Chapter I
Her
"Arabelle!"
"Po!" Sigaw ko pabalik at napatayo na sa pagkakaupo, kanina ko pa gustong tapusin 'tong Chapter 1 ko kaya lang utos ng utos ang tatay ko!
"Pakihanap ng screw driver, nak!"
"Sige po!" Bumuntong-hininga nalang ako at lumabas na sa kuwarto para mahanap ang nawawalang screw driver. Mekaniko ang papa ko, kahit ano nalang ang inaayos niya, sasakyan, appliances, sira na T.V, o kung ano-ano pa. Kung hindi lang sana mahirap ang magulang niya, tiyak akong Engineer na siya ngayon.
"Ay! Nandito lang pala sa tabi ko!" Humalakhak siya kaya napaikot ang mata ko at natawa nalang. Babalik na sana ako sa kuwarto ko nang biglang kumatok ang pintuan namin.
"Buksan mo muna, Arabelle! Sabihin mong may inaayos pa sa garahe!" Sigaw niyang muli.
"Sige, Pa!" Sigaw ko pabalik at tinahak na ang pintuan. Hinila ko pababa ang daster na suot ko dahil baka hindi ako mukhang presentable sa harap ng kaibigan ni Papa. Hindi naman pang-manang na Daster ang suot ko, walang kuwelyo at tie string dress and suot ko. Hindi naman malaswa kaya ayos na siguro to.
Binuksan ko ang pinto, nakaplastar na ang ngiti sa labi para sa bisita ngunit napawi ito nang makita kung sino ang nasa harap ng pintuan.
"Aston . . . anong ginagawa mo rito?"
"As expected. Maganda ka pa rin kumpara sa ibang babae ko kahit na hindi nakaayos." He and his compliments, I rolled my eyes and was about to close the door but he stopped me.
"Kung ang ikumpara ako sa ibang babae mo ang sadya mo dito, Aston, maari ka nang umalis." I gestured the outside, nagtaas siya ng kilay at mas lalong lumaki ang ngisi.
I will not deny the fact that he is indeed handsome. White man, gray eyes, has a great physique and a half, maybe Spanish or British. I will not go on further, I don't really like describing him, it will only boost his ego, he would think I'm checking him out and would proceed on saying how lucky I am that he likes me.
"Are you jealous, my pretty Arabelle?"
"Go back in your bed and continue your dreams, Aston." Sasaraduhan ko na sana siya ng pinto ngunit dahil sa laki ng pangangatawan niya'y wala siyang kahirap-hirap na nakapasok sa loob.
"Aston! Hindi kita pinayagan pumasok sa bahay!"
"I own this apartment, Arabelle, so, technically, this is my house as well." He cockily said.
"Anong nangyayari!" Narinig kong papalapit na ang boses ni Papa. "May magnanakaw ba?! May kutsilyo ako rito!" His voice was in panic and it only took seconds before he came rushing to us, stumbling on his feet out of clumsiness.
Napatakbo ako papalapit sa Papa ko, Aston laughed, my poor father blushed out of embarrassment and I glared at Aston, he raised both his hands and chuckled, mouthing "sorry, can't help". Bastard.
"Mas gugustuhin ko pang magnanakaw 'yong bisita." Bulong ko sabay hawak sa kamay ni Papa para matulungan siya sa pagtayo.
"What did you say?" Aston asked, offended.
"Ang sinabi ko, mas mabuti ngang ikaw kaysa magnanakaw 'yong bisita." I jumbled my words and internally rolled my eyes. Father chuckled and pressed my fingers tightly as an acknowledgement. He should be proud of me.
Aston cleared his throat, pride shining through his eyes, I fought the urge to roll my eyes again.
"Bakit nga pala napabisita ka, Aston?" Si Papa.
"Daily month rent. You didn't pay, I figured you might be in short of money so I decided to confront . . ." sumulyap sa akin si Aston ngunit binalik din ang tingin kay Papa, "You," he added.
"Pa? Hindi ba't binigyan na kita ng pambayad sa renta?" Kumunot ang noo ko sa Ama.
His eyes widened and he panicked, swallowing hard, he tried to find for words about where he spend the money I gave. I do part time jobs at weekdays, I'm an author and although I have published two books, sales aren't increasing. My books aren't that popular therefore I need to work extra hard since I didn't get to go to college due to financial problems.
"A-Ano . . . nagastos ko kasi, nak."
"Gastos? Saan?" Kumunot ang noo ko.
"Babayaran ko! Promise!"
"Pa! Hindi kita sinisingil! Gusto kong malaman kung ano ang ginastos mo?"
"Ah-a-ano." Nanginig ang boses ni Papa, Aston chuckled kaya napabaling ako sa kaniya.
"Parang nakita ko kaninag nakikipagpustahan ang Papa mo kay Kanor, Arabelle."
Nanlaki ang mata ko nang binalingan ko ang namumutla kong Ama.
"Pa! Nakipusta ka nanaman? Hindi ba't sinabi kong tigilan mo na ang kakasabong!" Hindi ko na mapigilan ang frustration ko. Bakit ba parang mas mahal pa niya ang pulang manok niya kaysa sa sariling niyang anak?!
"Mananalo na ako sa susunod, Arabelle! Pangako! Makakabayad ako!" nagpapanic niyang sagot.
"Wala akong pake kung makabayad ka, Pa! Kailangan nating magbayad ng renta!" Napatampal ako sa noo ko. Ubos na lahat ng suweldo ko! Kinakailangan ko pang mag-antay ng isang buwan para makabayad! Mapuputulan kami ng kuryento nito o ang masaklap, mawalan ng matitirhan!
"Don't worry, Arabelle. I will take some consideration." Aston nodded, giving me an apologetic look and I know he just wants me to bow to him right now so his pride would be boosted. If that would help it, then I'm willing to do. My pride isn't that high especially in situations like this.
"Thank you so much, Aston. Hindi ko alam ang gagawin kung wala ka." I spat it with hate but I didn't make it obvious.
A triumphant smile spread across his face. "You should really be thankful I like you."
No, I should thank my Beauty for luring an egoistic man like you.
"I really am thankful." I forced a smile.
"So? You're going to invite me over breakfast? I miss the cook of my future wife." I cringed at his endearment.
"Yes! Sure!" I forced those words out of my tongue. Papa gave me an I'm sorry look and even though I hate him, I still love him so I just patted him and nodded, giving him a It's okay, it's done look. He smiled so wide he gave me a I am really luck to have a daughter like you look. I rolled my eyes and chuckled, he chuckled too.
"You too look crazy. Parang nakakasalita 'yang mga mata niyo." Aston commented, I refrain myself from rolling my eyes.
Papa is my best friend, one look in his eyes, I would know what he's thinking and one look from my eyes as well, he would know my feelings. We shared each other's secret and talked to each other like friends. Aston have no right to comment with how we communicate to each other. This is the reason why he never stood a chance in my heart. If he can't get along with my best man, best friend, then he had no right to spend the rest of his life with me.
Spending time with an egoistic man is painful and agonizing, he talked nothing more than his self and his achievements. It was frustrating but my poor father pretended to get along with it while I couldn't hide the grimace on my face the whole time. Thank god it was now done.
"Thank you for the wonderful breakfast, Arabelle. See you later." He kissed the back of my hand and I contemplated whether to smack his head or poison his drink just so I could avoid him later.
"You're welcome, Aston." I forced my tongue to move and gave him a fake smile.
He winked and turned his back on me, whistling like a proud and boastful dog. I breathed a sigh of relief and shut the door.
"Pasensya na, anak kung napilitan kang pakisamahan siya. Baka . . . gustuhin mong lumipat nalang tayo ng matitirhan, iyong mas maliit at mas mura tutal at-"
"Pa, dito ako lumaki. Sinabi mo ring dito kayo nagkasama ni Mama bago siya namatay. Mahalaga 'tong bahay na 'to sa 'yo kaya ayos lang. Kaya ko namang tiisin iyong kayabangan niya." I chuckled, he sighed.
Our house isn't small. My garahe siya, isang floor lang pero hindi masikip. May bakuran din kami kung saan nandoon ang mga paboritong manok ni papa. Kahit na yero lang ang kisame namin ay malaki pa rin ito kung ikukumpara sa ibang mapagrerentahan at alam ko kung bakit hindi masakit sa bulsa ang bayad sa renta namin— dahil nga sa gustong magpasikat ni Aston para lang ipakita sa aking may busilak siyang puso.
"Sige na at babalik na ako sa pagtatrabaho. Tapusin mo na rin 'yong bagong libro mo." Aniya kaya napangiti ako. My father has always been supportive of me and I'm thankful for that, kahit na pakiramdam ko'y nalulugi ako dahil walang bumibili ng libro ko ay hindi pa rin siya tumitigil sa pagsuporta sa akin, he knew how much I love writing and my passion for it.
🥀
Malakas na kalabog ng pinto ang nagpagising sa mahimbing kong pagkakatulog. Ginusot ko ang mata ko at napatingin sa bintana ng kuwarto ko. Papalubog na ang araw sa labas, mukhang napasarap yata ang siesta ko. I stretched my arm and yawned before standing up. Si Aston nanaman ba ang bisita?
"Pa?" Tawag ko nang makalabas na sa kuwarto.
Walang sumagot. It was awfully quite. Baka nasa garahe lang.
Pumunta ako sa likuran kung nasaan ang garahe namin ngunit wala akong nakitang anino ni Papa. Kumunot and noo ko habang nakatutok sa walang buhay na garahe namin. Sinarado ko nalang ang pinto at naglakad patungong sala. Sa bawat lakad ko ay rinig na rinig ko ang pagyapak ng aking paa, hindi naman kasi sementado ang sahig namin dahil kahoy ito. Sobrang tahimik ng sala, papadilim na rin ang sala dahil sa paglubog ng kalangitan.
Malakas na kalabog ang narinig kong muli, napatalon ako sa gulat.
"Pa!" Tawag kong muli, kinakabahan na.
Hindi siya sumagot.
Dali-dali akong lumabas sa bahay namin at tumakbo sa bakuran. Natigil lamang ako nang makita ang gulo ng bakuran namin. Nakalatag sa lupa ang kulungan ng mga manok namin, ang balde kung nasaan nakalagay ang pagkain ng manok ay natumba kaya nagkalat ang pagkain nila ngunit hindi iyon ang ikinagulat ko, ang presensya ng lalakeng hindi pamilyar sa akin ay hawak-hawak ang kuwelyo ni Papa!
"Pa!"
Nanlaki ang mata ni Papa at nakita ko ang biglaang pamumutla niya, hindi maipaliwanag ang kabang nasa mata niya habang nanginginig ang labi niya.
"Bitiwan mo siya!" Hinawakan ko ang kamay ng lalakeng nakaitim para mabitiwan niya ang Papa ko.
"Be-Belle. Pumasok ka nalang sa loob! Ako nang bahala rito!" Nagpapanic niyang sigaw.
"Sinasaktan ka niya, Pa!" Sinubukan ko pa ring tanggalin ang kamay ng lalake sa kuwelyo ni Papa ngunit masyadong malaki at malakas ang lalake, halos walang silbi ang maliit kong kamay sa paghawak sa kaniya.
The man in black cloak chuckled dangerously and I shivered from it. Unti-unti akong nag-angat ng tingin sa lalake at napasinghap nang magtama ang mata namin. I have never seen a blue ocean eyes so dangerous to look at before, kaagad akong napaatras nang makita ang halimaw, the right side of his face was covered with black mask up until his cheek, I can only see the left side of him, his lips and the two eyes raging in fire while looking at me. Ang katapangang hawak-hawak ko kanina ay biglang umatras dahil sa takot na nararamdaman sa lalake.
"Huwag mo siyang idadamay! Ako nalang ang kunin mo!" Sigaw ni Papa at nagpumiglas ngunit parang wala lang ito sa lalake habang nakatitig sa akin, I paled. Gusto ko nalang tumakbo pabalik sa kuwarto ko at magkulong ngunit hindi ko kayang iwan mag-isa rito si Papa!
"You have a beautiful daughter, Maurine." His voice was as deep as the black hole, I was rendered speechless.
"Huwag! Papakasuhan kita sa oras na hawakan mo ang anak ko!" Sinuntok-suntok ni Papa ang lalake ngunit nasa ere lang ito natamaan.
"You should've think that before you stole something from me." Binalik niya ang titig kay Papa, nahabol ko ang hininga ko, ni hindi ko nga namalayang kanina ko pa pinipigilang huminga habang nakatitig siya sa akin.
"Stole? May ninakaw ka, Papa?" Napabaling ako kay Papa, horror evident in my face. I have never pictured my great honorable father doing such a hideous act. He has always been good!
"A-Anak, ano ka-kasi . . ." Hindi maituloy-tuloy ni Papa ang sasabihin.
"Nagsisinungaling ka!" Sigaw ko sa lalake at tinulak siya kahit na walang natibag sa kaniya. "Umalis ka na bago pa ako magtawag ng mga tao!"
"You think someone can protect you from me? No one can protect you, Beauty. Even this old weakling in my hands can do nothing about it." He mocked with a smirk, mas lalong kumulo ang dugo ko sa lalake.
"Magbabayad ako, Adam! Magbabayad ako! Huwag mo lang hawakan ang anak ko!" Papa cried.
"Magkano ba?" Nanginig ang boses ko.
"Half a million."
Napakuyom ang kamao ko sa narinig na presyo. "Kaya kong magbayad." Matapang kong sabi.
"Dollars, Beauty. Dollars." He chuckled, na para bang wala lang sa kaniya ang kalahating milyong dolyar na ninakaw ni papa.
Shit, 8-digit na 'yon. Kahit siguro magdoble kayod ako ay hindi ko makakayanang magbayad, kahit mamatay pa ako, patuloy akong sisingilin ng utang ni Papa.
"Pa naman!" Frustrated kong sigaw.
"Pa-Pasensya na, anak." Napaiyak na si Papa.
"Saan mo ginastos?" Nanginig ang boses ko habang ang lalake naman ay aliw na aliw sa pamamasid sa reaksyon ko.
"Na-Naisugal ko . . ." Nag-iwas siya ng tingin.
"Pa!" Naiyak na ako sa frustration, hindi siya makatingin ng diretso sa akin kahit na gusto ko siyang tumingin sa mata ko para makita ko kung gaano siya nagsisisi.
"I will take him with me and will jail him." Ani ng lalake, sabay na nalake ang mata namin ni Papa.
"Huwag! Magbabayad ako!" This time, wala na akong pakealam kung marangal pa ba na trabaho ang gagawin ko, makabayad lang sa utang ni Papa!
"Belle." Mukhang nabasa ni Papa ang nasa isipan ko.
Hindi ko nilingon si Papa, nanatili ang titig ko sa lalake.
"What? You're willing to waste that beauty of yours to an old man?" He mocked, I clenched my hands.
"I would rather have an old man with me than to let you lay a single finger on my father." Matapang kong sabi.
His smiled faded and I thought somehow I offended him but I was wrong. He threw my father on the ground, my poor father grunted at the impact, my eyes widened when I turned to my father but the Monster, the monster's approching me, I stepped back.
"Even if you work for the rest of your life, you will never be able to pay me." He said darkly as he step closer to me, I internally shivered.
"Huwag mong hahawakan ang anak ko!" But it was too late he was already in front of me, huge and domineering.
"Thinking of it, why don't I have your daughter as a payment?" He smirked, nanlaki ang mata ko at hindi na napigilan ng kamay kong manginig sa takot.
"Huwag!"
"This beauty . . ." He lifted my chin with his fingers, our eyes clashed, mine was full of anger while his was amusement. "This Beauty is worth a million dollars." He smirked and my fury was ignited.
"I was never an object to sell." I spat angrily ngunit lahat ng katapangan ko ay nawala sa ere nang yumuko siya sa harapan ko at inilapit ang mukha sa aking tainga.
"You were never." He whispered, I avoided my face from his hold. "But you're now my possession."
🥀
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top