Chapter Twenty-Three
Mara's POV
Nakarating ako sa ospital at kadadala lang ni Sam sa private room niya. Doon, nakita ko sina Tita Sol at Kuya Shaun sa loob ng room.
"Tita, kamusta na po si mars?"
Ngumiti naman si Tita at pinunasan yung natitirang mga luha niya sa mata. "Well, sabi ni doc mabuti daw ako di gaanong masama yung pagkakatama sa ulo niya. Tinahi na yung sugat para di na bumuka, at so far wala naman daw naapektuhan sa utak niya. Bukod sa mga galos, at doon, ay ayos naman siya. Unconscious lang siya ngayon at baka raw gumising siya within 24 to 36 hours."
Tumango ako at ngumiti na rin. Diyos ko, salamat naman.
"Teka, buti nakapasok ka? Akala ko ba bawal pa ibang bisita bukod sa family members?" Nagtatakang tanong ni kuya sa akin.
Nagkamot ako ng batok.
"Well, Kuya Shaun... Lets just say na, I have my ways. Haha."
"Tsk. Ikaw talaga. Maparaan." Dagdag pa niya sabay tawa. Umupo ako sa may silya sa tabi ng kama ni bestie at tiningnan siya.
Ang peacefull ng mukha niya. Parang natutulog lang siya sa hitsura niya, of course except sa part na may benda siya sa ulo niya ang konting sugat sa mukha. Pero, maganda pa rin.
"Best, langhiya ka... Dapat pala di ako umalis sa tabi mo kanina eh."
Sabi ko sabay hawak sa kamay niya. Pero infairness ha, ang bilis magtahi ng sugat si Doc. Hm...pogi kaya yun? Haha. Joke lang.
"Mara, bibili muna kami ng makakain ha? Paki-bantayan na lang muna sa Sam."
"Opo, tita."
At lumabas na sila ni Kuya sa kwarto. Sinilip ko yung relos ko. Damn, its already 6:00 pm. Ang tagal ko pala no? Sh*t lang kasi ang trapik eh. Di na aketch nakapag-drama nung ER scene.
Maya-maya, ay may narinig akong katok.
Knock. Knock. Knock.
Flake's POV
Matapos kong tawagan yung parents ni Sam kaagad habang nasa ER si Sam, ay alam ko nang kinontak nila si Mara, bff niya, para raw may magbabantay rin kung sakali at para na rin malaman niya.
Ang alam ko tinawagan din nila si Ricky. Yung boyfriend na mokong ni Sam?
Anyway, nandito ako ngayon sa may tapat ng hospital at nagpapahangin.
Okay, aamin na ako. Nagyo-yosi break lang.
Nakaka-stress naman kasi eh, lalo na at alam kong kasalanan ko yung nangyari kay Sam. Dapat hindi ko na lang siya hinayaang umuwi mag-isa. Sana, nagpumilit na lang ako na ihatid siya sa kanila.
"Flakes!"
Agad akong napalingon sa tumawag at nakita ko si insan na tumatakbo papalapit sakin. "Oh, insan.. Bat ngayon ka lang? Nakipaglandian ka na naman?" Bungad ko. Sinamaan niya ako ng tingin. "I'll just pretend I didn't heard that. Nasan si Sam?!"
"Room 205. Kagagaling lang ng ER at binabantayan nila tito at tita. Wag kang mag-alala---"
At bago pa ako natapos sa pagsasalita, ay tumakbo na siya sa room ni Sam.
Napa-iling na lang ako at nagpatuloy sa paninigarilyo.
Ang mahid lang nila.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top