surprise

Monday. Birthday ng kaibigan mo at nagpasya kang surpresahin siya. Um-absent ka sa eskwela at nagsinungaling sa iyong nanay na masama ang iyong pakiramdam.

Nang nasa trabaho na ang pareho mong magulang ay saka ka nagpasyang bumili ng mga kakailanganin mo. Dekorasyon, pagkain, at ang ipangreregalo mo. Excited at kinakabahan ka dahil unang beses mo itong gagawin para sa iyong kaibigan.

Kinahapunan, isang oras bago umuwi ang kaibigan mo ay nagtungo ka sa bahay nila. Kinausap mo ang nanay niya para sa pinaghandaan mong plano at pumayag naman ito. Hindi ka na nahirapan dahil kilala ka naman nito. Napangiti ka bago magsimulang ayusin ang lahat.

Nag-sulat ka ng malaking 'Happy Birthday!' sa banner na binili mo, matapos noon ay inayos mo rin ang regalo at cake na para sa kaniya.

Nang marinig mo ang pagdating niya ay dali-dali ngunit maingat mong itinago ang cake sa drawer. Nagsuot ka rin ng party hat bago hawakan ang banner at magtago sa ilalim ng kama niya.

Bumukas ang pinto ng k'warto at kinabahan ka. Nakita mong pumasok siya kaya lalabas ka na sana, kaso ay apat na paa pa ang sumunod na pumasok sa loob. Nakakapagtaka, sabi mo sa iyong isip.

Nahihirapan ka na sa pagtatago pero nagtiis ka.

"Buti hindi pumasok yung kaibigan mo. Kami lang tuloy ang maililibre mo ngayon!" saad ng isang babae. Napakunot ang iyong noo.

"Oo nga. Pabigat 'yon, eh!" dagdag pa ng isa.

Nagpatuloy ang dalawa sa pag-uusap ng masama patungkol sa 'yo habang walang kibo ang kaibigan mo.

Naiiyak ka sa inis dahil wala kang magawa at hindi ka man lang ipinagtanggol ng sarili mong best friend.

Pero mas nadurog ka nang tuluyang sumagot ang taong dapat susurpresahin mo, "She's not my best friend. Alam niyo na, lumalapit lang ako sa kaniya dahil matalino. Source of answers ko 'yon kaya hindi ko maiwan. Hahaha!"

Matapos noon ay saka mo napagtanto ang isang bagay. Hindi lahat ng kaibigan mo ay kaibigan din ang turing sa 'yo. Okay na sa kakaunting tao, basta masisigurado mong tapat at totoo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top