freed soul
“Sana’y namatay ka na! Wala kang silbi!” sigaw ng kaharap mo.
Nanatili kang tahimik at nakatungo— nakatingin sa mga pasa at sugat na iyong natamo. Pagod na pagod ka na sa lahat.
“Aba! napipi ka na rin ata riyan? Ay! nakalimutan ko— oo nga’t pipi ka namang talaga,” tumawa nang malakas ang kaharap mo bago ka sampal-sampalin at itulak nang malakas sa pader.
Nag-uunahang tumulo ang mga luha sa mata mo dahil sa awa sa sarili. Hindi mo na kaya. Wala kang lakas para lumaban, wala kang magawa, nanghihina ang katawan at kalooban mo.
“Para magkasilbi ka bata? Ito ang gawin mo," inabot nito ang kutsilyo sa harapan mo bago ngumisi nang malaki, “Pakamatay ka na! Hinihintay ka na ng nanay mo hahaha!”
Mas lumabo ang paningin mo ngunit nagawa mong tanggapin ang kutsilyo. Pinunasan mo ang luha sa iyong mata bago harapin siya. Dahan-dahan mong inilapit ang patalim sa leeg mo na siyang ikinatawa niya pa lalo. Tumigil ka. Mas bumuhos ang mga luha mo. Gusto mo siyang sundin dahil tama ito— wala siyang silbi, ngunit may mali... may pumipigil sa kaniya.
Napagtanto mo ang lahat ng bagay at naalala ang lahat ng nagawa sa iyo ng mundo. Matapos noon ay ngumiti ka nang matamis at hinarap ang kausap.
Imbis na sa iyo mo gamitin ang kutsilyo, ay isinaksak mo ito sa nasa harap mo. Pinagmasdan mo ang pagbuka ng bibig nito sa gulat bago maglaho sa kawalan. Napangiti ka dahil alam mong tagumpay ka. Wala na ang demonyong matagal na nagpahirap sa ‘yo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top