Chapter One
Beauty & The Geek
written: January 1 (Thursday) 2015
9:14 pm. By MistyAnnE_04
~
"..Ay, naku! Hayan na naman sila!"
"Oo nga. Di na ba talaga nahihiya si Samantha?"
"Diyos ko, ewan ko ba.."
Malamang ay nahihiwagaan kayo sa mga pinagsasasabi ng mga tsismosang estudyante, ano? Aba, sino ba naman sa buong eskwelahan nila ang hindi, kung makikita mo ang pinaka-magandang dalaga sa balat ng tinalupan na lumalakad habang naka-akbay sa kanya ang isang katulad ni Simon.
Isang geek.
Oo. Isang geek. Isang hindi kapani-paniwalang tanawin. Kung kaya't ayan, bulung-bulungan pa sila.. mga echoserang palaka talaga..
"Paano kaya ginayuma ni Simon si Samantha?"
"Hindi 'yan ginayuma! Ipinakulam niya yan!"
"Na-mental na ba 'tong si Samantha?"
"Sayang. Maganda pa naman sana."
Pero kahit na mali man ito sa paningin ng iba, ay kibit-balikat lang ang dalawa.
"Mahal, sabay tayong kumain mamaya ha? Hintayin na lang kita sa canteen." Sabi ng binata sa kanyang kasintahan.
"Ngek. Bakit ka maghihintay dun? Puntahan mo na lang ako sa may classroom." Ani Samantha habang iwinawasiwas ang magkahawak nilang kamay.
"Ay, wag na lang siguro. Mahirap na. Ayoko nang makuyog ng mga manliligaw mo.. Alam mo namang two weeks bago ako mapalabas ng ospital nun, di ba?"
Nagbugtong-hininga ang dalaga.
"Oo nga pala. Hindi ko pa rin kasi sila maintindihan, eh! Bakit pa nila ako nililigawan, eh alam naman nilang, lab kita.."
Natawa na lamang si Simon. "Hayaan mo na.. Ganyan kasi talaga kapag, artistahin ang syota. Haha, alam mo ba Sam, ang swerte ko nga sayo eh.."
Napatingin dito si Samantha na may makwestiyong mukha, "Bakit mo naman nasabi 'yan, Sim?"
Ngumiti ito sa kanya. "Dahil sa lahat ng lalaking nanligaw sa'yo, ako ang napili mo."
"Aww... Ang sweet naman! Kaya kita sinagot eh. Para tuloy akong lalanggamin." Kinikilig na sagot nita habang pinisil ang ilong nito.
"I love ya!" Anito
"I love you too, Samantha Mae Serdevilla."
Paalam ng dalawa habang humiwalay na sila ng landas at pumasok sa kani-kanilang mga klase nang may ngiti sa mga labi.
~
"Sam! Dito!" Tawag ng isang grupo ng mga babae kay Samantha.
"Ah, di na muna girls.. Sabay kami kakain ni Simon." Pagtatanggi nito sabay ngiti sa grupo.
"Tsk. Lagi ka naman diyan sumasama sa jowa mong geek! Baka mamaya niyan, ay maging geek ka na rin!" Komento ni Abigail. Nagtawanan silang magkakaibigan kung kaya't di na nila nakita ang pag-alis nito.
Mga babaeng ito talaga.. Ano bang problema kung geek ang boyfriend ko?
~
Nang makarating na si Sam sa canteen, agad niyang nakita ang lalaking gwapo lamang sa paningin niya.
"Simon!" Tawag niya dito.
Lumingon si Simon. "Sam!" At umupo ang dalaga sa tabi nito. Pinagtitinginan tuloy sila ng masama ng mga tao. Kahit pa'y isang buwan na ring mahigit silang magkasama.
"Mga taong ito talaga! Kung makatingin sa atin, akala mo ilegal ang relasyon natin.." ani Samantha sabay subo sa biniling palabok sa kanya ni Simon.
"Basta hayaan mo na lang.." anito sabay ngiti at hawak sa kamay ng dalaga.
"Ah, Samantha.. may sasabihin pala ako sa'yo." Kinakabahang sabi ni Simon.
Agad na napatigil sa pagkain si Samantha. "Bakit? Ano ba 'yon?" Tanong niya. Huminga ng malalim ang binata.
"Sam, aalis na akong papuntang States.."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top