Chapter XII

Chapter XII

Her

Naningkit ang mata ko nang makita ko siyang kinuha ang tinidor para kumain ng cake!

I thought I heard that he doesn't like sweets? Bakit siya kakain?

I cannot believe it! Sinubo niya! Ang cake! Is that how precious Evelyn's gift is? That he's willing to eat it despite disliking sweets?!

I glared at Adam. How I hate him! Tinalikuran ko na siya at magmamartsa na sana paalis nang matigilan ako sa pagharang ni Evelyn.

"Oh dear. Poor you, are you hurt that he's willing to eat my cake despite disliking it?" She smirked and glanced behind the half-opened door.

"Anong pake ko kung kainin niya?" I pretended not to be affected.

Her brows went up, obviously mocking me for lying but I will stand my ground because at the end, it's only me who knows the truth, not anyone else. So I'll take advantage of the truth that I know and try to manipulate it with my actions.

"Hmm . . . I don't think you're not affected. Kanina ka pa nakatayo diyan, pinagmamasdan si Adam."

Nagtaas ako ng kilay, "well because I was expecting you'd poison him. That would be an exciting sight." I smirked.

"I'm not crazy like you, bitch." She said mockingly.

"And I'm not desperate like you, wench." I said confidently.

Her eyes widened and she let out a disbelief laugh before attacking. Ramdam ko ang sakit ng pagsabunot niya sa buhok ko. Huh! I'm not some damsel in distress! You bitch! Inatake ko siya ng kasingsakit na pagsabunot.

She cried loud and let go of my hair but I didn't. She started it and I have no plan in ending it!

"Arabelle!" Malakas na kulog ang narinig ko.

He thought I would let go and be scared of him? No! It was her fault so she should take responsibility for it!

Mas hinigpitan ko ang kapit sa buhok niya at sinubukang alisin ito sa anit niya. Hindi ako titigil hangga't hindi ko nakakalbo ang babaeng 'to! She scratched my arms, I know a blood formed because of her long nails so I might as well finish her hair! I'll make sure no strands of hair is left on her scalp!

"Arabelle! Tigilan mi na yan!" Mainit na kamay na ang bumalot sa kamay ko. I tried to shoo it away but he's too strong.

"Bitiwan mo ako! Sinimulan niya 'to kaya paninindigan niya!" Galit kong sigaw sa lalake.

"Stop!" Hagulhol ni Evelyn, ahh . . . what a music to my ears.

"Papatayin ko si Maurnine kung hindi mo 'to ititigil!"

Doon ako natigilan. How dare he! How dare he use my father to this! Dahil sa gulat ko ay hindi ko namalayan ang lagapak ng sampal ni Evelyn sa pisngi ko.

"Evelyn!"

"You bitch! You ruined my precious hair!" Hikbi niya.

Halos hindi pa ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa lakas ng sampal niya ay hinila na ako ng lalake paalis sa lugar doon.

Natauhan lang ako nang makapasok kami sa isang silid na hindi ko kilala kanina, kaagad kong hinablot ang kamay ko at galit siyang tiningnan.

"Ano'ng karapatan mong gamitin si Papa!" Galit kong sigas sa kaniya.

"Ano? Kasalanan ko pa na hindi ka nakikinig sa akin?!" Galit niya ring sigaw.

"Hinayaan mo na lang sana kami!"

"How could I?! You'll end up killing her!"

Hindi! Makalbuhan ko lang siya, titigil na ako! I know my limitations!

Instead of saying those things, I glared at him.

"Sa susunod na sabihin kong tumigil ka na, tumi—"

"Anong akala mo sa akin?! Sunod-sunuran?!" I cut him off angirly.

He scoffed. "Ikaw itong sinabihan akong kontrolin ang emosyon ko, ni ikaw nga hindi mo kayang kontrolin sarili mong emosyon!"

"Huwag mo akong ikukumpara sa 'yo! Kaya mong pumatay ng tao ako hindi!" Dahil sa galit ko, hindi ko na namalayan ang lumabas sa bibig ko.

Natigilan siya, natigilan din ako. Nanlaki ang mata ko at umusbong ang takot sa katawan ko nang makita ko kung paano nagbago ang ekspresyon sa mga mata niya.

"Anong sabi mo?!"

Napaatras ako bunga ng takot at hindi nakapagsalita. Ngunit hindi ako magpapatalo sa kaniya.

"Mamatay tao ka—" napasigaw ako nang may inihagis siya na kung ano sa gilid ko.

"Bawiin mo!"

"Tingnan mo?! Kaya mo akong patayin ngayon!" Sigaw ko gamit ang natitira kong tapang.

Doon siya tuluyang natigilan. Ang mabilis niyang paghinga ay napalitan ng gulat at ang ang mistulang nangigitim niya na mga mata ay bumalik sa kulay asul na para bang nabuhusan siya ng malamig na tubig.

"H-Hindi ako mamatay tao." Nanghihina niyang sabi, hindi ko alam kung ako ba ang kausap niya o ang sarili niya.

Natahimik ako habang kumuyom naman ang kamao niya.

"Hindi ako mamatay tao." Ulit niya sa sarili niya at tiningnan niya akong mabuti. "Hindi ko kayang pumatay ng tao." Ulit niya sa akin.

Nanginginig pa rin ako sa takot kaya hindi ako nakapagsalita.

"Hindi ko kayang pumatay ng tao." Umiling siya, tila kinukumbinsi ang sarili. Humakbang siya papalapit sa akin ngunit humakbang ako palayo sa kaniya.

He's in his vulnerable state right now, I might as well take advantage of it.

"P-Pakawalan mo si Papa. Maniniwala akong hindi ka mamatay tao."

Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko pero nanatili akong malakas. This is my only chance, if I die, I die, I wouldn't lose this opportunity just because of fear.

"Kung hindi mo p-papakawalan si Papa, habang-buhay kong iisipin na mamatay kang tao a-at kaya mo siyang patayin. K-Kaya mo kaming patayin." Pagpapatuloy ko.

Naramdaman ko ang panghihina niya.

"Hindi ako mamatay tao, Arabelle. Hindi ko k-kaya." Iling niya sabay pikit, paulit-ulit na kinukumbinsi ang sarili.

"H-Hindi ako naniniwala." I clenched my fist.

Nag-angat siya ng tingin sa akin and our eyes met. I saw his bloodshot eyes and for a moment, I want to take back my words. He looked so . . . hurt.

"Bakit hindi mo ako kayang paniwalaan? Bakit . . . ayaw niyo akong paniwalaan?" Nanghihina niyang sabi. "H-Hindi ako mamatay tao."

I caged my heart and let my rationality rule over my decision.

"Pakawalan mo si Papa, maniniwala ako sa 'yo." This time, I said it loud and clear.

His jaw clenched and we stared for a minute. I did not dare breath, he did not back down. It's a matter of time and braveness and I will not let him win. Never.

"If I . . . let him go. Will you believe me?" He asked quietly.

"Yes." I said without hesitation.

Tumango siya. "I'll set him free then."

Doon ko lang hinayaan ang sarili kong makahinga muli. Tinalikuran niya ako at lumabas na sa silid habang ako'y napasalampak sa sahig bunga ng kawalan ng lakas.

I did it! I finally did it!

But why do I feel guilty?

Iniling ko ang ulo ko at inialis sa isipan ang guilt na nararamdaman. Didn't you see, Arabelle? That man is a murderer! Huwag kang maniniwalang hindi siya mamamatay tao!

He's just guilty! Kaya pinagpipilitan niya! Ang mahalaga, nauuto siya!

Tumango ako sa naisip at kinalimutan na lahat ng guilt na nararamdaman. This is for the better, Arabelle. This is for your father.

At kapag tuluyan na ngang nakawala si Papa. Ako na ang tatakas.

🥀

"Master! Bakit mo siya balak pakawalan?!" Narinig kong malakas na reklamo ni Lumiere.

Natigil ako sa paglalakad at nanatili sa kinatatayuan.

"Kapag pinakawalan mo siya, sa tingin mo ba mananatili siya rito?! Iiwan ka niya!"

Nilingon ko ang pinanggalingan ng tunog at nakita ang nakaawang na pinto sa kuwarto ni Adam.

"Pag-isipan mo ng mabuti! Huwag kang papadala sa emosyon! Pakiusap!"

Why is Lumiere so desperate to make me stay?

"Bukas, papakawa—"

"Hindi puwede!"

"Lumiere, huwag mong kakalimutan ang posisyon mo sa pamamahay na 'to." Seryoso niyang usal, kinuyom ko ang kamao ko.

"Kapag nakawala si Arabelle at mabalitaan ito ng Papa mo, sigurado akong delikado ang buhay ni Cara! Mauunahan ka niya sa paghahanap!"

Right. It's not all about me, it's all about Cara and her safety.

"I'll handle that, Lumiere."

"Pero Master!"

"Lumabas ka na! Gusto kong magpahinga!"

Bago pa man ako mahuli ay dali-dali na akong tumakbo sa silid ko para magkulong. Kaagad kong ni-lock ang pinto at sinandal ang likod rito, ramdam na ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko.

Why is Cara's life in danger?

Diary! Babasahin ko ang Diary niya! Hindi pa ako natapos sa pagbabasa! I'm sure there's an answer to every question!

Kaya umupo ako sa kama at sinimulang basahing ang diary ni Cara. I know I am invading her privacy but I will make sure that before she ever comes back, we will never meet again. This is at least to make up for invading her privacy. I won't ever look for her. Or perhaps because of guilt?

Hindi ko namalayang habang papatagal nang papatagal ako sa pagbasa ay ang siyang pagbigat ng talukap ng mga mata ko. At tuluyan na ngang naging madilim ang paligid.

Malakas na kalabog ang siyang nagpagising sa akin sa pagkakatulog. Kaagad akong bumangon at tumakbo papalabas, malakas ang pintig ng puso at takot sa kung anong maaring nangyari.

The crashing of glasses and the loud bang of wooden things all led me to the Beast's room. Hindi ko alama kung bakit, siguro'y dahil hilo pa ako galing sa pagkakatulog, kaya namalayan ko nalang ang sarili kong nasa loob ng kuwarto ng halimaw, estatwa at hindi makapaniwala sa mga nagkalat na gamit sa sahig.

"Hindi ako mamatay tao!" Hinihingal niyang sigaw sa kawalan. Hindi ko makita ang pagmumukha niya ngunit base sa pagtaas-baba ng likuran niya, alam kong hinahabol niya ang hininga niya.

My eyes went down to his hands and I gasped at the sight of his own blood. His fist were clenched tight and I know that inside that fist was a broken glass.

"Tumigil ka nga! Mauubusan ka ng dugo kung ipagpapatuloy mo 'yan!" Hindi ko na napigilan ang sarili at hinablot ang kamay niyang duguan.

Natigilan siya nang makita ang presensya ko ngunit hindi iyan ang problema ko. Ang kamay niyang duguan ang siyang inaalala ko. Malaki ang kamay niya at walang-wala kung ikukumpara sa manipis at maputla kong kamay ngunit sinubukan ko pa ring buksan ang kamao niyang nakakuyom para lang maialis ko ang bubog sa loob.

"Beauty." He called in shock.

"Buksan mo!" Galit kong utos.

Hindi siya gumalaw, nanatili ang pagkakakuyom ng kamao niya kaya galit ko siyang sinipatan

"Buksan mo! Isa!"

He unclenched his fist, ramdam ko ang panghihina ng kamay niya. I gasped at the amount of blood that dripped on his arm, it travelled down to my forearm and yellow dress. That's how severe his wound is.

I heard a gasped. "Anong nangya—"

"Bigyan mo ako ng alcohol at bandage, Lumiere." Putol ko sa kaniya, nanlaki ang mata niya.

"Alcohol? Hindi ba puwedeng beta—"

"Isa!"

Kumaripas siya ng takbo palabas. I huffed and looked back on his dripping hands, napakaraming dugo! Minamantsahan niya na pati ang sahig!

"Napakatanga mo." Iritado kong sabi at hinila na siya papunta sa kama.

Hindi siya umimik at hinayaan niya lang ako kaya nanatili ang hawak ko sa kamay niya habang hinihila ko siya. Pinaupo ko siya sa kama at umupo ako sa tabi niya, nakakunot ang noo'ng pinagmamasdan ang lalim ng sugat niya.

"I'm sorry." He quietly said.

"Damage has been done. Sinira mo ang tulog ko." Iritado kong sabi, nanatili ang mata sa sugat niya.

Mabuti naman at madali lang na nakabalik si Lumiere. Binigyan niya ako ng emergency kit kaya kumunot ang noo ko.

"Ano bang inuutos ko sa 'yo?" Nagtitimpi kong tanong sa hinihingal na si Lumiere.

"Alcohol at—"

"Oh eh bakit ito ang binigay mo?" Iritado kong tanong kaya namutla siya at hindi nakapagsalita.

Nagpipigil na ihagis ang box sa pagmumukha niya, binuksan ko ang box at tinapon lahat ng bagay na hindi mahalaga sa sahig. Una kong hinanap ang alcohol.

"Bakit alcohol! May betadin—"

Naputol ang sasabihin ni Lumiere nang binuhos ko nang walang pag-aalinlangan ang alcohol sa sugat ni Adam. Adam hissed and avoided his face on his cut.

"Kasalanan mo 'to. Tatanga-tanga ka kasi." Asik ko.

"T-Tama na!" Kung makaiyak si Lumiere parang siya ang binubuhusan ko ng alcohol.

Hindi ako nakinig sa hinaing ni Lumiere. Hindi rin naman nagreklamo si Adam kahit na ramdam kong nasasaktan siya sa walang puso kong paggamot sa sugat niya.

He should regret by now why he hurt his self.

Nag-angat ako ng tingin kay Adam at nakita ang ekspresyon niyang nagpipigil. His jaw was clenched hard along with his other fist. He's looking at nothingness but his eyes betray the pain he's feeling. I sighed and calmly wrapped the bandage around his fist. This time, I made sure not to be so rough.

Narinig ko pa ang maluwag na paghinga ni Lumiere na tila ba ngayon lang siya nakahinga sa pagmamaltrato ko kay Adam.

"Sa susunod kapag may plano kang saktan ang sarili mo, siguraduhin mong wala ako." Payo ko.

But that's impossible since I will now be always there, making sure he will not hurt himself once again.

"Okay." Maliit ang boses niyang sabi.

I rolled my eyes and looked at the mess he made. Every single thing except for the vases on the table were put on the floor. What a mess.

"Tatawagin ko si Dero—"

"Ikaw ang maglilinis sa kalat na ginawa mo." Putol ko sa sasabihin sana ni Lumiere, hindi ko siya binalingan, nanatili ang mata ko kay Adam. He stared at me with an expression I could not fathom.

"Ano? Bakit kailangang siya pa! May mga katu—"

"Lumabas ka, Lumiere." Putol ko ulit sa kaniya.

"Ano?!" Reklamo niya.

"Lumiere." Inilingan siya ni Adam kaya malakas na nagdabog si Lumiere.

"Pero—"

"Just go." Adam said in a defeated tone.

Walang nagawa si Lumiere kundi ang sundin ang gusto ni Adam. Nanatili naman ang malamig kong ekspresyon kay Adam.

"Linisin mo lahat. You should take responsibility for your actions." Malamig kong sabi na tinanguan niya lang.

Pero hindi siya gumalaw.

"Ano pang hinihintay mo? Maglinis ka na."

"Ngayon?" Hindi makapaniwala niyang tanong habang nakatingin sa kakagamot niya lang na sugat, pinapahiwatig sa aking masakit pa ang kamay niya para maglinis.

"Ngayon." Kumpirma ko.

He huffed loud at mabigat sa loob na tumayo. Pinagkrus ko ang kamay ko at pinagmasdan siyang kunin ang mga gamit na nagkalat sa sahig. Nag-angat siya ng tingin sa akin kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Maglinis ka. Aantayin ko hanggang sa malinis na ng tuluyan ang gulong ginawa mo."

Hindi na siya nagsalita at nagpatuloy na sa pagkuha ng mga nagkalat na gamit. Nakita kong sinubukan niya pang kunin ang bubog sa sahig, kasabay nito ang pagsulyap sa akin tila inaantay ang reaksiyon ko.

"Huwag iyan! Tanga ka ba? Walisin mo 'yan! Huwag mong kamayin!" Saway ko.

Ngumuso siya at hindi na nagsalita. Inilingan ko na lang siya at nahiga sa kama niya. Ang lambot! Ang sarap matulog dito. Tutal at kasalanan niya naman bakit naudlot ang tulog ko, ipagpapatuloy ko na lang!

But before I finally drift off to sleep, I heard his faint voice.

"Thank you."

🥀

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top