Chapter II
Her
"Huwag! Huwag! Ako nalang ang kunin mo! Pakiusap!" Pagmamakaawa ni Papa.
"Jail him!" He demanded and I was shocked when I saw bunch of bodyguards I didn't notice earlier. Hinawakan nila si Papa na nagwawala na habang nagmamakaawa sa lalakeng huwag akong idadamay.
"You will go with me." Hinila ako ng lalake, mas lalong nagwala si Papa habang naubusan naman ako ng masasabi. Ayaw kong dalhin nila ng mag-isa si Papa kaya kung ito ang paraan para makasama ko siya ay sasama ako.
Malayo ang tinitirhan naming bahay sa syodad kung saan ang mga tao, kinakailangan pang maglakad ng limang kilometro para lang makita ang mga kabahayan. My mom loved this place because it's peaceful and is far away from people, she hates people. Growing up, I grew to love this place, sa bahay kasi na ito, makikita mo ang naglalakigang mga bundok, sariwa rin ang hangin at presko, ang lupa ay puno ng mga berdeng dahon, napapalibutan din kami ng mga puno ngunit malayo pa naman ang mga puno, malawak na lupa lang ang nakapalibot sa amin dahil may mga plantasyon din si Aston na harap ng bahay namin. I can't believe I'm about to leave this home.
Kahit na umunlad na ang lugar namin kung teknolohiya ang pag-uusapan ngunit hindi pa rin nawawala rito ang kabayo lalo na kapag nakatira ka sa baryo kung saan malayo ang syudad, madalas na ginagamit ni Aston ang kabayo niya sa tuwing pumupunta sa amin, siguro para magpasikat kaya hindi na ako nagtaka nang makita ang mga kabayong nakatayo sa harap namin. Pinapasok nila si Papa sa isang kalesa habang ang ibang mga tauhan ng mistoryosong lalake ay sumakay na sa kani-kanilang kabayo.
"Arabelle! Arabelle!" Sigaw ni Papa.
"Napakadaldal ng Ama mo." Ani ng lalakeng kanina pa nakahawak sa siko ko, hinablot ko ang siko ko sa pagkakahawak niya at sinipatan siya.
"Sasabay ako kay Papa." Sabi ko at aamba sanang sasakay rin sa kalesa ngunit biglaang pinaandar ng lalakeng nasa harap ang kabayo! Muntik na akong mabunggo kung hindi lang ako natulak babalik ng lalekeng nasa likod ko.
"Sa akin ka sasakay." Aniya at hinila na ako sa isang kabayo. Nauna na ang ibang mga tauhan ng lalake kaya kami nalang ang naiwan. Kahit na papalayo na sila ay rinig na rinig ko pa rin ang sigaw ni Papa.
"Anong gagawin mo kay Papa?" Galit kong tanong nang binalingan ko siya.
"Anything I can make use of him." He smirked, kumuyom ang kamao ko.
"Madaming nagkakagusto sa akin kaya sa oras na malaman kong may ginawa kang masama kay Papa, hindi ako magdadalawang isip na akitin kung sino man ang nasa katas-taasan para lang makulong ka." Banta ko.
Amusement danced on his eyes, his lips curved into a ferocious smile. "Paano kung ako ang nasa kataas-taasan, handa ka bang akitin ako?" Napakababa ng boses niya tila ba siya ang nang-aakit sa akin.
"I will never." I said with confidence and mocked a smile.
"Really?" He mocked and stepped forward, I stepped back. "I can kill your father with the flick of my finger, if you think about it, I have more power than those people in the higher ups. I can either make him live or not." He smirked when he saw how I paled.
"You have plans on me." My voice quivered because of fear.
His smirk faded and he became serious while I squeezed my shivering hands tight so they would stop shaking. Tinalikuran niya ako at lumapit na sa kayumangi niyang kabayo, nanatili naman akong bato sa kintatayuan ko. Sumampa siya rito at tiningnan ako sa baba na tila ba ako'y alipin niya lang. Kung tutuusin kayo kong tumakbo at humingi ng saklolo ngunit hindi ko kayang isiping iwan si Papa sa kamay ng halimaw na tinitingnan ako sa baba.
"Hop in." He demanded ngunit hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko. He sighed and went down, akala niya siguro magpapaalalay ako sa kaniya para makasampa sa kabayo.
Ngunit nagkakamali siya. Kaagad akong sumampa sa kabayo at tiningnan siya sa baba. Nagtagal ang titig niya sa mata ko kaya hindi na ako nag-alinlangang tumingin sa harapan.
"Hiya!" Pinaandar ko ang kabayo bago pa siya makasakay muli.
"Tangina!" He cursed when he nearly lost his balance.
Wala na akong pakealam kung galitin ko man siya, susundan ko kung saan nila dinala si Papa at kahit parusahan man nila ako, tatanggapin ko basta't makasama ko lang siya sa kulungan. Hindi ko alam kung kakayanin niya bang mag-isa sa kulungan. I shivered when I heard the beast's laugh from afar, it wasn't out of amusement, it was because of disbelief. Narinig ko pa ang malakas na kalabog sa likod ko, I fliched at that.
"Hiya!" Mas lalo kong binilasan ang pangangabayo ko, I knew it wouldn't take him a minute to discover that we have horses. Pagmamay-ari iyon ni Aston ngunit dahil nga gusto niya ako ay hinayaan niyang kami ni Papa ang mag-alaga ng mga kabayo niya.
"Pray to God I will never catch you, Beauty!" His voice thundered, I shivered in fear, mas lalo kong nilakasan ang paghampas sa kabayo, the poor horse cried but thank god his moves went faster.
Sa kagubatan ko nakitang dinala nila si Papa, pagkapasok na pagkapasok namin sa gubat ay bumagal ang pagpapatakbo ko sa kabayo, hinihingal na ako ngunit hindi pa rin ako tumigil, kailangan kong maging maingat dahil may mga sangang maari kong matamaan.
"Pa!" Sigaw ko sa kagubatan.
"Arabelle!" Sa malayong distansya ay narinig ko ang sigaw ni Papa!
"Pa!" Sigaw kong muli at pinatakbo ang kabayo sa banda ng boses na narinig ko.
"Arabelle!" Mas lalong lumapit ang boses ni Papa!
"Hiya!" Pinatakbo ko ang direksyon kung saan ko narinig ang boses ni Papa. Palapit nang palapit ang iyak na sigaw ni Papa, nararamdaman kong malapit ko na siyang mikata—
"Ah!" Napasigaw ako sa sakit nang matamaan ng ligaw na sanga ang braso ko at dahil malakas ang pagpapatakbo ko sa kabayo ay nawalan ako ng balanse at nahulog sa lupa. "Shit!" I groaned at the pain when my body hit the ground so harsh, I heard how the dead leaves crunched because of the weight of my body, my back and butt hurts from the impact.
Malakas na sumigaw ang kabayo and it was too late for me to realize that the horse got away! Kaagad akong napatayo at sinigawan ang kabayo, hinabol ko ito ngunit napamura nang matapilok sa isang sanga. Great! Now my ankle's strained! Napapikit ako sa sakit habang dahang-dahang hinawakan ang sakong ko, it felt like I was shot by electricity, it fucking hurts.
Nakarinig ako ng yapak ng kabayo. At this point, I would prefer it to be a snake rather than the man hunting me but who am I kidding, it was still the madman on one of Aston's horses looking down at me.
"What a pitiful state." He tsked but I could still see the madness in his eyes. Bumaba siya sa kabayo at itinali ito sa ligaw na sangang nakagasgas sa braso ko.
"Just leave me alone." I spat angrily, umusog ako nang lunapit siya ngunit yumuko na siya sa harapan ko.
"You still deserve the punishment for leaving me there, Beauty." he lifted my chin, I spank his hand, he chuckled but there was no sense of humor in it.
"Well you got lucky, I got this punishment earlier than expected!" I shouted out of frustration, gesturing my broken ankle.
"Looks like luck is on my side." He lifted me up in a bridal style, I screeched and tried to punch his chest, I can't believe this beast is carrying me now!
"Bitiwan mo ako! Bitiwan mo ako!" Sigaw ko, nagpupumiglas.
"Ugh, like father, like daughter." Nagawa niya pang linisan ang tainga niya habang buhat-buhat ako!
Walang kahirap-hirap niya akong naalsa sa kabayo habang ako'y hinihingal pa sa kakahabol ng hininga ko. Nakapambabae ang sakay ko sa kabayo kaya sinubukan kong umupo ng maayos ngunit pinigilan niya ako, nasa likod ko na siya kaya lang hindi ko siyang magawang talikuran dahil nakatalikod ang pagkakaupo ko, iniwas ko nalang ang mukha ko sa kaniya at tumingin sa harapan. I give up. Damn it.
"Hiya!" Napahawak ako sa braso niya nang halos mahulog ako sa kabayo dahil sa lakas ng pagkakatakbo niya, he smirked and I knew he was doing this on purpose!
Dahil sa pagkakairita ay sinubukan kong tanggalin ang pagkakahawak sa kaniya ngunit napasigaw ako nang halos mawalan ako ng balance, mabuti nalang at nahawakan niya ang baywang ko gamit ang isa niyang kamay.
Pinalo ko ang kamay niyang nasa baiwang ko. "Huwag mo akong hahawakan. Tsansing ka." Galit kong sabi at itinuon nalang ang atensyon sa harap habang mahigpit na hawak-hawak ang buhok ng kabayo.
"I am? Who's the one holding my arms tight with one hand?" He mocked.
"Mahuhulog ako!"
"Same reason."
I rolled my eyes, hindi na ako nagsalita, hindi na rin siya nagsalita. Papasok kami sa kagubatan, it felt like the road towards this destination is secretly a gate towards hell. Madilim ang paligid at puno ng mga puno at sanga, may mga uwak ding dumadaan sa kalangitan dahil papalubog na ang araw. Mas lalong nakakatakot bumiyahe rito ng mag-isa dahil pakiramdam mo'y nasa haunted forest ka. I secretly memorized the paths he took so I would know where to go when me and my father manage to escape in the future.
Malayo ang naging biyahe hanggang sa nakita ko na ang napakalaking gate. Yep, sure is a gate to hell. Sobrang laki ng gate nila, mahihirapang umakyat ang kawatan nito, pakiramdam ko nga'y abot nito ang kalangitan. Biglaang bumukas ang napakalaking gate at pumasok na siya, napasinghap ako nang makita ang napakalaking bahay.
Is this really a house? Or a freaking castle? No. A gothic damn castle.
Despite the castle-like feature, I wouldn't dare leaving here. The castle-like gothic house was huge but full of vine. May mga patay na puno sa gilid nito, may fountain din na isang anghel sa gilid ng Mansyon but because no one seems to care, the fountain is now covered with green algae. Bumaba ang lalake sa likod ko kaya napatingin ako sa kaniya, aamba sana akong bababa ngunit bago ko pa magawa ay napasinghap ako nang inalsa niya ako.
"Kaya ko na!" Piglas ko nang hindi niya ako binaba sa lupa, nanatili siyang inaalsa ako.
May biglaang lumabas na matandang kasambahay, dali-dali siyang tumakbo papaapit sa amin kaya napatingin ako sa kaniya, nagtama ang tingin namin at nanlaki ang mata niya.
"Nakita mo—"
"She's not her Poty. Still haven't found her." Putol ng lalake, nagtataka akong tumingin sa kaniya.
"Pero paanong—"
"I'll figure that out." Ani ng lalake, wala akong maintindihan sa pinag-uusapan ng dalawa.
Napatingin sa akin ang matandang babae. Tinitigan niya ako na para bang kilala niya ako kaya napakurap ako. Suminghap siya at napahawak sa bibig niya, tila ba hindi makapaniwala. Umiling din ang lalake, para bang naiintindihan niya ang reaksyon ng babae.
"Call a doctor, Poty. She sprained her ankle." Aniya kaya kumurap-kurap ang babae at tumango.
"O-Okay." Her lingering stare stared at me for a few seconds before she turned her back on me.
"Bitiwan mo na ako!"
"Fine." Binaba niya na ako kaya kaagad akong nahuog sa putikan bunga ng kawalan ng balanse, masakit pa rin palang tumayo.
"See?" Inilingan niya ako at sinubukang buhatin, nagpumiglas ako at hinawakan ang itim na maskara niya at dahil mukhang ayaw niyang nahahawakan ang maskara niya ay naitapon niya ako.
"Ouch!" Reklamo ko nang bumagsak sa putikan sa ikalawang pagkakataon ang puwet ko, he looked mad at me dahil muntikan ko nang matanggal ang maskara niya.
"Don't you dare touch my face again." Galit niyang banta bago niya ako talikuran, naglakad na siya papasok sa Palasyo habang ako'y naiwan sa madilim na labasan, nakaupo sa putikan.
"Asshole!" Sigaw ko, that bastard just banged the door loudly as a response.
Sinubukan kong tumayo kahit na masakit pa ang sakong ko, iika-ika akong naglakad, mostly using my one feet while walking kaya lang dahil madulas ang putikan ay nadulas ako at sa ikatlong pagkakataon ay lumundag ang puwet ko sa putikan, earning a yelp from me.
"Ugh!" Frustrated kong sigaw sa sarili at humiga nalang bunga ng pagod. I glared at the dim sky above me and the crows loud raspy kraa on the sky. They probably thought they would make this place a thousand more scarier by their sounds when in fact, they're just a freaking design to this vintage gothic castle.
The same blue ocean eyes blocked my view from the sky, kumunot ang noo ko sa kaniya, he was looking down at me with full of disappointed before he lifted me up once again, hindi na ako nagpumiglas dahil gusto ko nalang makita si Papa.
"You're such a stubborn girl. Ang dumi-dumi mo na."
I rolled my eyes, "why? you're now contemplating whether you should eat my body or not with how dirty it is now?"
He scoffed. "I could definitely eat a raw, Beauty. Don't underestimate me."
Natahimik ako at hindi na nagsalita bunga ng takot. Binuksan niya ang napakataas na double doors na pintuan. I'm now convinced this is indeed a castle, the moment he stepped a foot inside, I internally gasped at how big the inside is. Inside of bulbs, I saw tons of vintage chandelier hanging on the ceiling, the portraits are all Victorian, I could see the huge classical double stair from afar. There was even a huge fireplace! A couch was in front of the fireplace and although my dress is dripping with mud, he put me down on the couch in front of the fireplace, for a second, I was fascinated with the surrounding, forgetting all the motive of why I came here.
"Diosmio! Bakit ang dumi-dumi niya!" The same old woman earlier came rushing towards me.
"Matigas kasi ang ulo." Ani ng lalake at tinanggal na ang itim niyang cloak kaya nakita ko na ang full body figure niya. He has a mascular arm covered in those white longsleeve.
"Paparating na raw ang doktor." Ani ng matanda at pinagmasdan ako.
"Asan si Papa?" Baling ko sa lalake.
"I'll let you see how pitiful his state is tomorrow. For now, I'll interrogate him."
"Ano?! Bakit? Walang kasalanan si Papa!" Sigaw ko at napatayo, muntik na akong mawalan ng balanse kung hindi lang ako nahawakan ng matandang babae.
Nagtaas ng kilay ang lalake, "Are you sure about that?"
"Oo! Kahit na nagnakaw siya, alam kong may rason siya!" Galit kong sigaw sa kaniya.
He smirked and shook his head. "Beauty, my money isn't the only thing your father stole from me."
Nagulat ako roon. Nakita niya kung gaano ako nagulat kaya mas lalong lumaki ang ngisi niya. Tumakla siya habang umiiling na para bang naaawa siya sa akin dahil ngayon ko lang nalaman na hindi pala kasimbait si Papa tulad ng inaakala ko.
"A-Ano 'yon?" Hindi ko napigilan ang panginginig ng boses ko.
His eyes darkened and I knew that what my father stole is worth more than any money.
"My Fiancée."
🥀
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top