Chapter VI
Her
Iritadong-iritado ako sa lalake or must I say Adam dahil pinaalis niya ako! I know I said something offending but he could've just confronted me! Talagang papaalisin niya ako sa harap niya?! Ano? Plano niya akong saktan?!
Bumuga ako ng hangin at napagpasyahang lumabas nalang muna ng mansyon dahil nakakapagod makipag-usap sa mga hindi mo kakilala. It feel draining. Mabuti nalang at nawala ang lahat ng pagod ko nang malasap ko ang malamig na yakap ng hangin at ang simoy nito. It's refreshing. I just love provincial life.
"Arabelle."
Nagulat ako nang marinig ang boses ni Aston sa likod ko.
Shit.
Hindi ako lumingon, nagpanggap akong hindi ko kilala ang pangalan at nagsimula nang maglakad papalayo sa boses ng lalake.
"I know that it's you, Arabelle."
Nagtindigan ang balahibo ko sa paraan ng pagkakasabi niya. Para bang tinatakot niya ako sa oras na mahuli niyang ako nga si Arabelle at nagpapanggap lamang.
"What a funny coincidence. I went to Arabelle this morning and guess what?" I heard his footsteps near me.
I swallowed but still went on to pretend. I acted shock when I turned to Aston and then I innocently pointed myself.
"Aston! Are you talking to me?"
That caught him off guard, para bang nagduda siya sa hinala niya. It's working.
"I knew your voice was familiar!" Natawa ako, nanlaki ang mata niya. I pretended to look around me. "Sinong kausap mo?" I asked with a smile.
He swallowed hard and squeezed his eyes on me. I raised my brow and looked at him with confusion.
"Sorry if I didn't eventually noticed you. I was mesmerized by the beauty of nature." I exhaled adoringly and looked at my surrounding so I could avoud his scrutinizing gaze.
Silence . . .
Thud.
Thud.
I could only hear my fast beating heart. I wish he didn't hear it.
Thud.
"Right! Nature is beautiful!" He laughed.
Shit! Thank god!
I laughed and nodded. He must've been embarrassed.
"Uhm, pasok lang ako sa loob." Aniya.
Finally!
"Yeah! Sure! Sure!" Halos tulakin ko siya papunta sa gate para lang makapasok.
Mabuti naman at mukhang napahiya siya, hindi na siya nagsalita at tahimik nang pumasok. Nakahinga ako ng maluwag at napaupo sa batuhan. Birds whistled from above and the wind blew a whisper, it was a sunny day and I am sitting on a rock under the shaded tree. It was a nice weather only that I felt odd, as if someone was watching me.
Napatingin ako sa punuan ngunit wala namang tao, kumunot ang noo ko at ibinalik nalang ang atensyon sa kalangitan. But then I heard a noise, a very gentle noise, a foot on the ground, it was so quiet, I could hear it. Napatayo ako at napatingin sa paligid ko.
I met a pair of black eyes for a few seconds.
Then it's gone.
"Sino—" May biglang humila sa pampulsuhan ko dahilan ng pagtama ko sa dibdib niya.
"Cara!"
"Ano ba?!" Iritado kong sigaw nang mapagtantong si Adam lang pala iyon. "Bitiwan mo nga ako!"
Nanlaki ang mata niya nang magtama ang mata namin, he looked confused and bewildered, my brows knitted in confusion. Napatingin siya sa puno banda pagkatapos ay ibinalik ang tingin sa akin. Ilang segundo niya akong tinutukan bago siya umiling at bumuntong-hininga.
"Wala. Pumasok na tayo sa loob." Aniya.
"Ayoko pa! Umalis ka nga!" Tulak ko sa dibdib niya.
Malalim siyang bumuntong-hininga pagkatapos ay hinilot niya ang sentido niya na para bang namomroblema siya sa katigasan ng ulo ng anak niya.
I remained on my ground. Pinagkrus ko ang braso at nagtaas ng kilay sa kaniya, hinahamon siya. Binukas niya ang kaniyang mata at nagtama ang kasingkulay ng kalangitan niyang mga mata. He heavily sighed and then his feet starting moving towards me, closer even when we're already close. Pero hindi ko ipinakitang natatakot ako sa kaniya, nanatili ako sa kinatatayuan ko hanggang sa matamaan na ng dulo ng sapatos niya ang tsinelas na suot ko. Unti-unti akong nag-angat ng tingin sa kaniya dahil sa taas niya.
"You want me to punish you more once we get home, Arabelle?" It was a threat.
"No. You can't do that to your dear Cara's face." I smiled a mock, bravery enveloping me for a second.
He smirked and his eyes slowly went down to my body. "But I can do it with Arabelle's body."
Shit. Malakas ko siyang tinulak at nagmartsa na papasok sa mansyon. Humalakhak siya kaya buong lakas kong hinampas ang gate, napatalon ang mga taong nasa labas ngunit hindi ko sila pinansin. I just want to get over this.
🥀
"Finally!" Malakas kong sabi nang makabalik na kami sa bahay niya. Kaagad akong bumaba sa kabayo niya at tumakbo na papasok. Hapon na at papalubog na ang araw, I can't believe I wasted half of my day interacting with strangers.
"Welcome back, Dear!" Bati ni Mrs. Potty.
"Thank you! Can I now meet my father?" Nilingon ko ang lalake na kakababa lang ngayon sa kabayo, kanina pa malalim ang iniisip niya at mukha siyang distracted pero wala akong pakealam.
"Yes! Yes! But first, you two need some rest!" Si Lumiere.
I shook my head. "I don't need a rest!" I insisted.
"No. Your punishments are still pending." Nilagpasan ako ng lalake at pumasok na sa loob.
"ANO!" Malakas kong bulyaw kasabay ng pagsara ng pintuan, napatalon ang dalawa.
Galit akong nagmartsa sa loob at sinigawan siya ngunit hindi niya ako pinansin, umakyat na siya sa hagdanan kaya mabilis akong tumakbo para mahabol ko siya, pumasok siya sa kuwarto niya kaya pumasok din ako.
"You promised me—" Naiwan sa ere ang sasabihin ko nang unti-unti niyang tinanggal ang butones ng polo niya. Napatikhim ako kaya hinarap niya ako nang nakakunot ang noo.
"What are you doing here? Get out." Mahinahon niyang sabi ngnit hindi siya tumigil sa pagtanggal ng butones niya.
I gathered all my courage to talk. "Hindi ako aalis dito hanggang hindi mo binibigay sa akin ang susi sa basement." Matigas kong sabi.
"What? You think I'm scared?" Natatawang tanong niya.
"Don't mock me! Nangako ka sa aking makikita ko si Papa kapag sasama ako sa 'yo!"
"Damn it, Beauty. Can you give me some time to rest?" Iritado niyang sabi.
"Tapos ano? Aandar nanaman iyang kademonyohan mo mamaya kaya ang ending, hindi ko siya makikita?!" Iritado ko ring sabi.
Huminga siya ng malalim. "I need to be there when you go."
"Hindi mo ako kailangang samahan! Ibigay mo lang sa akin ang susi at ako na ang makikipagkita sa kaniya!"
He scoffed, "I'm not dumb enough to trust you."
"Edi magdala ka ng katulong mo! Pabantayan mo sa akin!" Naiinis ko nang sabi.
"Tsk. Still not dumb enough to know you didn't hypnotize them."
"Hindi ko na 'yon problema! It was your attitude's fault no one stayed faithful to you!"
That was the last buttom. Biglaan siyang sumabog and at the matter of second, every thing was put on the floor. Halos lahat hinagis niya, ang picture frame, ang baso, ang bote ng alak, lahat-lahat, hindi na ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Hinihingal siya habang ako'y halos hindi na makahinga, nagtama ang mata namin at alam kong nakita niya ang takot sa mata ko, magkaibang-magkaiba sa galit niyang mga mata na para bang gusto niyang makapatay ng tao.
"I really hate that mouth of yours."
"Why? Because all it did was to spit facts?" Hindi ko na napigilan pa ang bibig ko.
Hindi lumagpas ng ilang segundo ay nasa harap ko na siya at hawak-hawak na ang braso ko. Rage fuming in his eyes as his face reddened with anger, he held me so tight, I grimaced at the burning pain but it was only a split of second when he realized it, he immediately let go of me and punched the frame on the wall, the glasses where torn into pieces along with its earth shattering noise.
"You're such a violent person, no wonder she ran away from you." I couldn't stop it.
"Fuck it!" He cursed so loud, I know they heard it from downstairs. "Get your fucking ass out of my room or I'll punish you. Now!" He closed his eyes and I bet he was already counting numbers inside his head.
Kumuyom ang kamao ko, I contemplated whether I should get out or not. If I stay here there's a big chance he'll give up and will let me see my father but there's also a big bet I won't come out alive. Last minute decision, I turned my back on his and hurriedly walked towards the door but it was too late though, the moment I decided was the time he opened his eyes.
Shit. Nagmamadali kong binuksan ang doorknob ngunit kasabay ng pagbukas nito ay ang siyang paghila niya sa pampulsuhan ko, napasigaaw ako nang isinandal niya ako sa pintuan dahilan upang masara ang pintuan. I heard the locking sound of it from my back.
"Anong gagawin mo?!" Nagpa-panic kong sigaw.
"You didn't listen to my warn, Beauty."
"I did! Kaya nakita mong binuksan ko ang pinto 'di ba?!" Iritado kong sigaw para lang matakpan ang kaba.
"You ran out of time."
"So?! Anong plano mong gawin?!" Nanlaki ang mata ko.
"What else? Punish you." He stared at me fiercely, I want to sink on the ground.
Shit. "Sisigaw ako." Banta ko.
He chuckled humorlessly. "You're helpless when you're in my room, Beauty. It's sound proof."
The fucking hell! It turns out they don't even have any idea what we're doing here! Wala silang naririnig sa baba!
"Why?! So no one would hear how hard you fuck your girls?! How she cried for help every time she's on your bed because of pain?!" Shit. Hindi ko talaga napipigilan ang mga sinasabi ko sa tuwing nagpa-panic ako.
He laughed so loudly and I shivered from fear. "I assure you beauty, it was not all just pain." He leaned in closer I tried to step back but there was no left space. "But pleasure." He whispered.
"Umalis ka! Umalis ka!" Tulak ko sa kaniya.
"Hmm . . ." He said with amusement.
"May sakit ka ba sa utak?!" Hindi ko na napigilang tanong dahil kani-kanina lang ay galit siya, ngayon tatawa-tawa na siya?!
"Maybe?" He chuckled.
"Pakawalan mo na ako! Ano bang plano mo sa akin?!" Tinulak ko ang dibdib niya ngunit nahuli niya ang pampulsuhan ko at iginapos ito sa pinto.
Nanlaki ang mata ko nang bumba ang tingin niya sa labi ko. Shit. Shit. Shit. Lumapit ang mukha niya sa akin kaya hinawakan ko ang hininga ko para lang mapigilan ito sa pagbuga ng napakalakas na hangin. Parang kabayong nakikipagpaligsahan kung makatakbo ang puso ko at sigurado akong naririnig niya ang lakas ng tambol nito dahil sa lapit namin.
My eyes instinctively squeezed tight, all I could see is the blindness dark. I waited for a few seconds for the attack but instead, I felt his breath fanning my ear, the hairs on my skin stood up.
"The next time you go inside my room, I won't hesitate to strip you naked." Then he stepped back.
Malakas akong napabuga ng hangin, hindi ko siya matingnan ng diretso sa mata, kaagad ko siyang tinalikuran at dali-daling binuksan ang pinto para lang makatakas sa impyerno.
"Awh!"
"Oh dear!"
"Aray!"
Sunod-sunod na reklamo ang sumalubong sa akin pagkabukas ko ng pinto, nanlaki ang mata ko nang makita ang tatlo na nasa sahig dahil sa pagkakatulak ko pabukas sa pinto, it turns out they're eavesdropping! Napasulyap si Adam sa labas at napailing nang makita ang tatlo, mukhang sanay na ito kaya rin siguro ginawa niyang soundproof and kuwarto dahil sa mga tao rito.
"Ibabalita sana namin na handa na ang hapunan!" Lumiere's panicking voice said.
"Tsked." Malakas na kumalabog ang pinto.
Sabay akong nilingon ng tatlo, kaagad ko silang tinalikuran at nagmartsa na papunta sa kuwarto. Ang tanging hiling ko lang ay sana'y hindi nila nakita kung gaano kapula ang mukha ko nang lumabas ako sa kuwarto. I don't like it when they're drawing conclusions in their heads! That would create rumors.
Hinihingal kong sinara ang pinto ng kwuarto, mabuti naman at walang pumigil sa akin. Napapikit ako at natulala sa kawalan.
The next time you go inside my room, I won't hesitate to strip you naked.
Ngayon lang rumihistro sa isipan ko ang sinabi niya. Nanlaki ang mata ko sa kawalan at naramdaman ko ang pag-iinit ng buong mukha ko bunga ng hindi maipaliwanag na nararamdaman. I can't believe that Beast just threatened to strip me off!
Pinokpok ko ang ulo ko sa pintuan at nahiya sa sarili kung gaano kapula ang pisngi ko! Hindi puwede! Bakit siya pumupula! Sinugod ko ang salamin habang dinuduro-duro ang sarili, nakatutok ako sa itim kong mga mata na para bang pinagbabantaan ko siyang huwag makaramdam ng kakaiba. Hindi puwede!
Ang babaw mo naman, Arabelle! Iyon lang?! Dapat nga matakot ka!
Huminga ako ng malalim at bumuntong-hininga, sinubukan kong kalmahin ang sarili at gumana naman. Sunod kong ginawa ay umupo sa kama at inalala ang lahat ng kademonyohan ng lalake. Kung paano niya pinagbantaan si Papa, kung gaano niya tinakot si Papa, kung gaano niya sinaktan si Papa, kung gaano siya kabayolenta lalo na kay Papa.
Gumagana na! Sumusurok na ang dugo ko sa halimaw! Namumuo na ang galit ko! Tama 'yan! Ipagpatuloy mo 'yan, Arabelle! Magalit ka! Magalit ka!
Aksidenteng tumama ang mata ko sa piraso ng papel na nasa ilalim ng kabinet. Bunga ng kyuryosidad ay kinuha ko ito. Kumunot ang noo ko nang mabasa ang unang salita ng papel.
Dear Diary.
Bumaba ang tingin ko sa pinakamababang parte ng papel at nanlaki ang mata ko nang makita ang pangalan ni Cara! Kay Cara ito! Napatayo ako at tiningnan kung nakasara ba ang pintuan, mabuti naman at oo. Ibinalik ko ang atensyon sa halatang pinunit na papel. Gusot-gusot ito at mukhang nabasa kaya pinunit niya ito. Ang mga tinta ng ballpen ay nagkalat sa papel at kaunti lang ang nababasa ko dito, sinubukan ko itong basahin.
killed him
Nasira ang mga salitang bago at pagkatapos ng dalawang salita. Inilibot ko ang mata sa mga maaari pang mabasa.
ran away from here
Napalunok ako at sinubukang ituon ang tingin sa nagibang mga letrang hindi masyadong nasira ng itim na tinta.
HATE THIS PLACE
Nagtindigan ang balahibo ko. Para akong nagbabasa ng isang murder case! Murder case? Bakit? Patay na ba si Cara? Shit! Paano kung pinatay ni Adam si Cara at ginagamit niya lang ako para matakpan ang krimen?!
Napasigaw ako nang marinig ang katok sa pinto.
"Arabelle? Ayos ka lang?" Boses ni Derobe.
Napahinga ako ng malalim at itinago ang papel sa ilalim ng kama. Lumapit ako sa pintuan at binuksan ang pinto, sinalubong ako ng nag-aalalang tingin ni Derobe, pinilit ko ang ngiti kahit na hindi natatanggal sa isipan ko ang sulat ni Cara.
"Yeah. Nagulat lang." Mabuti naman at magaling akong magpanggap, naniwala kaagad ang babae.
"Halika na at maghapunan na." Aniya at hihilahin na sana ako ngunit hinawakan ko ang kamay ko.
"Masakit pa ang paa ko. Pwedeng dito nalang?" Itinuro ko ang may bendahe kong sakong, hindi naman talaga siya masakit na, nakakayanan ko na ngang tumakbo ngunit kailangan kong maghanap ng dahilan.
"Ahh . . . gano'n ba? Sige ibabalita ko nalang sa baba. Dadalhin ko nalang ang pagkain mo rito sa kuwarto."
Nakahinga ako ng maluwag, hindi ko pa siya gustong makita ngayon!
"Salamat!" Tumakbo ako palapit sa kama at naupo, kumunot ang noo niya at tiningnan ang paa kong maayos ko naman palang nagagalaw. I shyly smiled at her kaya napailing siya at bumaba na, mabuti naman.
Looks like the Beast is right. I really did hypnotize them.
🥀
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top