Chapter Seventeen

Para yata akong nabuhusan ng malamig na tubig.

This is so not true.

Nakatulala lang ako, habang yung girl naman ay nakakunot na yung noo. "Who are you?" Tanong niya sa akin habang nakapamewang. Parang nawala naman yata yung composure ko. Wag nyong sabihin na....sila......

Hayop lang talaga, Simon.

Pero sana mali ang iniisip ko. Kasi parang mas lalong sumasakit yung puso ko. Makalipas lang siguro ng ilang minutes, ay sumagot na ako at pinigilan yung mga luha kong lumabas. Why does he have this same effect on me? Kahit na alam kong wala na kami, ang sakit lang na ganito.

"A-Ah...well, ako si Samantha. At, um..nandiyan ba si S-Simon?"

Nag-roll ng eyes yung babae. Naku, kung hindi lang ako hurt ngayon, pramis lang, gigilitan kita ng leeg!!! Malandi ka!!!

"Sweetie, may bwisita ka!"

Wait, what did she just call me?! Sam, calm yourself. Calm yourself. Wag papatol sa palaka..... Isa pa talaga, lalabas na ang pagka-Amazona ko!! Timping-timpi na ako dito at hindi ko na namalayan na nakakuyom na pala ang mga kamay ko.

"Wait, lang babe!"

Rinig kong tawag ng pesteng lalaking iyon. Masakal nga siya mamaya!!

Tumingin uli sa akin yung girl. Ang sama ng tingin niya sa akin, pero syempre, ako yata si Samantha Mae Serdevilla, ang worst nightmare ng mga babaeg malalandi katulad nitong nasa harapan ko ngayon.

"Hindi mo ba ako papapasukin?"

She glared harder. "Should I?"

"Bakit, ikaw ba may-ari ng house na ito? FYI, kung ikaw lang ang definition ng pagiging hospitable, mawalang-galang na pero hindi ka dapat igalang, ang shonget mo!"

At dahil doon, ay pinagbuksan na niya ako ng pinto. Mataray akong naglakad papasok.

At sa sala, gumaan medyo yung pakiramdam ko nang makita ko si Ate Shane. "Ate Shane!" Tawag ko sa kanya, kaya't napalingon siya sa akin at ngumiti. "Sam! Ang tagal na nating hindi nagkita ah!" At nagyakapan kami.

Oo. Ang awkward nga eh. Ang name ko ay Samantha, at ang mga kapatid ko ay sina Ate Shylyn at Kuya Shaun. Si Simon, kapatid niya si Ate Shane. O, di ba? Puro S lang!

Nang matapos ang drama namin, ay naupo kami sa tabi niya. "Ate, I missed you!"

"Haha, I missed you too, Sammy. Pero what are you doing here? I mean, di ba nga...wala na kayo ni....alam mo na."

Ngumiti ako ng mapait at naalala yung babae kanina sa may pintuan. Nag-init na naman bigla ang ulo ko. Lumingon ako sa likod at nakitang wala naman na siya. Hmph! Siguro lumandi na naman! Bwiset.

At napansin siguro ni Ate Shane ang ginawa ko kaya naman hinawakan niya yung kamay ko. Napatingin ako sa kanya. Binigyan niya lang ako ng apologetic smile.

"Sam...pasensya ka na dun sa babae ha? Alam mo kasi, g*go yang si Simon eh. Parang weekly siya nag-uuwi."

Napasimangot ako. Mapapatay ko na talaga ang lintek na yun!

"Sam, sorry. Kahit ako, di ko alam kung bakit ganyan yang kapatid ko eh. Nagsimula ang lahat nang yan nung nandun na kami sa States kay tita."

This time, ako naman ang naglakas-loob na magtanong. "Right after our break up? Ganyan na siya....?"

Umiling si Ate. "Hindi. Mga, five months pa after nun. Hindi ko nga alam kung anong nag-trigger sa kanya para maging ganyan siya eh. Alam ko naman na, minahal ka niya ng totoo. Biglaan na lang din ang lahat. Pagkagising namin ni Auntie, hindi na yung good boy na Simon yung nakita namin. Kundi isang bad-ass at heartless na bastard na walang ibang ginawa kundi bigyan kami ng sakit ng ulo."

Tumango na lang ako sa explanation niya.

So, hindi ito after our break up? E di, anong sanhi nito? Bakit ba siya ganito?

"Hey, Ate. Sino yang kausap m---Sam?"

Napalingon kami sa may hagdan. Nandun nakatayo si Simon at imbes na magulat, parang natuwa pa siyang nandito ko. Ang evil ng smile niya. At, naka-topless siya habang yung babae kanina, naka-kapit sa braso niya, glaring daggers at me.

Kaya pala niya ako pinapunta dito.

Bwiset lang.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top