Chapter Seven

Hanggang sa mga sandaling ito, hindi pa rin ako makapaniwala.

Si Simon ko, naging instant heartthrob?!

"Oy, anu ba Sam? Nakatulala ka na naman sa akin, eh. Alam kong pogi ako, kaya't please lang. Wag mo nang ipahalata." Inis niyang sabi sa akin habang nakaupo across from me dito sa may table.

I blinked.

"Tsk. Ang hangin, grabe." Pagpaparinig ko sa mokong na impostor.

"Malamang, katapat mo ang electric fan." Aba aba! Namimilosopo ah!

"Hay. Alam mo Samantha, gutom lang yan! Kaya kumain ka na lang." Saway niya habang humigop ng sopas. Ugh! Yung totoo, joke ba ito o naka-katol lang talaga siya!? Mapektusan ko nga itong lalaking 'to!

Pero wait. Aalamin ko muna kung siya nga ba si Sim or feeling-close gangster boy lang..

Hm.. Noon, si Simon, makakita lang ng Chemistry equation, nagse-serious focus geek na ang peg. Kaya ang gagawin ko, eto..

Kinuha ko yung Chem mini-book ko na lagi kong dala-dala kahit hindi naman kailangan, at saka inilipat sa isang page na sinagutan ko ng mali noon.

"Simon, tingnan mo o! Ang galing ko na talaga sa Chemistry!" Ipinakita ko ito sa kanya ng may fake smile sa mukha. Kasi, kung siya nga yung ex ko, ico-correct niya ako at makikipagtalo with an 'I told you so' face.

Once a geek. Always a geek..

Pinag-aralan niya yung equation at nagulat.

"Mali kaya. 'Yang seven dapat dinistribute mo sa square number nung given, at hindi sa cube!" Nakanganga lang ako habang ineexplain niya. Hindi dahil sa super hot niyang tingnan habang nagsasalita ng alien geek language habang nakakunot ang noo niya sa kanyang angelic face.. kundi dahil..

Dahil siya nga si Simon. Ang geek na ma-- este, minahal ko noon!

"So in other words, the answer is 57.468 amu." Pagtatapos niya sa kanyang speech. At napansin niya siguro ang mangha kong mukha sa kanya ngayon. "Hoy Sam, okay ka lang?"

"I-Ikaw nga si Simon!"

"Ay, hindi. Ako siguro si Piolo Pascual.. Tanga! Oo, ako si Simon, sino pa ba?!"

Wow ha. Nagalit naman ako dun.

"Tsk. Ikaw 'tong nawala ng isang taon eh. Tapos ganyan ang asta mo! At bakit ba mukha ka nang..." tiningnan ko siya from head to toe.

"Mukhang pogi? Matagal na. Ngayon mo lang nalaman?"

Binatukan ko siya. "Sira! Mukha ka nang tukmol na naka-rugby na binihisan ng tambay ngayon! As in, anyare?!" Tanong ko. He just looked at me with a straight face. "I don't care what you think of me, Samantha." Wow! At gustong-gusto ko na sanang ibato 'tong lamesa sa kanya ha! Ang yabang! Akala mo naman kung sino!

Pero syempre bawal away sa school. Kaya eto, sumubo na lang ako ng siomai ko.

"Ano nga palang nangyari nung umalis ako?" Tanong niya.

Napaisip naman ako dun. Hm.. ano nga ba? Ah! "Well, muntikan na akong nabaliw dahil ginago ako ng leche kong ex-boyfriend at nakipag-break sa akin para lang sa dream niya, at lumipad siyang papuntang States." Sagot ko nang may ngiti.

He glared at me and raised an eyebrow.

"I mean, after I left idiot. Sa family mo, kamusta na sila?" Grabe na 'to ha! Pati accent niya, napaka-fluent na! And did he just called me an idiot?!

"Well, ayun nga si mother, madalas na sa Baguio dahil sa mga business trips niya para sa company namin. Si papa, at home. My house husband ang peg niya. Si Ate Shylyn, nag-aaply ng trabaho sa isang bangko. At si Kuya Shaun naman ay nagtratrabaho na sa Makati.. alam mo pa naman 'yung Makati di ba? Baka kasi nakalimutan mo na noong nasa States ka." Sabi ko. Tumingin siya sa akin ng nakakaloko.

"Depende sa makati. Yung place ba, or yung ex ko?"

Nanlaki naman ang mga mata ko dun! Ako?! Makati?! Tokneneng lecheflan siya ha!!

Tatayo na sana ako nang may biglang lumapit na girl sa table namin. Nilapitan niya si Simon, at may itinanong.

"Um.. Kuya, ano pong name niyo?" Tanong niya habang parang kinikilig! Landi mo 'te! Alam ba yan ng mga magulang mo?!

Nag-smirk naman si Simon. "Simon. And what's yours, baby?" Abaaa! Isa ka pa ha! Maharot!

Nag-giggle muna si girl bago sumagot, "My name is Ciara Marie."

"Ang haba naman Miss. Baka hindi ko makabisado.. can I call you mine na lang?"

At ang eng-eng na fangirl, tumili! Wow. At ano naman po ang role ko dito sa landian nila?! Audience?!

"K-Kuya Simon.. ah.. pwede bang makuha yung number m--"

Pero bago pa sumagot si Simon, hinawakan ko siya sa kamay at hinila palayo.

"He! Tumigil kang linta ka, baka pektusan kita." Sabi ko at sabay lakad, hila si Simon.

"P-Pero yung number??" Habol niya.

Ay! Ang kulit ha! Napupuno na ako!!

"WALA SIYANG NUMBER, BOBA!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top