Chapter Fourteen
Napa-sigh na lang ako. Grabe talino naman nito sa English.. Nahiya naman daw ang ribbon ko sa best in English.
Baka nga, pati 'Kano, ma-nosebleed dito kay.....
"Sino ka nga ba uli? Name mo." Tinanong ko na.
He glared."I is not talking on stranger nga!"
Umirap na lang ako. Nakaka-stress naman itong mokong number two na ito."Fine. Ako si Samantha Mae Serdevilla. And you are?" Napangiti siya sabay akbay sa akin. "Me is handsomer than my insan. Me is naming Flakes Perez." Susmeyo, kung ima-massacre ba lahat ng taong wrong grammar, san kaya ito magtatago?
Kawawa naman daw. Baka bangkay ko na 'to maabutan bukas.
Inalis ko ang pagkakaakbay niya sa akin. Sa sarili ko ngang boyfriend, di ako nagpapaakbay, sa kanya pa kayang mukhang naka-marijuana?
"Ah. Okay. Punta na ako sa class ko ah? Sige, um... Flakes."
Aktong aalis na sana ako para hindi naman ako pagkamalang nurse na may alagang mental dito, kaya lang tinawag niya ako, "Sammy! Wait, ano ba next class mo? Ihatid na kita. Pero, parehas lang yata tayo ng year, no?" Wag na. Baka dumugo lang ilongers ko.
"Sa kasamaang palad, English. Kaya bawal ka dun. At FYI, 1st year college aketch." Ngumisi naman siya ng napakalapad. Yung kasing lapad ng noo ni Sim? Oo, ganun.
"Perahas pala tayo ng class at year level eh! That my favorite classes!"
"Flakes?"
"Yup?"
"Parang awa mo na, wag ka nang mag-English diyan. Baka dumugo ang tenga ko sa grammar mo."
Tumawa na lang ang loko. "Ay nga pala. Bakit parang di ko nakikita si insan? Di ba siya pumasok?" Ngumiti na lang ako at lumiko sa may corner. "Hindi eh. Masakit pa rin ang katawan niya sa pinagawa ko sa kanya kagabi. Tingin ko di na yun luluhod sa munggo kahit kailan sa tabambuhay niya."
"Ah.."
~
Chandelier! On the chandelier~~!!
"Ay teka lang ha?"
Tumango si Flakes. Malapit na kami sa class namin kaso may nag-text sa akin. Pinalitan ko na pala ringtone ko para madali kong marinig. Recorded ko yan nung bumibirit si Kuya Shaun ko sa shower room.
At sinasabi ko lang sa inyo.
Makabasag chandelier yung voice niya.
Binasa ko yung text. Its from Simon.
Sam, puntahan mo ako sa bahay. May sakit ako. Alagaan mo ako at dalhan ng Gatsby.
From: Ex Ko na Lab Ko pa Rin na bwisit lang siya talaga. Aka. Simon.
Haba ng name nya sa phone ko no? Hahaha. Di ko alam na pwede pala ganyan karaming characters. Maangas talaga ang cp ko!
Anyway, kumunot yung noo ko.
Hindi siya request, bagkus na bangus, isa siyang command! Aba, ang tindi nito ha! Limang oras lang siyang napunish ng ganun nagkasakit na! Tapos, ano naman konek ng Gatsby?
Hinayupak lang na Simon 'to!
Mapapatay ko na talaga siya! Super na kakainis na siya, akala mo naman kung sinong maka-demand!
"Oh, Sammy. Who are texting you?"
"Flakes, wag ka nang magtaka kung bukas makalawa, lamay na nyang pinsan mo ha."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top