Dear Diary
Dear Diary,
Lumaki ako sa mansyon na 'to na walang kamuwang-muwang sa mundo, noong una, ang akala ko'y tanging asul at itim na mata lang ang mayroon sa tao ngunit nang makita ko siya, hindi ako mapakaniwalang mayroon siyang kulay-abong mga mata! Tiyak akong papagalitan ako mamaya ni Adam sa oras na malaman niyang tumakas ako sa mansyon namin pero hindi niya ako masisisi! Naiinip na ako sa bawat sulok ng mansiyon namin, at . . . iniiwasan ko rin siya. Ayaw ko siyang makita. Ayaw kong makita niya ako. Ayaw ko sa kaniya. Sana maintindihan ito ni Adam.
Love,
Cara
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top