Chapter Twenty-Two
Mara's POV
Nandito ako ngayon sa may mall kasama ang mga pamangkin ko. Kainis naman. Tinatawagan ko kasi si Sammy kanina, kaso nakapatay yata yung cellphone niya.
Tuloy, mag-isa lang ako ngayon sa may tapat ng candy store, habang hinihintay ang mga kids na makabili na para makauwi na rin. 5:15 pm na rin kasi eh. Naka-lean lang ako dito sa may pader, at umiinom ng buko shake nang bigla na lang nag-ring yung cp ko.
Kinuha ko ito mula sa bulsa ko at pagtingin ko, agad akong nagtaka.
"Sam?"
Kanina lang tinatawagan ko ang babaeng ito ah! Patay ka sakin, ngayon mars.
Kaya't sinagot ko na ito.
"Samantha Mae Serdevilla, what on earth do you---"
[M-Mara, oh Diyos ko po...]
Natigilan na lang ako nang marinig ko yung boses ni Tita Sol, nanay ni Sam. Parang humihikbi pa siya sa kabilang linya. Kinabahan tuloy ako. Anong meron?
"Tita, anong nangyari? A-At bakit tumawag kayo gamit ang phone ni bestie?"
[Mara, a-ang anak ko. Nandito kami ngayon sa ospital.]
Nanlalaki yung mga mata kong marinig yun. Ospital? OMG, anong nangyari kay Sam?!
"Tita, ano pong nangyari!?"
[Tinawagan kami kanina ng isang binata, n-nabangga raw si Sam nang patawid na siya sa k-kalsada. Nasa ER na ang anak ko.]
At sumunod na naman yung mga hikbi ni tita. Natataranta na talaga ako. Si Sam? Oh my God, hindi ito pwede!
"Tita! Saang ospital kayo?! Pupunta po aketch diyan!"
[St. Cristine's Medical Center.]
"Sige po. Pupunta na ako!"
At inend ko na yung call. Lalakad na sana ako para puntahan yung mga pamangkin ko sa candy store kaso may nakabanggaan ako dahil siguro sa sobrang pagmamadali.
"A-Ay! Sorry, kuya, I didn't----wait. K-Kevin?! Ikaw ba yan?!"
Tinignan din ako ng mabuti ni Kevin. Susmeyo, gumwapo pa yata siya ngayon! Huli kong kita sa kanya noong Elementary pa!
"Leonora? Ikaw ba yan?? Aba! Gumanda ka pa lalo ah!"
Peste kang Kevin ka. Wrong timing ka!!
"A-Ah, oo. Well, um.. Alis na ako ha? Nagmamadali na rin kasi ako. Sige, bye!"
At tumakbo na ako papunta sa mga kids. Ihahatid ko muna sila sa bahay bago ako lumipad papuntang hospital.
"Leonora, wait!"
Huhuhu....wag ka nga muna Kevin! Isa ka pang perwisyo eh! Kitam nagmamadali na nga!
Si pagkakataon talaga, may pagka-pilyo. After ten years, nagkita na uli kami ng kababata ko.
Kevin Arcelo, ang aking dakilang childhood sweetheart.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top