Chapter Six
Oh God.
Bakit ganyan ang histura ni Simon John Perez ko?
Matangkad.
Pumuti.
Walang nang nerdy glasses.
Bad boy styled..
AT KELAN PA SIYA NAGPA-MOHOK?!
Ngumiti siya sa akin at umupo sa likuran ng klase. What is happening to this country?! Sino ba itong impostor na ito?! At bakit ba kamukhang-kamukha niya ang ex-boyfriend kong nag-aral sa States!?!
Nagsimula na ng lecture si sir habang ang iba naming mga kaklase ay nagsusulat na nga notes. Kabilang si Mara. Pero ako? Eto. Nakatulala pa rin. Parang napagsukluban ng heaven and earth. Di nga kaya, si Simon talaga 'yun? Kasi, paano naman niya nalaman name ko? At parang close kami eh. So my hula is, either si Simon talaga yun na nabigyan ng matinding dose ng drugs sa California, or, isang lalaking kamukha niya lang na feeling close na naka-singhot.
Kaya't para matapos na itong mga kalokohang pinag-iiisip ko, kinalabit ko na lang si Mara.
"Bakit?" Sabi niya matapos ko siyang kalabitin. Nagtatake pa rin siya ng notes sa board. Good, may pagkokopyahan ako mamaya.
"Mara, ano nga ba ang name ng bagong student?" Tanong ko na para bang kinakabahan. Okay, walang para, kinakabahan ako, talagang-talaga!
Nginitian lang niya ako. "Hoy babae, akin yan eh! Uunahan pa ako?"
Sumimangot ako. "Hindi mo sasagutin or hindi na kita pakokopyahin ng assignments?"
"Sabi ko nga eh..."
"Good. Name?"
"Um.. Simon John yata?" Nanlaki ang mga mata ko. A-Ako lang ba ang hindi nakapaglinis ng tainga kanina o, Simon ang sabi ng babaeng ito?! "S-Simon ba kamo?" Tumango lamang siya at humarap sa board. Hindi pa rin ako mapakali.
"A-Anong apilyedo?" Tanong ko uli
"Peso? Pera?"
Ha? Ano daw?
Nag-isip pa muna siya bago may nag-lightbulb. "Ah! Perez!"
Nanigas yata ako. Simon, John Perez? As in the one and only?! Baka naman kapangalan niya lang! Sino ba naman kasi ang maaakala siya nga yung Simon na ex ko? Eh, geek yun eh! Anyare? No, I am not fooling myself! Hindi siya si Simon! He's too damn hot and badboyish to be the Simon John Perez I loved!
Magsusulat na sana ako nang may biglang eroplanong papel tumama sa likod ko. Nasa front seat kasi kami.
"Ouch!"
At nang pinulot ko, ay may napansin akong may nakasulat sa papel. Binuksan ko ito, at binasa:
Sabay tayo mag-lunch, Sam. Libre kita. I love you. :*
-Monzter
Monzter ano daw? Bakit ba, parang may kutob ako..
Agad akong lumingon sa likuran at nakatingin siya sa akin habang naka-wave and siya ay.. Omigawd! Nag-flying kiss?! At kelan pa naging ganyan ang asta ng isang bookworm na math and physics geek?! Ang alam ko napaka-anti social niya ah!
Ganon na ba kabisa ang drugs ngayon sa U.S.?
~
"Sam!"
Lunchbreak na namin kahit na ayaw ko pa. Kaya habang nag-aayos ako ng tambak kong mga gamit sa bag, ay may biglang tumawag sa akin mula sa likod.
At piling ko, mamamatay ako sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko.
Alam ko kasi yung boses na yun eh.
Humarap ako sa kanya at nagfake-smile. Pero dali-dali niya akong tinulak sa pader at hinalikan sa lips. What the hell?!
After a few seconds, and no. Hindi ako nagresponse sa kiss niya. He pulled away ang held my hand. Pero nakapako lang ako sa kinatatayuan ko. I mean, heller? HINALIKAN NIYA AKO!
"What's wrong, Sam?" He asked.
Agad na uminit ang dugo ko. "What's wrong? Well Simon, I'll tell you what's wrong! Hiniwalayan mo na nga ako less than two freakin' years ago, hindi na nagpakita, nearly broke your damn promise and after all that, nakuha mo pang halikan ako aga-agad na wala man lang paalam!!!" Sigaw ko sa kanya.
But unfortunately, he looked bored lang and said, "Kaya nga kita binalikan di ba? Huwag ka ngang maarte diyan. At saka, hindi ko naman na kailangan pang magpaalam kapag hahalik ako sa'yo, dahil gusto mo rin naman. Tama na nga ang satsat, gutom na ako."
I gaped at what he said.
Aba, si Kuya MATINDE!
Hinila niya ako papuntang cafeteria.
"Hoy ugok ka! At kailan ka pa natutong sumagot sa akin, ha?!"
Seriosleh. This is the first time na sinagot niya ako! Dati rati, tahimik lang siya at tatango-tango lang, pero ngayon may gana pa siyang sagutin ako ha! Upakan ko kaya itong impostor na ito!
"Simula nang na-realize kong, under ako sa'yo, maldita ka."
ANO DAW?!
Eh, kung patayin ko kaya ito?! As in, now na!
Siya ba talaga si Simon?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top