Chapter Sixteen
"Sam baby!"
Aish. Kelan ba ako tatantanan nitong Ricky na ito? Palabas na ako ng school gate nang nakita ko ang boyfriend kong magaling na nakasandal sa may pader dun malapit sa kanto. Tinapon niya yung sigarilyo niya at lumapit sa akin.
Lumayo naman ako at iniharang yung mga kamay ko.
"Pwede ba, wag kang lumapit sakin! Amoy sigarilyo ka, Ricky!"
Nagkamot naman siya ng batok bago bumanat na naman. "E, sa ito ang pangalawa sa kinaaadikan ko eh.. Gusto mong malaman kung ano yung una?" Umirap ako at naglakad na lang. Sumabay siya sa akin.
"Makha ba akong may pakielam?"
Nabadtrip na nga ako kay Aika kanina, dadagdagan pa talaga ng mokong na to. "Hahaha! Kahit kailan, ang joker talaga ng girl ko! Yan ang gusto ko sayo eh."
Di ko na lang siya pinansin at pumunata na lang sa may tindahan.
"Manang, Gatsby nga po. Yung naka-sachet ha."
Tumango si manang at kinuha na yung bibilhin ko. Habang kumukuha naman ako ng pera sa wallet, narinig kong nag-react yung poste--este, si Ricky pala. "Babe, mali."
Nilingon ko siya nang nakataas ang kilay. "Ano na namang mali? Na sinagot kita? Oo. Maling-mali." Pero imbes na mainis, as usual he took it as a joke. "Sus! Hahaha, babe, hindi Gatsby yung brand ko."
"Ano? Rugby? Sensya na, nagba-budget pa ako eh."
Sarkastiko kong sabi at binayaran ko na yung Gatsby ng panget na Simon na yun. Oo na. Hindi naman siya panget, bagkus mala-model, pero yung ugali niya? Pang-kanto boy.
"Thank you, po."
Humarap na ako kay Ricky. Hindi ko pwedeng sabihin na sa leche kong ex ito kung hindi baka mabugbog siya. Oo, kumpyansa ako na si Ricky ang mapapahamak imbes na yung Monzter na yun. "Rick, sa Kuya Shaun ko ito. Mauna na ako ha? May emergency sa bahay."
Aangal pa sana si Mr. Belga, ang kaso--
"Hoy, pareng Rikoy! Lika na! May game pa tayo ng basket ball!"
Wow. Ganda ng timing nung ka-tropa niya. Malibre ko nga yun minsan! "Ah.. Babe, di ka kita maihahatid ha?" Sabi niya sabay halik sa pisngi ko. "Text na lang kita later, 'kay baby Sam ko?" Nag fake smile na lang ako. "Sure, ingat babe."
At ayun nga. Matapos akong bigyan ng malagkit na kindat tumakbo na siya sa mga kasama niyang ewan.
Buti na lang wala na siya.
Kailangan ko yatang hugasan ng hugasan mamaya yung pisngi ko. Tsk.
~
Sumakay na lang ako ng jeep papunta sa bahay nila Simon. Mabuti na lang at naaalala ko pa rin yung address nila. Nang nakababa na ako, ay huminga muna ako ng malalim bago nag-door bell.
Marian. Marian.
Ha?
"Meganon? Hahahaha!"
Natatawa ako sa doorbell nila! Di ba dapat DingDong at hindi Marian yung tunog? Aba, ayos ah! Maya-maya pa, ay may lumabas na babae.
Ang masaklap, di ko siya kilala.
Plus, nakasuot lang siya ng over-sized T-shirt....
...ni Simon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top