Chapter Twenty-Four
After 24 hours....
Samantha's POV
Ugh...
Ang sakit ng ulo ko! Wait nga lang, ano nga pala ang nangyari ulit?
BEEEEEPPP!!!
BAM!
OMG. Nabangga ako! Pesteng kotse yan! Sarap itapon sa junk shop!!
Pero.. Kung naaksidente ako, e di.. Nasan na ba ako? No! Wag niyo sabihing nasa langit na ako!
Huhuhu... Ang dami ko pa pong gustong gawin sa buhay! Di pa po aketch tapos sa college! Di pa ako nakakapag-apply ng trabaho--well, bukod sa part time job kong waitress. Kaya lang, madalang lang ako pumupunta sa work na yun eh. Ang chaka rin kasi nung lugar at saka, wala na rin akong time.
Tapos, hindi ko pa nahahanap ang aking Prince Charming! Noon, akala ko si Simon, pero..basta! I wanna live my life to the fullest pa! Hindi pa ako pwede---
"Sam.."
Wadahek?
"Samantha.."
Who you?
"Sam, baby!!!"
Sh*t. Peste ka talaga Ricky!!!!
Tapos, parang nakarandam ako ng lightness. Naririnig ko na yung mga boses nila. Eh, kung kay Ricky ba naman, tingnan natin kung di ka magigising para lang ma-massacre mo siya.
At di ko na namalayan, na unti-unti ko na palang minumulat yung mga mata ko. So, hindi pala ako patay..
Hinintay kong nag-adjust yung vision ko. Tapos, yung mga blurred figures, unti-unti na ring luminaw.
Pagtingin ko, sina mama at papa pala, kasama sina Ate Shylyn at Kuya Shaun..tapos, sa may tabi nila, si Mara, si Flakes, at syempre, yung loko kong boyfriend na si Ricky...tapos, katabi nila, si....
"Samantha...Thank God you're awake."
I think alam nyo na kung sino yung nagsalita. Clue? HINDI siya si Flakes. Hahaha.
"S-Simon..."
Okay, nilingon ko ang paligid, and my guess was right. I'm in a hospital bed inside a private room. Ang amoy ng alcohol at kape ang umaalingasaw sa buong lugar....at saka utot.
Talas ng pag-amoy ko no? Haha. Partida, may hika kaya aketch.
Sinubukan kong umupo, at agad naman akong inalalayan ni Ricky, na...maluha-luha? Kaya nung naka-upo na ako, ay agad ko siyang tinanong. "A-Ano na naman ba drama m-mo diyan, unggoy?"
Lahat nang nasa silid ay humalakhak sa sinabi ko.
Si Ricky naman, di na napigilan ang luha. "Sammy!! I missed you so much baby!! Akala ko mawawala na ka na sakin! Akala ko, magiging available na ulet ako! Huhuhu...ang pogi ko talaga! Masyado pang maaga!"
At may kasaman pang yakap yan ah?
At kahit medyo naiinis ako sa sinabi niya at gusto ko na siyang batukan, ay napangiti na lang ako.
At least he cares for me...unlike,
"Aalis na ako."
Lumingon kaming lahat kay Simon na tumalikod na at lumabas ng room. I frowned. Bakit ko ba kasi siya mahal hanggang ngayon? Kung pwede nga lang i-off yung feelings ko para sa kanya na para bang isang light switch, ginawa ko na.
Because he is only hurting me.
...He doesn't care for me and better yet, I doubt that he still respects me like before.
When he was still a lovable geek.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top