Chapter Four

Mahigit isang taon na rin mula noong iniwan ako ni Simon para mag-aral sa Amerika.

At grabe, and hirap talaga ng wala siya sa tabi ko.

Kahit na nagkasama lamang kami sa maikling panahon, ramdam ko talaga na he's the one..

Kaya, eto na naman po ako. Nag-eemo. Grumaduate na nga pala ako two weeks ago na. Pero mali akong inakala kong magpapakita si Simon noong graduation ceremony ko. Kahit nga birthday ko, di man lang makaalala. Kahit nga noong naospital ako dahil sa hika e, hindi man lang nagtext ang mokong.

Nakalimutan na kaya niya talaga ako?

Taray niya ha. Ako na babae, hindi pa rin makaget-over sa kanya, siya naman diyan, may pa promise-promise pa, na di naman tinutupad. And I doubt nga na tutuparin niya!

Kaya't sige. Kung kalimutan ang gusto niya, o siya. Ipapangalandakan ko pa sa pagmumukha niyang super cute na nakamove-on na ako. And for the evidence, sinagot ko na si Ricky just yesterday. Yes. He is now my new boyfriend. And I can't be anymore happier. Okay, tama na english. Nosebled na 'ko mga people. Hehehe.

WEH, DI NGA? PUSH MO YAN TE!

Oops. Message alert. Danda ringtone ko noh?

Kinuha ko yung iPhone ko at binuksan. Binasa ko yung message and gasp.

Ur lowd will ehzpire letah. Pleaze load now to continue your happehnez!

From 8888

Ngek! Ano daw? Pati pala 8888 naka-jejemon! Haha.

Tiningnan ko yung inbox at nakitang may unread message pa ako. Tosino kaya ito? Binuksan ko at ipinagdasal sa lahat ng santo na wag sanang 8888. Bakit? Well, what can I say? Mahal na mahal kaya niya ako! Oras-oras akong tinetext!

At pagbukas ko:

I love you, Sam. Just a little more longer.

From: unknown number

What? At sino naman kaya ito? Di kaya si Ricky? Nah. Di naman niya alam number ko eh. Baka si mama, nagtext galing Baguio? Ay, pero may meeting nga pala sila ngayon. Si papa? Hindi. Nasa inuman sa kumpare niya. Si Ate Shy? Hindi. Nasa barkadahan. Si Kuya Shaun? Ay, wala kaya yun pake sa akin! Ah! Alam ko na, si 8888! Ay, pero kakatext lang niya eh.. Ugh. Sino ba talaga ito?!

Hindi kaya si...

No.

Never. Hindi naman niya ako basta itetext kasi nasa Amerika kaya siya.

Pero,

Masama bang umasa?

Lecheng pag-ibig. Nakamove-on na nga ako! Tapos siya pa rin ang iniisip ko? Biro talaga ito. Kaya't kunh sino man ang sender niyan, he not be who I thought he is. For now, I'll just mark this off as wrong send.

Even if it has my name.

~

"Ano kayang magandang kunin na course?" Tanong sa akin ni Mara.

I smiled. "BS Physics?" Suggest ko. Agad niya akong tiningnan ng may 'are you effin' kidding me?' na expression. "Seriously? Hoy Samantha, alam mo naman na torture sa akin yang subject na yan! Halos nategok na ako sa mga solutions na kailangan pa ng 146 blackboard, tapos ayan pa ang isuggest mo sa akin, sa grade ko dung 79?! " Natawa naman ako sa reaction niya at humigop muna ng kape ko.

By the way, she is my bestfriend. Ma. Leonora Velasquez, since like.. nine months ago? So, ayan. Nandito kami ngayon sa Starbucks sa isang mall. Katatapos lang namin gumala kanina at bilhin ang buong mall nang mapagod kami at dumiretso rito.

"Edi Accountancy." Sabi ko.

At dahil umiinom siya ng kape, aksidente niyang nabugahan ng kape ang isang costumer sa gilid. "Ano ba miss?! Type mo ba ako?! Kung hindi mo nakikita ang gwapo kong mukha, siguro talaga ay bulag ka!" Galit na nagreact si Kuya with white, white polo shirt. Sayang yung polo! Pero infairness, hangin niya ha.. Agad na nataranta si Mara.

"Sorry po! Di na muulit! Sorry!"

Hay naku. Pinipigilan ko lang ang tawa ko. Umalis na ang galit na Kuyang masyadong malakas ang signal, when she glared. "Ugh. Ikaw talaga Sam! Nagalit tuloy yung mamang poging-pogi sa sarili na akala mo naman di natisod sa durian ng face-first! Sige ka, baka magsuicide yun!"

Natawa naman kaming pareho sa kalokohan naming dalawa.

"Honey?"

Nanginig ako sa narinig kong boses. Lumingon ako at nakita si Mr. Belga na nakatingin sa akin. Joke.

Si Ricky lang pala.

He smiled at me. I fought the urge to roll my eyes. Agad siyang tumabi sa akin at umakbay ang ogag. "Sam, Sam, Sam.. parang gumaganda yata ang asawa ko ngayon ah!" Bati niya. Umirap ako. Gawd. "Hoy, tukmol! Sinagot kita bilang nobya, hindi asawa. Huwag kang feeling."

Tumawa siya ng malakas.

"Eto naman babe ko! Ang bitter!"

"Aba, at ikaw naman ay super sweet."

"Talaga, babe?" Tanong niya sa akin. Umirap uli ako, at feeling ko nakita ko na ang loob ng bungo ko sa sobrang drama ng aking pag-irap.

"Kulay pink na ba ang langit?"

Boom! Panes.

~

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top