Chapter Twenty
Flake's POV
"Hahaha. Sige, ha? Bye!"
At nakita ko si Sam na tatawid na nang kalsada. Ang kaso,
"SAM!"
May humaharurot kasing kotse at para yatang nawalang preno, at pagtingin ko, si Sam naman ay nanigas sa gulat at---
BAM!
"SAAAAAAM!!"
Tumakbo ako papalapit sa kanya, ang kaso nga lang, ay nahuli na ako. Nabangga siya ng kotse."Sh*t!" Nasabi ko na lang habang tinutulak yung mga taong nakiki-usyoso. "Samantha!!"
Lumingon ako sa mga tao, "Bilis!! Tumawag kayo ng ambulansya!!"
Nang ibaling ko uli ang mga mata ko, ay nanlumo na nang makita kong may dugo sa ulo si Sam. Hindi ko na alam ang gagawin ko...
Simon's POV
Nang lumabas si Sam, ay hindi na rin ako nakatiis.
Kaya naman itinapon ko yung Gatsby sa sahig at pinulot yung shirt na ibinato sa akin ni Ate kanina. Gusto kong mag-sorry ulit. And this time, hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko.
Dahil this time, siguro kahit ilang kilong munggo at ilang dosenang kaldero at libro pa ang ipa-punish niya sa akin, ayos lang.
Ayoko talaga nakikita siyang umiiyak.
Pero ang g*go ko lang no? Ako ang nagpapaiyak, pero pag nagtagumpay naman ako, there is some part in me na nagsasabing humimgi ako ng tawad.
Palas na sana ako, kaso nga lang, hinarangan na ako ni Ate Shane.
Masama na naman yung tingin niya sa akin. "At saan ka na naman pupunta, aber? Pauwiin mo nga muna yung babae mo. Mamaya niyan, manakawan tayo dito dahil sa pagiging reckless jerk mo eh."
Nag-sigh ako. Lagi na lang siyang ganito. Pagbigyan na nga. Nagmamadali na rin naman ako eh. At saka, isa pa, alam ko naman na walang point ang pakikipagtalo ko sa kanya dahil mas lalong maraming oras ang masasayang, at pagdating sa pagpapauwi ng babae, ay siya lagi na susunod. Tsk.
"Fine."
Lumingon ako sa may taas at sumigaw. "Sweetie! Uwi na!"
At mabilis pa sa alas-kwatro, ay bumaba na yung girl na nakabihis na. "Okay. See you next time, darling!" At nagkiss pa sa cheeks ko bago dinaanan si Ate palabas. Again, napa-sigh ako in frustration.
"Okay na? Now, get out of my way."
Ate Shane glared at me. "After you chase Sam, we need to talk about some issues, Simon."
Nanlaki ang mga mata ko. "How did you---"
"I'm your sister, duh? Anyway, hurry up at baka maunahan ka pa ng iba." Kumunot yung noo ko sa sinabi niya pero di ko na lang yun pinansin at lumabas na ng bahay para habulin si Sam.
Pero why do I have this feeling that something bad is gonna happen?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top