Chapter Five
"Hayy... ang sarap talagang mabuhay!"
Pag-iinat ng loko kong boyfriend sabay akbay sa akin habang nakaupo kami sa may school bench sa likod ng college namin. Maaga pa kasi, kaya ayun, nananantsing.
Oh, at by the way, nagsimula na ang pasukan ng college one week ago, at HRM ang napili kong kunin. Sa kasamaang pala, ganoon din ang napili ni Ricky at two months na rin kaming magkasama.
"Hoy, bawal PDA, alam mo ba 'yun?" Sabi ko kay Ricky. Nginitian lang niya ako at hinila palapit sa kanya. "Haha! Nakakatawa ka talaga, babe! Ikaw talaga oh!" Tawa niya habang umirap na naman ako.
Seriously, ilang beses na ba akong umiirap?
Nakakapanibago kasi talaga. Hate na hate ko kaya ang mga lalaking arogante, feeling pogi, mayabang at corny. In short, mga lalaking, kalahi ni Ricky Santos.
"Sam, may itatanong ako sayo.." aniya
"Ano 'yun? Kung naaasiwa na ba ako sa pagkakaakbay mo? In advance, yes. Thanks for asking." Pagmamataray ko sa kanya. At oo, para akong nagsisising sinagot ko pa siya in the first place. Para tuloy akong engot dito na umaayaw sa kanya, eh ako itong sumagot ng sweet na yes.
"Hahaha! Bakit ba mahilig kang mag-joke, Sam? Twenty-three na tayo, para ka pa ring bata! Anyway, ang itatanong ko lang sana ay kung gwapo ba ako sa paningin mo, babe? Alam kong di ko na kailangang tanungin, but I need to hear it from you." Tanong niya. Napatitig ako sa feeler na katabi ko.
"So?" Tanong niya uli habang naka-smirk.
"Alam mo, Ricky, ikaw lang naman ang FPNSP eh. Kaya tigilan mo na ako." Tumayo ako at naglakad na sa class ko. Pero bago pa ako makalayo, ay tinawag niya ako.
"Anong ibig sabihin 'nun, Sam?! Fresh Papa Na, Sexy Pa?"
Tumigil ako at sinagot siya.
"Hindi. Feeling Pogi Na, Sinungaling Pa."
~
Nang makarating na ako sa room ko, ay agad akong naupo sa tabi ni Mara. Oo, HRM o Hotel and Restaurant Managment, din ang kinuha niya. Pagka-upo ko, ay binungad niya agad ako ng,
"Girl, alam mo ba na may pogi daw na transferee tayo ngayon?" Kinikilig niyang sabi sa akin habang naglalaro ng Flappy Bird.
"So?"
"So?! Hay naku naman, Sam! Di ka ba masaya para sa akin? May chance na akong magka-lovelife!" Sagot niya at sabay batok ko sa kanya ng mahina. Aba, matinde! Di pa nga kilala kung sino ang poging transfer, eto naman siyang may mga plano na!
"Aray naman.. an shaket nun ah!"
"Gaga. Ayan na si Sir, itago mo na 'yan!"
At naroon na nga sa harapan si Sir Carlos. With his usual bored, yet dead serious face. Tumandang binata kasi eh. Pero infairness, may hitsura. "Good morning class, we have a new transfer student by the way. Please, come in." Direkta niyang tawag sa may pintuan at sabay na nag-buzz ang cellphone ko.
Kinuha ko ito sa bulsa ko at binasa ang text na galing kay mama:
Anak, ang susi ng haus nsa auntie mo ha? Daanan mo nlang.
Magrereply na sana ako nang may bigla akong narinig na tilian! Aber, may artista ba? Daniel Padilla ba 'yan? Nagtype ako nga mabilis sabay bulsa ng phone ko nang kinalabit ako ng naglalaway na Mara. Anong problema niya?
"F-Friend, I think I'm in lababo!!" Bulong/sigaw niya sa akin habang may blush pa sa cheeks.
"Why?" Tanong ko.
"Well, take a look at that!" Turo niya sa harapan. Lumingon ako sa harap, at para bang natigil ang pintig ng puso ko.
"Hi, Samantha."
Ho. Meh. Gawd.
"S-Simon..?"
He's back!
Teka....
AT BAKIT BA ANG SUPER DUPER UBER PA SA MOVER, POGI NIYA?!
WHAAAATTT?!?!?!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top