Chapter Twenty-Seven
Uwian na, at si Ricky naman, well..he's acting his usual self. Masyadong persistent.
"Sam, hatid na kasi kita! Akin na yung bag mo, baka nabibigatan ka na." Palabas na kami ngayon ng school gates at super nakakainis na itong boyfriend ko! Sarap i-massacre.
"Hoy, ano bang tingin mo sakin? Bata? At, sa ayoko ngang ibigay sayo bag ko no! Sa mukha mo pa lang, snatcher ka na." Walang emotion na sagot ko sa kanya. Pero ang feelingero, ngumiti pa rin. "Sus! If I know, nagpapakipot ka lang na naman, Sam! Hahaha, ang cute mo talaga, pakiss nga!"
At syempre bago ako mamatay---este, mahalikan ni Ricky, nakaiwas ako at sumubsob na siya sa may pader sa likod ko.
Tawa ako ng tawa. "Ayan. Yan na lang ang ikiss mo! Bagay na naman kasi kayo eh. Kasing kapal niya mukha mo." He pouted. Ew lang.
Parang nangingisay na duck-face lang.
"Ha-Ha, very funny, Sam. Di nga, hatid na kita, baka mamaya eh, mapano ka na naman, ayoko nang mag-emote sa hospital no! I mean, I know I'm a best actor, pero wag na natin yun masyadong ipangalandakan!"
Kahit na nag-poker face ako sa sinabi niya sa bandang huli, ay natuwa naman daw ako kasi alam kong he's just concerned. Unlike some other people na nakikipaglandian lang.
And then I remembered something.
I sighed. "Fine. Pero, nakalimutan ko, may kukunin lang ako sa locker ko. I forgot my wallet there."
At saka ko iniabot sa kanya yung shoulder bag ko. Ang loko, abot langit na naman yung ngiti. "Hehe, bibigay ka rin eh! Bilisan mo, ayokong magmukhang gwapong statue dito!"
Inirapan ko na lang siya at saka tumakbo pabalik sa school.
~
Nang malapit na ako sa may locker area, ay parang may naaninagan akong tao dun sa katapat nung locker ko. Actually, hindi naman talaga wallet ko ang naiwan ko dun, kundi yung chakang wooden bracelet na ibinili sakin ni Simon nang magpunta kaming mall minsan.
Tsk. Naalala ko na naman yung pagpapaiyak niya nun sakin.
Yeah, at dun ko unang nakita si Flakes na mukhang lider ng sindikato.
Paglapit ko, si Aika pala. Sh*t lang. Ano na naman ang trip nitong mentally retarded na itech? Sumimangot ako nung nasa harapan na niya ako.
She smirked playfully.
I glared.
"Alis." Sabi ko sabay akmang bubuksan na yung locker ko kaya lang ay pinigilan niya ako nang hinawakan niya yung kamay ko. "Oh, pero hindi ma ba ako kakausapin muna?"
Hinatak ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya. "Bitch please, pagod na si aketch kaya naman bumalik ka na muna sa pinanggalingan mo." Reply ko. Wow. Haha, text message lang?
Tumawa naman siya. Yung tawang constipated? Oo parang ganun.
Then, may kinuha siya sa bulsa niya. Nanlaki ang mga mata ko.
"Are you looking for this?"
Yung chaka--este, wooden bracelet na bigay ni Monzter.
"Paano mo naman nakuha yan?!"
Lumapad lalo yung ngiti niya. "Well, that's for me to know, and for you to never find out. And it seems na you value this crap, right?" Kumukulo na yung dugo ko. Sarap gilitan ng leeg!!!
"Ibalik mo nga yan!" Nang hahablutin ko na, inilayo niya sa akin at bigla-bigla na lang niya akong sinampal ng pagkalakas-lakas.
SLAAAAAP!!
Napahawak na lang tuloy sa pisngi ko and I bet na namamaga na siya ngayon at bumakat yung kamay nung bruha!
I glared at her pero she gave me an amusing look lang.
"You little-----!"
BLAG!
Bigla na lang na may naramdaman akong humampas matigas na bagay sa ulo ko mula sa likuran. Dahilan para mapahiga ako sa sahig.
"Tsk, tsk, tsk, Samantha.. Hahaha, you look so helpless."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top