Chapter X
Her
Knock.
Knock.
Ang ingay naman!
Knock.
Napabangon na ako sa pagkakatulog para taliman ng tingin ang pintuan.
"Good morning, Arabelle!" It was Derobe's sweet voice but there's nothing sweet about the morning.
Dagdagan pa ng nakakapanindig balahibong kahihiyan na nangyari kahapon. Ibinaon kong muli ang mukha ko sa unan at palihim na napasigaw. Nakakahiya!
"Alam kong gising ka na!" Panunuya niya.
I sighed out loud for her to hear, she giggled.
"Gising na Arabelle! May bisita akong ipapakilala sa 'yo! Baka maging kaibigan mo dahil halos kaedad mo lang!" She shouted enthusiastically. Looks like a new boat of ship for me is sailing in her mind. Pagkatapos niyang makita si Adam kasama iyong bitch na si Evelyn ay tumigil na rin siya sa pangangatyaw. Mabuti naman.
Tumayo na ako at naglakad sa pintuan para buksan ito. Pagkabukas na pagkabukas ay kaagad na akong tinulak ni Derobe para raw makapag-ayos na ako. I don't know what's with the fuzz.
Kasingwapo niya kaya si Adam?
Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto ang nasa isipan. Sinampal ko ang pisngi kaya nagreklamo si Derobe sa likuran ko na nagsusuklay ng basa kong buhok.
"Huwag mong sasaktan ang mukha mo! Sayang ang kagandahan!" She reprimanded.
I just sighed and let her finish the thing she wants to do.
"Sigurado ka bang 'yan ang susuutin mo? Ang liit na! Hindi na 'yan bago!" Reklamo niya nang piliin ko ang kulay dilaw na dress ni Cara. May kwelyo naman ito at simpleng kulay dilaw ang kulay ngunit hanggang hita ko lang siya.
"I love yellow." That's my only reason.
Napailing nalang siya at hinila na ako palabas ng kuwarto. Hinablot ko ang aking notebook at ballpen bago kami lumabas ng kuwarto.
"Good morning, Mrs. Potty!" Bati ni Derobe habang hawak-hawak ang kamau ko.
"Ang ganda yata ng araw, Derobe. Bakit ang saya mo?" Nakangiting tanong ni Mrs. Potty.
"Wala lang! Uuwi na si Cog!" Masaya niyang sabi.
Nagtaas ng kilay si Mrs. Potty. "Ano naman ngayon?"
Binigyan ng makahulugang tingin ni Derobe ang matanda kaya kumunot ang noo ko.
"Tsk. Ano nanaman ba iyang plano mo, Derobe." Iling ni Mrs. Potty.
"An—"
Malakas na yapak pababa ang nagpatigil kay Derobe sa pagsasalita. Napabaling ako sa likuran ko at nakita si Adam. Nagtama ang tingin namin, nag-iwas ako ng tingin at kaagad na nilinis ang tutunlan.
"Lalabas muna ako." Wika ko na kaagad na tinanguan ng dalawang babae, tila suportado sa pag-iwas ko sa lalake.
Aamba na sana akong lalabas kung hindi ako tinawag ng lalake.
"Beauty."
I rolled my eyes at the nickname but I schooled my expression before turning to him.
"Yes, Mr. Beast?" I said sweetly with a forced smile.
Kumunot ang noo niya. "Saan ka pupunta?"
Hindi ko na mapigilan pa ang kahibangan, I rolled my eyes. "Kakasabi ko lang. Sa labas." Iritado kong bigkas.
"Tsk. Eat breakfast with me or you'll starve."
"Ayoko nga!" Sabi ko at aamba na sanang tatalikuran siya—
"Ano? Tapos sa gabi makikita kitang kinakain ang niluto ko dahil sa gutom?"
Nanlaki ang mata ko, napasinghap ang dalawang babae kaya sinipatan ko ang lalake. Walanghiya! Nilaglag ako!
"Para 'yon sa ka-kabayo!" Paninindigan ko sa kahibangan.
He roared a laughter kaya namula ako bunga ng kahihiyan. Narinig ko pa ang singhapan ng dalawang babae na para bang hindi sila makapaniwalang kaya palang tumawa ng isang halimaw. I glared at him and stomped outside, malakas kong kinalabog ang pinto nang hindi pa rin humihinto ang tawa ng lalake. His laugh sound so mocking!
Sikat na ang araw ngunit hindi pa masyadong nakakasakit ang init nito kaya napagpasyahan kong maglakad-lakad muna. Birds in the corner are chirping their song, some perched on the trees while some are flapping their wings on the sky. Didn't know such beautiful birds exist in this place. I used to only see black crows and their horror like sound, turns out, it was just the day that day that made this castle looked so horrible. It just need a little sun and you'll be able to see the beauty this castle holds.
"Good morning, my lady!"
I jolted at the sudden intrusion. He chuckled kaya napatingin ako sa hindi pamilyar na lalake, may dala-dala siyang maleta, he looked unfamiliar. I scrutinized him from head to toe. He's tall, lanky, and mestizo— he looks young, maybe the same age of mine? His looks . . . handsome but not as handsome as— NO! He's handsome! Handsome! Do not compare him to that Beast!
"Good morning." I said, a little too late after fully judging him.
Inalis niya ang sombrerong nakatabon sa buhok niyang kulot, he smiled at me and I saw the small dimple on his right cheek.
"Ak—"
"Cog! Nakarating ka na pala!"
Napabaling ako sa pinanggalingan ng boses, it was Derobe running towards us. So he was the guest she's been talking about. Ibinalik ko ang tingin kay Cog at muling sinuyod ang kabuuan ng kaniyang pagkatao.
"Our prince charming!" Malakas na tawa ni Lumiere habang papalapit sa pinanggalingan namin.
Nagtaas ako ng kilay sa inasta nila, they looked so happy now that he's here but that wasn't the one that I noticed, a pair of blue eyes are watching me right now and I need to hide from his gaze. Mabilis kong ibinaling ang tingin kay Cog na nakatingin na ngayon sa lalakeng pinagmamasdan ako.
"Master!" Bati niya sa maligayang tono sabay kaway rito, hindi ko na napigilan, bumaling ako sa kaniya.
Nagtama ang mata namin.
Kumalabog ang puso ko.
Nag-iwas siya ng tingin at tinanguan ang lalake bago kami tinalikuran para makapasok na sa mansyon. Nagpakawala ako ng malalim na hininga, hindi makapaniwala sa kung ano bang nangyayari sa sistema ko.
"Cog! Mabuti at hindi ka nagulat!" Ani Lumiere, bumalik ang tingin ko sa kanila.
"Sinabihan na ako ni Derobe na may kamukha itong si Cara." Ngiti niya sa akin kaya ngumiti ako pabalik
"Nice to meet you, Cog!" Maligaya kong bati.
"O siya na't pumasok na tayo!" Hila ni Derobe kay Cog papasok sa tahanan.
Tahanan?
Agad kong iniiling ang nasa isipan. How can I think of this prison as home? It will never be home.
Remember, Arabelle, you're his hostage. Kinulong niya ang Papa mo, huwag na huwag mong iisiping tahanan mo ito. Huwag.
"Arabelle?" Tawag ni Derobe.
Napabaling ako sa kaniya, lahat na pala sila ay nakatingin sa akin, inaantay akong samahan sila pabalik sa loob, I gulped and nodded, they gave me a smile as warm as the sun, I can't help but to feel guilty with the thoughts I just had.
"Pasok na tayo." Tanging nasabi ko at nagmartsa na papasok sa loob.
Kaagad akong nagtungo sa hapag kainan dahil alam kong nakahanda na ang pagkain, I wasn't wrong when I saw him waiting for me. Bumaling ang asul niyang mga mata sa akin kaya kaagad akong nag-iwas ng tingin at tinungo ang pinakadulong kabisera para roon maupo.
"Thought you're going to starve yourself again."
Kumunot ang noo ko, nagpanggap na walang narinig. Mabuti naman at hindi rin nagtagal ay pumasok na ang mga alipin, they served us food. My eyebrows hiked up when I saw what's on my plate.
Egg, bacon, and sausage. Fried foods, just like what I usually eat every morning. Bumaling ako sa lalakeng katapat ko tiningnan ang plato niya, the same soup.
"Hindi ka ba nagsasawa sa sopas?" Hindi ko na mapigilan.
"I'm used to this." He shrugged.
Natahimik ako at hindi na umimik. I shouldn't forget that I'm mad at him! I huffed and started eating.
"Fried foods are not healthy." Paninimula niya. Heto nanaman siya, kaunting kibot ng labi, sumusurok ang dugo ko.
I rolled my eyes, "pake mo ba."
His lips twisted. "Your death will be a lot of burden."
"I would love to be your burden." I said sarcastically, inilingan niya lang ako.
Natahimik na ang paligid. Mabuti naman.
"So—"
"Shut up and eat." Putol ko sa kaniya na tinawanan niya lang.
"Why are you so grumpy? May dalaw ka ba?" Naaliw niyang tanong.
"Why are you so noisy? Hindi ka ba dinalaw ng demonyo?" Balik kong tanong, humagalpak siya ng tawa.
I hate him! Napakapapansin!
Tumayo na ako kaya natigil siya sa pagtawa, tinaasan niya ako ng kilay kaya sinipatan ko siya. He smirked and it annoyed me even more, tinalikuran ko na lang ang diyablo at nagmartsa na palabas.
"Where are you going? Hindi ka pa tapos sa pagkain!" Tawag niya. Malakas kong kinalabog ang pintuan.
"A-Ang init ng ulo mo ahh . . ." Komento ni Lumiere na hindi ko namalayang nakatayo sa gilid ng pintuan, mukha siyang takot na kuting.
"Ask him why." Iritado kong sabi at naglakad na palayo sa kuta ng halimaw.
"Tsk. The Beauty is on her period." Narinig ko pa ang komento ng lalake na sinundan na pala ako.
"Hindi nga! Huwag ka ngang manggulo!" Bulyaw ko at padabog na humakbang papunta sa kwarto ko— ni Cara.
Kaagad kong binuksan ang pintuan sa kuwarto para makapasok, sasaraduhin ko na sana ngunit nanlaki ang mata ko nang makitang nakapasok din siya!
"Ano bang problema mo?!" Iritado kong tanong.
"Chill," he chuckled.
May saltik ba to sa utak? Hindi ko alam kung demonyo ba 'to o ano! Ang bilis magpalit ng emosyon!
"I'm not crazy, Beauty. If that's what you're thinking." Aniya at umayos ng pagkakatayo.
I remained silent while giving him an emotionless face, I want him to see I've got no time for his bullshits.
He cleared his throat. "About yester—"
"No need to apologize." I cut him off.
He scrunched his nose. "Hindi ko sinasad—"
"Yeah right. Your actions are justified dahil hindi mo sinasadya, I understand." I said sarcastically while nodding.
Nagsalubong ang kilay niya, I clenched my fist. I was expecting for him to lashed out but I was caught off guard when he reached for my right hand.
"I really didn't want to hurt you." He said in a defeated tone while looking down at the cut he made because of that fucking ring.
I hate that ring. That engagement ring.
Aamba na sana akong agawin ang kamay ko pero may kinuha na siyang maliit na bendahe galing sa bulsa niya. I huffed and decided to stay still.
"Some words . . . are triggering for me. I can't control it." He said carefully while putting the bandage on the small cut.
"At kasalanan ko pa?" Hindi ko na mapigilan.
"No . . ." He sighed and bowed his head down as if he regret everything he did. "That's why I'm sorry." He said in a small voice.
"Hindi ko marinig." Malamig kong sabi.
"I'm . . . sorry." Ulit niya, madiin at puno ng . . . sinseridad?
Hindi ako nagsalita, nanatili naman siyang nakayuko. Naging tahimik ang paligid, wala ni isa sa amin ang nagbalak na sirain ang katahimikan.
"Control your emotions. Hindi mo alam nakakasakit ka na ng tao." Kaya ka siguro iniwan ni Cara. I want to add that statement but maybe it will trigger him again.
"Yeah. Maybe that's why she left me." He said bitterly.
Hindi na ako nagsalita kaya nag-angat na siya ng tingin sa akin. Nagtama ang mata namin. There's something about his eyes . . . his deep ocean eyes that made me want to sink. It feels hypnotizing and dangerous.
Heto nanaman ang puso ko.
Bakit ang bilis bilis mong tumibok? Natatakot ka ba?
Kinuyom ko ang kamao ko at nagpatuloy sa pagtitig sa mga mata niyang mapaglinlang.
Oo, natatakot ako.
Tinalikuran ko na siya at naglakad na palayo sa kung nasaan man siya.
Natatakot ako sa nararamdaman ko.
🥀
"Arabelle?"
Unti-unti kong dinilat ang mata ko.
"Arabelle?" Boses ni Mrs. Potty
Nanatili ang titig ko sa kulay rosas na kisame ni Cara.
"Sigurado ka bang gising na ang bata?" Narinig kong tanong niya.
"Oo! Kasabay niya pa ngang kumain ang Master!" Si Derobe.
"Baka naman nakatulog lang ulit." Ani ng lalake . . . Cog?
Hindi ko namalayang nakatulog nga talaga ako. Ang gusto ko lang gawin ay kalimutan lahat ng nakakalitong nararamdaman ko. Hindi ako makapaniwala kung. . . bakit?
Ano'ng nangyari sa 'yo, Arabelle?
"Tulog pa. Huwag nalang nating distorbohin."
Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ni Mrs. Potty. Mabuti naman at hindi na sila nanggulo pa sa akin.
Gusto ko nalang manatili sa kuwarto na ito at magkulang. I would rather die than to admit my feelings! It feels so odd and disgusting! Bakit! Bakit ganito?
Inalala ko lahat ng katangiang gusto ko sa lalake at walang-wala siya roon! Sa pagtrato palang sa Papa ko, malaking ekis na siya! Kaya bakit! Bakit?!
"Lumiere!" Pamilyar na boses ang narinig ko sa balkonahe. The soure of my insanity, that Beast.
Hindi ko na namalayan ang sarili kong nakabangon na at patungo na sa balkonahe. Para bang may sariling utak ang paa ko at uhaw na uhaw ang mata kong makita kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon, kahit na alam ko na kung sino iyon.
Hindi nga ako nagkakamali, nakita ko si Adam na mukhang galit kay Lumiere ngunit hindi iyon ang prinoproblema ko. Ang pang-itaas niyang walang saplot ang siyang nagpabaliw sa akin. Hindi ko inaasahang may laman pala! Pawis na pawis ang moreno niyang katawan, his biceps flex as he brushed the horse's hair. Si Lumiere sa gilid niya ay nagpapaumanhin, mukha yatang aksidente niyang naitapat ang host kay Adam kaya basa rin ang pang-ibaba nitong pantalon.
Napalunok ako.
Nag-angat siya ng tingin kaya nagtama sa hindi mabilang napagkakataon ang mga mata namin. Nanlaki ang mata ko samantalang nagtaas naman siya ng kilay. Bago niya pa makita ang pag-iinit ng mukha ko ay dali-dali ko na siyang tinalikuran.
I can't believe I'm not turned-off!
Bakit naman ako ma tu-turn-off? Ang sarap ng—
Sinampal ko ang pisngi at pinagalitan ang sarili.
Tumahimik ka, Arabelle! Marami kang manliligaw na mas maganda ang katawan! Si Aston! Maganda ang katawan niya.
I grimaced at the thought of the sweaty Aston, topless and wet down there. It made me feel nauseous. Yuck!
I let my imagination flow back to that Beast, topless, sweaty, and wet down there. With his black mask on the left side of his face, adding to the mysteriousness of his personality, piercing blue eyes staring at me with his tanned biceps flexing in front of my eyes. I blushed . . . profusely!
A knock made me yelp from my thought. Para akong nahuling nanonood ng hindi kaaya-ayang video sa bilis ng pintig ng puso ko.
"Arabelle? Tulog ka pa ba, hija? Magtanghalian ka na." Si Mrs. Potty.
Sakto! Gutom na gutom na ako! Ramdam ko ang kauhawan sa lalamunan ko! Kasalanan niya 'to!
"Sige po."
Whatever it is. Do not dwell on the thought of it, Arabelle! Kalimutan mo lahat at hangga't maari, magalit ka! Magalit ka!
Nagpatuloy ako sa pagriritwal ng maaari kong gawin kung sakaling makasalubong ko ang halimaw. Isinalaysay ko pa lahat ng kasamaan niya habang pababa ng hagdan at sa lahat ng naisip kong gawin kung sakaling makasalubong ko siya, ang mahinto at maestatwa sa kinatatayuan ang siyang hindi ko inaasahan.
"Oh, the grumpy Beauty is now awake." Salubong niya pagkapasok na pagkapasok sa loob. Malas, bakit kailangan pa naming magkasalubong sa hagdan?
Pinilit ko ang mga matang manatili sa itaas at hindi sa ibaba. Hindi sa ibaba! Hindi sa ibaba—
"Why are you looking down at my body?" He chuckled.
Aba't! Bakit nga ba, Arabelle? Akala ko ba gutom ka na?
Napalunok ako.
Gutom nga!
"Beauty?" He called, amused.
"It's disgusting. Magbihis ka." Sabi ko at tinalikuran na siya para magtungo sa hapag-kainan.
Nice job! Mabuti nalang at magaling akong umarte!
"Maniniwala sana ako kung hindi ka lang namumula." Tawa niya na siyang nagpatigil sa akin.
Shit! Halata ba ako?
🥀
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top