiling nakatikom ang bibig ko. Itinuon ko nalang ang atensyon ko sa kalsada.
Biglaang tumunog ang telepono ko sa bag kaya kinuha ko ang bag ko na nasa likod ng sasakyan niya para makuha ang telepono sa bag.
It was Kai who's calling. Sinagot ko ito.
"Kai?" I answered and looked at the road.
"Hi, Arabelle! About the manuscript. Kailan tayo pwede magkita para maasikaso na natin lahat?"
"Sino 'yan?" Medyo malakas sa normal na tono ang boses ni Adam. Halata naman kung sino!
"Oh! May kasama ka?" Si Kai sa linya, I glared at Adam.
"Oo. Pero pwede tayo bukas magkita." Sabi ko kay Kai.
"Beauty, we have a date tomorrow." Malakas pa rin ang tono niya, gusto yatang marinig ni Kai.
"Hala! Omg?"
"Wala kaya!" Tanggi ko sabay baling kay Adam para masamaan siya ng tingin.
"Eto ba 'yong chinika ni Rori na Papa raw ang atake?" Kinikilig na usal ng lalake, napaikot ang mata ko. Mabuti nalang at hindi ito naririnig ni Adam dahil nakakahiya ang pinagsasabi ni Rori sa kaniya.
"May date kami bukas!" Si Adam habang nagda-drive.
"Wala!" Tanggi ko.
Kai giggled and I shook my head. He's probably gonna inform Rori about this. Tapos ang bruhita ay guguluhin nanaman ako mamayang gabi.
"May date tayo bukas!" Giit ni Adam, parang bata!
"Sino bang nanliligaw sa ating dalawa?!" Iritado ko na siyang hinarap. Akala niya hindi ko nakalimutang tinanggihan niya ako kanina!
"Ako." Sagot niya.
"Sinong masusunod?"
"Ikaw."
"Iyon naman pala! Wala tayong date bukas!"
"Mayroon. Susunduin kita bukas, mga alas otso." Ang tigas ng ulo!
Humalakhak si Kai kaya napahilot ako sa sintido ko.
"Hindi kita sisiputin!"
Tumigil ang sasakyan. Thank god! Pinatayan ko na ng tawag si Kai dahil naiirita na ako. Lumabas ako ng sasakyan bago paman siya makapagsalita para makapasok na ako. I was about to open the gate when he held my arms. Inis ko siyang binalingan.
"Is it that important?" Mahinahon niyang tanong.
Hindi naman. Pero galit ako. Pakiramdam ko kasi unti-unti kong binibigay ulit ang lahat ko sa kaniya pero siya, hindi pa siya handang tuluyang magtiwala sa akin. I understand him, I do, I really do, but . . . there were just times I want him to open up to me again. There were just times I want to help him lessen all his burden. I want to be there for him. I want to understand him more. Paano ko siya matutulungan kung patuloy siyang magkakaroon ng pagdududa?
Sa ilang buwan na magkasama kami, ni hindi niya naikuwento sa akin kung ano ba ang nangyari sa kaniya sa loob ng limang taong nagkahiwalay kami.
On the other hand, I told him everything. The voices I used to hear in my head, or even sometimes at night. The trauma I had, the happy memories, the sad memories, the pain, the joy, everything. He knew them all.
"This is my first time courting a woman." He admit, as if I didn't know that.
"Alam ko."
"And I don't know a lot of things yet. I know . . . you want me to open up. But I'm still . . . I'm still readying myself for that time."
Hindi ako nagsalita.
"This is also my first time pursuing a woman." He sighed. "And I'm sorry if there were times I'm overstepping my boundaries as your suitor."
I bit my lower lip. Hindi ako nagsalita dahil pakiramdam ko unti-unti akong natutunaw sa asul niyang mga matang nakatitig sa akin na para bang ako lang ang tao sa mundo.
"I know I don't have any right. But I can't . . . I just can't control my jealousy. I'm sorry for that." Napayuko siya kaya tuluyan nang napawi ang galit ko.
"You have the right to get jealous." Lumabas nalang iyon sa bibig ko.
Napaangat siya ng tingin kasabay ng panlalaki ng mata niya. Pinanliitan ko siya ng mata dahil ang bilis magbago ng emosyon niya. I could even see stars twinkling on his eyes. I may be exaggerating it but that's what I'm seeing right now.
"So may date nga tayo bukas?" He asked with a smile, hinampas ko siya kaya humalakhak siya. I sighed and laughed at his contagious laugh.
I accept my defeat. Marupok ka nga, Arabelle.
🥀
Thank you po sa 500 followers ko!! I hope you enjoyed reading!! See you on CAS #2 soon (Cinderella inspired theme, about Ci) !! (T▽T)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top