Chapter Eighteen

Simon's POV

Nang makita ko si Sam na nakaupo katabi si Ate at nakatitig sa akin na para bang gulat na gulat, napa-smirk na lang ako.

Kumapit sa braso ko yung si...um...hindi ko na matandaan yung pangalan eh. Basta. At dahil dun, nakita kong mas naging evident yung pain sa mga mata ng ex ko.

Tama yan, Serdevilla. Masaktan ka tulad ng pananakit na ginawa mo dati sa akin. Magdusa ka.

"S-Simon..." Narining kong bulong niya. I sighed. This is too amusing. Nilingon ko yung babae at hinalikan sa noo. "Sweetie, akyat ka muna sa taas. Wait for me, ha?" Nag-giggle naman siya at umakyat na nga. Tsk. Typical girl.

Bumaba na ako ng hagdan at binato naman ako ni Ate ko ng T-shirt bago ako naupo sa may couch katapat ni Sam. Masama yung tingin niya sa akin.

"Mahiya ka nga! Magdamit ka."

Sinamaan ko rin siya ng tingin. Akala mo naman kung sino itong nasusunod. Tsk. Kapag nakuha ko na yung condo unit ko next week, aalis na talaga ako sa bulok na pamamahay na ito. Di naman talaga ako nababagay ito.

Buti na lang at yung parents namin ay napag-alaman namin na mga dating negosyante at marami pala silang naiwang pera para sa amin sa kanlinang bank accounts.

Mabuti naman talaga at nagkasilbi pa sila.

Balik tayo sa kasalukuyan,

"Eh, kung ayokong magdamit? May magagawa ka ba?"

Nag-sigh naman si Ate Shane at tumingin kay Samantha. "See what I told you, Sam? Anyway, lalabas muna ako. Di na kasi ako makahinga dito eh." At tumayo na nga siya at lumabas ng bahay. Tsk. Anong paki ko sa kanya?

I am already at a right age. She can't manipulate my life anymore.

Inihagis ko yung damit ko sa kung saan man at tumingin kay Sam. Samantha.. I have to admit that after all these years---okay, after 1 and some more than a half year lang-- she still looks gorgeous. Pero, I now better than to be deceived by her sinful charms.

"Sam,"

"Ganyan ka na ba talaga, ha?"

Napa-ngisi na lang ako uli. Same old short-tempered bitch I used to know. Pero, ewan ko ba. Mahal ko pa rin siya hanggang ngayon. Pero, I leave those feelings aside kasi revenge is what I want most now.

My number one priority.

"What? Pwede ba, maging specific ka naman kahit minsan, Sam? You're already looking like some weirdo."

And I think I hit a nerve there. Hard.

"Damn you, Simon! Pinapunta mo lang ako dito, para ano? Makita yang inuwi mong babae?! Para masaktan ako na naman, ganun ba?!"

I sighed. Ito ang hirap sa kanya eh. Bungangera.

"Buti naman at na-comprehend mo." Sabi ko na lang sabay lean sa may sofa. Parang sa mga tingin niya, gusto na niya akong patayin ah. Good.

"At akala ko ba may sakit ka?! Alam mo, ang babaw mo! Ang kapal kapal ng mukha mo, dinaig mo pa ang kalsadang aspaltado!!"

Hinayaan ko na lang siya. Anong pake ko? Ang amusing kaya niyang tingnan, lalo na ngayong umuusok na yata ang tainga niya. Haha. That's Sam, alright. Come on, show me your true color...

Pero imbes yata na magalit ko pa siya, ay nagulat na lang ako nang umiyak siya.

Darn it. Hanggang ngayon kasi, may soft side pa rin ako sa kanya lalo na kapag umiiyak siya.

"S-Sam! Wag ka nang umiyak, please? Nandito naman ako eh... Lagi lang ako nandito sa tabi mo. Hindi kita iiwan." Sabi ko noon kay Samantha nang nadatnan ko siyang umiiyak sa may sala nang bumisita ako sa bahay nila.

Iniangat niya ang mukha niya at ngumiti. Nagkunot naman yung noo ko.

"B-Bakit?"

"Eh, kasi Sim.. Umiiyak ako dahil sa namatay yung character dun sa pinapanood kong teleserye! Ang cute mo naman.. Haha. Okay langa ako."

I heaved a sigh of relief at niyakap siya.

"Buti naman. Basta, kahit gaano pa kaliit o kalaki yang dahilan ng pag-iyak mo, Samantha, I will always be here for you... I love you po."

"Haha.. Ang sweet mo talaga Simon! I love you more."

Nag-snap back to reality ako nang may naramdaman akong bagay na tumama sa may noo ko. Pagtingin ko...

"O, ayan na yung pinabili mo! Kahit after everything, mabuti na lang at alam ko pa rin yung klase ng Gatsby na gusto mo!!"

At padabog na siyang lumakad palabas ng bahay at binagsak yung pinto.

Pero kahit ganun, nakita ko pa rin sa mga mata niyang puno ng luha na,

Nasasaktan siya.

Nakokonsenya na tuloy ako.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top