Chapter Twenty-One
Simon's POV
Napadaan ako sa may park sa paghabol ko kay Sam. Lecheng babae na yun! Saan ba na naman siya nagsususuot at hindi ko na siya mahagilap?!
Tapos, saka ko nakita si insan na nakatayo sa may tapat ng isang bench. Tatawagin ko na sana siya, ang kaso agad ko rin napansin yung babae na nakaupo sa bench na kausap niya.
Si Samantha.
Napatigil tuloy ako sa paglakad ko at tiningnan lang sila. Si Sam, umiiyak pa rin.
Gusto ko sana siyang lapitan, ang kaso tinapunan ako ng tingin ni Flakes. Yung likod ni Sam, nakaharap sakin kaya hindi niya makita..
At ang pinsan ko, parang hindi siya nagulat nang makita ako. Na para bang expected na niya na nandito ako ngayon.
Sinamaan niya ako ng tingin at agad ko rin naman nakuha yung message nun. Wag kang lalapit. Tumango na lang ako.
At para naman kumirot yung puso ko nang makita ko siyang umupo sa tabi ni Sam.
Bwiset lang siya ha.
"Peste ka, Flakes...wag mo sabihing kakalabanin mo ako?" Bulong ko na lang sa sarili ko at umalis na lang ayain yung tropa na pumunta sa bar.
Wala akong balak manuod sa kanila.
~
"Pare, bakit ba bigla ka na lang nag-aya dito?" Tanong ni Uno at tinungga na ang bote ng beer. Sumimangot ako. "Paki nyo ba, ha? Wag na kayong magreklamo, nilibre ko na nga kayong mga g*go kayo."
Tumawa naman silang tatlo.
Sarap lang pagsasasapakin. Kung di lang ako badtrip eh.
"Eh, pare, relax ka lang! Friends mo kami! Di mo kailangang magalit." Ani Tres naman habang ang kapatid niyang si Dos ay naglalaro sa tablet. Clash of Clans yata. ewan ko.
"Relax ka dyan. Peste, sarap lang kasing upakan ni Flakes. Kahit kelangan, inggit yun sa kung anong meron ako." sagot ko na lang at uminom ng isang baso ng vodka.
Don't worry, parang tubig ko na lang itong alak.
"Heh. Gusto mo, brad, resbakan natin? Turuan natin ng leksyon para naman alam niya kung san siya lulugar." Sabay akbay sa akin ni Dos.
Naikwento ko na rin sa kanila ang lahat. Sinamaan ko siya ng tingin at inalis yung pagkakaakbay niya sa akin. "Pare, wala namang ganyanan. Mukha tayong MyHusband's Lover dito eh."
Nagkibit-balikat siya at uminom na lang.
Nakakainis na kasi talaga si Flakes. Inngitero kasi yun kahit nung naka-diapers pa kami. At balita ko, nagpatransfer pa daw siya sa school namin? Ano na naman kayang balak niya?
'Cause if someday you wake up and found that you're missing me,
And your heart starts to wonder---
Ringtone ko yan. The Man Who Can't Be Moved.
Anyway, tiningnan ko yung caller ID.
Speaking of the devil.
---I'm not moving..
No, I'm not moving..
Si Flakes.
Sinagot ko na..baka sabihin napaka-rude ko.
"O?"
[Hello, insan!!]
Tsk. "Wag ka ngang sumigaw! Ampenget mo lang eh, no?"
[Insan, s-si Samantha....]
Nanlaki naman yung mga mata ko bigla. Bigla ring bumilis yung tibok ng puso ko.
"O, anong nangyari!?"
[Insan... Nabangga siya nung k-kotse kanina nung tumatawid siya... N-Nasa ospital siya ngayon at---]
Napatayo na lang ako agad. Nakatingin lang sakin yung sina Uno, Dos, at Tres with a confused face. Damn it!!! Sabi ko na nga ba may iba yung pakiramdam ko kanina eh.
"Saang ospital?!"
[St. Cristine's Medica---]
Toot. Toot. Toot.
Di ko na pinatapos dahil tumakbo na ako dun. Damn you, Sam...you are so careless!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top