Chapter Nine

Nasa bahay na ako ngayon after the incident. Hinatid na lang ako ni Ricky kahit na namamaga pa ang mukha niya.

Hindi naman na ako nag-aalala sa mukha ni Ricky. I mean, hello? Eh, basagulero kaya yun! Kahit anak mayaman, asal taong kalye lang ba?

Ang prinoproblema ko ngayon, ay bakit ba nagkakaganoon si Simon? Dati-rati, kahit yata langaw hindi niya pinapatay eh. Noon nga pag may langgam na kumagat sa akin, mas ipinagtatanggol niya pa ang langgam eh. Tapos ngayon, dahil lang sa pumunta siya ng Amerika, ganon na siya?

Sayang.

Bakit kamo? Simple lang. Kasi I'm starting to miss Simon.

The old him.

Alam kong people change for the better, but bakit siya yata, for the worst? Hayy.. ewan ko ba. Bakit kaya ganito ang life, no? Napaka-unfair.

Pero unfair ang life sa lahat ng tao, so I guess fair nga siya, right?

Jusko! Makatulog na nga lang!

~

"Hoy Kapatid! May bwisita kaaa!!"

Grabe. Kailangan ko na nga talaga palitan ang alarm clock ko! Ang panget ng tunog eh.

"SaaaAAaaaaAaaammm!!"

Agad kong idinilat ang mga mata ko at sumimangot sa nakita. Di lang pala panget ang tunog ng alarm clock ko, pati pala alarm clock mismo eh, sobrang luma't tanders na.

"Anong tinitingin-tingin mo dyan ha?!" Tanong ni Kuya Shaun habang nakabusangot na rin. Hahaha! Pumanget pa mas lalo! De joke.

"Ano ba Kuya? Sabado naman eh!" Pagdadabog ko. Umirap siya. Ay, grabe! Babae lang ang peg?

"May bisita ka nga. Bumangon ka na nga dyan Sam! May pasok pa ako eh." Sabi niya. Teka, bisita daw? Tosino kaya yung nagmamahal sa akin?

"Sino?" Tanong ko habang nakaupo na sa kama ko.

"Basta. Sige na, shu!" Itinulak niya ako palabas ng kwarto ko. Aber aber, kanino kayang kwarto ito no!? Isusumbong ko talaga siya kay Ate Jaz! Ps. Girlfriend niya yun.

Pagbaba ko sa may hagdan, para akong naiihi na ewan noong nakita ko kung sino ang naghihintay sa akin sa may couch. Aba! At sitting pretty pa ang lintek!

"Morning, mahal!"

Si Simon. O tinatawag niya ang sarili niyang: Monzter.. Ew. Parang engot ang nickname.

"Anong ginagawa mo dito?!" Tanong ko. Ngumiti siya sa akin na parang pabad-boy pa and said, "Dito na kaya ako titira, di mo ba alam?"

Nanlaki bigla ang mga mata ko. "WEH DI NGA?!" Natawa naman ang mokong. "Hahaha! At excited ka naman makasama ako sa iisang bubong! Grabe, patawa ka talaga, Sam!" I glared. Toknene siya ha!

"Grrr... Tama ka na nga!" Lumapit ako aa kanya at binatukan.

BOINK!

"Ouch! Ano ba ganda?!" Pagrereklamo niya habang hawak-hawak ang kanyang ulo. Nakakainis talaga! Feeling pogi lang?

"Tumahimik ka dyan kung ayaw mong magkaroon ng asawa yung batok kong yun!" Pagbabanta ko.

"Sige na po. Tatahimik na."

"Good boy." Hahaha! Parang aso lang ang peg! Ankyut. Ngumiti lang siya sa akin nang nakakailang.

"Ah, ano nga pala ginagawa mo dito, Simon?" Tanong ko habang nakiupo na rin ako sa may tabi niya.

"Ipapasyal ka."

Nanlaki agad ang mga mata ko. "Hoy! Bakit naman ako makikipag-date sayo ha?! Eh, may boyfriend na ako! Lumayas ka na nga!" Sigaw ko. Tawa naman siya ng tawa na para bang may nakakatawa sa mga sinabi ko.

"Hay nako Samantha, bakit ba ang feeling mo? Porke't ba ipapasyal kita na tayong dalawa lang, date agad? Di ba pwedeng bonding time muna? Feeling mo ah!"

Nainis naman daw ako sa sinabi niya. Kaya't ayun,

BOINK!

"Aray! Ano ba yun?!"

"Asawa ng isa kanina." Sagot ko habang nakatitig ako sa mokong na ito. Ang laki talaga ng ipinagbago niya! Akalain mo ba naman na may piercing na siya sa isang tainga niya!

Yung totoo, nag-aadik ba ito?

"So ano?"

"Ha?" Pagtataka ko. Nag-exhaled siya ng malalim, na para bang frustrated sa mga nangyayari. "Magbihis ka na nga! At nang makaalis na tayo." Sabi ba naman niya!

I crosses my arms. "Bakit, feeling mo ba na sasama ako sayo? Aba! Mangarap ka."  I said.

"Bakit, hindi ba? As far as I know, mahal mo pa rin ako. So halika na!"

"Aba, aba, Abad santos! Feeling mo ha! Ako? Mahal pa rin kita?! Ikaw Simon sinasabi ko lang sayo, masama ang mag-katol! Bata ka pa ha."

Tinaasan niya lang ako ng kilay.

"Tama na nga! Sige, ikaw mamili. Maiiwan kang bored dito sa bahay niyo, or sasama sa akin sa SM at ililibre pa kita ng food." Sabi niya.

Agad naman ako nagdalawang isip..

Hm...

"Sige, magbibihis lang ako, ha?"

~

"Ayoko nga sabi eh! And kulit mo!"

Sigaw ko habang pilit pa rin akong hinahatak ni Simon sa isang antique shop. Eh, bakit ba?! Ayaw ko nga sa mga ganito! Mukha niya lang yata talaga ang nagbago, pero ang pagiging antique lover and geek niya?

Isang malaking nakacaps-lock na HINDI.

Pero dahil nga, ako ang bida ditong kay bait at maunawain. Ay sumunod na din ako... okay, chos lang. Di niya daw kasi ako bibilan ng bagong book sa National bookstore kapag hindi eh.

Negosyante lang, no? Tsk.

"Hehehe, eto! Sam tingnan mo, oh?" Agad naman niyang itinaas ang isang chakang bracelet na gawa sa wood, I think? At iningungod pa sa mukha ko. Literally.

"Mokong! Ilayo mo nga sa akin!" Alam ko. Ang harsh ko, no? Pero di din naman kasi maiiwasan dahil una, maangas siya. Pangalawa, mukha pa lalo siyang tukmol dahil nagpakulay na siya ng red sa buhok, at panghuli, ay.. nasabi ko na bang mukha siyng super tukmol?

Ay, parang oo. Hehe.

"Ano naman gagawin ko diyan?!" Sabi ko na nakakairitang boses. Kapal kasi eh! At kung akala niyo yung bracelet yung tinutukoy ko, ay mali. Dahil yung mukha niya pa lang, wala nang panama sa isang pader.

"Hoy, babae! Ikaw na nga 'tong binilan ng remembrance eh, ikaw pa 'tong naiirita!" Wika ng alimasag.

Napairap na lang ako.

"Bakit bata, tayo ba?! Kung makasalita ka ah, akala mo ikaw na ang pinaka-poging nilalang sa balat ng mansanas!"

"Bakit, hindi ba?"

Arrrgh! Kakainis! I hate him for the first time in my life!

"And to answer your first question," hiwakan niya ang kamay ko ay saka hinalikan.

"Kahit hindi ako magsalita rito, alam kong head over heels ka pa rin sa akin."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top